Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

SINO ANG PiNAKAMAGALING NA PRESIDENTE NG PILIPINAS?

  • Total voters
    550
Lubog na ang Pilipinas 13 years bago pa lang siya bumaba sa pwesto. Ayaw niyang bumaba sa pwesto dahil ganid siya sa kapangyarihan. Inabolish niya ang 1939 Constitution na naglilimit sa pangulo sa 2 4-year terms. Inabolish niya ang Senate. Binago niya ang form of gov't from presidential into parliamentary system pero siya pa rin ang Head of Government sa halip na ang Prime Minister. Anong tawag dito? Hind ba ganid sa kapangyarihan?

marcos is not the deviance of the philippine political system... instead he is the apotheosis, meaning the best to be offerred ng sistemang pinoy. ang version natin ng US democracy applied to philippine values... pakicheck ang buong study sa isa pang thread ko...

anong napala natin sa 1987 constitution?? six year one term, too short for a good president and too long for a corrupt one....

bakit ayaw nyong parliamentary> gusto nyo sistema ngayon?? bakit? sino ba nirerepresent ng mga senator?? di ba sarili lang nila unlike ang lower house na may district and constituents??

anong napala natin sa sistema ngayon?? endless debate, ang budget proposal program ng executive itatapon ng congress, ang bill ng congress iveveto ng executive...

ika nga from the frying pan into the fire...
 
US democracy applied to Philippine values? Baka Italian fascism applied to Philippine values ang ibig mong sabihin. The Marcos government was anything but democratic. Marcos suspended and replaced the 1935 Constitution only to perpetuate his stay in power. Coincidence lang ba na nasa LAST year na xa ng LAST term niya nang i-deklara niya ang Martial law at ipagutos na amiendahan ang konstitusyon kung saan siya mismo ang nagdikta ng ilang mga probisyon dito? And this 1973 Constitution was supposed to provide a shift from presidential to parliamentary system but it was only parliamentary in paper but never in practice. It was still Marcos that exercised all executive and legislative powers. His parliamentary government never functioned as such thus was never proven effective. It was a militaristic and fascist dictatorship cloaked under the veil of constitutionality.
 
haven't you heard?? that's the kind of government and leadership the US wants in his partner countries
 
Well di ko makita sa post mo bakit mo xa idol nag copy paste kalang sa wiki at sinabi mo idol mo wala man lang bakit or paano...

Para saken mas ok na ung kay marcos pa din oo corrupt nga xa pero angat tayo eh ung iba nging presidente corrupt din pero di man ramdam pag angat ng pinas.

idol hindi ko din nakita yang tanong mo sa first page para sagutin ko respect na lang idol :lol:
saka wala naman sinabi dito na bawal ang copy paste? :slap: at nagbigay naman ako ng credits? :slap:

--------------------

Ramon Magsaysay
 
sa tingin nyu may magaling na panggulo ang bansa??!! bakit naungusan pa tau ng mga lugmok dati sa hirap na bansa gaya ng singapore at korea sa nakalipas na dekada wala ngang nagpaasenso sa bansa sa tingin ko mas karapatdapat bigyan ng papuri ung mga pinoy na lumalaban ng patas sa buhay ung kayos kalabaw tapos ung gobyerno natin ano ba naitulong? eh paupoupo nga lang ang mga baliw sa silya nila tapos mababalitaan mo na lang ang gagara ng mga bahay ang yayaman ta**** wala ng pagasa ang bansang to dapat magkaisa ang lahat ng pinoy patalsikin ang gobyernong pulpol
 
Nasa mentality ng mga tao at political culture un. Naimpluwensiyan ng western ideas ang Singapore at South Korea kaya umunlad sila. Maganda na ang kalagayan ng Pilipinas bago maupo si Marcos dahil kagagaling lang ng Pilipinas sa pagiging Commonwealth ng U.S.; naturuan tau ng husto ng mga Amerikano ng tamang pamamahala. Kaso sinira lahat un ni Marcos. Ibinalik niya ulit ang tyranny at corruption na minana natin sa mga Kastila na inalis naman ng mga Amerikano dati. Hindi uunlad ang Pilipinas hanggang hindi binabago ng mga tao ang mentality nila at ang political culture na meron tau ngaun. Nakabatay kasi sa "cult of personality" ang pulitika sa Pilipinas. Parang 'Diyos" ang tingin ng mga tao sa mga pulitiko, at ang palagay nila ung mga pulitikong un ang 'pag-asa" nila para makaahon sa kahirapan. Ganun ang political culture sa mga mahihirap na bansa. At si Marcos ang nagsimula ng political culture na un sa Pilipinas.
 
