- Messages
- 60
- Reaction score
- 1
- Points
- 28
May gusto lang po akong itanong at sana naman po masagot niyo hahahahahaha.
May kaklase kasi akong lalaki na kakaiba. Kakaiba siya di tulad ng ibang mga lalaki na kaklase ko. Siya yung type ng guy na hindi nagmumura, nag-aaral ng mabuti, matalino, matino etc. Okay naman din siya physically although di siya poging-pogi. Pero okay lang yon hahahahaha karamihan ng katangian na gusto ko sa isang lalaki nandon sa kanya. Hindi siya sumasama sa ibang group of boys na "pa-cool" ang kasama lang niya is yung isa ko pang kaklaseng lalaki na mabait rin. Kaya hinahangaan ko siya kaya ayon, crush ko siya
Paminsan naiisip ko na napaka-cheap ko naman kasi ewan ko feeling ko lang kasi ako yung nagkagusto sa lalaki eh dapat yung lalaki yung magkagusto sa babae. Pangatlong crush ko palang siya sa buong buhay ko. Hahahahaha o diba bilang na bilang Di rin ako nagkakaroon ng bf pa kasi ayoko pa di pa pumapasok sa isip ko yung mga ganyan focus lang ako sa goals ko muna at hanggang crush lang muna. Pero....
Kahit alam kong ayaw ko pa parang ayaw kong makuha ng iba yung crush ko ngayon kasi nga nasa kanya na halos lahat ng katangian na hanap ko. Ngayon, ang problema ko, nalaman ko na gusto niya yung kaibigan ko. Sino ba naman ang di magkakagusto sa kanya: maganda, mayaman, matalino, maputi, mabait. Ako naman panget? haha, matalino, di mayaman, mabait. Yun lang ang meron ako. Ang sakit sa pakiramdam grabe. Sabi sakin ng kaibigan ko na hindi naman daw siya interesado sa lalaking yon pero kahit na. Nai-inggit tuloy ako sa kanya. Crush ko ang isang lalaking may gusto sa kaibigan ko. Oh diba sakit
Bakit ba siya yung napili di nalang ako? Ano gagawin ko? Sakit eh... Paminsan naiisip ko ako nalang sana yung kaibigan ko. Kaya bumababa lalo self-esteem ko. Di ko naman hangad na maging bf ko siya. Not now. Ayoko lang na may magustuhan siyang iba.
Please guys help po