Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

The WWE Thread

Poll for this week: Who is the best heel of 2010?

  • Total voters
    13
  • Poll closed .

try mo 'to habang buhay pa...

Last edited by a moderator:
mga WWE fanatics, ask ko lang anu na nangyari kay Undertaker?

sya pinaka favorite kong wrestler. Wala na ko balita sa kanya.
 
mga WWE fanatics, ask ko lang anu na nangyari kay Undertaker?

sya pinaka favorite kong wrestler. Wala na ko balita sa kanya.

pareho tayo. siya din pinaka-fav ko simula bata pa lang ako. actually, sila pala ni HBK. :lol:

ayun, tuwing wrestlemania na lang siya lumalaban.
(special clause ng kontrata niya ata yun since may edad na siya tsaka medyo injury-prone na rin)
tulad ngayon, wrestlemania season na kaya lumalabas ulit siya sa WWE programs.
si brock lesnar ang makakalaban niya ngayon. buhay pa rin ang winning streak ni 'taker sa 'mania...21-0.

tsaka kalbo/mohawk na nga pala siya ngayon. wala na yung mahaba niyang buhok.
parang mala-chuck lidell ng UFC. :lol:

search mo na lang sa google images kung gusto mo makita.
 
Ah, ganun ba, kaya pala di ko na sya madalas makita, kaya mejo Lie low na rin ako manood ng WWE, sya lang talaga pinapanood ko dati pa hehe. Atleast kahit paminsan minsan lumalaban pa rin sya. Thanks for the Info dude!:beat:
 
Ang nakakatuwa kay Undertaker, after WrestleMania may appearance parin sya tapos biglang mawawala. :lol:

Parang nung last year, after WM29 may appearance and matches sila ni Kane a.k.a. Brothers of Destruction, then after nila matalo sa SHIELD (na-triple powerbomb si Undertaker sa commentator table) ayun naglaho nalang bigla. Hindi man lang nagka-feud para sa resbak. Hihihi.

Tapos balik na sya ngayon kasi bigla naghamon si Lesnar (as storyline goes for WM30)
 
^ sayang sana kung natuloy yung brothers of destruction vs shield dati... kaso na-injured lang kasi nung na-triple powerbomb... :lol:

kawawa naman si mark henry ngayon...
yung world's strongest athlete naging stepping stone ni lesnar. :slap:
 
may nabasa akong prediction about kay bryan... si dave meltzer ata nagsabi nun.
sa WM30 daw kasi, posibleng bryan vs kane or bryan vs HHH...
pero either way, lalagyan daw ng special stipulation yung match ni bryan na pag nanalo daw siya, pwede siyang i-add sa main event.
so probably pag natuloy yon at nanalo si bryan (which is DAPAT LANG), magiging ORTON-BATISTA-BRYAN triple threat ang main event. :rock:

sh*t... nagkatotoo yung prediction ni meltzer. :lol:

bryan-orton-batista na yan for sure at WM30 :rock:
 
More action please... :ranting:

Napansin ko lang din pala netong nagdaang araw. Si Lesnar pala eh lumalaban lang din tuwing PPV ano? Pag regular episodes puro lang pakita, maghahamon, manggugulo ng set, may ma-sasapolan ng F5, sisigaw.. :lol: Mahal ba talent fee ni Lesnar kaya wala siyang booking pag regular episodes? :rofl:
 
oo puro promos lang talaga ginagawa niya if ever na lumabas sa raw... :lol:

tingin ko baka part yun ng demand niya o contract niya since sa pagkakaalam ko (correct me if im wrong), WWE ang may gustong bumalik siya dahil nga retired na siya sa MMA. tsaka hindi naman talaga niya kelangan ng pera eh... :noidea:

knowing kung bakit siya umalis ng WWE noon (ayaw niya ng road schedule ng WWE - exhausting yung araw-araw na pagpunta sa iba't ibang lugar) means na baka demand niya talaga yun na pinagbigyan na lang ng company since malaking draw naman siya. kumbaga, why not? sa part ng WWE. :lol:
 
Last edited by a moderator:
^ Hmmm parang ala Sting rin pala, sabi din kasi "daw" dati kaya ayaw nya sa WWE kasi ibat ibang lugar ever week, ayaw nya ata malayo sa hometown nya.

Anyway, mas trip ko parin yung Lesnar na "the next big thing" era.. mamaw talaga eh. :lol:

Sa tingin nyo, sino sino pa dapat makalaban ni Undertaker bago sya mag retire? .... Cena? Bryan? Who else?
 
si cena na lang talaga. :yes:

last match. :rock:
 
^ Hmmm parang ala Sting rin pala, sabi din kasi "daw" dati kaya ayaw nya sa WWE kasi ibat ibang lugar ever week, ayaw nya ata malayo sa hometown nya.

Anyway, mas trip ko parin yung Lesnar na "the next big thing" era.. mamaw talaga eh. :lol:

Sa tingin nyo, sino sino pa dapat makalaban ni Undertaker bago sya mag retire? .... Cena? Bryan? Who else?

kung ikaw b nmn asawa mo si sable.. matitiis mo bang maiwanan un ng sandali? :rofl:
 
^ huli kong nakita yang si sable nung nakaraang fight ni lesnar sa UFC... ang hot pa rin tsk. :lol:
 
ang alam kong nakalagay sa contract ni lesnar ay ppv lang sya lalaban at kokonting dates lang sya lalabas sa raw tapos hindi pa sya lalaban sa isang actual match sa raw. yun ang terms nya para kahit nagta-travel sya sa ilang cities, hindi mabigat yung toll sa katawan nya kasi nga may divertivulitis sya kaya napa-retire sya agad sa ufc. pang-ilan kaya yung order ng triple h vs d-bry sa wrestlemania 30 card? beginning and ending matches kaya si d-bry? kung hot yung crowd sa new orleans nun, mula simula hanggang katapusan, pagod yung mga yun kakasigaw..hahahaha..tungkol naman sa cena-taker wrestlemania match, grabeng heat sa crowd ni cena nun if ever..syempre, taker is on god mode tuwing wrestlemania eh..hindi uubra yung half-babyface at half-heel character ni cena nun..
 
Back
Top Bottom