Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Torpe seryoso Iniwan ng Girlfriend

Poltergist

Recruit
Basic Member
Messages
15
Reaction score
0
Points
16
Helo po sa Lahat.... Share ko lang po ang love story ko hindi po ito kompleto pero intindihin nyo na lang..hehe

3 Months lang ang itinagal ng relasyon namin nakilala ko ang babaeng ito na nagtratrabaho bilang incharge sa photocopier machine sa isang tindahan sa lugar namin na attract talaga ako sa kanya maputi, mabait ang mukha at parang may similarities din kami sa pag-uugali medyo tahimik mga 23 na ang age.

Pagkatapos namin mag-usap at umuwi naq sa bahay nag-fb ako at napaisip na e add ko sya para madiskartehan ko..Di ko alam na friends na pala kami sa FB kaya n search ko yung name nya..Yung mga gabing iyon sinimulan ko na siyang e chat at mabuti naman ang pakikitungo nya sa akin friendly ang dating, habang tumatagal mga ilang days na ka chat, niligawan ko na sa chat if my pag-asa ba ako pero sabi nya UU pwede rin sa personal nalang daw para clear ang usapan namin...

Heto na sinimulan na akong kabahan sa pagkikita namin kasi may pagka Torpe kasi ako.... siya yung 2nd GF ko...so nag meet kami sa w8ting shed na malapit sa Internet shop pagkatapos ng work nya mga 6:00 ng gabi, d ko akalain na naghintay na siya dun nauna pa sa akin kinakabahan na ako kung itoloy ko ba nasa loob kasi ako ng E shop,, inisip ko na walang mangyayari kung maghahari ang kaTorpehan ko mananatili pa rin akong, single sa edad kong 25, last na nagka GF ako ng 20 years old aq 4th year college pero wala lang, sa akin ang relasyong yun di ko alam seryoso pala ang first GF sa akin hanggang siya ay napagod pinagpalit ako sa isang Foriegner, di ko man siya sineryoso pero nasaktan rin ako, di ko man lang siya na kiss sa lips sa relasyong namin iyon at hindi ko rin siya na date ng maraming beses kaya labis ang panghihinayang ko..

Anyway balik na tayo sa 2nd GF ko mga September 2 nag meet kami nag-uusap at nagtatanong tungkol about sa self namin at family everythingso dinaskartehan ko na kung kung may pag-asa ba ako sa kanya, sa araw na yun hindi pa niya ako sinagot dahil pag-iisipan pa raw nya so nirespeto ko ang disisyon nya at hinatid ko pauwi sa kanila tapos so pagkabukas. Sept 3 ni meet ko na naman at tinanung ko kung ano na disesyon nya kung sasagotin ba nya ako pero bago yan may mga deskarte pa ako at mga pag-uusap para maaliw siya so tumagal ang aming usapan mga isang oras so tinanung ko nanaman siya if ano na disesyon nya,, so tumahimik siya nag-iisip at ako naman ay naghintay sa matamis nyang OO.. pagkatapos ng paghihintay yun na sinagot nya na ako at ang saya2 ko na napasagot ko siya...

At first una naming date dinala ko siya sa may pyer nagkwentohan at nagtatawanan na palaging ginagawa ng mag syota, nag try ako mag kiss sa kanya sa lips pero parang umiiwas siya sabi nya pwede wag muna dahil marami pa naman tayong tym dyan, so tinanong ko siya if sa cheek at noo nalng pumayag siya,,hehe...din umuwi na kami,,

Marami pang experience ng aming relasyon kaya
Puputolin ko nalang ang kwento namin kasi medyo mataas...hehe

