Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Sumosobra na ang asawa ng kapatid ko

kemie_14

The Fanatic
Advanced Member
Messages
416
Reaction score
0
Points
26
etong kapatid kong lalake ay 23 edad. at etong asawa nya 22 edad ay nagsasama na dito samin simula ng sila ay ikasal. 3 months na silang nagsasama dito saming bahay. lima kami dito sa bahay.. ako, nanay ko, tatay ko at kapatid at asawa nya. apat kaming nagtatrabaho maliban sa asawa ng kapatid ko.
uuwi kame sa bahay ng ni walang bakas ng paglilinis. laging ganun ang set up. pag uuwi kameng lahat. nanay ko pa ang mag sasaing para sa hapunan. nanay ko din ang mag uurong pagkatapos kumaen.. minsan ay nagpprisita akong mag urong pagkatapos kumaen.. at pag week end . wala kaming pasok lahat. may mga times na maglilinis kame ng bahay. pero ang asawa ng kapatid ay nanunuod lang ng tv.. dahil sa sobrang bait ng mga magulang ko ay wala silang magawa.. nagpapatay malisya nalamang sila sa mga nangyayari dito saming bahay. nagmumuka ng prinsesa ang asawa ng kapatid ko. ultimo pag ayaw nya ng ulam ay tatanungin pa sya ng nanay ko kung anung gusto nyang ulam at ipagluluto siya nito. masama loob ko sa asawa ng kapatid ko dahil ni hindi manlang nya maisip na pagod ang nanay ko sa pagtatrabaho pero ni hindi manlang siya tumulong sa mga gawaing bahay. sobrang sama na ng loob ko sa asawa ng kapatid ko. hindi ko sya kinakausap dahil ayokong mag away lang kame ng kapatid ko. naawa na din ako sa mga magulang ko dahil akala nila makakatuwang namin ang asawa ng kapatid ko dito sa bahay. pero hindi ganun ang nangyayari.. :weep::weep::weep:
 
Mahirap nga ganyang sitwasyon ts, darating yung time na mapupuno kayong lahat sa kanya... Pero better kung kausapin nyo kapatid nyo since sya close nyo para pagsabihan nya asawa nya since nakikitira sila jan. db dpat naka bukod na sila.
 
hindi darating ung time na mapupuno ang mga magulang ko sa babae na un dahil ang magulang ko ay sobrang bait. nagpapatay malisya nalang sila kahit ganun ang asawa ng kapatid ko. ako ang punong puno na sa asawa ng kapatid ko dahil sinasamantala nya ang pagiging mabait ng magulang ko. dadatnan namin ang bahay namin na sobrang dumi. dahil hindi naglilinis ang asawa ng kapatid ko kahit kaunting linis lang sana. sa umaga pag gising nya meron ng pagkain na handa nyang kainin. napakaswerteng babae.. hindi ko naman makausap ang kapatid ko dahil asawa nya yun. masyado nyang inispoiled ang asawa nya. sa totoo lang sobrang inis na inis na ko sa asawa nya. :ranting:
 
etong kapatid kong lalake ay 23 edad. at etong asawa nya 22 edad ay nagsasama na dito samin simula ng sila ay ikasal. 3 months na silang nagsasama dito saming bahay. lima kami dito sa bahay.. ako, nanay ko, tatay ko at kapatid at asawa nya. apat kaming nagtatrabaho maliban sa asawa ng kapatid ko.
uuwi kame sa bahay ng ni walang bakas ng paglilinis. laging ganun ang set up. pag uuwi kameng lahat. nanay ko pa ang mag sasaing para sa hapunan. nanay ko din ang mag uurong pagkatapos kumaen.. minsan ay nagpprisita akong mag urong pagkatapos kumaen.. at pag week end . wala kaming pasok lahat. may mga times na maglilinis kame ng bahay. pero ang asawa ng kapatid ay nanunuod lang ng tv.. dahil sa sobrang bait ng mga magulang ko ay wala silang magawa.. nagpapatay malisya nalamang sila sa mga nangyayari dito saming bahay. nagmumuka ng prinsesa ang asawa ng kapatid ko. ultimo pag ayaw nya ng ulam ay tatanungin pa sya ng nanay ko kung anung gusto nyang ulam at ipagluluto siya nito. masama loob ko sa asawa ng kapatid ko dahil ni hindi manlang nya maisip na pagod ang nanay ko sa pagtatrabaho pero ni hindi manlang siya tumulong sa mga gawaing bahay. sobrang sama na ng loob ko sa asawa ng kapatid ko. hindi ko sya kinakausap dahil ayokong mag away lang kame ng kapatid ko. naawa na din ako sa mga magulang ko dahil akala nila makakatuwang namin ang asawa ng kapatid ko dito sa bahay. pero hindi ganun ang nangyayari.. :weep::weep::weep:

