Ito ang mga ginagamit ko ngayon. Di ako low sensitivity, kaya di rin ako masyadong particular sa mga sensors. Pero napakahalaga sa akin ang size at design ng mouse kasi
claw grip lang ang ginagamit ko. Di ko kaya ang mga malalaking mouse. Nung naghahanap pa ako ng mouse, napansin ko na ang ideal mouse ko ay less than 115mm ang length. Ang benchmark ko ay ang ginagamit ko that time na CM Storm Spawn.
CM Storm Spawn
Ito ang paborito kong mouse. Tamang-tama ang size at napaka-angkop ng design para sa claw grip user na tulad ko. Masarap hawakan at napaka-comfortable ng ring finger rest. Isa lang reklamo ko dito - hindi matibay. From the get-go, magdududa ka na sa scroll wheel. Di mo alam kung saan ang punta. Madali ring mag-fade ang coating. Dami nang pinagdaanang giyera 'to: Mass Effect, Dragon Age, Diablo 3, Company of Heroes, GTA, Tomb Raider, etc. After 4 years, bumigay din ang left click (double click na lagi). Dalawa ang binili ko nito. Gumagana pa yung nasa larawan. Yung isang Spawn ang dumaan talaga sa giyera at may molds na. Haha.
CM Storm Xornet II
Ito ang successor ng Xornet I at Spawn na nagkataong may binibenta sa Lazada. Sa Amazon sana ako bibili, kaya lang doble ang gastos para sa US$30 na mouse sanhi ng shipping. Since natuto na ako sa Spawn, di ko na 'to gingamit pang gaming. For everyday use ko na lang ito sa laptop. Na-improve na ng Cooler Master ang scroll wheel niya at nilagyan na rin ng RGB gimick. As always, masarap ang grip nito para sa claw grip users. 5 months pa lang sa akin.
Logitech G300S
After 5 months of use, di ko pa rin maintindihan ang grip nito. Napaka-awkward, pero ginagamit ko pa rin for browsing. For everyday use ko ito sa desktop. Surprsingly, napaka-smooth ng scroll wheel nito.
Logitech G303
Ito ang mouse ko sa desktop kapag naglalaro ako. Maganda ang build quality at mukhang magtatagal ito sa mga click-fest games ko. Kahit hindi ideal ang grip, okay lang kasi for games ko lang naman gagamitin. Since na-divide ko na ang task ng mice ko for gaming and for everyday use, I expect na magtatagal ito sa akin. 10 months so far.
Razer Orochi 2013
Ito ang ginagamit kong mouse para sa PS4 (wired mode). Isa ito sa mga compatible mice ng adapter na ginagamit ko (XIM 4). Okay sana ang grip at matibay ang build quality, kaya lang masyadong maliit for long term use. Sumasakit kamay ko nito kapag nagba-browse kasi parang gustong tumakas. Kaya dapat higpitan ang grip. Di ko rin gusto ang laging nagpapalit ng battery at ang standby mode kapag di ginagamit. About 3 years so far.