Masaya ang pagsasama namin sa 2 months naming relasyon hannggang may biglang nag-bago nung November pagkatapos ng 2nd monthsary namin naramdaman ko na parang naboboringan na siya sa akin at di na nagchachat sa FB at tila may tinatago,, Marami kasi siyang account sa FB may na tag siya na iba nyang account at inopen ko at e add friend... At di nya ako n add sa ibang FB nya try ko e add pero hindi ko makikita ang add friend sa kanyang page..Duon na ako simula nagtaka, ako rin medyo tuso meron din akong isang FB at inadd ko siya inaccept naman agad nya pero ng na friend ko na tinanong ko siya sa ibang account ko if my BF ba siya so English ang tanong ko sa kanya dahil Canadian kasi yung profile pic ng isang FB ko gwapo at macho..lol..,,sabi nya wala siyang boyfriend...aww nagsinungaling siya di pala siya honest sa akin..doon na ako simula nagtaka if my iba ba syang BF maliban sa akin di na kasi nya inoopen yung originaal FB nya noong araw na yun para maka chat ako...

Nakalipas ang ilang araw ginawa ko pa rin ang palagi siyang sundoin sa kanyang tinatrabahoan....Hanggang 3rd week ng November ay biglang nakipag cool-off siya sa akin sa pamamagitan ng chat sa fb, ang rason ay tsinetismis na raw kami sa kanyang mga kapitbahay,, gusto nya raw na cool-off muna dahil pinagalitan na siya ng kanyang nanay at nakatatandang kapatid...

So pinagbigyan ko siya ng one week no contact,,,after that nakita na nang aking cousins 7:30 ng gabi na may ka date sa may plaza pagkatapos sumakay sa motor ng ka date nya at pumunta pa sa may bakeshop para kumain kasama ng ka date niya...So doon na ako kinabahan may halong selos at di ko mapigilang ang sakit sa aking dib2 di ako makakatulog saka iisip sa kanya kung ano na nang yari pagkatapos nila kumain or saan ba siya dinala ng kasama niyang lalaki o boyfriend na ba nya yun.. Di talaga ako makatulog sa ka iisip sa kanya hanggang nag-umaga na.

Di ko mapigilan nung umagang yun pinuntahan ko siya sa kanyang trinatrabahoan para tanongin siya if sino yung kasama niya sa gabing iyon,, yun pagkakita nya sa akin ang laki ng mata nya nakatingin sa akin at di siya sumagot ng sinabehan ko na pwede mag-usap muna tayo, sabi nya maya nalang muna,, sinabihan ko ulit na puputahan kita dito mayang gabi dahil may itatanong ako sayo. So binalikan ko siya at duon na siya umpisang nagalit sa akin paglabas nya na maghiwalay na tayo at kahit anong gawin kong pakiusap at tanong di talaga siya huminto sa kanyang paglakad pauwi,, sinabe nya sa akin move-on na tayo maghiwalay na tayo hindi ko gusto ang taong walang respeto ang aga-aga pumunta kalang sa work ko at manggugulo hindi mo man hinintay kong kailan tayo mag-usap sa tamang tym... di ko talaga siya mapigilan at umuwi nalang ako at nag chat ako sa kanyang FB... Ano ba ang problema...

Sabi nya : prangkahan nalang tayo...

Siya: Move-on na tayo.. Yun na ang desisyon ko wag ka nang magpakita sa akin sana wag mo na akong pakialaman.

SAbi ko:: anong rason kung ayaw muna sabihin mo para maka move-on na ako...
Meron ka nang bagong BF noh?

Sabi nya:

“Tama ka sa iyong sinabe na noon nung nagdate tayo na napilitan lang ako sayo akala ko matutunan lang kitang mahalin pero wala eh di ko talaga ma fell na ma in-love sayo kahit anong gawin ko di talaga”..Sorry if now ko lang nasabi sayo dahil hindi ko gusto masaktan ka. Pasensya na yun ang totoo wag ka nang magpakita at wag mo na akong pakialaman

Wag kang mag-alala makikita mo naman ang swerte mo sa iba...

Me: Sorry talaga pagpasensyahan mo na dahil sa mahal na mahal kita nagawa ko sayo yun...

