Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

The Real History of Aswang In Dueñas iloilo City True Story -Symbianize

Thanks ts (1989matanghari2012), ganda ng ng kwento mo sana mashare mo din sa spookify page sa facebook para marami din makaalam ng kwento mo. :clap::clap:
 
Ako po ay taga Duenas at sa totoo lng po di ko alam kung panu nasabi ng lolo na may pier papuntang capiz. Wala pong dagat sa Duenas. Sana po tama yong naikwento ng Lolo mo.
 
Ako po ay taga Duenas at sa totoo lng po di ko alam kung panu nasabi ng lolo na may pier papuntang capiz. Wala pong dagat sa Duenas. Sana po tama yong naikwento ng Lolo mo.

hindi na makkasagot si matang hari o dark justice sau kasb huling log nya dec 2014 pa
 
dito na ako tumanda sa isla ng panay, pero kahit minsan di pa ako nakakakita nb aswang..:upset: aklan, capiz, iloilo napuntahan ko na yan naglalakad ng madaling araw (3:00AM) mag-isa sa mga lugar na bihira ang tao wala akong nakasalubong ni isang aswang... mas natatakot pa ako sa tambay sa kanto...

hanapin mo yung baranggay langga doon ka maglakad ng 2am sigurado makakita ka ng aswang...
 
bago ang lahat nais ko muna ulit mag pakilala sa inyo ... ako si 1989matanghari2012.. last update ko is 2014.. busy lang pero diko nalimutan ang thread ko na ito/. isa sa dahilan diko maaccess ang old acc ko na 1989matanghari2012. kaya ngayon habang di pa nauupdate ni padre pio at sir edward ang acc. ko . ito muna pansamantala para masagot ko ang inyong mga katanungan .... doon sa nagtatanong kong nasan ang pier sa duenias ???????? meron po doon old riles ng tren .. kong wala na siguro naalis na.. hindi ko naman sinabi sa kwento ko sumakay ng barko si lolo ang sabi ko kumabit sya sa ilalim ng tren..... isa ito sa pinagmamalaki ng symbianize forum ang kwento na ito na may pinakamahaba at buod na kwento. kahit san kayo mag search wala kayo mahahanap na totoong kasaysayan tanging ito lamang sa ayaw nyo man maniwala o sa indi nangyari ito sa totoong buhay ... at isang linggo ko ginawa at tinapos ang kwento na ito para lang maishare sa inyo ... yong iba ginamit ito bilang thesis sa mga college student... :clap:
 
Magandang Umaga mga ka PS- Katatapos ko lang basahin tong story ni kapatid na matanghari.
Ma I kwento ko lang...

Lumaki kasi kami naranasan yung inaaswang. kaya ngayong 2018 napaisip ako kung bakit nga ba nawala at parabang hindi na sila nag paparamdam..
kaya ko napunta sa thread ni kapatid na matanghari (Kudos Pare- na ishare ko na kwento ng lolo mo!) para mag hanap ng storya kung meron pa bang mga aswang ngayon millennial generation. I share ko na din yung naranasan ko sa aswang at kung bakit ako naniniwala na meron talagang aswang..

