medyo OT ang tanong pre...Soh Idol ,ano maipapayo mo sa akin kung anong course kukunin ko ? (update ko lang po )
pero sagutin ko na din...
ang course mo ay dapat magfifit sa mga strengths mo
sa class/academe....
kasi kung hindi mahihirapan ka lang
and katagalan tatamadin at magshishift ng course(aksaya ng tuition and oras)
1. sa pagpili ng course sana piliin mo yung gusto mo at hindi yung gusto ng parents mo
2. hindi porket magaling ka sa math engineering agad pipiliin mo,pwede ding educ major in math.. kasi baka wala k namang interest sa field ng engineering(civil,electronics,electrical,mechanical) na mapili mo baka pagtuturo talaga ang gusto mo...
3. hindi porket mahilig ka sa mga hacking lalo nasa symb ka eh IT/computer science ka na agad.. tandaan ang comsci/IT field na course ay nangagailangan padin ng husay sa MATH and logical analysis kasi gagawa ka ng program and iintindihin mo ang mga bagay-bagay in an imaginative way... hindi pwede basta-basta trial and error dapat in-depth ang knowledge and understanding mo. comsci- maraming math subjects 'to,kung iisipin siguro halos lahat ng math subj ng engineering pagdadaanan ng comsci... subj like trigo,anal geom,calculus(diff and integral),advanced math,differential equations and etc.. di ko sure kung anong curriculum na ngayon... ^^)
4. kung mahina ka talaga sa MATH(assumption lang po), sasabihin ko na sa'yo agad walang college course ang walang math lalo na yung mga BS courses... pero may mga BS na konti lang ang math... so tyaga padin at ayusin ang pag-aaral...
so all in all self assessment talaga and assessment ng course kung fit ka... on my opinion hindi maganda yung puro "guts" lang
at sa huli budget padin ang magdedecide nian kasi halos lahat ng univ. ngayon na public eh tapos na ang entrance exam so kung ngayon ka lang nag-iisip consider mo na din ang budget...
eto pa isang FACT:
halos lahat ng COLLEGES and UNIVERSITIES may malapit na MALL and computer shop...
mahirap talagang iwasan ang mga yan... kaya mahirap sabihin na makaka-focus ka sa pag-aaral.. hahahahhaha
Last edited: