oh wait.. how bout AYALA? SINTEL lang ba ung nasagap kong mali? oh wwait its a multinational company.. oh wait again it is owned by Temasik Holdings.. oh wait owner is singapore government...
but thanks.. genius
- - - Updated - - -
Kaya nga mali ka. Puro mali na lang pino post mo. Wala ka ng integridad at wala ng maniniwala sayo. Sinabi ko naman ang SINGTEL ay Singaporean kaya nga SINGTEL kasi Singapore Telecoms Limited hindi Uncle Sam or US based company. Dahil Singapore based yan syempre majority stockholder dyan ay yong TEMASEK Holdings ang investment arm ng gobyerno ng Singapore. Wala namang problema dyan, kahit magsusyo pa sila ni Ayala basi sa 60-40 na investment sharing ayon sa Saligang Batas, basta ang may kontrol ay Pilipino.
Ang hirap sayo tinutuwid ka na nga, pinipilit mo pa rin yong mga mali mo. Matuto ka naman sana.
- - - Updated - - -
Yon namang sa pangalawang punto mo na mabagal ang internet at di maganda ang serbisyo. Ang katotohanan dyan ay kahit anong kumpanya pa yan, basta pribado talagang di masyadong maganda serbisyo at super bilis yong internet. Kasi nga negosyo yan. Pag sinabing negosyo kasama dyan ang PROFIT at costs. Sa bawat gastos ng kumpanya isinaalang alang din dyan yong kita o ROI (rate of investment). Sympre yong mga investors may mga targets yan. Isama mo pa dyan yong mga corporate officers nila na mahilig mag cost cutting para tuloy ambon ng kanilang mga perks, bonuses at increases.
Kung gusto mo bumilis at gumanda serbisyo dapat gobyerno ng Pilipinas ang magtayo. Kasi pag gobyerno, ang isinaalang alang ay ang PUBLIC SERVICE hindi ang PROFIT. Ang problema, pag gobyerno ng Pinas ang sinasabi eh wala syang track record na maganda puro korupsyon, red tape at inefficiency ang nakalista. Ibang iba sa ibang bansa na talagang maganda ang serbisyo nila sa publiko.
Kaya kahit China Telecom pa yan at MislaTel, sa una lang yan mura at magandang serbisyo kunyari. Pag nagtagal lalabas din ang umaalingasaw na baho nyan. Kuha mo?