For me, may pagkukulang rin kapatid mo dahil hindi niya sinasabihan ng kapatid mo which is dapat. Feeling ng asawa ng kapatid mo ay bisita siya sa bahay at dapat siyang pagsilbihan.
 
hindi darating ung time na mapupuno ang mga magulang ko sa babae na un dahil ang magulang ko ay sobrang bait. nagpapatay malisya nalang sila kahit ganun ang asawa ng kapatid ko. ako ang punong puno na sa asawa ng kapatid ko dahil sinasamantala nya ang pagiging mabait ng magulang ko. dadatnan namin ang bahay namin na sobrang dumi. dahil hindi naglilinis ang asawa ng kapatid ko kahit kaunting linis lang sana. sa umaga pag gising nya meron ng pagkain na handa nyang kainin. napakaswerteng babae.. hindi ko naman makausap ang kapatid ko dahil asawa nya yun. masyado nyang inispoiled ang asawa nya. sa totoo lang sobrang inis na inis na ko sa asawa nya. :ranting:

may hangganan yan idol, maniwala ka, seen mode ko na yan. sa family ko din. action na habang maaga at habang nakaka usap nyo pa sila mag asawa ng matino
 
naiinis ka nga.. kung ako ikaw.. ganito gagawin ko..

kakausapin ko ung kapatid ko.. paprangkahin ko.. pero sa mahinahong paraan..
sasabihin ko na.. inis na inis ako sa asawa nya.. kasi sa nakikita ko eh hindi marunong makisama.. at buhay prinsesa.. at idadagdag ko na karapatan ng kapatid ko na pagsabihan asawa nya lalo na at nasa iisang bobong kau nakatira.. at kung wala syang gagawin(kapatid ko) ako mismo ang kaka usap sa asawa nya.. at kung magiging simula ito ng gulo.. at papanig ang mga magulang ko sa kanila.. ako na ang bubukod.. may trabaho naman ako..
 
naranasan ko rin yang ganyang pakiramdam yung lahat pagud tapos may isang pa easy easy lang. hmmm.. mukha naman masipag kang indibidual at bilang masipag ka at responsable natural na di maganda sa paningin mu yung mga bagay na di ayon sa iyong pagkatao o pagkilos. Pede mung subukan na wag kang magbilang ng nagawa nya at nagawa mu, gawin mu lang ng gawin kung anu yung alam mung dapat at kailangan gawin, wag mu nalang silipin yung na accomplish mu na di nya nagawa, sayo din naman balik lahat ng ginawa mu. tsaka before wala pa naman asawa ng kapatid mu kayo kayo lang din kumikilos di ba. And most importantly whatever you do be positive. Isipin mu nalang yung magandang maitutulong mu inde yung maitutulong nya sainyo. Theres this saying "'ask not what your country can do for you – ask what you can do for your country"

:peace: :cool:
 
Naranasan ko din yan pero sa bahay ng kapatid ko siyempre malapit lang kasi school noon. Well better magrent ka nalang or basta away from your parent house mahirap na mapunu-an lalo kung close kayo ng sibling mu atleast hindi mu nakakikita yung sitwasyon baka kasi nagpromise yung kapatid mu sa asawa niya na gagawing mala prinsesa hahaha joke lang
 
