Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

The Real History of Aswang In Dueñas iloilo City True Story -Symbianize

totoo ba tlga to? taga ilo2 din ako at bantog tlga c gimo na aswang noong bata pa ako. parang sya ang father of all aswang. nyahahah!
 
balikan ko nga ito. kung paano nahuli si tiniente gusto ko un ang hindi kopa nababasa
 
naifeature na ni jay taruc this year ung kwento n yan sa motorcycle diaries..pinuntahan talaga nila ung bayan ng duenas..tpos dumaan muna sila sa isang albularyo pra humingi ng pangontra if nmeron nga..binagyan sila ng kwintas na bote n may langis..kpag dw may aswang na malapit ay kukulo dw ung langis sa loob ng bote..habang ppunta na sila sa bayan ay may lugar na kumulo ung langis kya ntakot sola nun..inabot n sila ng gabi kaya di na muna sila tumulooy dun mismo sa bario ng pamilya ni ten. gimo.nagchekin muna sila ata sa isang hotel sa bayan..kinabukasan nagpasamasila sa mayor ng duenas sa bahay ng kamag anak ni ten.gimo.ayaw pa nga pumayag ng una ung isang lalake na interview kc wala nman dw kaotohanan..perp napilit pa din un nga lang ayaw humarap sa camera.sabi nya na di nmn talga totoo ung lahi sila ng aswang..pero ang spooky dun ung mga tao na nakapaligid sa kanila.parang ayaw nasilang pakawalan..
 
Matanghari..
tanung ko lang..
panu nalaman ng lolo mo ung kwento ng dalawang guro na yan??..
 
Buti naman hindi nagsumbong ang matanda,
tapos ano ang susunod TS?
Ang dami pa atang advertisement sa thread na to..
Ituloy mo na ts..
 
Matanghari..
tanung ko lang..
panu nalaman ng lolo mo ung kwento ng dalawang guro na yan??..
:hat:
Pasensya na kayo naka cp mode lang po ako , saka ko na sasagutin ang tanung mo bro ang goal ko lang kase ngayun e matapus ko ang story na ito, , Kung nabitin kayo pwedi kayo mag back page Nasa 1 and 2 Page po copy and pasted napo iyan para diretso po ninyung mabasa . Ang kwento Kung may kulang man po wait lamang po!
at Sa nag aadvertize dito sa thread na ito! About jay taruc Wala po akong paki sa kwentong iyan dahil walang malinaw na dokumentaryo at kulang kulang pa. Pasensya na po pero ang ngyaring ito ay totoong buhay ng lolo ko, at unang ngyari ito bago pa naganap ang Kwento Ng 2 teacher at ang anak na maestra ni Teniente Gimo. Pakiabangan po ang susunod na kabanata.
 
Teniente Gimo - Aswang
Dueñas -Iloilo
May 50 dekada na mula ngayon, ng mangyari at maganap ang kasaysayan ng kwento na ito ........
Isang nagngangalang Teniente Gimo ang kasalukuyang brgy. Captain Sa isang liblib brgy.ng Dueñias ilo-ilo.
Maraming hakahaka na ang pamilyang nito ay pinaniniwalaang aswang,, dumating ang taganihan ng palay sa bayan ng iloilo, at nag pasya ang lolo ko at ang isa niyang kaibigan na magtungo sa lugar na iyun upang maki ani ng palay sa pinsan ng mga lolo ko.. Dumating sila sa isang brgy dun, at usap usapan nga na isang Teniente ang Pinaniniwalaang aswang at kasalukuyang kapitan ng brgy.pati ang buong angkan nito ay pinaniniwalan ding aswang,, makatapus ang anihan ng palay. Nag plano ang lolo ko at ang kaibigan niya na alamin ang tunay na katotohanan sa tunay na pagkatao ng teniente,
Isang Gabi, Nagsimulang mag tungo Ang 2 sa malayo at liblib na lugar kung saan Nakatira Si teniente Gimu,
Nagpangap silang Magtitinda ng Asin at uso pa nuon ang tikles na gawa sa manipis kawayan na pinaglalagyan ng mga prutas, pero maliet lamang ito para sa lagayan ng asin.
Pagsapit nila sa pintuan kumatok at pinagbuksan sila ng Teniente Gimu.
Ang sabi daw ng lolo ko baka maaring makituloy po sapagkat malayong brgy ang kanilang pinagmulan baka maaring makituloy kahit isang gabi lang...
At Tinanung ng teniente kung bakit sila ginbi?
Nagtitinda po kase kami ng asin, at ng pagkasabi niyang iyon, biglang Nagtaas daw ng boses ang teniente at ang sabi Wag na wag ninyung ipapasok dito sa bahay ko ang dala ninyung mga asin Ilayo ninyo iyan sa pinto.. At iwan sa labas,
at iyun nga naiwan sa labas ang dala nilang asin.....