Siya: Huwag kanang umasa na makipagbalikan ako sayo dahil hindi na ako babalik sayo hindi tayo sa isat-isa marami ka pa namang makikita dyan na babae na mas sobra pa sa akin

ME: Meron lang naman akong e ask kung sino yung kasama mo kagabi na kumakain kayo sa may bakeshop..

Siya: Hoy Kamag-anak ko lang yun yan na nga sinasabi ko kung bakit di ko gusto magkaboyfriend dito eh ang daming nagcocontrol akin...

Meron bang kamag-anak na mag date sa plaza na sila lang dalawa at tapos kumain pa sa may bakeshop at nagtatawanan.

Doon na nakipaghiwalay talaga siya sa akin parang ang saya niya ng nakipaghiwalay sa akin nasabe pa nya ang mga masasakit na salita...
Dahil din cguro na pinilit ko siya na masabi nya yun..

Sabi ko: Okay, thank you for being part of my life. No hard feelings.
Sabi nya: SALAMAT!

After that pinabayaan ko na siya,,at meron na naman nakapagsabi sa akin na meron na namang kasama siya papauwi na nakabisiklitang lalake di ko alam bago naba nya yung boyfriend o ano baka hinatid din siya sa kanila kagaya ng ginagawa ko sa kanya halos araw2.

Nakalipas ang ilang araw na no contact rule mga 8 days hindi ko natalaga mapigilan na makipag contact na naman sa kanya sa FB.
At tinanong ko na galit pa ba siya sa akin sa bi nya hindi na at tinanong nya rin ako na ikaw?
Sabi ko rin hindi na...Tinanong ko siya magsimbang gabi ka ba? Sabi nya depende if makagising ng maaga...

Me: Sino naman kasama mo?

Sya: Aking kapatid?

Me: Akala ko ikaw lang...

Tatanongin ko pa sana if okay lang ba magkasama kami na magsimbang gabi kaso di ko na tinuloy kasi nag out na siya...

After 2 days and 3 days nag chat ako sa kanya " Hi " " Musta " talagang wala ng communication..inabot pa ako ng 12:00 oras ng gabi kahihintay sa reply nya pero wala talaga..nag expect pa rin ako na baka makipagbalikan sa kanya dahil nanghinayang ako sa buwan na ito walang love life panahon pa naman ng Christmas at new year.

Seryoso ako sa kanya...Ang sakit talaga at first napaniwala nya ako na seryoso siya sa akin, tapos bigla lang magbago ang ihip ng hangin at ganito na ang mangyari...

Naghiwalay kami petsa 7 sa December marami pa sana ako plano sa kanya para mapasaya siya gifts, surprises at etc.... Katulad ng simbang gabi na plano kung kumpletohin kasama siya...huhuhu


Minsan lang akong magmahal sinaktan pa..
Parang matatagalan na naman cguro ako magka girlfriend ulit nito dahil sa aking Ka torpehan siya lang ang babaeng napakitaan ko nang lakas ng loob..
Nagsimula na nga akong magplano na siya ang aking pakakasalan at siya ang magiging ina ng mga anak namin....

Tama talaga sinabe nila kapag Torpe Totoong magmahal.

Ganito lang cguro ang magmahal, basi sa nabasa ko halos lahat ng tao nakararanas ng dumped sa girlfriend at boyfriend nila once or many times sa buong buhay nila...

Hindi ko talaga akalin na mauwi sa ganon..

Nanghihinayang talaga ako di man lang ako nakapag-attempt na makipag sex sa kanya pati kiss sa lips sandali lang..at iba pang mga dirty moves..lol....jok
Mataas kasi respect ko sa kanya kaya di ko ginawa yun dahil mahal na mahal ko siya.

3 months lang at ilang days tumagal ang relationship namin... Hindi ko pa gaano napakita sa kanya ang buo kung pagmamahal kaya nanghihinayang talaga ako... September 3 to December 7...




1. Ask ko lang po, dapat ko pa ba siyang tanggapin kung sakaling magbalik siya sa akin???
2. Move on nalang cguro ako, parang wala ng pag-asa nasabi nya na ang masasakit na salita akin.

