Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

T-shirt printing: Silkscreen Method :ADDED NEW RESOURCES

kainggit nga bro eh,... Ung solcoc falls bro cmyk un diba? Anong LPI gamit mo sa 150 mesh? Sa pagkakaalam q 150 mesh maximum of 42 LPi lang... tas ano po ung dot radius? Adobe ps plang kc alam q imanpulate, pang color seps ng cmyk at w/o plugins pa un gaya ng gamit nila na pede mag color seps ng simulated or index process... pero ung dot radius dko pa na.ecounter tsk.... Research mode... Hehehe[/QU

opo bro CMYK yan solcoc falls,me mga mas madugo kesa jan na ginawa ko kagaya ng mga DOTA char. un tipong ikaw pa mismo gumagawa ng sariling tones para sa lyt CYAN sa char.
LPI? DPI ata ibig mong sabihin bro...sa 150 mesh 200dpi gamit ko sineset ko sa corelx5 ang dpi bro..un MAX DOT RADIUS po bro,gaano kalaki ang dot na gagamitin mo bro. mas maganda gamitin pang color sep ang corelx5 (para sakin)
im only using PS pag me gusto akong i insert na image para mabou un clips/pictures/desgn den import to corel for minor edit @ desame time color sep narin..
gudluck sa pag reresearch sir/bro rovisrock :salute:

na miss ko c yetdi ah :ranting:
 
sir, anu po gawin pra d matangal ang print sa tshirt?
kasi sa micro shiny na tela pag nilabhan mo e matatangal ang print...

gamit ka atletetic paint,haluan mo ng fixer ux,sure na yan,,,,gudluck
 
Sorry nabusy lang ako sa production namin. Laging huli na nag oorder ang mga kliente pag ka december tapos habol marino naman tayo para lang ma-serve ang order.

Anyway, ito ang sikreto para makagamit ka ng plastisol at kung bakit di lahat ay maaring gumamit nito.

Materials needed:
1. Flash curer. This may be ordinary black panel or heated coil panel flash cure units. (Php 25k to 75k depending on brand and size). More expensive ones are called quartz curer. (Php 100k to 140k depending on the size)
-Alternatives would be 3kw blower, turbo broiler or same.
2. Very flat printing platten. Aluminum is the best. You can buy them or have it custom made for you.
-Alternatives would be formica or other smooth surfaced table.
3. Plastisol inks. Any brand would do. Kahit galing pa ng China. Sa hagod na lang nagkakatalo yan.
4. Squegee. Normally we use round tip for water based inks para mas maraming inks ang madedeposit sa shirt. With plastisol, it has to be flat edged tip. Meaning, dapat parang tinapyas ng itak sa pagka deterso. Di pwede yung nabibili lang kung saan saan like national bookstore.
5. Aluminum Frame. (Php 3k - 10k depending on the size) Only metal frames can withstand the PSI used in stretching the mesh on to the frame and gluing them together.
Alternatives would be special wooden frame. Take note special. Wag kayong aasa sa mga 2x2 na nabibili sa hardware o sa sinasabi ng mga gumagamit ng plastisol sa homemade wooden frames. Hirap silang palabasin yung tamang kulay sa mga high resolution na artwork. Been there done that. Di magawa ng mga commercial printers na gumagawa para kay Bench yung mga pinagagawa ko sa kanila unless turuan namin.
6. Exposure machine
Alternatives would be home based flourecent or halogen powered ones. Use tempered glass for your safety especially when using metal hallide or hallogen lamps.
7. Laser Printer (HP or any that can print on smoked/tracing paper.
 
