Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

'Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan'-FEM

xDigoyx

The Devotee
Advanced Member
Messages
324
Reaction score
1
Points
28
'Sa Ikauunlad ng Bayan, Disiplina ang Kailangan', ito ang naging 'slogan' noon ni dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos para sa kanyang bagong tatag na kilusang bagong lipunan o KBL. Marami sa mga kabataan ngayon ang hindi alam ang programang ito ng nagdaang administrasyon at napangiti pa nga ako dahil marami sa ating mga taga symbianize ang paulit ulit na isinusulong ang 'disiplina' na solusyon daw para sa ikauunlad ng ating bayan. Marahil nga ay may punto sila o di kaya ito lamang ay isang repleksyon kung gaano lang kababaw ang kanilang pananaw. Ang tanong: Kung disiplina ang kailangan, bakit nga ba di ito nagawa ni dating Pangulong FEM sa kanyang kapanahunan?

Narito po ang aking mga kadahilanan bakit nga ba hindi epektibo ang disiplina sa bansang Pilipinas:

1.) DEMOKRASYA
Di talaga eepekto ang disiplina sa bansa na purely democratic. Wala pa akong nakitang demokratikong bansa na disiplinado ang mga tao, kahit nga Amerika na isinusulong ang demokrasya ay puno ng mga taong walang disiplina at bastos. Kahit nga sa South Korea na sinasabing demokratikong bansa ay puno ng walang disiplinang mamamayan. Sa Singapore naman, ay sinasabi nating isa silang 'hybrid democratic', dahil may konsepto ng demokrasya na hindi naman nila sinusunod at kung titingnan mo ang kasaysayan ng bansa, makikita mo na ang bansa ay dumaan din sa pamumuno ng isang diktador o 'benevolent dictator' na si Lee Kuan Yew na nanggalilng naman sa makakaliwa.

Bakit nga ba hindi uubra ang 'disiplina' sa bansang demokratiko? Ang sagot ay sa kadahilanang ang mga tao ang nagtatakda ng kanyang gobyerno. Kaya kung ang mga tao ay may reklamo sa kanyang gobyerno eh pede niya itong kasuhan, mag protesta, o batikusin. Kaya kita mo naman kabila kabila ang mga imbestigasyon sa Kongreso at media blitz.

Ang 'disiplina' ay angkop lamang sa mga bansang 'authoritarian' o 'autocratic', gaya ng North Korea at China dahil ang namumuno at ang kanyang gobyerno ay kayang kontrolin ang kanyang mga nasasakupan.

2. KULTURA

Bakit ba nasabi nating hindi uubra ang 'disiplina' dahil sa kultura natin? Kasi nga ang mga Pilipino kahit nuong unang panahon ay mahilig ng magrereklamo. Makikita mo sa ating kasaysayan na halos lahat ng dako ng Pilipinas ay may kanya kanyang namumuno at bawat rehiyon ay may kanya kanyang kaugalian, tribu, tradisyon, relihiyon at pananaw. Kaya di talaga magkakasundo sundo, kasi nga halos lahat ay gustong maging pinuno at magpasikat. Tingnan mo na lang, hindi nga sinanto ni Emilio Aguinaldo si Ka Andres Bonificio na pinuno pa ng katipunan. Papano naman yong nangyari kay Heneral Luna na pa traydor na pinatay ng mga kababayan natin? At yong mga 'Makapili' na mahilig makipag sabwatan sa mga Hapon noong una? Eh, ngayon 'Tsekwa' na ba? LOL...

3. KORUPSYON

Ayaw talaga ng Pilipino ng 'disiplina' sapagkat pag may disiplina nababawasan ang korupsyon. Nasa dugo na ng mga Pilipino ang pagiging korup noong unang panahon pa man. Noong dumating ang mga Hapon at Amerikano ayaw na ayaw ng mga elitistang Pilipino sa kanila kasi di sila kikita at sisikat. Kaya ang ginawa nila ay gumagawa sila ng mga sari-saring kuwento para siraan yong mga dayuhan at pag may mga pagkakamali silang nagawa ay sini 'sensationalize' o pinalalaki ito at ginagawang isyu. Tulad ng mga isyung ang mga Hapon daw ay istrikto, kesyo di ka daw pede maka punta agad-agad sa CR. Na ang totoo naman pala ay kaya pala istrikto yong mga Hapon ay dahil pag nagpunta na sa CR ay doon na pala nagtsitsismisan at ang iba ay matagal pang bumabalik sa trabaho. LOL. Yon namang sa mga Amerikano ay naging isyu din yong pasahod na bakit 'per hour' daw yong suhulan eh dapat daw 'per month' yong pa sweldo. Kaya nga makikita mo sa batas natin ay 15/30 ang pagpapasahod. Ang totoo pala nyan ay ugali na natin ang 'procrastination' na pinapatay natin yong oras ng pagtatrabaho sa mga hindi produktibong pamamaraan. Kitang kita mo yan sa mga nagtatrabaho sa gobyerno at pribadong sektor na kahit oras na dapat ng trabaho ay ayon yong mga kababaihan na nagtsitsismisan at nagmi make-up pa rin sa restroom. LOL!

