Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Sa mga may Net Shop SIMPLE MOUSE REPAIR TUT

fabzkie

 
 
Proficient
Advanced Member
Messages
269
Reaction score
1
Points
28
Ginawa ko po ito para dun sa mga nag titipid o may net shop para di bili ng bili ng mouse..

:salute::salute::salute:

hit :thanks: nalang po kung naka tulong...

pwede po kayo mag tanong
pwde po rin kayo magdagdag ng info para parihas po tayo na matuto.. :thumbsup:

http://www.mediafire.com/?95xsa1aabn6rc33
http://www.mediafire.com/?88lme9l4165e0hp

MOUSE REPAIR TUT

1st.PROBLEM:
USB DEVICE NOT RECOGNIZED, NOT WORKING (LEFT, RIGHT, CENTER BOTTON, SCROLL & MOUSE POINTER)
Possible cause:
1. putol ang data cable
2. Nakaangat na hinang ng data cable
3. Defect na ceramic crystal oscillator o nakaangat na hinang (cold solder) Ung mouse ko po ay wala nito..
4. Defect usb MCU chip
Solution:
1. Resolder
2. Replace ceramic crystal oscillator or resolder pag nakaangat lang
3. Replace MCU chip if may mapagkahoyan
4. Pag ang putol ng cable ay nasa may dulo o yung malapit sa board eh cut nyo lang po ng mga kalahating dangkal tapos hinang ulit,pero kung ang putol na ay nasa kabilang dulo replace cable napo tayo jan.
View attachment 132363

View attachment 132324
Note: sa pag replace ng usb cable.. hindi po lahat ay may kasing kulay ng wire o mag ka color code.. see picture below.. para po malaman kung ano ang tamang connection sa board gamit ang tester range to 10V dc common po natin ang positive prove check po natin ung 3 wire na natitira, reading with 5v means yun po ung supply nya reading with 4.8v means yun ung data nya bale 2 wire po jan ay dapat mag read ng 4.8 at isa with 5v.

View attachment 132325 View attachment 132326

Q: Pano malaman kung aling wire ang ihihinang sa board pag walang nakasulat na G,D- ,D+,V or DCVG gaya ng sa board ko.
A: Hanapin nyo po ung hole o pinaghinangan ng wire na naka connect sa capacitor,mapapansin nyo po na ung electrolytic capacitor ay may polarity + and – un po ang sundan nyo para malaman kung saan eh coconnect ung ground wire dun pos a hole kung san naka connect ang – sign ng capacitor.
Pag nag replace po kayo ng cable tapos not recognized at alam nyo naman po na good yung cable nyo,posibleng baliktad lang po ung data nyo.. pag balikatarin nyo lang po yung hinang.
View attachment 132365
Note: (pano malaman kung may cut ang cable? Gamit ang analog multimeter/tester pwede po nating sukatan ang apat na wire trough voltage test). Range nyo po ang tester nyo sa 10v dc tapos sukatan nyo po bawat isang wire. Kung naka usb type po kau na mouse common po ang red o +5v. Sa standard color code na usb calble ang red ang + at block ang negative o ground white ang data – at green ang +data. (pagsusukat isaksak sa usb port ang cable at sukatan ng voltage ang bawat wire bago isaksak siguadohing di magkakadikit ang apat na wire. Positive test probe ng tester o ung red test probe sa red na wire ng usb cable tapos black test probe sa black usb wire. Dapat may output po sya na 5v dc, pag wala may putol ang isa sa kanila. Pano malaman kung alin sa kanila ang may putol? Ilipat ang black probe sa +data at ang red parin sa red sa kadahilanang common po ung red. Dapat po may 4.8 volts po sya na out pag wala malamang ung red po ang may cut.. para makasiguro ilipat po natin sa –data ung black probe at dapat may 4.8v din po sya na reading.
Kung ang isa naman po sa mga data ay walang 4.8v o maba ung reading isa rin po yan sa mga nagiging sanhi ng usb device not recognized at not working problem.maliban po sa nakaangat na hinang.




2nd. PROBLEM:
MOUSE POINTER NOT WORKING

Possible cause:
1. Sira o pundi na LED ( no led light)
2. Cold solder sa paa ng led
3. Sirang resistor (bihira lang po masira)
4. Defect usb MCU chip
Solution:

1. Replace LED
2. Resolder lang pos a paa ng led
3. Replce resistor
4. Relace MCU chip

Note: how to check LED (gamit ang tester range nyo po sa x1 ohm tapos sukatan nyo po yung dalawang paa, dapat po umilaw ung LED. Pag di po umilaw baliktarin nyo lang po dapat po umilaw yan.. pag ayaw parin ibig sabihin pundi na ang led nyo. Tym to replce..

View attachment 132367 View attachment 132366


NOTE: SAME PROCEDURE LANG PO SA PAG REPAIR NG PS2 TYPE NA MOUSE MALIBAN SA DITO..

paki correct nalang po if may mali po sa post ko.. :thanks: po..

USB TYPE: COMMON RED PROBE NG TESTER
PS2 TYPE: COMMON BLOCK PROBE NG TESTER

Next nalang po yung KEYBOARD REPAIR.. mag tatrabaho po muna..
 

Attachments

  • images.jpg
    images.jpg
    3.1 KB · Views: 156
  • 6944434_f520.jpg
    6944434_f520.jpg
    15.1 KB · Views: 151
  • 6944453_f520.jpg
    6944453_f520.jpg
    21.5 KB · Views: 162
  • 1.JPG
    1.JPG
    46.3 KB · Views: 140
  • 2.JPG
    2.JPG
    79 KB · Views: 128
  • 3.JPG
    3.JPG
    39.6 KB · Views: 127
  • 4.JPG
    4.JPG
    47.6 KB · Views: 127
Last edited:
Nice share Sir. Try ko hanapin yung sirang mouse ko baka mapagana pa. Many thanks.
 
Nice share, BM muna for future use, hilig din ako magrepair ng mga ganito kahit mura lang pamalit eh, hehe... thanks!
 
ok 2 gngawa ko din 2 s mga sira mouse ko d2 s shop eh lagi nsi2ra ung clicking kaya dae ko reserba hahaha pra pag n sira palit lang laki 2long n2 lalo n s mga my shop pra iwas gastos dn
 
bm ko mura ts,,,ala pang sira mouse...ko,thanks for sharing
 
wow! very useful ts ng hindi na bili ng bili ng bago.. :)
pano po ts pag ang right click at left click ang may sira?
 
Last edited:
wow! very useful ts ng hindi na bili ng bili ng bago.. :)
pano po ts pag ang right click at left click ang may sira?

pasensya na sir ngayon lang ulit nakabisita.. ano po ba ang problem ayaw mag function? pag yan po ang sira maaring cold solder po ang paa ng tact switch..hinangin nyo lang po o kaya palitan ng ibang tact switch pag di makuha sa hinang. pwede po kayo mangahoy sa ibang sirang mouse para makabuo po ng isang mouse.. :salute:
 
antay ko yung keyboard repair medyo hassle kasi yun eh thabks dito
 
Back
Top Bottom