....... Mula sa labas ay pinapasok na sila ni
teniente,At papasok na sana
ang lolo ko sa pintuan ng may
biglang sumundot sa tagiliran
ng binti niya, isang batang
lalaki kung hindi ako nagkakamali eh 5-7 taung
gulang daw Nakakulong ang
bata Sa malaking tiklis o
Tabungos, isang malaking
tapayan na gawa sa manipis
kawayan, nkasandig sa tabi ng pinto, ang sabi ng daw ng
bata, Manong parang awa na
po ninyo tulungan po ninyu
ako papatayin ako ni teniente
gimu aswang!!
Nagulat ang lolo ko at aktong Bubuksan ang tabungos at
kukunin ang bata para ilabas,
eh saktong Sumigaw daw ang
teniente ! ang sabi Wag
ninyung papakielaman ang
batang iyan iyan ay aking apo at kinakastigo ko hayaan
ninyo siyang naririyan!
At ang bata ay patuloy sa
kaieyak hanggang sa tinawag
ni teniente gimu ang isang ank
niyang lalaki upang ipanhik sa itaas ng bahay ang bata, sa
lakas ng iyak ng bata sa itaas
ng bahay dinig na dinig ng 2
magkaibigan ang unti unting
paghina ng iyak at dahang
dahang taghoy ng bata... At ng makaakyat na sila wala
ang bata sa itaas! subalit
katakataka daw na may
tinatadtad na karning baboy
sa lamesa pero ng dumating
sila wala naman daw naman silang narinig na nagtatadtad,
at sa pintuan palang ng bahay
ng teniente kapansin pansin
na ang kakaibang lansa, ganun
din ang mga naglalakihang
Kawa ,kaldero Kaserola na kahìt ang isang buhay na
kambing ay kasyang kasya...
At sa pagtatadtad napansin
daw ng lolo ang amoy na
malansang utak ng tao at
alam niyang itoy bago at sariwa pa, nagtataka sila sa
kanilang nakita at mga
napapansin subalit sa mga oras
na yaon ay wala ang bata
subalit iesa lang ang kwarto
sa itaas ng bahay..saan napunta ang bata? Ang wika
ng magkaibgan..
At duon nabuo ang kanilang
konklusion ,,
subalit hindi pa dito natatapos
ang lahat Dahil ng mga panahon na iyun
marunong ng kumontra ang
lolo ko sa ganitong mga
nilalang, Nag orasxion ang
dalawang magkaibigan
sapagkat silay may alam sa mga bulong/albulario. At dito
na maguumpisa ang tunay na
kwento,,








#3 continue Matapos manalangin ng daw
ng lolo kasama ang kaibigan
niya, tinawag daw sila ni
teniente Gimo upang mag
hapunan subalit silay tumangi
at sinabing kung pwedi mamahinga nalamang sila at
napagod sa mahabang
paglalakad. Di nagtagal
sinamahan sila ni teniente sa
kaitaasan ng bahay kung saan
may papagan na gawa sa tabla ng akacia at kawayan at
dun sila pinatulog..
Makalipas ang ilang mga oras
na silay nakikiramdam sa
paligid Ganap daw na alas
11.35 pm ay may biglang dumating na maraming tao,
halos mapuno daw ang
bulwagan sa ibaba ng bahay
bata matanda binata, at mga
maeedad naron Dw..biglang
bumangon at sinilip ng lolo ko kung bakit maraming tao
Takang taka silang dalawa,
maraming Kawa ang may
lamang tubig na pinakukulo,
may naghahasa at may
naghihiwa ng gulay. At sa iba ba din ng bahay may
matandang babae na
nagkakambas ng karne , may
1klo sa isa may 2klo naman sa
isa May leeg, at ulo, ang sabi
pa ng bata daw na isa Lola akin nalang po Ang tenga at
dila ieehaw ko lang po.
sa madaling salita may
katayan na magaganap, ang
pagkakaalam naman ng lolo
ko e baka piyesta kinabukasan Kaya me
handaan.
habang nasa pagsilip sila sa
ibaba, May naring silang
naguusap sa labas ng pinto na
malapit sa dingding ,ganito raw ang pag uusap na
kanilang narinig
Teniente Gimo >>
May 2 tayung panauhin mula
sa malayung lugar
Pagkakataon na natin ito, kaya sisiguraduhin Ninyo
hindi eingay ang 2 iyan .
Kapag nahuli ninyo Balutan
ninyo ng sako sa ulo At gilitan
ng leeg. At ihagis Ninyo dito
sa ibaba at kami ng bahala sa mga iyan ang sabi ng Teniente
sa 2 kausap.
ang pagkakaalam siguro ng
mga tao ay tulog na ang mga
lolo ko Kaya dahandahan ng
umakyat ang 2 taong kausap ni teniente Upang isagawa ang
plano...
subalit ang hindi nila alam na
nakahanda na sa mangyayari
ang dalawang magkaibgan...









