Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

SKY Skybroadband user pasok! [Post your Concerns Here]

Guys I have the 8 mbps plan and 1 month na ko hindi maka download ng torrents. Kayo din ba?
 
Mga master merun ba trick para sa skybroadband? or yung 2mbps gawin 8mbps? baka sakali lang po.:clap:
 
Ok naman skybroadband plan 8mbps samin. Taguig Area North Signal Village. yung tip ng nagkabit sa amin bayaran daw yung bills bago mag due date para hindi bumagal. sa unang month magbabagal yung internet bago mag a kinse or 15th day of month pero after nun ok na. pag nararanasan nyo mejo bumabagal net nyo, i unplug-plug nyo lang yung modem nyo.. sa mga hindi nakakadownload ng torrent wag kayo gumamit ng utorrent. ibang torrent downloader gamitin nyo. para sa akin mas ok to kesa sa ibang plan. unlimited download xa. unang month ko wala pang 10 days yung internet naka 100gb na kaagad ako ng dl ang DL speed ko 900+kbps sa dl kahit may nagstreaming or naglalaro sa gadgets ng online hindi napuputol ung dl. depende nalang sa server na pinagdadownloadan nyo., streaming mabilis xa. pero wag kayo umasa na stable ang internet connection lalo pag online gaming kayo kasi may times na mataas ping at hindi makapaglaro. na try ko na maglaro ng games na USA Europe Russian server. nsa around 300 ping. kung SEA ok pa. pero may delay ng konte kasi mataas yung dl speed nya pero ung upload speed mababa. kaya may latency talaga pero gulat ako dito sa plan 8mbps kahit 5 gadgets nag streaming tapos nag ppc mabilis pa din ang dl. Plan 1399 8mbps itong samin. simula nagkainternet ulit kasi last ISP namen witribe na nagsara na kaya ilang buwan kami walang net. nako walang pahinga si internet at si pc haha! dati madaling araw lang nakakalaro pero now kahit anong oras. So far ang na test ko pa lang na game ay Kritika Online SEA, Special Force SEA, Assault fire PH. mabilis pag ph server syempre. SEA server ok din. I'm planning to switch to 50mbps na 3k per month pag maayus na ung isang pc. yung nawawalan ng internet sa iba hindi ko alam siguro sa dame ng nag apply. dito samin kasi simula nawala yung witribe lahat lumipat sa skybroadband. monopoly na tong lugar namin yung pldt smart at globe sun puro ang babagal. hindi ako makapaniwala nung una na unlimited to eh. yung mga mahilig sa download ng games at videos jan kayo na magsasawa kaka DL hahaha hanap kayo madownload sa mega na site dun ma test nyo talaga speed ng net nyo. so far wala akong problema pati mga kapitbahay namin satisfied naman makakavideo call ka pa sa abroad. btw, 2months na tong amin turning 3months. basta alagaan nyo lang pagbabayad ng advance para mapasok agad sa database ng sky na bayad kayo para hindi idelay ng server ISP ung speed ng internet nyo. God Bless sa lahat lalo na sa mga gustong magpalit ng ISP.
 
Hi po, Im a sky broadband user ask ko lang kasi nanakaw yung modem router ko ginupit yung cable at charger ng modem, Sabi ng sky kailangan ireplace yung modem kaya lang baka abutij ng matagal, yung sister ko may modem din na kagaya nung ninakaw cisco dpc2320 kaya lang di ko maconfigure kasi di ko alam user at password. Nireset ko na yung modem pero ayaw pa din. Pano po kaya yun? Any suggestion?
 
6months na ko subsriber ng skybro, paminsan minsan na wawala ang net..pero overall satisfied naman ako..
 
Hi po, Im a sky broadband user ask ko lang kasi nanakaw yung modem router ko ginupit yung cable at charger ng modem, Sabi ng sky kailangan ireplace yung modem kaya lang baka abutij ng matagal, yung sister ko may modem din na kagaya nung ninakaw cisco dpc2320 kaya lang di ko maconfigure kasi di ko alam user at password. Nireset ko na yung modem pero ayaw pa din. Pano po kaya yun? Any suggestion?

username: (leave it blank)
Pasword: admin

ano balak mo gawin sa modem ng sister mo?
 
skybro subscriber here, 1399 bundle 3mb+skymobi, 1 month na, ok pa naman di pa naddc

before 3+ years subscriber nung 1.5mb plan, ok naman bihira magkaproblema

sta mesa area

View attachment 289736
 

Attachments

  • 5699190676.png
    5699190676.png
    30.5 KB · Views: 0
hi mga SYM. problema nyo ba si Sky Broadband...
swerte ung mga nag comment na good dahil walang problema sa area nyo.. pero sa susunod iiyak na kayo hahah joke..

kung ako sa inyo kung gusto kay Sky.. for Cable lang ok yan.. pero minsan palpak din depende sa area..
pero pagdating sa Internet.. wag na nakaparaming palpak si sky pagdating sa plan..
puro Noise Tracing. yan ang dahilan kung bakit intermittent ang connection nyo.. lalo na pag gabi wala ka ng connection blinking na lang ang modem nyo..
kapag nagkaroon ng Plant Trouble 2 to 3 days bago magawa ng Engneering.. taz 2 weeks bago dumating ang technician para ma check... kaya puro mura inaabot ko sa subs. haha

hindi ako naninira ng Company ko hahaha.. un po ang katotohanan... Field service Engr. ako ng Destiny na ngayon kay Sky na din..
 