Last edited:
salamat sa inyong mga opinyon at suhestyon.... hindi naman sa nagbibilang ako ng kung anung nagawa ko at kung anung mga hindi nagagawa ng asawa ng kapatid ko. ang sakin lang. lumalaki ang ulo nya at nagiging panatag sya na hindi gumawa dito saming bahay. lalung lalu na sya lang ang naiiwan dito dahil lahat kami ay pumapasok sa trabaho. uuwi kaming lahat na pagod galing trabaho pero makikita mo yung lababo na meron pang pinagkain nya na hindi manlang nahugasan. na sobrang kinakasama ng aking loob.eto pa. pagkauwi ng kapatid ko sabay silang kakain. pero ang kapatid ko pa ang mag aasikaso ng lahat. ang prinsesa ay kakain nalamang. ni hindi makapag urong ng kanyang pinagkainan.. hindi kami friend sa fb. ultimo dito samin ay hindi kame nag uusap.. nuong una ay tanggap ko ba dahil naisip ko baka nag aadjust lang sya pero tumagal na pero ganun padin at lalu pang lumalala. ultimo kapitbahay ay nakakapansin na ng kanyang ginagawa.. di ko makausap ang kapatid ko dahil sasama lang loob nya. pero naaawa na ko sa kapatid ko at sa magulang ko.
 
dapat pag-usapan nyo ang job responsibilities nyo sa bahay, mahirap din kasi nakitira sa magulang, pag nag asawa na dapat bubukod narin... good luck po...
 
kausapin mo ng maayos baka kc mmya sa sobrang pagging prinsesa e mag init ulo mo at bigla kang makapag salita ng di maganda at ikaw pa ang lalabas na kontrabida. kausapin mo lng ng maayos kahit badtrip ka. tapos kung ganun pa din ang setup payuhan mo nlng na bumukod sila ng kapatid mo ng sa ganun malaya sila gawin kung ano man ang gusto nila.
 
hahaha may work naman kapatid mo eh. maraming paupahan jan TS. kausapin mo kapatid mo na bumukod na
 
Mabuti yan kausapin mo kapatid mo na magbukod sila since meron naman trabaho ang kapatid mo sir. Kung ayaw nila magbukod dahil situational, maaring sabihin mo sa kapatid mo na kausapin ang misis nya na tumulong sa gawaing bahay. Yan lang ang tanging paraan upan walang gulo. Pero sa akin lang talaga para wala talagang gulo, magbukod na lang sila.
 
Dapat kapag nag-asawa kasi eh bukod na. Yan ang ugaling pinoy eh, pag nag-asawa nakasandal pa din sa magulang.
 
ts ganito gawin mo mag pa encode ka sa computer shop nyo ng "mahiya din sana ang mga tambay" idikit mo sa harap ng bahay yung madaling araw para di ka makita.hehe
 
Eh bakit ganon TS, kung ganyan din bakit di sila ang bumukod. Sila yung mag-asawa. Tsaka dapat kausapin mo ang kapatid mo na pagsabihan asawa nya kesa nakatira kayo jan na masasama ang loob.
 
Kailangan mo na sila ipag-bukod na yan kasi di yan matututo kung di yan magbubukod.
 
Tingin ko TS dapat mong kausapin yung utol mo, kahit pabiro lang or pag nagbobonding kayong dalawa, sabihin mo yung sitwasyon or sabihan mo yung parents mo na sila magsabi sa utol mo. pero pwede din namang i-gulpi de gulat mo, gawa ka ng daily schedule and routine ng mga gawaing bahay at kung sino gagawa. Pero syempre mh'wag mo namang ilagay na lahat eh yung sister-in-law mo gagawa, kunti lang para lang medyo makahalata, pag-usapan nyo habang nagdi-dinner
 
Back
Top Bottom