Ang tinutukoy mo a yung ugali ng mga tao under Goverment. Ang tanong po ay "Sino sa tingin mo ang pinakamagaling na Presidente?" Bawat tao may kanya kanyang pananaw. Tama yung sinabi mo kaso hind sa lahat ng pagkakataon tama dahil hindi lahat ng tao ay parepareho.
Sa totoo lang, tama sila, nasa history na si Marcos, at nakalagay din na mayaman na ang Pinas bago pa sya naging Pangulo pero mas mabilis ang pagyaman ng Pinas under sa pamumuno nya. P1=$2 average na laki ng Piso under ni Marcos. Di mo naman pwedeng sabihin na sya ang may pinakamaraming nagawa kasi 20yrs syang namuno. After nya nagsimulang bumagsak ang Pinas at hirap ng makabangon.
Lucky for him kung sya ang nakamana ng pagiging Commonwealth ng US at naging effective naman sa pagyaman ng Bansa. kahit mangongopya lang at least nakapagpayaman sa Pinas.
After ni Marcos, meron pang isa na nakapagpalaki rin ng Piso, Sa maniniwala kayo at sa hindi, si Erap yun. Nung na-impeach sya bumagsak na naman ang economy.
Mababa ang Crime rate dahil masaya sa Hweteng. LOL :)
Maraming naipatayong Commercial Buildings.
Kanya rin ang MRT3 kahit kay Marcos ang Plano at kay Gloria natapos.
Yun nga lang nagpauto sya.
 
I-research mo ang ekonomiya ng Pilipinas before at during Marcos administration. Php1 - Php2 ang dollar bago maupo si Marcos. Sa ilalim ni Marcos nagsimulang bumagsak ang halaga ng piso from P3 to P20 sa 20 years nang panunungkulan niya. Ung sinasabing "maunlad" daw ang Pilipinas nung panahon ni Marcos ay hindi dahil malago ang ekonomiya, mababa ang poverty, unemployment rate ng Pilipinas, etc., noon kundi dahil malaki ang inutang ng Pilipinas at nagreflect un sa GDP ng bansa pero kahulihulihan tau sa Southeast Asia pagdating sa economic growth. Malayo sa katotohanan ung sinasabing ng ilan na "second richest" country daw sa Asia ang Pilipinas nung panahon ni Marcos.
 
Pinakamagaling sakin si Noynoy. Ang pinaka worst yung Idol nyong si ferdinand Marcos hahahaha..
Marami daw nagawa e syempre 2o years ba naman. Ibigay mo yung 20 years kay Noynoy ewan ko na lang.
Tas $1 = 2php or $1= 1.50php nung panahon ni Marcos hahahahaha 1peso or 50cents gastusin mo sa panahon ni marcos malaking halaga yun hahahahah 1peso sampung takal ng bigas na yun (Lata ng NIDO)

San ba galing ang mga MILF MNLF at lahat ng gulo sa mindanao? Dahil kay marcos yan. At kahit papano inaayus ni noynoy ang ginawa ni marcos.

Ang nagsasabing the best na pangulo si marcos ay yung mga kabataan na hindi nabuhay sa panahon ni marcos. Kung mabubuhay lamang kayo nung panahon na yun malalaman nyo. ^___^ Malalaman nyo ang martial law at ang ibig sabihin ng kalayaan nyyahahahahaha ^___^
 
Last edited:

ganun po ba eh bakit sinasabi ng tatay ko at naririnig ko sa mga matatanda dito sa amin
 
MARCOS :)

Ano kaya pag ngayon sya ang pangulo?
baka katulad din sa China mahigpit sa mga website? walang google,facebook at iba pang social, waaah bka pati SYMBIANIZE wag naman!!! haahaa!!
 
Idineklara raw ni Marcos ang Martial law noon para mapigilang mangyari ang communism sa Pilipinas gaya ng nangyari sa China at ilang bansa sa Southeast Asia nung kasagsagan ng Maoism, pero halos wala namang pinagkaiba sa communist-dictatorship ang gobyerno niya. Dictatorship din ang form of government. Econocmic system lang ang naiba, naging "crony capitalism."
 