At ng aktong papasok na ang
2 lalaki upang isagawa ang
ang kanilang plano,
Pagkabukas ng pintuan
hinampas ng malakas na dos por dos ng kaibigan ng lolo
ang isa at ganun din ang
ginawa ng lolo ko bilang
depensa nila sa kanilang sarili,
upang hindi malaman ng
angkan ni teniente gimu ang ngyari sa kamag anak niya
Hinubaran nila ang dalawang
lalaki upang hindi kagad
makilalala ang mga ito at
upang Hindi rin mabuko ang
planong pagtakas ng mga lolo ko.
gaya ng bilin ni teniente gimu
Balutang ng matibay na sako
ang ulo ng mga bisita at
pagkatapus ay gilitan ng leeg.
at ganun nga ang kanilang ginawa ginapos nila ng
matibay na sako at ginilitan
nilang pareho Ang leeg ng 2
gamit ang dalang punyal ng
lolo ko na gawa sa tanso na
may ukit ding orasyon. Pagkatapus nila gawin ito
inihulog na nila ang bangkay
sa ibaba ng bahay at dun
kinumog at pinagpiyestahan
ng angkan ni teniente ang 2
patay.. Ginawa lang daw nila ito bilang pagtatanggol sa
sarili dahil kung di nila ito
gagawin sila ang mamamatay
sa lugar naiyon. At pagkasilip
daw ng lolo kasindk sindak
dw ang pangyayari kanya kanya daw tadtaran at
hìlapan ng laman, sa mga oras
na iyun wala pang may alam
kung sino ba talaga ang may
balot ng sako sa ulo.at di parin
nila nakakalag ang balot sa ulo ng 2 lalaki....
Continue..........
At sa mga oras daw na iyun
sayang saya daw ang mga
tao,
at isang malaking
pagkakataon naman daw para sa kanilang mag kaibigan
para tumakas Sa bahay na
iyon .
dahil sa sinaunang bahay ni
teniente gimo ang bintanay
gawa daw sa capiz, dun sila dumaan at tumalon, sa
sobrang takot na kanilang
nasaksihan kahit anung taas
daw ay di nila inalintana basta
ang mahalaga makalayo sila
hanggat hindi pa nalalaman kung sinu ang ulo nasa sako....
At ng Malayo layo na sila Sa
bahay palibhasay liblib at nasa
gitna ng katahimikan ng
kagubatan ! biglang
dumagundung daw ang napalakas na sigawan at
hiyawan Malalakas na iyakan
at dinig na dinig daw ng lolo
ang galit na namumutawi sa
mga taong kanilang naiwan sa
bahay na iyun! at iyun daw ang hudyat na
nalaman na ng Mag anakan ni
teniente na hindi pala bisita
nila ang napatay Kundi kamag
anak din nila... at palibhasay
mula siquijor Ang lolo ko at walang gasinung may kilala sa
kanila kaya agad ng
Nakarating Ang lolo sa bahay
ng kaniyang pinsan kasama
ang kaniyang kaibigan,, sa
sobrang takot na poribleng mangyari sa kanilang dalawa
agad silang nakarating Malapit
sa kabilang bario kung Saan
Nakatira ang pinsan ng aking
lolo....






