Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Study college at age 25 ok paba yan ..?

joennelsSZ

Novice
Advanced Member
Messages
46
Reaction score
0
Points
26
Meron ba dito nag aral ng college ng 25 years old ok paba sa pilipinas yan? Parang masyado na yatang matanda... pag nag enroll kasi ako hindi na ma crecredit yung mga old curiculun at mga kasabayan ko mga graduates ng sr highschool... na bulilyaso ako k12 nayan..
 
marami pa nga mas nakakatanda sayo na nag aaral pa rin. ako gusto ko mag aral kaya lang busy na eh
 
ako nag aaral ulit kasabay ng work. 27 na ako. :)

at may mas matatanda pa sa akin na nag aaral dn.

mahirap nyan pag di ka graduate ng college kahit 2 years.. balik ka ata junior high or senior high.
 
Kung may chance kang makapag aral mag aral kna para mas tumaas ang antas mo sa lipunan.
 
kahit sino bro pwede mag aral. kaya mo yan bro.!
 
may 45 years old din akong kaklase sa college
 
Yes meron pa ako nga Mag 24 na ako this May balak ko pa tapusin yung isa kong course :) Walang matanda sa Pagaaral.
 
OF COURSE!!!
Ako nga magmamaster's pa haha!
good luck po! :)
 
okay po yan. may ka officemate ako na nagtuturo sa engineering and nabanggit nya na may student sya na 40+ na public school teacher. si sir ay talagang pangarap maging engineer kaya kahit working na, nag enroll pa din sya ng course na gusto nya talaga.
 
Wag ka mag alala bro, nag aral ako ng 25 years old kasi gusto k makatapos at engineering pa ung kinuha nag back to zero ako kasi d na credit ung lahat ng subject k dahil nag shift ako sa engineering. 5years yan at mas marami pa pala na mas matanda pa sakin nung nag aral ako ulit. at mas matindi pa to kasi may ka klasi ako na 65years old kasabay k pa nag graduate hehehe kaya wag mawalan ng pag-asa bro.
 
Last edited:
ok yan boss aslong as na may pampaaral ka wala sa edad yan basta ang goal mo sa buhay e makatapos pagpatuloy mo lang yan tama sila mas madami pa nga jan may apo na pero gusto pa ding mag aral at makatapos.
 
ask ko nalang din kung ok lang ..

meron kaya mga school na matutuloy yung 2years course pwede kong gawin 4 years course?
 
ask ko nalang din kung ok lang ..

meron kaya mga school na matutuloy yung 2years course pwede kong gawin 4 years course?

Paps, depende sa course at sa school na kinuha mo. Kung ladderized program yan pwedeng pwede ka at matatapos mo sya ng another 2 years lang. Kung hindi naman ladderized, pwede pa din naman kasi may chance na macredit yung ibang subjects mo. Whether credited or not, advise ko lang sayo bro is matapos mo yung gusto mong course. Imagine how tough for degree holders na nagaral ng 4 to 5 years ang magapply ng work, what more yung mga hindi nakatapos? I'm not saying na wala na pagasa yung mga hindi nakatapos pero mas mahirap lang sa kanila ang maghanap ng work na gusto talaga nila. Also, when it comes to professional development, mahirap din for undergrads na umakyat into different positions in a company. That's how tough it is right now kasi pagdating sa work may competition pa din. That's one reason bakit ang dami kumukuha ng master's degree or additional credentials for their CVs. Hindi natatapos sa kolehiya ang pagaaral kung gusto natin umangat bilang mga empleyado. Kahit ako nahihirapan dahil sa dami ng kalaban sa trabaho. Tiis lang sa ngayon. Pursue with your education kahit mahirap. Kung kailangan magtrabaho habang nagaaral then go. Kung kailangan may bitbit kang paninda pagpapasok ka at magbenta sa mga kaklase or prof mo then go. Trust me, those are the stories na I am very proud to tell others.
 
nakaka inspire kayo mga mga sir at mam..
ako gusto ko din tapusin course ko ilan subject nalang ang naiwan kase
marketing management dko pa natapos kase nag asawa at may maliit ng bisnes na kase
 
nakaka inspire kayo mga mga sir at mam..
ako gusto ko din tapusin course ko ilan subject nalang ang naiwan kase
marketing management dko pa natapos kase nag asawa at may maliit ng bisnes na kase

may nasimulan ka na pala eh, icontinue mo na lang. although magpapaassess and evaluate ka pa din sa department mo kasi baka ibang curriculum na un abutan mo. nagpapalit kasi ng curriculum ang mga colleges depende sa school pero usually (kung tama un tanda ko), nagpapalit sila every 4-5 years kasi of course meron silang need na iimprove. saka mas mabuti un makaclose mo un department head nyo para less un problem pag graduating ka na lalo na sa pagcheck ng mga subjects and units earned mo bago ka nagresume ng pag aaral mo

:thumbsup:
 
Hindi pa matanda yang 25y/o para mag aral. Yung iba nga 30+ or 40+ na eh. Basta gusto mo at goal mo yun, go ka lang. Sino bang nag set na sa isang specific na edad eh dapat ganto or ganyan na ang nasa timeline mo? Ikaw lang dapat ang masunod sa sarili mong buhay. Go lang sa mga gusto mong gawin basta't hindi ka naman nakaka harm or nakaka apekto nang masama sa ibang tao.

Kayang kaya mo yan :) Ano pala plan mong pag aralan? Tsaka BS ba or BA? May mga differences kase yan. Matutunan mo dito:
 
Last edited by a moderator:
wala naman problema jan, need mo lang siguro i bridge yung barrier between sa mga bata mong kaklase siyempre iba henerasyon nila ma oop ka lalo pagmay mga groupworks
 
So, kumusta? Enrolled ka na ba at nag-aaral sa College? I hope oo. Good luck and focus on your goals!
 
"Walang pinipiling edad ang edukasyon"

yan ang tumatak sa isip ko nung nagaaral ako

22 ako nagstart mag college,nag stop kasi ako nuon, nagbulakbol etc. 27 nako nakagraduate.

Wala akong pinagsisihan hehe.
 
Pwede pa yan TS! Tutal, libre naman na ang magaral sa mga SUC ngayon. Wag ka lang panghinaan ng loob kapag nandun ka na :thumbsup:
 
Back
Top Bottom