Nag simula eto nung tumira kami sa bahay ng aming lola. sa GMA cavite, sa lugar na to maraming visaya at may mga ilonggo/ilongga.tumira kami dun ng mga limang taon at doon ko napatunayan at naransan na meron talagang aswang. Ikwento ko muna yung sa lolo ko, yung lolo ko na taga iloilo din(pero hindi sya taga duenas) Pag ka tapos noon ng WW2 nag karoon sya ng kaibigan na naging kasama nya sa death-march, Naging best friend eto ng lolo ko.
hindi nya alam na etong kaibigan nya pala ay isang aswang. nang humipa na ang gulo bumalik na sila sa aming probinsya sa GMA cavite at bago sila mag hiwalay ng landas nag sabi yung kaibigan ng lolo ko na mag kita daw sila mamayang gabi ng mga ala sais ng hapon. sa bahay ng kaibigan nya. pag dating dun ng lolo ko. dun inamin ng kaibgan nya na sya daw ay aswang, pero mabait na aswang. natawa ang lolo ko doon sa sinabi ng kaibigan nya, sabay sabi meron ba nun? patunayan mo nga saken... agad agad daw nag lbas ng langis yung kaibigan nya at pinahid sa katawan. nagulat ang lolo ko kasi kung san daw pinahid yung langis nagiging makintab daw ang balat at parang nag kakaroon ng kaliskis yung kaibigan nya. matapos mag palit anyo yung kaibigan ng lolo ko. natakot ang lolo ko sa itsura ng kaibigan nya.. muntik na syang mapa ihi. nung nakita sya ng kaibigan nya agad netong sinabi na wag ka matakot ako pa rin to.. lika sumama ka! sabi nya sa lolo ko. pinasan daw sya nung kaibigan nyang aswang at para silang lumilipad, tumatalon talon sila sa bubong at puno ng bahay ng walang nakaka kita sa kanila.. totoo ngang may kapangyarihan silang bulagin ka o maitago yung sarili nila.. pumunta sila sa kabilang barangay at dun sila baba, sabay sabi ng kaibigan nyang aswang.. itapon mo yung dala mong asin sa bulsa kasi nahihirapan ako bitbitin ka sobrang bigat.. wag ka mag alala di kita aanuhin, papatunayan ko sayo na mabait akong aswang.. nag punta sila sa isang burol sa kabilang barangay habang naiwan sya sa talahiban, nakita nya yung kaibigan nyang nasa ilalim ng kubo at humaba yung dila at pumasok sa bangkay nung naka burol.. ang pinag tataka ng lolo ko eh hndi nila nakikita yung kaibigan nya na ginagawa yun sa namatayan nilang kamag anak.. matapos kumain ng kaibigan nya.. binalikan nya yung lolo ko. at lumipad na sila pabalik sa bahay ng kaibigan nya.. nag tanong ang lolo ko bakit mo sinabi sakin yung lihim mo.. ang sagot nung kaibigan nyang aswang gsto ko kasi ipasa sayo yung pagiging aswang.. sabay sumuka ng bato yung kaibigan nya... na parang perlas na maput..
 
Thank you sa kwento Sir MatangHari. Atleast nakilala ang bayan ng Dueñas dahil kay Teniente Gimo. Sabi nung guard namin dito sa opisina, tubong Iloilo siya, totoo daw talaga ang kwento kay Teniente Gimo. Nung nabasa ko yung storya tungkol kay TG, nagtanong ako sa kanya tungkol dun at dun ko nalaman na taga Iloilo siya. Totoo daw ang kay TG. Nung nahuli daw siya ng awtoridad, ipinarada pa daw sa Plaza para ipagkalandakan na aswang siya.
 
Re: The Real History of Aswang In Dueñas iloilo-Symbianize

[highlight]Teniente Gimo - Aswang[/highlight]​
[highlight]

Dueñas -Iloilo
[/highlight]
May 50 dekada na mula ngayon, ng mangyari at maganap ang kasaysayan ng kwento na ito ........
Isang nagngangalang Teniente Gimo ang kasalukuyang brgy. Captain Sa isang liblib brgy.ng Dueñias ilo-ilo.
Maraming hakahaka na ang pamilyang nito ay pinaniniwalaang aswang,, dumating ang taganihan ng palay sa bayan ng iloilo, at nag pasya ang lolo ko at ang isa niyang kaibigan na magtungo sa lugar na iyun upang maki ani ng palay sa pinsan ng mga lolo ko.. Dumating sila sa isang brgy dun, at usap usapan nga na isang Teniente ang Pinaniniwalaang aswang at kasalukuyang kapitan ng brgy.pati ang buong angkan nito ay pinaniniwalan ding aswang,, makatapus ang anihan ng palay. Nag plano ang lolo ko at ang kaibigan niya na alamin ang tunay na katotohanan sa tunay na pagkatao ng teniente,
Isang Gabi, Nagsimulang mag tungo Ang 2 sa malayo at liblib na lugar kung saan Nakatira Si teniente Gimu,
Nagpangap silang Magtitinda ng Asin at uso pa nuon ang tikles na gawa sa manipis kawayan na pinaglalagyan ng mga prutas, pero maliet lamang ito para sa lagayan ng asin.
Pagsapit nila sa pintuan kumatok at pinagbuksan sila ng Teniente Gimu.
Ang sabi daw ng lolo ko baka maaring makituloy po sapagkat malayong brgy ang kanilang pinagmulan baka maaring makituloy kahit isang gabi lang...
At Tinanung ng teniente kung bakit sila ginbi?
Nagtitinda po kase kami ng asin, at ng pagkasabi niyang iyon, biglang Nagtaas daw ng boses ang teniente at ang sabi Wag na wag ninyung ipapasok dito sa bahay ko ang dala ninyung mga asin Ilayo ninyo iyan sa pinto.. At iwan sa labas,
at iyun nga naiwan sa labas ang dala nilang asin.....