Difference between Plastisol and Water-based ink:
1. Lapot. Parang aspalto ang Plastisol. Mas matigas hagurin sa umpisa pero lumalambot naman pagnagtagal.
2. Tuyo. Contrary to popular belief, hindi natutuyo ang plastisol. Kailangan mo ng 165 degrees centigrade or higher para matuyo ito. Samantalang ang water-based, ilagay mo lang sa isang tabi, matutuyo na ito. May plastisol ink akong nakalimutan gamitin ng 2 taon. Hindi sya nasira at nagamit ko pa.
3. Kulay. Limitado ang kulay na maaari mong gawin sa plastisol. Di yan tulad ng water-based na pigment based. Pagbili mo ng plastisol, ikaw ang mag mimix ng pintura para makuha mo ang gusto mong kulay. Di ka pwedeng umasa sa pigment. Pintura sa pintura ang paghahalo. Mas matingkad naman ang kulay ng plastisol kaysa sa water-based inks.
4. Mesh. Walang limitasyon sa mesh na maaaring gamitin sa plastisol. Sa water-based, 210 dpi lang ang pinaka mataas na nagamit ko. Hirap na hirap pa kaming gamitin. naghuhugas kami ng screen every 5 imprints kundi matutuyo na ito.
5. Mesa. Kailangang flat ang mesa sa plastisol. Pumapangit ang plastisol kung makapal ang print. Samantalang ang water-based naman ay gumaganda habang kumakapal ang hagod. Reusable ang mesh ng plastisol. Binubura namin ito. Sa water-based, pinapalitan namin.
6. Hagod. Matigas ang hagod ng plastisol samantalang malambot naman sa water-based.
7. Imprint. Para maganda ang plastisol print, dots o tuldok tuldok dapat ang makikitang imprint at nakapatong lamang ito sa tela samantalang flooding naman sa water-based at sumusuot ito sa loob ng tela.
8. Permeability. Dahil tuldok tuldok ang imprenta sa plastisol, mas malamig ito sa katawan. Mainit naman yung imprenta sa water-based.
9. $$$. Mas matipid sa ink ang plastisol dahil konting ink lang, lumalabas na ang gustong kulay.
10. Flexibility. Mas flexible ang Plastisol. Kaya kong gawing mukhang rubberized (super white) ang plastisol (wag nang magtatanong kung paano. trade secret yan) pwede rin parang papel de liha ang texture at pwede ring soft touch.
11. High Desity. Parehong pwede sa dalawang inks. Sariling formula ang gamit namin sa water based samantalang ready made ang sa plastisol. Parehong napapakapal namin to 1/8" ang kapal.
12. CMYK. Mas madaling mag CMYK sa water-based dahil madaling magmix ng pigment para habulin ang kailangang kulay. Set na ang processed colors ng plastisol. Mahirap maghabol ng kulay dahil pahirapan ang pagmix ng kulay.
13. Artwork. Pare-pareho lang naman ang gamit namin dito. Wala namang diperesya sa paggamit ng hi-res sa waterbased at plastisol. Sa mesh na yan magkakatalo. Syempre di lalabas nang ayos sa mababang mesh count ang lahat ng tones. Same is true with plastisol.
14. Skill. Pareho lang skill na kailangan mo sa paggamit ng dalawa. Walang diperensya kung alin man ang ink na gagamitin mo.
15. Investment. Basahin yung nauna kong post. Mas mahal mag-invest sa plastisol.
16. Reliability. Panalo dito ang Plastisol. Basahin ang 1-13
17. Price/kilo. Mas mahal per kilo ang plastisol pero mababawi mo naman sa katipiran.
18. Speed. Kaya kong mag print ng 20k shirts in 24 hrs na 5 colors 3"x4" logo sa automatic printing machine ko at mga 2k naman sa manual dahil nakatayo lang ang tao ko samantalang paikot ikot sa table sa water-based kaya wala pang 500 ang kayang tapusin sa 24 hrs.
19. Supply. Maraming suppliers na available sa 2 inks na ito. Kaya lang, mas magaling lang sa marketing si tulco. Personally, di ako masyadong kumukuha kay tulco ng inks. Mas gusto ko ang ink ng suppliers kong iba.
20. Technology. Made for mass production ang plastisol. Mayroon na rin sa water-based pero dahil sa pagtuyo, mas mabagal pa rin ito sa plastisol.
 
gamit ka atletetic paint,haluan mo ng fixer ux,sure na yan,,,,gudluck

Other options:

*Vinyl or sublimation na heat trasfer.
*Pwede mo ring haluan ng wet look ang ink mo.
*kung binder ang may problema, kahit anu pa ang ilagay mo, tutuklap talaga yan.
 
By now, nabasa na ninyo ang unang 2 post ko.

Sa mga gustong mag plastisol:

*pareho lang ang 2 yan. Nothing special about choosing one over the other. Nag kakatalo lang yan sa details na gusto mong palabasin sa print. kung di ako nagkakamali, kayang hanggan 4 to 6 pt yung font pagka plastisol, 8 pt naman pagka water-based.

*do whatever you are currently doing just change the inks. Di naman din kami marunong dati ng plastisol. experiment lang ako nang experiment. nakuha ko din agad.

*kung namamahalan kayo sa mga equipment na kailangan, gamitin nyo muna yung present euipment ninyo. kaya lang naman ako bumili ng equipment eh dahil gusto kong nag-iimprove lagi ang technology namin para kahit anong gusto ng merkado, pwede kong ibigay.

*Walang expert sa plastisol. Lahat may alam na di alam ng iba. Ang mga iba ay nagtuturo, mga iba naman ayaw. Mga supplier tawagan ninyo, basta't bibili kayo, siguradong tuturuan kayo.

*Wala rin pagkakaiba sa artwork na kailangan ninyo. Yung mga discussion ninyo tungkol sa tones at half tones, yan din ang gagamitin ninyo sa plastisol. Mas maganda lang nga kung post script printer ang gamit ninyo para sa positive kaysa sa ordinary laser or inkjet printer.