continue........,.
At ng dumating sila sa bhay
ng mga pinsan ng lolo ko agad
daw silang naligo upang hindi
daw sila masundan ng
amoy ,at mga ilang minuto lang daw nag tahulan na daw
ang mga aso At marami daw
taong nagkalat sa labas galing
daw kabilang baranggay ni
teniente gimo na may
hinahanap daw sabi daw ng tiyahin ng loloko. ng panahon
Daw na iyun ay 30 anyos
palang ang lolo ko. At
iknuento nga daw ng lolo ko
sa kanyang tiya ang lahat na
ngyari at nagimbal daw sa takot ang tiyahin ng lolo ko,
at nasa gitna sila ng pag uusap
ng may biglang kumatok
daw sa pinto Malalakas na
katok! Biglang kinabahan
daw silang 3 Dahil sila lang ang gising ng oras na iyun, alam
daw nilang isa sa kamag anak
iyun ni tinyente, kaya ang
ginawa daw ng tiya ng lolo,
binalot daw silang
magkaibìgan ng banig na buli at ginapos at isinandig sa tabi
ng aparador. Kung sakali daw
mag hanap di sila mapapansin.
ng binuksan daw ng tiya ng
lolo ang pintuan, isang
napakatangkad dw na lalaki na madungis ang nagtanung
kung may napansin daw bang
2 lalaki na napadpad sa
baryung iyun mag titinda
daw ng asin ang sbi ng lalaki .
Ang sabi daw ng tiya ng lolo ko ! Wala daw at bigla daw
sumilip ang lalaki sa pintuan
ng bahay, at awa daw ng dios
walang nakita..
continue......
bago mag bukang liwayway
nakagayak na ang mga
lolohin kung pauwi ng capiz
at nangako sa kaniyang tiya
na kahit kaylan hindi na muli pang babalik pa sa dueñas
hanggang hindi pa nahuhuli si
Teniente Gimo ng
kinauukulan.
At ng marating sila ng Pier
Halos naroon Ang buong angkan ng teniente
nagmamasid at nagbabantay
sa kanila,, pero dahil tanging si
teniente Gimu lang ang
nakakilala sa kanilang
pagmumukha hindi sila napansin ng iba pang kamag
anak ng teniente at
maluwalhati silang nakasakay
ng barko pauwing capiz.. At
eto nga po dito nag tatapus
ang nakakatakot na karanasan ng lolo ko sa bayan
ng Dueñas iloilo.. At hanggang
ngayun ay ibinahagi ko sa
inyo ang tunay na
kasaysayan ng aswang na si
teniente Gimo, kasaysayan mula sa tunay na buhay at
kahit kaylan hindi Ini
dokumentaryo ng lolo ko sa
alin mang pahayagan tanging
kwentong inilihim sa
mahabang panahon ,upang maipreserve daw ito sa
tamang panahon at para sa
lahat.
Paalaala: Ang kwentong ito
Ay hindi po maaring baguhin
ng sinuman na wala ang ang phintulot ng may akda..
This is the Real history of
Aswang In Dueñas iloilo city
by - Fidel Maravilla and his
Bestfriend Mario...
Maraming salamat po sa lahat ng nag hintay at nag basa ,
isusunod ko na po dito Ang
kwento kung paanu nahuli si
Teniente Gimu ng mga
kinauukulan abangan.......


Part 2
Ang Maestra at Ang dalawang guro -
Dueñas Iloilo


Matapos ang nakapangingilabot na karanasan ng aking lolo at ng kaniyang kaibigan sa lugar na iyun, na nilihim nga ang kwento nilang ito Sa maraming tao Sapagkat ng mga araw daw na iyun maimpluensyang tao ang Teniente Gimu at may kaya sa buhay walang Pumapansin na otoridad sapagkat sinu bang mag aakala na ang isang teniente palang itoy may lahing aswang narito ang pangalawang kwento na mag dudugtong sa katotohanang pangyayari na naganap 50 dekada na ang nakalipas halinat tunghayan po natin ang nakapangingilabot sa sumunod na pang yayari...
Ang Maestra









Isang Guro sa mataas na
pamantasan ng manila
nagtuturo ang isang anak ni
teniente Gimo,ayon daw sa
lolo ko talagang inilayo ng
Mag asawang brgy captain ang kanilang dalagang anak
bata palang ito Upang hindi
Mahawa sa kung anung
Merong sakit meron sila,at
upang mamuhay ng normal at
sibilisado gaya ng iba... wala raw kaalam alam ang
Dalagang maestra na ito kung
anu ba talaga merong
pagkatao meron ang pamilya
nila, basta ang pagkakaalam
niyay may mga tsismis na kumakalat tung kol sa
kanilang pamilya ito ay lahing
aswang nga daw....
dahil sa malayo ang
pinagtuturuan ng kanlang
anak bibihira daw ito kung Umuwi ng Probinsya Sa
Dueñas Iloilo...
Dahil sa likas daw ang
kabaitan ng Maestra na anak
ng teniente hindi raw ito
katakatakang maraming kaibigan...
Nang malapit ng Dumating
ang Araw ng
kapiyestahan Sa brgy nila
kapitan Gimo sa Bayan ng
Dueñas iloilo Nag pasyang umuwi ang
kanilang anak na maestra
Upang makadalo sa piyesta ng
kanilang nayon,
Nag alok daw ang anak ng
Tiniente Sa dalawang Guro na kung Gusto Sumama sa
probinsya nila dahil nalalapit
na ang piyesta sa kanila at
maraming handa. Dahil laking
Lungsod daw ang 2 guro
parang gusto rin pumasyal sa ibang lugar kaya silay
sumama sa kaibigan pauwing
probinsya sa duenias...,......