....... Mula sa labas ay pinapasok na sila ni
teniente,At papasok na sana
ang lolo ko sa pintuan ng may
biglang sumundot sa tagiliran
ng binti niya, isang batang
lalaki kung hindi ako nagkakamali eh 5-7 taung
gulang daw Nakakulong ang
bata Sa malaking tiklis o
Tabungos, isang malaking
tapayan na gawa sa manipis
kawayan, nkasandig sa tabi ng pinto, ang sabi ng daw ng
bata, Manong parang awa na
po ninyo tulungan po ninyu
ako papatayin ako ni teniente
gimu aswang!!
Nagulat ang lolo ko at aktong Bubuksan ang tabungos at
kukunin ang bata para ilabas,
eh saktong Sumigaw daw ang
teniente ! ang sabi Wag
ninyung papakielaman ang
batang iyan iyan ay aking apo at kinakastigo ko hayaan
ninyo siyang naririyan!
At ang bata ay patuloy sa
kaieyak hanggang sa tinawag
ni teniente gimu ang isang ank
niyang lalaki upang ipanhik sa itaas ng bahay ang bata, sa
lakas ng iyak ng bata sa itaas
ng bahay dinig na dinig ng 2
magkaibigan ang unti unting
paghina ng iyak at dahang
dahang taghoy ng bata... At ng makaakyat na sila wala
ang bata sa itaas! subalit
katakataka daw na may
tinatadtad na karning baboy
sa lamesa pero ng dumating
sila wala naman daw naman silang narinig na nagtatadtad,
at sa pintuan palang ng bahay
ng teniente kapansin pansin
na ang kakaibang lansa, ganun
din ang mga naglalakihang
Kawa ,kaldero Kaserola na kahìt ang isang buhay na
kambing ay kasyang kasya...
At sa pagtatadtad napansin
daw ng lolo ang amoy na
malansang utak ng tao at
alam niyang itoy bago at sariwa pa, nagtataka sila sa
kanilang nakita at mga
napapansin subalit sa mga oras
na yaon ay wala ang bata
subalit iesa lang ang kwarto
sa itaas ng bahay..saan napunta ang bata? Ang wika
ng magkaibgan..
At duon nabuo ang kanilang
konklusion ,,
subalit hindi pa dito natatapos
ang lahat Dahil ng mga panahon na iyun
marunong ng kumontra ang
lolo ko sa ganitong mga
nilalang, Nag orasxion ang
dalawang magkaibigan
sapagkat silay may alam sa mga bulong/albulario. At dito
na maguumpisa ang tunay na
kwento,,