*tandaan ninyo. Walang advanced technique sa plastisol. Lahat yan basic lang. What you need to do for one, can be used one way or another for another. Same lang yan with water-based.

*ang pinaka advanced lang na tinatawag sa plastisol ay ang high resolution na CMYK or high resolution spot print. Kaso, to achieve this, you need all the high end materials I mention in my first post. Everything is basic. Lahat ng skill o kaalaman para sa ordinary print, gagamitin mo rin sa high resolution print. Ang pagkakaiba lang ay ang makina at materyales na gamit mo.

*Machines are there to minimize mistakes. Nawawala ang registro sa bangga/guide system. Pagka napagod lang ang tao, nawawala na sa registro ang bangga/guide system. Pagka hinged-type naman unless lumuwag ang clamp o natamaan ito, di ito mawawala basta-basta sa registro. Sa frame naman, nagwarp ang kahoy at gun tucker while matatag ang tension sa aluminum at glue(Special ang glue na ito $100+ pada liter).

Basically ang lahat nang kailangan malaman tungkol sa plastisol nandun na sa una kong 2 post. Clarify ko na lang kung mayroon medyo magulo at di maintindihan. Kung mayroon pa kayong gustong itanong tungkol sa unang 2 post ko, post nyo na lang. Sasagutin ko as soon as may chance akong makatakas sa production namin. :) :thumbsup:
 
kainggit nga bro eh,... Ung solcoc falls bro cmyk un diba? Anong LPI gamit mo sa 150 mesh? Sa pagkakaalam q 150 mesh maximum of 42 LPi lang... tas ano po ung dot radius? Adobe ps plang kc alam q imanpulate, pang color seps ng cmyk at w/o plugins pa un gaya ng gamit nila na pede mag color seps ng simulated or index process... pero ung dot radius dko pa na.ecounter tsk.... Research mode... Hehehe[/QU

opo bro CMYK yan solcoc falls,me mga mas madugo kesa jan na ginawa ko kagaya ng mga DOTA char. un tipong ikaw pa mismo gumagawa ng sariling tones para sa lyt CYAN sa char.
LPI? DPI ata ibig mong sabihin bro...sa 150 mesh 200dpi gamit ko sineset ko sa corelx5 ang dpi bro..un MAX DOT RADIUS po bro,gaano kalaki ang dot na gagamitin mo bro. mas maganda gamitin pang color sep ang corelx5 (para sakin)
im only using PS pag me gusto akong i insert na image para mabou un clips/pictures/desgn den import to corel for minor edit @ desame time color sep narin..
gudluck sa pag reresearch sir/bro rovisrock :salute:

na miss ko c yetdi ah :ranting:

Actually, parehong tama kayo regarding lpi ang dpi. lines per inch and dots per square inch. PS and CD terminology. 45 lpi ang normal kong gamit. Pero sa high res 65 lpi na or 300 dpi naman sa corel. Corel ang gamit ko sa spot printing while PS sa Photographic. Same na wala rin plug-ins. Mahal kasi yung color sep na software. May artist din ako so di ko na masyadong iniintindi yung resolution details.

Rule of thumb. Pwede mong gamitin ang high res na positive sa low res na screen pero may konting details na mawawala at magkakaroon ng garalgal or uneven lines. On the other hand using a low res positive on a high res mesh will make your prints sharper. Less garalgal. :salute:
 
sir yetdi
check dis ...

un solcoc falls is 150 mesh count gamit ko jan.ang setup nyan,CYAN 15,
magenta 45, yellow 75, black 105,max dot radius 4

ang ask ko sir..un mas pinong pino pa jan at un plastisol ang gamit ko.panu set up non sir plsss,,pls reply asap:weep::weep:

and un isang image po spot color with 100mesh count..not bad ba sir?..:noidea::noidea::noidea:

sir yetdi gusto ko mag upgrade,kung matutulongan nu ko pls pls:pray::pray::pray:

09183731107 my number sir :upset::upset:

Wala akong masabi sa print mo. Maganda ang detalye. Anyway, correction lang sa una kong post. pagka 80 mesh ang gamit, dapat pala 37 LPI lang or siguro 120 to 150 dpi. Pagka high res ang positive and low res ang mesh, magkakadikit ang tones. di makikita ang gustong palabasin na print. Gagaralgal ang lalabas na print. Just to be safe, laging high res ang mesh na gamit namin except for base/undercoats.
 
wahhhhh! Pinakyaw na ni sir yetdy! Grabe ka infoqmative ka po sir! Thanks tlaga dito..... Pahabol lang po sir regarding photo emulsion, sir ano po gnagamit na photo emulsion pag plastisol ink na? pwede po ba gamitin dito mga readymix p.e ng tulco like aquasol ER nila? Pang water base inks po un.
 