Nang makarating daw ang
anak ni teniente Gimo sa
bahay nila kasama ang 2 guro
na kaibigan nila ,Tuwang
tuwa daw ang mag anak ng
teniente gimu sa mga panauhin mula sa malayung
lugar, at dito nga nag umpisa
ang kapansin pansin sa
kabuuang kabahayan ng
tinyente, may sariling bodega
ang bahay ,ganun din ang malalansang amoy na di alam
kung saan nagmumula pero
napansin ng isang kaibigan ng
anak ni teniente ang bahaging
sulok kung saan naroroon ang
bodega ,dahil may mga bahid daw ng dugo ang pintuan
ganun din ang sahig ng
bahaging iyun, pero
Binaliwala daw ng guro ang
napansing iyon..... Bisperas Ng gabi Naghahanda na ang
mag anak ng teniente para
sumalubong sa kpiyestahan
para bukas
Kasalukuyan namamahinga na
daw ang 3 Magkakaibigan sa itaas ng bahay,dahil sa
mabang papag at maliit
lamang ito kinailangan nilang
matulog Sa sahig para
magkasya silang 3.
at sa kalagitnaan ng gabi Tulog na ang anak ng tinyente
at isa sa kaibigan niya.
Dahil sa namahay ang ang
isang guro Hindi sya
makatulog at balais sya ang
pakiramdam niya sa bahay na iyon, kaya minabuti niyang
bumangon muna at
magpapahangin sa bintana ng
napansin niyang marami na
gising e alas 12.15 am Palang
ng madaling araw, napaisip daw ang guro kung bakit
maraming tao At halos
mapuno ang sala sa
ibaba ,samantalang ng
dumating silang tanghaling
tapat wala naman katao tao sa lugar na iyun at parang
walang kapit bhay? ...........








.Nasa tayo siyang gayon ng
marinig daw ng guro ang
paguusap ng teniente at isa
pang lalaki na ganito, may
bisita ang aking anak na
dalawang guro ,ang aking anak ay may mga alahas sa
tenga at ang 2 ay wala nasa
gitna ang aking at ang bisita
ay nasa mag kabilang gilid
kapag narun na kayo Balutin
mo ng makapal na kumot ang ulo ng babae at gilitan ng
leeg....
At sa pagkakadinig niyang
iyun agad siyay nag madali at
bumalik sa higaan at sa
sobrang pagod ng anak ni teniente Gimo himbing na
himbing ito sa pagkakatulog ,
at sinamantala naman ito ng
1guro. Tinangal ng guro ang
hkaw at mga alahas ng anak
ni teniente Gimu at dali daling sinuot ito sa kanya at ng
maisuot na ito ,inilipat niya ng
tayo ang anak ng teniente sa
gitna. At aktong Gigisingin
niya ang isa pa niyang
kaibigan subalit huli na ang lahat para dito dahil nakapsok
na ng kwarto ang isa kamag
anak ni teniente Gimu upang
gawin ang plano
Gayon nga kinapa daw ng
lalaki ang tenga ng bawat isa at ng makumpirmang nasa
gitna ang may alahas inakala
na nilang ito ang Anak Ni
teniente kaya ang nasa
gawing kaliwa ang kanilang
binalot at hinablot ang babae ska dinala pababa ng bahay,....