#3 continue Matapos manalangin ng daw
ng lolo kasama ang kaibigan
niya, tinawag daw sila ni
teniente Gimo upang mag
hapunan subalit silay tumangi
at sinabing kung pwedi mamahinga nalamang sila at
napagod sa mahabang
paglalakad. Di nagtagal
sinamahan sila ni teniente sa
kaitaasan ng bahay kung saan
may papagan na gawa sa tabla ng akacia at kawayan at
dun sila pinatulog..
Makalipas ang ilang mga oras
na silay nakikiramdam sa
paligid Ganap daw na alas
11.35 pm ay may biglang dumating na maraming tao,
halos mapuno daw ang
bulwagan sa ibaba ng bahay
bata matanda binata, at mga
maeedad naron Dw..biglang
bumangon at sinilip ng lolo ko kung bakit maraming tao
Takang taka silang dalawa,
maraming Kawa ang may
lamang tubig na pinakukulo,
may naghahasa at may
naghihiwa ng gulay. At sa iba ba din ng bahay may
matandang babae na
nagkakambas ng karne , may
1klo sa isa may 2klo naman sa
isa May leeg, at ulo, ang sabi
pa ng bata daw na isa Lola akin nalang po Ang tenga at
dila ieehaw ko lang po.
sa madaling salita may
katayan na magaganap, ang
pagkakaalam naman ng lolo
ko e baka piyesta kinabukasan Kaya me
handaan.
habang nasa pagsilip sila sa
ibaba, May naring silang
naguusap sa labas ng pinto na
malapit sa dingding ,ganito raw ang pag uusap na
kanilang narinig
Teniente Gimo >>
May 2 tayung panauhin mula
sa malayung lugar
Pagkakataon na natin ito, kaya sisiguraduhin Ninyo
hindi eingay ang 2 iyan .
Kapag nahuli ninyo Balutan
ninyo ng sako sa ulo At gilitan
ng leeg. At ihagis Ninyo dito
sa ibaba at kami ng bahala sa mga iyan ang sabi ng Teniente
sa 2 kausap.
ang pagkakaalam siguro ng
mga tao ay tulog na ang mga
lolo ko Kaya dahandahan ng
umakyat ang 2 taong kausap ni teniente Upang isagawa ang
plano...
subalit ang hindi nila alam na
nakahanda na sa mangyayari
ang dalawang magkaibgan...









At ng aktong papasok na ang
2 lalaki upang isagawa ang
ang kanilang plano,
Pagkabukas ng pintuan
hinampas ng malakas na dos por dos ng kaibigan ng lolo
ang isa at ganun din ang
ginawa ng lolo ko bilang
depensa nila sa kanilang sarili,
upang hindi malaman ng
angkan ni teniente gimu ang ngyari sa kamag anak niya
Hinubaran nila ang dalawang
lalaki upang hindi kagad
makilalala ang mga ito at
upang Hindi rin mabuko ang
planong pagtakas ng mga lolo ko.
gaya ng bilin ni teniente gimu
Balutang ng matibay na sako
ang ulo ng mga bisita at
pagkatapus ay gilitan ng leeg.
at ganun nga ang kanilang ginawa ginapos nila ng
matibay na sako at ginilitan
nilang pareho Ang leeg ng 2
gamit ang dalang punyal ng
lolo ko na gawa sa tanso na
may ukit ding orasyon. Pagkatapus nila gawin ito
inihulog na nila ang bangkay
sa ibaba ng bahay at dun
kinumog at pinagpiyestahan
ng angkan ni teniente ang 2
patay.. Ginawa lang daw nila ito bilang pagtatanggol sa
sarili dahil kung di nila ito
gagawin sila ang mamamatay
sa lugar naiyon. At pagkasilip
daw ng lolo kasindk sindak
dw ang pangyayari kanya kanya daw tadtaran at
hìlapan ng laman, sa mga oras
na iyun wala pang may alam
kung sino ba talaga ang may
balot ng sako sa ulo.at di parin
nila nakakalag ang balot sa ulo ng 2 lalaki....
Continue..........
At sa mga oras daw na iyun
sayang saya daw ang mga
tao,
at isang malaking
pagkakataon naman daw para sa kanilang mag kaibigan
para tumakas Sa bahay na
iyon .
dahil sa sinaunang bahay ni
teniente gimo ang bintanay
gawa daw sa capiz, dun sila dumaan at tumalon, sa
sobrang takot na kanilang
nasaksihan kahit anung taas
daw ay di nila inalintana basta
ang mahalaga makalayo sila
hanggat hindi pa nalalaman kung sinu ang ulo nasa sako....
At ng Malayo layo na sila Sa
bahay palibhasay liblib at nasa
gitna ng katahimikan ng
kagubatan ! biglang
dumagundung daw ang napalakas na sigawan at
hiyawan Malalakas na iyakan
at dinig na dinig daw ng lolo
ang galit na namumutawi sa
mga taong kanilang naiwan sa
bahay na iyun! at iyun daw ang hudyat na
nalaman na ng Mag anakan ni
teniente na hindi pala bisita
nila ang napatay Kundi kamag
anak din nila... at palibhasay
mula siquijor Ang lolo ko at walang gasinung may kilala sa
kanila kaya agad ng
Nakarating Ang lolo sa bahay
ng kaniyang pinsan kasama
ang kaniyang kaibigan,, sa
sobrang takot na poribleng mangyari sa kanilang dalawa
agad silang nakarating Malapit
sa kabilang bario kung Saan
Nakatira ang pinsan ng aking
lolo....