Ok naman. 2 months na kaming subscribe sa broadband na ito wala naman naging problema. mabagal lang ito sa pag dl sa appstore ng apple sa gabi
 
Last edited:
Hi Po sa lahat,

Sky Broadband subscriber po ako since june last year. I did experience po na mabagal na connection pag dating ng gabi, normally po mga around 7-8PM until mga 11PM -12AM.

Ilang besis din po akong nag complain sa sky about po sa problema kasi hassle po sakin kasi homebase po work ko, kaya need ko nga stable connection. Ilang ulit din pununtahan ng tech nila ang bahay namin to check and they said wala naman pon problema sa physical connection namin(from pole to house). So nag insist po ako at gumawa nga video pra eh pakita sa kanila kung ga anu ka bagal yung connection pag gabi. One day may dumating na tatlong tech, yung dalawa nasa labas checking ang lines and then yung isa was checking the modem using his laptop. Tinanong ko yung tech na nag check ng modem bat ang speed test is consistent naman na 10 Mbps pero yung connection eh ang bagal then he just smiled at me. So prang na bad trip ako, sabi ko na need ko talaga ang stable connection kung hindi mawawalan ako ng client pag ganon I'll be force na mag cancel ng plan sa kanila at connect with other subscriber. Ayon nakulitn cguro sakin kaya this is what he explained to me:

Sky uses BayanTel system, so bali si sky nakiki ride on or share kay bayantel. So bali si bayantel ang main server ni sky, so every day may allotted bandwidth na allocated ni bayantel pra kay sky. That day na nag check cla pinakita nya sakin ang status ng server, naka connect cla sa dalawang server ng bayantel ang sagad na ang bandwidth ng dalawang server kung saan naka connect si sky kaya yun ang sabi nyang problema. they ask naman daw bayantel to allocate more bandwidth pra sa kanila pero it is still under negotiation daw.

So ganyan po ang nang yayari, pag bumagal na po ang connection nyo for sure max out na bandwidth ni bayantel.

Ang suggestion sakin ng tech is get a static IP pra stable yung connection ko pra walang hassle sa work ko. So I downgraded my plan to 999 3Mbps at kumuha ako ng static IP which is 700 a month. So far so good na after kung kumuha ng static IP, ala na akong na experience na down time sa connection ko. monthly ko ngayon is 1699. Ayos na compare mo sa globe or PLDT na 3Mbps plan which is at same price range ko ngayon, problem kasi pag public IP gamit mo makaka experience ka talaga ng downtime pag peak hours na. So kung 1500 yung plan sa globe or PLDT at kukuha pa aku ng Static IP a2butin ng 2k+ yung plan ko.
 
kumusta connection mo dyan pre? di ba talga nag dodown na? plano ko rin ipastatic sakin hassle kasi sa work biglang nawawala net eh
 
Sobrang bulok! Di pwede sa gaming ang sky! kung download speed okay sya pero sa gaming napakataas ng ping at packet loss.
 
Sobrang bulok! Di pwede sa gaming ang sky! kung download speed okay sya pero sa gaming napakataas ng ping at packet loss.

Tama sir. Di ko na nga alam kung pano ko pa malalaro LOL ko e. SobrNg lag lalo na pag gabi. Sa umaga naman minsan bigla naDDC modem.
 
Sa akin naman sir DOTA 2 naman minsan tumataas ping pero stable naman wag lang tlga maglaro pag umuulan for sure DC agad modem ni sky
 
paano ko po pababain or hatiin ung mag gamit ng wifi?

halimbawa nag dodota 2 ako, pag nag youtube or nagdownload sa cp (naka connect sa wifi) kinakain na ng youtube/download ung internet, lag na ko sa dota, paano ko po kaya mag lilimit ung download at youtube? para di mag lag sa dota2?
 
paano ko po pababain or hatiin ung mag gamit ng wifi?

halimbawa nag dodota 2 ako, pag nag youtube or nagdownload sa cp (naka connect sa wifi) kinakain na ng youtube/download ung internet, lag na ko sa dota, paano ko po kaya mag lilimit ung download at youtube? para di mag lag sa dota2?

Gamit ka ng third-party router na may bandwidth allocator.
 
Hi all, tanung ko lang yung lag, pocket loss and dc issues sa mga online games. Kahit anong plan ba nila nakaka experience ng gantong issue or mareresolve to kung mag a-available ako ng higher plan? thanks po
 
Hi all, tanung ko lang yung lag, pocket loss and dc issues sa mga online games. Kahit anong plan ba nila nakaka experience ng gantong issue or mareresolve to kung mag a-available ako ng higher plan? thanks po

Pag problematic ang skybroadband sa area mo, it doesn't matter if you subscribe to a higher plan.

Sa TipidCP forum, ang daming naka-50MBPS subscription na may problema pa rin. PING kasi ang importante sa online games. Kapag mataas ang ping mo, paktay na ang online games.
 
Back
Top Bottom