At Sa pagkakataong iyun
alam ng guro na ang babaing
hinablot at binalot ng kumot
Ay ang sariling anak ng
tinyente pero wala na syang
magagawa kelangan niya makalgtas, ganun paman Sa
sobrang katarantahan ng guro
Nawala sa isip niya ang isa pa
niyang kaibigan na
mahimbing na natutulog,
kaya ng maisarado na ang pinto at nakalbs ang tao bitbit
ang babaeng may balot ang
ulo ng kumot. Agad siya
bumangon at nag madaling
tumakas, dahil wala syang
pamimilian na daanan,kundi Sa bintana din daw ito
dumaan at kahit may
kataasan ito dito sya dumaan
at tumalon. At ng makatakas
daw ang babae narinig na niya
may malakas daw na iyakan, siguroy nagilitan na ang anak
ni teniente gimo ,at dun na
sya ng panic dahìl naalala niya
ang kaibigan niyang naiwan
sa bahay na iyun.
Takbo ng takbo ang guro
Kahit san sya dumaan sya
wala syang pakielam basta
makatakas lamang sya.... at di
nag tagal parang ramdam
niyang may mga taong sumusunod sa kanya at
malalakas na pagas pas ng
pakpak sa dakong itaas pero
di daw ito nakikita ng guro
patuloy parin sa pagtakbo ,
hangang sa makarating sa pinakabukana ng papasok ng
brgy na iyun malapit stattion
ng tren may isang maliit na
dampa duon na may
nakatirang 1matandang
dalaga, at syay naglakas loob na kumatok at huminge ng
tulong dito.pinapasok sya ng
matanda at dito sya ng
sumbong tungkol sa nyari sa
kanya, awang awa ang
matanda, kaya minabuting tulungan ito. at di rin nagtagal
Ang mga taong humahabol sa
babae ay nakarating sa
bukana ng stasyon ng tren ,na
hinahanap daw ang guro ,5
lalaki ang nagtungo sa nagiesang kubo duon at
kumatok!Nagulantang ang
guro at ang matandang
naguusap at alam nilang ang
babaeng guro Ang pakay
kaya ang banig na buli na nakalatag sa sahig ay ginamit
bilang pambalot sa guro na
ipinaikot dito upang hindi
makita ng sinuman, sapagkat
ang kubo ay napakaliet
lamang , ibinalot ng matanda ang guro sa banig at isinandal
sa dingding. .at pagkatapus
binksan na ang pinto, at
pagkakita sa matanda, nag
tanung ang mga lalaki.
nanay Mawalang galang na ho may nakita ba kayung
babaeng tumakbo o dumaan
dito?
nako mga ijo Kagigising ko
lamang eh, tugon Ng matanda,
Ok ho Maraming salamat sabay dungaw ng mga lalaki
sa loob ng maliet na kubo....


@@@@@ @ ..^^oOo^^
 
ala ka wla na pla

continue plz^^

ciquijor!!!! ay 22o yan.kc na kuwento narin ng clam8 ko tga iloilo,halos wlang krimen na nang yayari jan.yun lang dme marurunong jan nah my kakaibah.pag sinabing ciquijor kilala ang bayan na yan sa marami namamamty na hindi alam ang dahilan.marunong din sila gumawa ng panggayuma.
 
totoo po yan ang kwento ni ts tga negros po ako halos narinig yan mismo sa mga matanda at sa radyo ang mga kwento, niniwala po ako dyan xa mga aswang naka encounter rin po ako nyan sa amin lugar nah halos kitang2x ko po at rinig,,isang ring matunog nah narinig ko nah aswang ung kai maria labo nah aswang din
 
waaah ... kakatakot aman pla tlga jan ..hehehe
naun ko na realize na totoo pla talga ang kwento na me mga ganun jan ...thanks sa pagshare ts ..
 
:hat:
Pasensya na kayo naka cp mode lang po ako , saka ko na sasagutin ang tanung mo bro ang goal ko lang kase ngayun e matapus ko ang story na ito, , Kung nabitin kayo pwedi kayo mag back page Nasa 1 and 2 Page po copy and pasted napo iyan para diretso po ninyung mabasa . Ang kwento Kung may kulang man po wait lamang po!
at Sa nag aadvertize dito sa thread na ito! About jay taruc Wala po akong paki sa kwentong iyan dahil walang malinaw na dokumentaryo at kulang kulang pa. Pasensya na po pero ang ngyaring ito ay totoong buhay ng lolo ko, at unang ngyari ito bago pa naganap ang Kwento Ng 2 teacher at ang anak na maestra ni Teniente Gimo. Pakiabangan po ang susunod na kabanata.

no worries bro..

pero nakakatampo ka.. hmf!!..
 
TS have you heard about MARIA LABO ba yun..kasi according sa mga kwento at ganun din sa TV Patrol Chavacano. Aswang daw siya na galing ILOILO at nahuli dito sa Sangali, Zambo.City while eating a dead dog.she has a huge scar on her face.thats is according to witneses.
you know i dont believe in this kind of story.for info lang baka kilala ng lolo mo o ikaw mismo kung totoo nga yung Maria Labo na yun at baka my relation sa storya mong ito..
 