continue........,.
At ng dumating sila sa bhay
ng mga pinsan ng lolo ko agad
daw silang naligo upang hindi
daw sila masundan ng
amoy ,at mga ilang minuto lang daw nag tahulan na daw
ang mga aso At marami daw
taong nagkalat sa labas galing
daw kabilang baranggay ni
teniente gimo na may
hinahanap daw sabi daw ng tiyahin ng loloko. ng panahon
Daw na iyun ay 30 anyos
palang ang lolo ko. At
iknuento nga daw ng lolo ko
sa kanyang tiya ang lahat na
ngyari at nagimbal daw sa takot ang tiyahin ng lolo ko,
at nasa gitna sila ng pag uusap
ng may biglang kumatok
daw sa pinto Malalakas na
katok! Biglang kinabahan
daw silang 3 Dahil sila lang ang gising ng oras na iyun, alam
daw nilang isa sa kamag anak
iyun ni tinyente, kaya ang
ginawa daw ng tiya ng lolo,
binalot daw silang
magkaibìgan ng banig na buli at ginapos at isinandig sa tabi
ng aparador. Kung sakali daw
mag hanap di sila mapapansin.
ng binuksan daw ng tiya ng
lolo ang pintuan, isang
napakatangkad dw na lalaki na madungis ang nagtanung
kung may napansin daw bang
2 lalaki na napadpad sa
baryung iyun mag titinda
daw ng asin ang sbi ng lalaki .
Ang sabi daw ng tiya ng lolo ko ! Wala daw at bigla daw
sumilip ang lalaki sa pintuan
ng bahay, at awa daw ng dios
walang nakita..
continue......
bago mag bukang liwayway
nakagayak na ang mga
lolohin kung pauwi ng capiz
at nangako sa kaniyang tiya
na kahit kaylan hindi na muli pang babalik pa sa dueñas
hanggang hindi pa nahuhuli si
Teniente Gimo ng
kinauukulan.
At ng marating sila ng Pier
Halos naroon Ang buong angkan ng teniente
nagmamasid at nagbabantay
sa kanila,, pero dahil tanging si
teniente Gimu lang ang
nakakilala sa kanilang
pagmumukha hindi sila napansin ng iba pang kamag
anak ng teniente at
maluwalhati silang nakasakay
ng barko pauwing capiz.. At
eto nga po dito nag tatapus
ang nakakatakot na karanasan ng lolo ko sa bayan
ng Dueñas iloilo.. At hanggang
ngayun ay ibinahagi ko sa
inyo ang tunay na
kasaysayan ng aswang na si
teniente Gimo, kasaysayan mula sa tunay na buhay at
kahit kaylan hindi Ini
dokumentaryo ng lolo ko sa
alin mang pahayagan tanging
kwentong inilihim sa
mahabang panahon ,upang maipreserve daw ito sa
tamang panahon at para sa
lahat.
Paalaala: Ang kwentong ito
Ay hindi po maaring baguhin
ng sinuman na wala ang ang phintulot ng may akda..
This is the Real history of
Aswang In Dueñas iloilo city
by - Fidel Maravilla and his
Bestfriend Mario...
Maraming salamat po sa lahat ng nag hintay at nag basa ,
isusunod ko na po dito Ang
kwento kung paanu nahuli si
Teniente Gimu ng mga
kinauukulan abangan.......​

totoo nga ito ts naging Radio Drama din po ito nuong 90s sa isang istasyon dito sa South Cotabato inaabangan ko ang bawat pag simula ng drama na ito nuon ... Maiba ako ts KAMAG ANAK namin ang maravilla sa side ata ng lolo ko CONCIMINO ang surname
 
totoo nga ito ts naging Radio Drama din po ito nuong 90s sa isang istasyon dito sa South Cotabato inaabangan ko ang bawat pag simula ng drama na ito nuon ... Maiba ako ts KAMAG ANAK namin ang maravilla sa side ata ng lolo ko CONCIMINO ang surname

