Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Sibling Rivalry..

kadalasan nga yung sa attention yan ng parents ang pinagmumulan...pero kahit ganun na may sari-asariling pagkakaiba ang mga anak ,,,dapat lang talaga na maging pantay at ipaunawa ung mga sitwasyon na sa palagay ng isa ay nadedehado na sya...dapat talga maramdaman nila pareho yung attention sa kanila pareho...walang lamang at walang paborito...at kung ano ang binigay sa isa dapat meron din ung isa or ung iba pang mga anak..
 
On my opinionInggit!!! Magulang ng instill sa mga isip ng anak nila. Di kasi pantay pantay treatment nila.

Ganyan sitwasyon ko ngaun. Kinatandaan na namin mgkapatid away na namin. Naalala ko last year nagka bell's palsy ako. Nag sasalita pa sya ng kung ano ano at ngpapaalaga ako. Kaya I grew stronger. Lahat na ng sinasabi ng tao sakin basta di nakakatulong Binge ako

Tinanggap ko na na mamamatay tayung mag isa, wlang mamamatay na may kasabay at aakyat sa langit ng may kasama ( as if sure sa heaven tau pupunta :lol::lol::lol:)

Nasanay na akong mgisa. May supporta at wala.

Basta kilala mo sarili mo at alam mo yung goal mo. Wag pa distract sa ibang tao kapatid mo man yan o hindi
 
Nag-iiba ang treatment ng mga magulang base sa reaksyon ng mga anak nila.

May anak na marunong mag appreciate sa simple o malaking nagawa ng magulang.
Merong anak na kahit puro effort ang magulang, hirap pang magbigay ng pasasalamat.
May anak na idolo ang magualng at hindi kung sino lang dyan.
May anak na idolo ang hindi nila totoong kilala kumapara sa kanilang magulang.

Mas nabibigyan ng atensyon ng magulang ang anak na naniniwala sa kanilang prinsipyo (regardless kung may pinag aralan man sila o wala) at hindi gaano o wala naman sa laging sumasalungat sa kanila. kaya ang away magkapatid ay nagmumula kung paano nila isinsagawa ang totoong pagtrato sa magulang.
 
Bully yung eldest namin, ikalawa kasi ako sa magkakapatid na lima then somehow nag adopt pa sila ng babae (youngest) kasi raw walang babae, natanong ko sa sarili ko nang magkaedad na ako, bat kaya gusto pa ng babae? Kami na lang kaya na mamahalin nila di pa ba sapat yung bigay nila ni Lord? Nagpumilit sila kasi raw sino ba naman daw mag aalaga sa kanila pag tumanda na? Babae raw maganda kasi nag aalaga ng husto, eh nung lumaki na at nagkaedad na ang adopted, nag aalaga ba sa kanila na ang adopted pa ang pabigat, walang galang, nagbibisyo, lakwatsera at mangungupit ng pera sa magulang??? You have got to be kidding me. Superior minded sila at wala akong magawa kasi nga raw "anak" lang ako. Noong maliit pa ako, sinabihan ko sila na wag magpatuloy mag aral, instead na sabihan ako ng anong mangyayari kung hindi magaral na malumanay na salita, hindi eh, inilagay pa nila ako sa sako na may bahid ng dumi ng manok, pinapalo at sinisigawan kaya sa takot nagpatuloy ako magaral. Matatalino sila na couple at nasa gobyerno nagtatrabaho. SHould still I love them because of what they did? I don't know. Sinabi pa nila na sila raw noon mahirap ang dinanas walang baon, siguro naman iba noon sa ngayon? Hindi naman siguro tulad ang noon sa ngayon so hindi dapat kami gagantihan. My mother was a "sugarol" ng mahjong, ano raw siya nag babaha ng pera bakit laging hinihingian? Pagpunta ko sa place ng pinagsusugalan nya, libo-libong pera sinusugal, ano tawag dun? Sometimes parents are not always right, di mo lang sila mapagsalitaan kasi feel ko wala ako karapatan at sila ang madaming alam. Pero noon pa yun, tama yung may nag post na takot mag invest, ganun ang ama ko, lagi lang nya ibinibigay ang pera sa simbahan para ano? Ma-save ang soul nya? How can u be so sure? Kaya nga madaming religion kasi wala tayo assurance kung saan tayo pupunta after death. Hays, madami pa mga bagay na dapat ko na e-share but time past sabi nga nila, di na raw yun e-recall pa muli, wag na raw iisipin, pano hindi maisip eh yun ang history, what history is will remain as history recorded in ones mind. Hindi na lang tayo basta2x malilimot ang mga bagay na un kasi tao lang tayo.
 