Part 2
[highlight]Ang Maestra at Ang dalawang guro - Dueñas Iloilo
[/highlight]
Matapos ang nakapangingilabot na karanasan ng aking lolo at ng kaniyang kaibigan sa lugar na iyun, na nilihim nga ang kwento nilang ito Sa maraming tao Sapagkat ng mga araw daw na iyun maimpluensyang tao ang Teniente Gimu at may kaya sa buhay walang Pumapansin na otoridad sapagkat sinu bang mag aakala na ang isang teniente palang itoy may lahing aswang narito ang pangalawang kwento na mag dudugtong sa katotohanang pangyayari na naganap 50 dekada na ang nakalipas halinat tunghayan po natin ang nakapangingilabot sa sumunod na pang yayari...
[highlight]Ang Maestra
[/highlight]








Isang Guro sa mataas na
pamantasan ng manila
nagtuturo ang isang anak ni
teniente Gimo,ayon daw sa
lolo ko talagang inilayo ng
Mag asawang brgy captain ang kanilang dalagang anak
bata palang ito Upang hindi
Mahawa sa kung anung
Merong sakit meron sila,at
upang mamuhay ng normal at
sibilisado gaya ng iba... wala raw kaalam alam ang
Dalagang maestra na ito kung
anu ba talaga merong
pagkatao meron ang pamilya
nila, basta ang pagkakaalam
niyay may mga tsismis na kumakalat tung kol sa
kanilang pamilya ito ay lahing
aswang nga daw....
dahil sa malayo ang
pinagtuturuan ng kanlang
anak bibihira daw ito kung Umuwi ng Probinsya Sa
Dueñas Iloilo...
Dahil sa likas daw ang
kabaitan ng Maestra na anak
ng teniente hindi raw ito
katakatakang maraming kaibigan...
Nang malapit ng Dumating
ang Araw ng
kapiyestahan Sa brgy nila
kapitan Gimo sa Bayan ng
Dueñas iloilo Nag pasyang umuwi ang
kanilang anak na maestra
Upang makadalo sa piyesta ng
kanilang nayon,
Nag alok daw ang anak ng
Tiniente Sa dalawang Guro na kung Gusto Sumama sa
probinsya nila dahil nalalapit
na ang piyesta sa kanila at
maraming handa. Dahil laking
Lungsod daw ang 2 guro
parang gusto rin pumasyal sa ibang lugar kaya silay
sumama sa kaibigan pauwing
probinsya sa duenias...,......








Nang makarating daw ang
anak ni teniente Gimo sa
bahay nila kasama ang 2 guro
na kaibigan nila ,Tuwang
tuwa daw ang mag anak ng
teniente gimu sa mga panauhin mula sa malayung
lugar, at dito nga nag umpisa
ang kapansin pansin sa
kabuuang kabahayan ng
tinyente, may sariling bodega
ang bahay ,ganun din ang malalansang amoy na di alam
kung saan nagmumula pero
napansin ng isang kaibigan ng
anak ni teniente ang bahaging
sulok kung saan naroroon ang
bodega ,dahil may mga bahid daw ng dugo ang pintuan
ganun din ang sahig ng
bahaging iyun, pero
Binaliwala daw ng guro ang
napansing iyon..... Bisperas Ng gabi Naghahanda na ang
mag anak ng teniente para
sumalubong sa kpiyestahan
para bukas
Kasalukuyan namamahinga na
daw ang 3 Magkakaibigan sa itaas ng bahay,dahil sa
mabang papag at maliit
lamang ito kinailangan nilang
matulog Sa sahig para
magkasya silang 3.
at sa kalagitnaan ng gabi Tulog na ang anak ng tinyente
at isa sa kaibigan niya.
Dahil sa namahay ang ang
isang guro Hindi sya
makatulog at balais sya ang
pakiramdam niya sa bahay na iyon, kaya minabuti niyang
bumangon muna at
magpapahangin sa bintana ng
napansin niyang marami na
gising e alas 12.15 am Palang
ng madaling araw, napaisip daw ang guro kung bakit
maraming tao At halos
mapuno ang sala sa
ibaba ,samantalang ng
dumating silang tanghaling
tapat wala naman katao tao sa lugar na iyun at parang
walang kapit bhay? ...........








