Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

SSD Problem?

Subject18

Novice
Advanced Member
Messages
28
Reaction score
0
Points
26
Magandang umaga po sa inyo. May kaunti po kasi akong napansin sa computer ko kasi. Bumagal yung start up nya pati narin sa ibang files or software (Example Word matagal mag loading and yung sa Groove Music) Tinest ko sya dati kasi nasa 30 seconds bukas na yung PC ko pero wala pang lock screen ngayon kasi inaabot na sya ng 40 - 48 sec. Di naman mahaba ang password ko sa lock screen. Meron akong 91GB Free sa SSD ko (223 GB sya in Total) nakapag defrag ako minsan pero matagal na. 1 year na itong po itong ssd ko (ADATA Brand). Salamat po :)
 
Check mo TS yung manufacturer ng SSD mo. Tingnan mo sa net kung meron silang tools na pang test ng status sa SSD.

Parang mabagal ata yang 30s, win7 ba OS mo TS? upgrade ka na sa win10, hehe :D
Lahat ba ng app files mo ay nakalagay sa SSD? Baka nasa ibang HDD nakalagay kaya mabagal? :noidea:
 
Last edited:
mabilis na yun hehe opo windows 10 ako. hindi naman sir yung documents ko nasa ssd yan eh. Sige sir check ko yung box. Salamat
 
dko yan na try sa SSD ko.. im using 250GB Samsung 850 EVO ok naman.. mabilis talga xa kumpara nong sa HDD kopa nilagay ang OS ko. windows 10 gamit ko..
baka may virus din pc mo? try mo kaya gamitan ng Solid State Doctor.
 
may anti virus ako sir ESET and MBAM po hehe.
 
Nag test po ako gamit ang Seatools Diagnostic Software and Solid State Doctor. Pareho naman po lumabas na good yung SSD. san po kaya problema? nag scan ako may konting na scan din pero no difference po eh. May luma po akong hdd which yung gamit ko as backup drive or D: may problema na po yun. nakakaapekto po kaya yun? tinanggal ko wala parin po eh hehe. Bakit ang hirap po mag sagot ng Pinoy Verification laging wrong hehe ka stress. Ano pa po bang Antivirus ang pwede gamitin bukod sa ESET tsakia MBAM? Salamat po :D
 
Mukhang hindi yata recommended na idefrag ung mga SSD.
"With a solid state drive however, it is recommended that you should not defragment the drive as it can cause unnecessary wear and tear which will reduce its life span. Nevertheless, because of the efficient way in which SSD technology functions, defragmentation to improve performance is not actually required."
 
Nag test po ako gamit ang Seatools Diagnostic Software and Solid State Doctor. Pareho naman po lumabas na good yung SSD. san po kaya problema? nag scan ako may konting na scan din pero no difference po eh. May luma po akong hdd which yung gamit ko as backup drive or D: may problema na po yun. nakakaapekto po kaya yun? tinanggal ko wala parin po eh hehe. Bakit ang hirap po mag sagot ng Pinoy Verification laging wrong hehe ka stress. Ano pa po bang Antivirus ang pwede gamitin bukod sa ESET tsakia MBAM? Salamat po :D

Format mo na lang TS. Kung ang result ng tool test ay okay, baka nsa OS na ang problema. :noidea:

Avast Free Antivirus ang gamit kung AV.
 
Avast sir? hmm ill try. Oo po mga sir nabasa ko rin na di advisable na defragment kasi may TRIM na yung ssd. So kahit mag reset this pc ako sir ganyan parin magiging ouput ng ssd or performance ng ssd ko?
 
Try mu lang mag deepclean baka maraming hidden files na pangtrash or uninstall unnessary apps lalo kung windows 10 yan remove all apps except Netflix LOL yung sa akin niremove ko talaga lahat ng apps na galing creator update sagabal lang yan
 
Mga sir ok na po. Sa tingin ko nga po Virus lang ngayon po kasi ok na ulit yung PC ko nag reset PC po ako e. Kaso may problema ulet po haha. Yung ram ko po haha 12gb sya naging 7.97 gb na lang yung usable dati kasi nasa 9gb+ sya something. Ngayon sinubukan ko paglipatlipatin yung places ng ram, natatakot naman ako kasi di bumubukas PC ko haha pero nag lipat lipat ule ako ayun gumana kaso same parin 7.97 na lang yung usble. Pero ayun dual channel ata po kasi yung RAM ko and ganun din po yata naka design motherboard ko kay isang 1x8, dalawang 2x2 sya pero yun nga napansin ko lang po kasi na nabawasan talaga yung usable ram. ano po kaya pwede gawin sir? better po ba kung papalitan k yung 1x8 ko ng 2x4? salamat po :)
 
Dapat nag-create ka na lang ng new thread TS.

Check mo sa bios kung nababasa yung 2 ram module mo o download ka na cpu-z.
Kung 7.97 na lang, baka yung 8gb ram lang ang nababasa. :noidea:

Kung bibili ka ng 2 ram ay recommended ang magkaparehas(same brand, type, size, etc).
Check mo yung mobo kung supported ang 8gb. Kung supported then go to 1x8, if not then 2x4
 
Last edited:
Ay ganun ba sir sorry po hehehehehe. Pero same brands naman din sila sir puro kingston iba lang mga speed. Ang kumplikado pala mga sir nito haha wala kase ako masyadong alam sa hardware part po kase. Salamat po sir. hehe. Tsaka yes po sir ok naman sa cpuz kahit sa bios din po sir hehehehe
 
Last edited:
^
Hindi nman. Baka kasi walang makabasa at iba yung last problem mo. Haha

Try mo i-check isa-isa yung ram(isa lang sa mobo, hindi nakakabit yung pangalawa).
 
^
Hindi nman. Baka kasi walang makabasa at iba yung last problem mo. Haha

Try mo i-check isa-isa yung ram(isa lang sa mobo, hindi nakakabit yung pangalawa).

(Last na reply na po sir haha tapos gawa na po ako thread ulet) Na try ko sya sir kaso ayaw bumukas computer ko hahaha nakakatakot eh baka masira hdd at ssd ko po haha. hanggang 32gb naman npo support ng mobo ko hehe.
 
Back
Top Bottom