Sakto Sir. Pwede nyo na itanong pa ang ibang detalye tungkol kay Teniente Gimo. Buhayin natin ulit ang kwento :)

Year 2018 na. Tingin nyo nag eexist talaga ang mga aswang? Wag sana yung pa-joke na sagot na "inaswang ko ang jowa/asawa etc"
thanks.
 
Last edited by a moderator:
Natandaan ko namahay ako jan sa gma cavité nung 2017 nakitulog ako sa cm8 ng gf ko haha tahulan kasi mga aso eh. Pero nung nasa abra ako dun, di namn ako namamahay dati dun sa tatay ko naman dec 2017 nagbakasyon ako para kumuwa ng non pro driver li and then pangalawang kinagabihan patulog na at madilim dun naka kumot ako ng may biglang parang tao dun hugis babae nakatayo sakin unting unting binaba papunta sa ari ko at nahawakan nya aga ito ng sandali lang buti nalang sinipa ng kapatid ko hinihigaan ko na papag, kaya bigla ko tinanggal kumot ko sa buong katawan ko and then di naman ako natakot kaya nakatulog agad natatawa panga ako nung nangyari yon eh sabay tulog pero nung kinabukasan natakot ako kasi totoo daw na may aswang dun o may nagpaparamdam talaga kasi gabi gabi nalang mga alas nuebe ang ingay na ng aso tahulan ng tahulan. May pusa din dun na lumalapit sakin pero di ko sure kung pusa gumawa nun puting pusa nalapit sakin pinupuntahan banaman ako di ko alam kung ayon yung aswang eh parang tao kasi na babae nakita ko sa kumot pero bata pa yon mag nasa 13 to 17 yrs old siguro dora nga yung gupit ng buhok. Pero meron daw talaga multo dun sa bahay nayon may namatay daw don mas natakot ako don sa multo na namatay don may bata daw kasi dun mag ina na namatay don pero yung sakin aswang ata talaga kasi nahipuan ako namanyak! kalalaki kong tao eh! hahaha grabe di ako pinatulog sa bakasyunan after kinabukasan mag 2 days siguro nakapikit lang ako pero gising nung pauwi na ako pa paranaque tindi non ayon lang exp ko saka pala nung bata ako sa province namin sa bataan galing kami bulacan pauwi ng bataan dito ako lumaki mula 17 yrs bigla nag brown out sa taas ng bahay namin matanda pa sakin yung bahay may nakita akong putol na paa dalawa takot na takot ako don pero bata pa naman di ko alam nung nangyari basta putol na paa naglakakad tumakbo ako non pababa eh yon lang masheshare ko mga ka sb sa tingin ko totoong may aswang kasi naaswang na ako madalas din namamahay ako pag sa ibang lugar pero dun sa abra talaga nakita ko may tao talaga ako nakita sa kumot ko at nanghawak kinalibutan ako tindi lang ayon lang po exp ko. Salamat sa pagbasa...
 