nagalit ata c yetdi ahaha 'umulan ng reply nya..muah muah ur da man sir yet....:salute:

sir salamat sa plastisol tekniks 'saved' na...txn alot

matanong sir...
sample nag base ako ng puti sa itm na shrts, papatungan ku ng spot color din kunwari red...me mga times na indi boung red ang na fill,me mga tuldok cya! so nakikita mo ang base na tuldok tuldok...wala na bang remedyo don sir?...o talagan ganun?

softboard po gamit ko...wala pako rotary.plano ko palang bumili...

sir wede OJT sa shop mo//kahit pakain lang ok lang sakin//
me XP na man ako nyan :noidea:
 
As far as I know, magkaiba ang ang emulsion na ginagamit para sa plastisol inks. Mahahanap mo yung tamang emulsion type and brand sa mga online screen printing shops. Normally may distributor yan dito sa Pinas. Iba ibang brand iba ibang application kasi. Mulano yata maganda for entry level. Yan ang pinaka unang emulsion na gamit ko. Di ko na kasi matandaan yung brand na gamit namin ngayon sa daming beses naming nagpalit. However, trial and error din kasi ang pag-contact. Depending on your setup ang lahat ng bagay. Mula sa tagal ng pag expose hanggang sa tamang chemicals na gamit. :)

Hope this helps.
 
matanong sir...
sample nag base ako ng puti sa itm na shrts, papatungan ku ng spot color din kunwari red...me mga times na indi boung red ang na fill,me mga tuldok cya! so nakikita mo ang base na tuldok tuldok...wala na bang remedyo don sir?...o talagan ganun?
 
nagalit ata c yetdi ahaha 'umulan ng reply nya..muah muah ur da man sir yet....:salute:

sir salamat sa plastisol tekniks 'saved' na...txn alot

matanong sir...
sample nag base ako ng puti sa itm na shrts, papatungan ku ng spot color din kunwari red...me mga times na indi boung red ang na fill,me mga tuldok cya! so nakikita mo ang base na tuldok tuldok...wala na bang remedyo don sir?...o talagan ganun?

softboard po gamit ko...wala pako rotary.plano ko palang bumili...

sir wede OJT sa shop mo//kahit pakain lang ok lang sakin//
me XP na man ako nyan :noidea:

Di naman. Nilubos ko lang ang oras ko. Baka matagal uli bago ako makareply.

Mula sa nakikita ko sa gawa mo, ayos naman ang contact mo. Maaring sa hagod o sa kalidad na ng ink ang dahilan ng di pagbuo ng print. Maari ding di malinis ang tela't may himulmol kaya nagkakatuldok. Minsan naman, marumi na ang mesh kaya kailangan nang basain at punasan. Maaaring may buong tinta na sumabog nung hinagod mo. Minsan, di pa gaanong tuyo, pinatungan mo na agad ng iba pang kulay.

Kung pwede mong ulitin ang hagod, hagurin mo na lang. Kung di naman, patungan mo uli ng underbase at ulitin ang pag print.

Mayroon akong makukuhanan ng rotary printer kung gusto mo. Medyo unique sya dahil pwede sya sa bangga system at clamp registration system. Imbento ng kumpare ko pero pinagawa sa isang kilalang screen printing equipment sa UK yung design. Nakita ko na in action yung makina. Astig. From 8 colors na normal capacity ng 8 color rotary printer, naging infinite. Kung 16 color spot print ang kailangan mo, yakang yaka. Water based and plastisol parehong pwede.

Di ko pa sigurado kung kaya kong magparating ng used na makina galing US. Pero kung matuloy, sasabihan ko din kayo. Just tell me kung gusto ninyo.

Regarding the shirts, anong klase ang kailangan mo? Medyo high end ang ginagawa ko.
 
post ka na lang ng gusto mong malaman pero basahin mo muna yung mga naunang post para di paulit ulit
 
lam mo sir yet napapsaya mo ko :)...sa tuwing nag shashare ka ng mga details mo txn alot grabe sir:praise::thumbsup:

txtm8 naman pls:help:

post ko bukas sa loob ng shop ko

sir...mag kanu un rotary na gawa ng kumpare mo..
bigyan mko ng good price sir.kukunin ku yan.need ku yan eh..

sir un prob ko talga,,lahat ng nasabi mo chine check ko rin yan..

regarding sa shrts....ang klase ng kinukuha ko sa manila mga softex,whisler ,soutport,(RN at w/ collar)
sa mga gives aways ko naman sir ,flipper at frazer ang binibigay ng suplier ko...

sir bigyan mko ng quotation sir..asap sir
 
mas mahal ako magbenta ng softex.

babalikan kita sa monday regarding price ng makina pero uunahan na kita mga 600k+ yung nabentang isa pero may kasamang flash curer yata yun di ko lang matandaan kung quartz or black panel.
 
Back
Top Bottom