Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Tips po planning to buy a computer set around 15k

mumen

Amateur
Advanced Member
Messages
147
Reaction score
0
Points
26
Hindi po ako gamer gusto din maglaro paminsan minsan mostly sa hobby lang mag editing adobe application and browsing, thanks
 
sorry
May peripherals kana? Like mouse, keyboard, monitor, etc.? Or kasama din yan sa

May peripherals kana? Like mouse, keyboard, monitor, etc.? Or kasama din yan sa budget mo na 15k?
sorry late, wala talaga lahat, ano b mas ok isang set kase di tlaga ako marunong mag build
 
Ano bang games ang nilalaro mo?
Meron kasing mga dapat mga isipin bago buuin yung rig mo
Kailangan mo bang mag upgrade after you buy 15k budget cpu ( wag mo lang tipirin ang power supply)

Mag tanong tanong ka dyan sa mga kakilala mo na magbubuo ng rig mo kasi kesa bilihin mo sa mga shop ng pre build na medyo mahal yon.

If casual gaming like dota 2, tripple A games low setting kaya nya.
-Go 5600g cpu kahit second hand. Almost 5k na lang ata bentahan.
- Corsair or seasonic psu 3k 450 watts
-Motherboard 4k hanap ka na lang ng fit sa gusto mo
- ram 8gb 1k ( simula ka muna sa 8gb kaya pa naman paps yan pero next upgrade mo to wait ka sa mga sale ng lazada or shoppe)
- ssd 250gb <1k (next upgrade mo after ram)
- case 1k or buy second hand

Medyo stretch mo pa budget mo gawin mong 17k para if pupunta ka ng bilihan talaga di ka ma short paalala avoid pre build na mapapamura ka
 
Usually depende sa shop na bibilan mo kung anu ano mabubul na offers nila from your budget, usually wala pa GPU yang 15k but get a mobo na sooner or later pag may additional kang pondo after few months makakapag upgrade or pwede mo lagyan ng GPU. Sa procie ryzen period 🤩
 
Sa current pricing ng mga parts dito sa Pinas, kulang yung budget mo ts lalo kung need mo din bumili ng ibang peripherals like monitor, keyboard+mouse & speakers (unless willing kang sumugal sa mga second-hands). Kung kaya mo pang mag-ipon kahit 5k, mas maganda at least tataas sa 20k budget mo. Sa ganyan pwede kang bumili ng GPU-less na build, yung integrated graphics lang yung gamit (possibly Ryzen 4650G or 5600G) para sa ganun may extrang space sa budget mo yung ibang peripherals especially yung monitor mo.
 
( wag mo lang tipirin ang power supply)
(y)(y)(y)^^^THIS^^^(y)(y)(y)

May times na sabihin ng iba na kahit anong power supply basta kaya sa wattage requirements ok na. Despite what they say, WAG NA WAG mag tipid sa power supply. Look for reputable brands that have power supply models with good track records
 
Back
Top Bottom