Last edited:
Natandaan ko namahay ako jan sa gma cavité nung 2017 nakitulog ako sa cm8 ng gf ko haha tahulan kasi mga aso eh. Pero nung nasa abra ako dun, di namn ako namamahay dati dun sa tatay ko naman dec 2017 nagbakasyon ako para kumuwa ng non pro driver li and then pangalawang kinagabihan patulog na at madilim dun naka kumot ako ng may biglang parang tao dun hugis babae nakatayo sakin unting unting binaba papunta sa ari ko at nahawakan nya aga ito ng sandali lang buti nalang sinipa ng kapatid ko hinihigaan ko na papag, kaya bigla ko tinanggal kumot ko sa buong katawan ko and then di naman ako natakot kaya nakatulog agad natatawa panga ako nung nangyari yon eh sabay tulog pero nung kinabukasan natakot ako kasi totoo daw na may aswang dun o may nagpaparamdam talaga kasi gabi gabi nalang mga alas nuebe ang ingay na ng aso tahulan ng tahulan. May pusa din dun na lumalapit sakin pero di ko sure kung pusa gumawa nun puting pusa nalapit sakin pinupuntahan banaman ako di ko alam kung ayon yung aswang eh parang tao kasi na babae nakita ko sa kumot pero bata pa yon mag nasa 13 to 17 yrs old siguro dora nga yung gupit ng buhok. Pero meron daw talaga multo dun sa bahay nayon may namatay daw don mas natakot ako don sa multo na namatay don may bata daw kasi dun mag ina na namatay don pero yung sakin aswang ata talaga kasi nahipuan ako namanyak! kalalaki kong tao eh! hahaha grabe di ako pinatulog sa bakasyunan after kinabukasan mag 2 days siguro nakapikit lang ako pero gising nung pauwi na ako pa paranaque tindi non ayon lang exp ko saka pala nung bata ako sa province namin sa bataan galing kami bulacan pauwi ng bataan dito ako lumaki mula 17 yrs bigla nag brown out sa taas ng bahay namin matanda pa sakin yung bahay may nakita akong putol na paa dalawa takot na takot ako don pero bata pa naman di ko alam nung nangyari basta putol na paa naglakakad tumakbo ako non pababa eh yon lang masheshare ko mga ka sb sa tingin ko totoong may aswang kasi naaswang na ako madalas din namamahay ako pag sa ibang lugar pero dun sa abra talaga nakita ko may tao talaga ako nakita sa kumot ko at nanghawak kinalibutan ako tindi lang ayon lang po exp ko. Salamat sa pagbasa...

tindi nga nyan sir. manyak din pala ang mga aswang. hehe. meron din pala sa Abra na mga aswang
 
Nice thread sir.I've read the story and remembered the childhood stories I used to hear back then. Folklore or whatsoever and ganda ng thread na ito at nakakatakot boss.
It's reminiscing the shake, rattle and roll series and if I'm not mistaken I have a good set of memory, nakita ako ng episode sa "maalaala mo kaya" back then, isang barrio na halos aswang. hindi yang nakita nyo sa youtube!if i rememeber sa episode na yun ang entrance ng barrio nila ay may arc shaped na kawayan at naka emblazoned ang bungo ng isang kalabaw or baka, at parang may piesta din.
 
Last edited:
naniniwala po ako dito ts... isa din po ako sa nkaranas ng misteryo sa buhay year 2017 palang bgo pa diba? sa pamilya ko mismo nangyari to
 
Re: The Real History of Aswang In Dueñas iloilo City True Story -Mobilarian

:lol: ito pala yung sa Rated K,

:hmm: baka cannibal lang
 
Re: The Real History of Aswang In Dueñas iloilo City True Story -Mobilarian

continue......
bago mag bukang liwayway
nakagayak na ang mga
lolohin kung pauwi ng capiz
at nangako sa kaniyang tiya
na kahit kaylan hindi na muli pang babalik pa sa dueñas
hanggang hindi pa nahuhuli si
Teniente Gimo ng
kinauukulan.
At ng marating sila ng Pier
Halos naroon Ang buong angkan ng teniente
nagmamasid at nagbabantay
sa kanila,, pero dahil tanging si
teniente Gimu lang ang
nakakilala sa kanilang
pagmumukha hindi sila napansin ng iba pang kamag
anak ng teniente at
maluwalhati silang nakasakay
ng barko pauwing capiz.. At
eto nga po dito nag tatapus
ang nakakatakot na karanasan ng lolo ko sa bayan
ng Dueñas iloilo..

Epic Fail story mo TS, taga iloilo rin ako, at kabisado ko buong Panay, walang pier sa dueñas, tren meron, barko wala..
 
Back
Top Bottom