4. UTO-UTO AT EMOSYONAL

Paano nga ba na ang disiplina ay hindi uubra sa mga mamamayang emosyonal at uto-uto? Kasi nga pag emosyonal na ang isang tao, hindi na nito iniisip kung ano ang tama. Halimbawa, nung binitay si Flor Contemplacion sa Singapore dahil sa salang pagpatay sa kababayan nating si Delia Maga at sa isang batang Singaporean ay halos lahat ata ng mga Pinoy ay umiyak at galit pa ata sa gobyerno ng Singapore. Por Diyos Por Santo! Nakapatay yong tao at dalawa pa, eh, galit pa ang mga kababayan natin na binitay siya! Yong mga namatay dito sa atin na umabot na ng mahigit 9,000 eh wala man lang dalamhati yong ating mga kababayan. Yong si Aling Gloria at Napoles ay napawalang sala pa sa plunder case at balak pa ata gagawing 'State Witness'. Nung mamatay ang SAF44 ay sumaludo ako sa kanila dahil sa kanilang kagitingan at dahil nagawa nila ang kanilang mission, 'mission accomplished' ika nga. Aba! Biglang nagsisisihan at parang mas mi alam pa ata ang mga nakakarami nating mga kababayan kesa sa mga sundalo natin. Di ko talaga maintindihan tayong mga Pinoy, mahilig tayo magrereklamo na dapat masupil na yong mga terorista at ngayon may nagbuwis na nga para masupil sila ay reklamo ng reklamo pa rin tayo. Ibig bang sabihin pag medyo marami ng namatay sa mga sundalo natin dapat back to barracks muna sila? At pag lumamig na ang kondisyon ay raratsada na naman? Papaano natin magagapi ang ASG at ISIS nyan? Kung kwekwestyonin lang natin palagi ay ang dami ng nalalagas sa ating hanay, na parang gusto natin ipakita na dapat ang mga kalaban lang ang dapat nalalagasan dahil sila ay isang mga uhugin at di nag-iisip. Sa mga Amerikano nga, marami ngang namamatay sa kanila di na nga mabilang, Vietnam war, Afghanistan war, Iraq war, etc. pero wala man lang akong narinig na buong bansa nila ay nagrereklamo at pinatitigil na ang pakikidigma.

OO, uto-uto din ang karamihan sa atin. Tingnan mo naman yong mga Kadamay na fans club ng Pangulo ay bigla sinugod yong mga pabahay ng NHA at kunonsente pa ng Pangulo. Akala ko ba na 'Observance of the law is no longer optional'? Eh, parang kinain lang ata niya yong sinasabi niya noong pangangampanya. Dito sa Davao, nadi demolish yong mga squatters pero pag sa Maynila ay okey lang?


5. POPULASYON

Syempre, malaking factor din sa disiplina ang populasyon. From the practical point of view, the higher the population, the more men-in-uniform you need to monitor discipline. Problema wala talagang disiplina mga kababayan natin na mahilig mag-aanak na hindi naman kayang pakainin, kaya lolobo talaga ang populasyon. Ang problema, wala tayong batas na naglilimita sa pagkontrol ng populasyon at ang problema din pag nagkasala yong mga 'minors' dapat din sana maparusahan yong mga magulang dahil hindi nila napapangalagaan ng tama ang kanilang mga anak. Dapat din sana na higpitan ang batas sa, 'Anti-Child Labor', na ang bata ay di kayang suportahan at pinagtatrabaho pa ay dapat nasa kustodiya siya ng DSWD at ang kanyang mga magulang ay dapat makulong at dumaan sa corporal 'ligation' at 'vasectomy' pag napatunayang nagkasala.


6. EDUKASYON

Bulok ata ang sistema ng edukasyon natin kasi hanggang ngayon wala pa ring disiplina ang mga tao natin sa bansa. Sinasabing 98% ang literacy rate natin pero ang alam lang ata ay ang pagfi facebook at pagtsitsismis sa twitter. Makikita mo kahit pagtawid sa mga kalsada ay di dumadaan sa tamang tawiran kaya mahilig sa 'jaywalking'. Ang karamihan pa sa mga violators na yan ay mga high school graduates, college levels at meron pang mga college graduates. Kahit nga sa pagtapon ng basura kahit pa may PhD ay nagtatapon kahit saan-saan. Tingnan nyo lang pag may event gaya ng concert, rally at iba pa, ang daming basura na tinatapon kahit saan mo makikita. At mahilig din sumingit sa linya yong mga kababayan, diskarte daw parang mentos. LOL!

Kaya, disiplina nga kaya ang kailangan natin o baka kailangan lang talaga palitan na ang lahi natin sabi ni JPE? :lol:
 
Back
Top Bottom