kung napanood mo lang sa youtube yung speach nya sa america, sinabi nya kung bakit sya nag declare ng martial law , dahil gusto sya patayin ng mga mayayamang negosyante , partikular na ang mga kumpanya na ginawa nyang pag aari ng Gobyerno , para sa mga mamamayan, kay mura ang kuyente noon, bigas, tubig ,upa sa bahay, at yung Metro Manila Transit noon ang daming naginhawaan na tao sa byahe, ngayon puro Private bus na , at mga PUJ o jeep na siksikan nakaka stress sa Byahe, dito sa Pinas ngayon , ang mayayaman lang ang yumayaman ang mahirap nananatiling Lugmog sa kahirapan ,

meron pang iba diyan ang gustong maging pangunahing Wika ay "English" wow naman , akala ba nila aasenso ang isang bansa dahil sa "English"?? ,, napaka bobo naman mag isip ng mga iyun, bakit ang daming bansa na umasenso hindi naman sila nag palit ng Wika nila!
 
let us first agree that NO ONE OF US WERE BROUGHT UP TO KNOW THE TRUE MEANING AND ESSENCE OF FREEDOM. galit kayo kay marcos dahil sa ginawa nya, but then again look at why he did it, it is because ang sistema nya ang nababagay sa kulturang pilipino....

anong kultura ito kulturang nabuo natin sa tatlong daang taon na pagkaalipin. tatlong daang taon na nakagawa tayo ng kakaibang kultura na kung saan masisigurado ang survival ng indibidwal at ng pamilya... do the math.... sa isang daan taon ilan henerasyon na ang produkto nyan....

masakit tanggapin si marcos lamang para sa akin ang nakita ang tunay na suliranin ng mga pilipino, hindi ito dahil sa mahirap ang bayan dahil likas na yaman lang ay kaya ng buhayin at maging progresibo ang bansa na hindi aasa sa ibang bayan.... ang kultura natin....

tatlong daang taon na ang perspektiba natin sa kalayaan ay ang makawala sa paghihigpit ng kung sino man, mapaamo ba yan gobyernong kastila o ng simbahan...

ang sinusunod natin na sistema ay mula naman sa isang bayan na ang perspektiba sa kalayaan ay ang kakayahang magampanan ang mga hakbanging para marating ang buong potensyal ng isang indibidwal... na ang kalayaan na ito ay boluntaryo nilang ibinigay sa kanilang gobyerno para maging porma ng karapatan, karapatan ng bawat indibidwal na pinaka rason kung bakit may gobyerno... na siguraduhin na sa pagganap natin sa mga karapatan natin ay hindi ito nakakahadlang o nakakaapak sa karapatan ng iba o ng estado...

pero hindi ganito ang perspektiba natin sa gobyerno... sa sarili natin bilang mamamayan, at bilang isang bayan.... ang katotohanan nananatili pa rin sa ating mga kultura na ang pagsunod ay nagmumula sa takot, na ang batas ay para sumupil sa karapatan, na mas mahalaga ang masiguradong nasa magandang lugar ang ating sarili at ating pamilya di bale na ang iba.

ngayon ikaw tatanungin ko... sinong pangulo ang tunay na nagbigay sa bayang pilipino ng isang bagay na napakahalaga at inagaw ng mga banyaga sa atin.

ang sagot ko wala.... dahil ang ugali ng ating pamayanan ay makikita pa rin ang dating sakit ng ating bayan... hindi pa rin ito magamot gamot... balik aralin nyo ang mga aklat ni rizal at makikita nyo na ang rason bakit hindi handa ang pilipino sa kalayaan... dahil di pa natin natatanggal ang mga katulad nina crisostomo ibara, donya victorina, kapitan tiago, na hayagang tinatalikuran ang kanilang role bilang nakakaangat sa bayan... mga katulad ng gobernador heneral , don tiburcio, padre damaso na nakapwesto at inaabuso ang kanilang posisyon....kaya di mawawala ang mga katulad ni elias, mga taong nasa ibaba na pagod ng maghirap dahil sa pagwawalang paki ng mga may kakayahang baguhin ang sistema.... dahil sa pagod at tiis na to nabubuo ang pag-aaklas at pagrerebelde.....

we have not yet fulfilled our full potential as a nation, for as of now we are still riddled with the most trivial and simplistic problem that plagued our forefathers even during the time before we had our freedom....

not unless we can change can we produce leaders who will represent the very ideal and positive strength of our nation.... kaya ang sagot ko...

HINDI PA NAIPAPANGANAK ANG PRESIDENTENG PINAKAMAGALING....
 
Ang sistema ni Marcos ay walang pinagkaiba sa sistema ng mga Kastila nung colonial period - nakabase sa corruption, tyranny, bureaucracy, repression. Naalis na ung sistemang un na ipinamana ng mga Kastila sa Pilipinas nung panahon ng Commonwealth. Ibinalik ulit ni Marcos at sinamahan pa ng "cult of personality" na ginaya niya sa mga fascist at communist dictator.
 
Back
Top Bottom