.Nasa tayo siyang gayon ng
marinig daw ng guro ang
paguusap ng teniente at isa
pang lalaki na ganito, may
bisita ang aking anak na
dalawang guro ,ang aking anak ay may mga alahas sa
tenga at ang 2 ay wala nasa
gitna ang aking at ang bisita
ay nasa mag kabilang gilid
kapag narun na kayo Balutin
mo ng makapal na kumot ang ulo ng babae at gilitan ng
leeg....
At sa pagkakadinig niyang
iyun agad siyay nag madali at
bumalik sa higaan at sa
sobrang pagod ng anak ni teniente Gimo himbing na
himbing ito sa pagkakatulog ,
at sinamantala naman ito ng
1guro. Tinangal ng guro ang
hkaw at mga alahas ng anak
ni teniente Gimu at dali daling sinuot ito sa kanya at ng
maisuot na ito ,inilipat niya ng
tayo ang anak ng teniente sa
gitna. At aktong Gigisingin
niya ang isa pa niyang
kaibigan subalit huli na ang lahat para dito dahil nakapsok
na ng kwarto ang isa kamag
anak ni teniente Gimu upang
gawin ang plano
Gayon nga kinapa daw ng
lalaki ang tenga ng bawat isa at ng makumpirmang nasa
gitna ang may alahas inakala
na nilang ito ang Anak Ni
teniente kaya ang nasa
gawing kaliwa ang kanilang
binalot at hinablot ang babae ska dinala pababa ng bahay,....







At Sa pagkakataong iyun
alam ng guro na ang babaing
hinablot at binalot ng kumot
Ay ang sariling anak ng
tinyente pero wala na syang
magagawa kelangan niya makalgtas, ganun paman Sa
sobrang katarantahan ng guro
Nawala sa isip niya ang isa pa
niyang kaibigan na
mahimbing na natutulog,
kaya ng maisarado na ang pinto at nakalbs ang tao bitbit
ang babaeng may balot ang
ulo ng kumot. Agad siya
bumangon at nag madaling
tumakas, dahil wala syang
pamimilian na daanan,kundi Sa bintana din daw ito
dumaan at kahit may
kataasan ito dito sya dumaan
at tumalon. At ng makatakas
daw ang babae narinig na niya
may malakas daw na iyakan, siguroy nagilitan na ang anak
ni teniente gimo ,at dun na
sya ng panic dahìl naalala niya
ang kaibigan niyang naiwan
sa bahay na iyun.
Takbo ng takbo ang guro
Kahit san sya dumaan sya
wala syang pakielam basta
makatakas lamang sya.... at di
nag tagal parang ramdam
niyang may mga taong sumusunod sa kanya at
malalakas na pagas pas ng
pakpak sa dakong itaas pero
di daw ito nakikita ng guro
patuloy parin sa pagtakbo ,
hangang sa makarating sa pinakabukana ng papasok ng
brgy na iyun malapit stattion
ng tren may isang maliit na
dampa duon na may
nakatirang 1matandang
dalaga, at syay naglakas loob na kumatok at huminge ng
tulong dito.pinapasok sya ng
matanda at dito sya ng
sumbong tungkol sa nyari sa
kanya, awang awa ang
matanda, kaya minabuting tulungan ito. at di rin nagtagal
Ang mga taong humahabol sa
babae ay nakarating sa
bukana ng stasyon ng tren ,na
hinahanap daw ang guro ,5
lalaki ang nagtungo sa nagiesang kubo duon at
kumatok!Nagulantang ang
guro at ang matandang
naguusap at alam nilang ang
babaeng guro Ang pakay
kaya ang banig na buli na nakalatag sa sahig ay ginamit
bilang pambalot sa guro na
ipinaikot dito upang hindi
makita ng sinuman, sapagkat
ang kubo ay napakaliet
lamang , ibinalot ng matanda ang guro sa banig at isinandal
sa dingding. .at pagkatapus
binksan na ang pinto, at
pagkakita sa matanda, nag
tanung ang mga lalaki.
nanay Mawalang galang na ho may nakita ba kayung
babaeng tumakbo o dumaan
dito?
nako mga ijo Kagigising ko
lamang eh, tugon Ng matanda,
Ok ho Maraming salamat sabay dungaw ng mga lalaki
sa loob ng maliet na kubo....

paramg parehas ng istorya kung panu tumakas yung 2 magkaibigan tsaka yung 1 guro ah..parehas tumalon sa bintana
tapos itinago sa buli??tapos may sumilip na lalaki?:beat:
 
Tapos ts? Ituloy mo na po? Dadami at dadami lang yun nag aadvertise hehe
 
Back
Top Bottom