Last edited:
Most of the time dahil sa inggit. Kaya magbawas ng inggit sa katawan. Mas magandang makipagtulungan sa kapatid kesa makipag away.
 
Attensyon talaga.

Sa totoo lang.. ako bunso sa amin pero ang kapatid ko ang matalino.
umayaw ang kapatid ko sa pagaaral dahil lagi na lang sakin nakatuon na di ko naman alam na ganun pala nararamdaman nya.

Much better talaga if naguusap na lang kayo. gawin nyong best friend ang kapatid nyo.
 
Kadalasang pinagmumulan ng sibling rivalry (or kung minsan tinatagong pagkaingit at galit sa kapatid) is yung pagco-compare ng magulang sa anak i.e. bakit si kuya/ate mo ganito at ikaw ganyan lang ... things like that.

Tas sa mga achievements, pagpapamilya etc. lagi nalang pinagco-compara ang magkakapatid ... ung tipong hinahanap ung achievement ng isang anak dun sa isa .... ung mga "bakit si ... ikaw ndi" , " tignan mo si ... ndi mo kaya ba yon" .... mga ganung bagay.

Minsan (or should I say kadalasan) ang pagkakaroon ng sibling rivalry is nagsisimula sa magulang - masakit mang aminin at mahirap mang tanggapin - Parents are the root of having this sibling rivalries among their children.


I very much agree
 
favoritism ng magulang, ang simula ng sibling rivalry.

natural sa magulang ang magkaroon ng favoritism sa anak...

especially my parents, alam ko kung sino favorite nila.

The big challenge kasi sa pagiging parents ay ung itago mo kung sino ung favorite mong anak.

natural kasi sa atin, kapag may gusto tayo sa isang tao,

gusto natin na palagi natin sila kausap,

alam natin mga gusto niyang pagkain,

gusto natin sila palaging kasama...

Ganun din sa mga magulang...

Pero kung aware ung magulang na makakasira ito ng relationship between siblings.

Parents must try their best to hide their feeling of having favoritism within their children.

Pero minsan may times na hindi maiiwasan, they compare they children to each other.

Ganyan ang ikinu-kwento ng nanay ko sa akin,

nung bata daw sila, ang favorite ng magulang nila ay ung panganay at bunso.

eh, gitna ung nanay ko (4th out of 6 siblings)

hanggang sa manahan ng mga lupa, mas malaki ung binigay sa panganay.

kaya masama loob ng nanay ko sa tatay niya at sa panganay niyang kapatid.

taking that as a lesson, hindi niya hinayaan na mag-away kaming magkakapatid at matulad sa dinanas niya noon...

kaya kahit mahirap, hindi niya pinapahalata kung sino favorite niya sa aming 4 na magkakapatid.

kapag pinapagalitan niya kami, kung sino ang nag-aaway ay paparusahan ng palo... :slap:

"sino ang nauna?!" sabi ni nanay, eh, nagturuan kami. Lahat may palo.

Kapag may gusto si panganay, lahat meron din,... kapag kulang pagkain, hati-hati to equal parts walang dayaan (may timbangan pa)

taking that into consideration,

kung ikaw ay isa sa magkakapatid, iwasan niyo mag-away-away.

Kasi kapag dumating ung araw na wala na kayong magulang,..

kayo kayo lang din ang magdadamayan...

Don't make your parents regret na naging parents sila sa inyo.

Kahit na may pagkakamali sila, forgive them and don't rebel against them.

Ung ibang tao nga walang magulang, pasalamatan natin ang ating mga magulang.
 
Last edited:
Lahat ng pamilya may ganun pero I think of it in a different aspect... Kanya kanya galing sa specific skill set ang mga magkakapatid pero ang default na pinupuri ng nga magulang yung magaling sa academics, yung physically good looking. Bihira nila mapapansin yung may inherent talent gaya ng pag draw, yung pagiging street smart..etc.
 
Back
Top Bottom