Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[survey] against ka ba sa death penalty? Oo o hindi? Bakit?

Hindi po, Dapat lang yan sa mga criminal na asal demonyo lalo na sa mga rapist ng bata.... support the death penalty law
 
Hindi para kahit papaano may matakot at mabawasan ang krimen sa Pilipinas. Di permanenteng solusyon pero makakabawas sa crime rate at mararamdaman ang epekto nito sigurado.
 
hindi.

dapat lang may death penalty, it would serve as deterrent sa mga kriminal and at the same time redemption na rin para sa pamilya ng biktima.

kung kayo ung pamilya ng biktima na narape or pinaslang, 100% masasabi nyo na the only way to serve justice is to kill the criminal. ipokrito lang magsasabing hindi.
kung ako mamatayan or pinatay ung mahal ko sa buhay, syempre ang gusto ko makaganti at patayin din ang may sala pero syempre labag sa batas ang pagpatay, so iaasa ko nalang sa justice system na sana eh merong death penalty na gagawa non para sa aken. that's reality. may maka away ka nga lang sa kalsada eh sasabihin mo "sana mamatay ka na" or sa loob loob mo gusto mo na patayin. that's human nature, that's reality. lahat ng tao ganon, you can deny it to everybody but you cannot deny it to yourself.

isipin nyo si peter scully. kilala nyo naman yon diba. alam nyo bang may possibility na up to 30 years imprisonment nalang ang parusa sa kanya dahil inalis ang rape sa death penalty nitong walangyang camara? pano na ung mga bata na nirape/torture/murder, vinideo at pinagka kitaan nya? 30years is not enough, not even 3000000 years.
 
Hindi po ako against sa death penalty.Napapanahon na dapat ipatupad yan.
 
bago dapat ipasa ang Death Penalty, tingnan muna ang kapasidad ng justice system natin...

Reliable ba ang Justice System natin sa pinas?
tamang tao ba ang nahahatulan?

so if palpak ang justice natin at pasado na ang death penalty...kawawa ang maling taong mahahatulan.
 
hindi dahil disadvantage yan sa ating mahihirap dahil wala tayong sapat na pira para sa abugado
hindi tulad ng may pera pwede nila mabiktadin yung kaso dahil nga maraming pera
kaya against ako sa death penalty:clap::clap::clap::clap::clap::clap::clap:
 
Aanhin mo pa yong death penalty na yan, eh para sa mga sangkot sa droga lang pala ang mabibitay, at ngayon pa nga lang ay pinapatay na yong mga adik o mga suspect na di na dumadaan sa korte. Palagay ko, yong death penalty na yan ay pormalidad na lang. Kita mo naman klarong klaro, gusto lang nila ipabitay yong mga drug convicts pero ayaw naman isama yong plunder at rape. Very choosy yong mga mambabatas natin. Hahaha. Pag interes nila ang nasasangkot ayaw nila suportahan yong death penalty.

Gaya ni PGMA di pabor sa death penalty, dahil alam niya na pag pumasa yan sa Lower House at umakyat sa Senado, baka maiba at maisama na yong plunder. Alam natin na may nakabinbin pa na apela ang Ombudsman para sa kanyang kasong plunder kahit na may desisyon na ang Korte Suprema. Baka pag nawala na si Dutete, uungkatin na naman yong kaso niya at pag na reverse at nahatulan ay baka mahatulan pa siya ng bitay (sa laki ba naman ng pera na nainvolved at yong penalty mismo na reclusion perpetua to death). Baka nga siya pa ang unang gawing sampol sa kasong plunder na mabitay. At baka mauso pa, eh, maraming pulitiko ang mabibitay kung nagkaganun.

Yon namang rape, hindi rin isinama. Dahil yong mga 'tsiksboy' na mga mambabatas natin ay natatakot. Alam mo, dahil nga tsiksboy sila eh baka mapagplanuhan na masampahan sila ng kaso o di kaya dahil sa pambabae eh baka may babaeng maghabla sa kanila, syempre baka nga pinaglalaruan lang nila. Kaya nga kung tatanungin mo sarili mo, bakit ba naman sila choosy o selective, eh hindi naman sila maapektuhan kung wala naman silang ginagawa. Klarong klaro ayaw nila suportahan dahil may mga himala din sila ginagawa. Hahayzzz.... Gaganahan ka pa ba maging Pilipino eh sa pagkakaalam ko puro kagaguhan lang ang ginagawa ng mga lider natin.