Mahal na mahal ko talaga siya...Tinuturing ko pa naman siyang tunay kung girlfriend..

Dito na nagtatapos ang aking love story...Salamat....
and God Bless..
 
I-list ko na lang..

1.) Nagsawa siya sayo. Bakit? Kasi ang bilis mo brad as in seryoso, maya't maya ata tanong mo pag magkasama kayo ng sasagutin mo na ba ako? Wag ganun brad alam mo napilitan lang yan na sagutin ka kasi ang kulit mo, bigyan mo naman ng kaunting freedom na makapagisip muna siya kung sasagutin ka niya.

2.) nag try ako mag kiss sa kanya sa lips pero parang umiiwas siya brad brad brad wrong move bago pa lang kayo, patagalin mo muna dapat yun parang talagang mahal na mahal niyo ang isa't isa.

3.) Para sa akin meron na yang iba brad, ang masasabi ko lang malandi yan! HAHAHA siya pa ang galit. May mga ganyan talaga minsan.

4.) Move on na brad, wag ka ng lilingon pa pabalik. Walang gamot sa pusong nag durusa kundi panahon.
 
haha para kang ninja pero walang budget. alam mo TS ung mga galawang breezy pang mayaman lang yan. ung tipong gusto mo ng mabilsan na galaw? aba dapat may pera,kotse,good looking personality. kahit galwang breezy kapa dyan makakascore ka agad :D
 
haha para kang ninja pero walang budget. alam mo TS ung mga galawang breezy pang mayaman lang yan. ung tipong gusto mo ng mabilsan na galaw? aba dapat may pera,kotse,good looking personality. kahit galwang breezy kapa dyan makakascore ka agad :D

Feeling ko teenager palang si ts kaya medyo sa kwento nya e di nya ma date ung girl, pero di nmn kailangan e mayaman ka or may kotse para magustuhan ka ng babae at sabi nga ni ts e mahal nya so parang ang layo ng sinasabi mo na breezy moves.


Para kay ts kalimutan mo na siya ts. bata ka pa mag focus ka muna sa sarili mo at darating ung taong para sayo kaya wag ka mawalan ng pagasa marami pang malaking problema kesa sayo pero nagpapakatatag din sila
 
Sa pagkakaintindi ko after reading your post, parang yung panliligaw mo ay ang pagtanong mo kung pwede na maging kayo. If so, then mapipilitan nga siya sa ginawa mo. Dapat nanligaw ka muna. As in may communication tapos puntahan mo siya paminsan minsan (wag everyday) at dalhan mo ng merienda. Pwede mo rin siya ihatid pauwi paminsan minsan. Tapos ayain mo siyang lumabas. Eventually, malalaman mo naman kung type ka nung girl kesa yung dinaan mo sa pangungulit. If you take it slow, advantage rin sayo because you will get to know her more. You will know kung may ibang BF ba siya at ibang pang uugali. Kung hindi ka niya naman type ay eventually magiging cold siya at di sasama sayo so alam mo na lagay mo. Kaya next time, ligawan mo muna and get to know the person muna.

Mag move on ka na dahil hindi ka safe sa ganon klaseng babae na may tinatago tapos pinapalabas ikaw pa ang may mali. Malinaw na ayaw na niya kaya putulin mo na lahat ng communications ninyo.
 
Payong kaibigan lang:
Pag nakipag balikan siya sayo. Doon mo na gawin ang galawang breezy. Bawi ka na dun kahit iwanan ka niya ulit after.
 
Salamat sa advice mga ka TS... Nalaman ko na ang ex ko na yun ay mahilig talaga maglaro sa mga karelasyon niya at madali lang daw mag-sawa sabi sa mga narinig ko na kaibigan nya... nung april ay nag message siya sa akin at nangumusta pero parang nawalan na ako ng gana na makipag-usap sa kanya ..kaya na ignore ko nalang siya, nakapag-move on na cguro ako..
 
Back
Top Bottom