Ang kawawa talaga dito ay yong mga suspek sa drugs, na yong mga mahihirap dahil sila ang magiging biktima dito. Pasensiya na eh marami talagang mga bobu o ignoranteng mga kababayan natin na pumapabor sa pagbitay (Sensiya po sa words ko admin, di ko alam ang akmang salita, bisaya po kasi ako). Bakit nga ba nasabi kong ignorante o kabobohan? Kasi nga, tama si PESSI na hindi nga reliable ang justice system natin sa bansa. Alam mo wala talagang mabibitay na malalaking druglords o drug financiers nyan. Di lang marami silang pera at impluwensiya, kundi ang daming mga magagaling na abogado na kaya nilang bayaran na mag protekta sa kanila, di pa kasali yong mga advisers at mga tiwaling pulitiko na koneksyon din nila. Sa ebidensya pa lang na idawit sila, eh mahirap na.

Bigyan kita halimbawa, yong mga bigtime syndicates o mafia na yan (mostly Chinese), yong kanilang mga epektos ay pinamamahala nila sa mga galamay nila (1st level) o 'foreign wholesalers o traders', tapos pinapasa naman nila yong mga epektos sa mga galamay din nila na tinatawag na 'local counterparts o druglords' (2nd level), bago ibenta sa mga small-time peddlers, basura o adik. Doon pa lang sa 1st and 2nd levels na mga galamay ay mahirap na hulihin, lalo pa kaya yong sindikato mismo na wala tayong jurisdiction kasi nasa China ang mga hunghang. Ang stategy kasi ng mga 1st level na yan ay gagamit sila ng mga 'human mules' na karamihan ay ordinaryong biktima gaya ni Mary Jane o di naman kaya ay binabagsak nila ang mga droga sa dagat at kukuhanin naman ng mga 'bata-bata' ng mga local counterparts gaya ni Peter Colangco, Espinosa, atbp at saka nila ipapabenta ito sa maliliit na drug peddlers o adik. Pag nakasuhan mo yang mga 1st and 2nd levels na yan baka matapos na lang yong termino ni Dutete, eh, hindi pa masentensyahan at ma arbor pa (dahil nga sa palpak na Justice System). I'm sure pag naipasa na yang 'death penalty' na yan ay lalo pa silang mag-iingat. Yong si Colangco, Peter Lim, Espinosa, atbp ay mahirap mabitay dahil wala namang nakitang malaking ebidensya at yong 'presumption' din, na yong mga nasa kulungan na ay hindi na nga makakagawa ng drug trading dahil kontrolado na sila ng 'state prison', at kahit din mapasa pa yang 'death penalty' na yan ay hindi rin sila mabibitay kasi walang 'retroactive effect' ang batas. Ang E.O. or A.O. ay pede pa ang 'retro', gaya ng order ng Pangulo sa SSS increase pero pag batas galing Kongreso ay halos walang 'retro'.

"RETROACTIVITY OF LAWS Art. 4. Laws shall have no retroactive effect, unless the contrary is provided.
General Rule: All statutes are to be construed as having only prospective operation
Exceptions (1) When the law itself expressly provides Exceptions to Exception: (a) Ex post facto law
(b) Impairment of contract (2) In case of remedial statutes (3) In case of curative statutes (4) In case of laws interpreting others (5) In case of laws creating new rights [Bona v. Briones (1918)] (6) Penal Laws favorable to the accused"


Dahil nga tinatamad habulin ni Dutete yong mga 1st and 2nd levels, kaya doon na lang siya sa mga maliliit na tinatawag na 'basura', praktikal daw kasi, time-efficient at cost-effective pa at hindi na yan mahirap kalabanin. Ang prinsipyo kasi dyan ay pag nalipol daw yong mga basura, eh, mahihirapan na yong mga 1st and 2nd level drug traffickers na suplayan pa yong mga basura kasi nalipol na nga daw. Kaya kung maaari patayin yong mga 'basura' na mga pobre at biktima ng drugs para maging sakripisyo sila at ma discourage daw yong mga traffickers. Ang tanong, ma didiscourage ba talaga ang mga traffickers? Ang sagot ay HINDI. Habang may mga traffickers, ay mang iingganyo pa rin yan ng drugs at saka pede din sila muna mag 'hibernate' at pag natapos na ang termino ng Pangulo ay babalik na naman sila sa kanilang negosyo. Eh, wala din. Nasayang lang ang buhay noong mga basura na pede pa sanang maisalba at maging produktibo pag na rehab, na halos ay mahihirap.

Kung ako naman ang tatanungin, kung ano ang magandang paraan, maaaring may maiambag ako pero wala namang makikinig kaya wag na lang. PEACE. :thumbsup:
 
Last edited:
Pabor ako kung yung mabibitay is yung top drug lord, pinag iisipan ko pa yung sa iba kung dapat ba. Hehehe. Pero bakit yung plunder tinangal? Fishy.
 
Dapat naglagay ka ng poll sir para sa mga votes :)
 
Back
Top Bottom