Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic Sotto

nefarium

Proficient
Advanced Member
Messages
266
Reaction score
0
Points
26
An Open Letter to Vic Sotto
SPOT.ph blogger Lourd de Veyra has a few things to say to "Bossing"
By: Lourd de Veyra | Published on: Jan 3, 2014 - 8:00am

Dear Bossing Vic Sotto,

Una sa lahat, happy new year.

Magpapakilala muna ako. Ako po si Lourd de Veyra. Fan ako ng Tito, Vic, and Joey bago pa lang ako natutong magsulat—kung tutuusin, kaya kong magsulat ng academic thesis tungkol sa mga pelikula ninyo (Ang kaibigan kong direktor na si R.A Rivera ang gumawa naman ng undergraduate dissertation sa UP tungkol sa mga pelikulang pinagtampokan nina Joey at Rene Requiestas. Naka-uno daw siya kay Dr. Nicanor Tiongson). Kaya kong magdiskurso tungkol sa parodic element ng Ready… Aim… Fire at Forward March laban sa estado ng kapulisan at militar nung ’80s. Puwede rin nating pag-usapan ang Doctor, Doctor I Am Sick bilang isang satirikong pagpuna sa medical malpractice (genius ang eksenang kinukunan ng 1,000 cc ng dugo si Palito), ang mga surrealistikong katangian ng Fly Me to the Moon, ang pagsubvert ng Kabayo Kids sa imahen ng Japanese superhero groups at paghihinete sa Pilipinas, ang Ma’am May We Go Out bilang isang critique ng Philippine educational system, etc.

Joke lang. Sinusubukan ko lang i-justify. Pero sa totoo lang, ika nga, silliness is its own joyful justification. Gusto ko lang ipakita lang na hindi ako high-brow snob na nanggagaling sa kawalan (Alam mo yung mga tipong manonood ng Bresson o Godard para aliwin ang sarili?).

Sabihin na lang natin na kayong tatlo ang Gomburza ng komedya para sa aming henerasyon. Kung ano man ako ngayon bilang tao at manlilikha, siguradong may bahid ng inyong impluwensiya. Nakatatak sa kamalayan namin ang mga eksena, ang mga “acheche!”

Sumusulat ako dahil film fest na naman.

As usual, ikaw na naman ang topgrosser. May special effects at mga engka-engkanto man o wala. Ang tindi lang talaga ng pulso mo sa bata, kaya naman ikaw ang consistent topgrosser. Bagong record daw: P50.4 million?

Pero kapapanood ko lang nung My Little Bossings. May problema ako eh. Malaki.

Saan ba tayo magsisimula?

Sabihin na lang natin na hindi ako ang audience ng My Little Bossings. At tama nga—paglabas ko ng sinehan, puro mga chikiting ang nakapila. Obvious naman kung anong demographic ang puntirya nito. Alam ko ang unang depensa niyo ng mga producers: hindi ako ang audience niyo. “Eh di huwag ka na lang manood.”

Pero huwag naman ganun, Bossing.

Nagbayad ako ng P220 kaya karapatan ko bilang manonood na magbahagi ng saloobin.

Gaano niyo ba kabilis ginawa ito? May pakiramdam ito na parang tatlong araw lang eh, parang minadali, or what we in our circles refer to as: PNY (“Puwede na ’yan.”)

Hindi kami nagbayad ng P220 para bentahan ng pancit canton, tinapay, sabong panlaba, cough syrup, at kung ano-ano pang produkto ang ine-endorse ninyong dalawa ni Kris Aquino. Ganoon na ba kayo ka-desperado? Hindi naman siguro.

Hindi kami nagbayad ng P220 para lunukin ang storyline na may babaeng willing magbayad ng P20 million para patirahin anak sa bahay ng accountant niyang hindi naman niya ka-close. Mahirap lunukin ang kuwento na may babaeng milyonara at edukada na magpapadala sa banta ng salbaheng kapatid na isisiwalat raw sa media na siya (Kris) ang mastermind ng pyramiding scam (Nalito ka ba? Ako rin eh).

Mabuti na lang at nandun ka, bossing. Nandun din si Ryzza. At higit sa lahat, nandun si Aiza na ako’y hindi natatakot na ideklara bilang isa sa mga pinakamahuhusay na artista ngayon.

Kulang sa exposure yung batang babaeng mataba. Ang ganung level ng pagka-cute, dapat nasa kanya ang 90% ng camera. Yung batang lalaki naman… Ano ba… sana magaling magbasketbol paglaki niya (Saka kung gusto niyang mag-artista sa Pilipinas, mag-aral siya ng Tagalog).

Pero bossing, maiba tayo: hanggang ganito na lang ba?

Pagkakataon niyo na sana. Kayong dalawa ni Kris Aquino ang dalawa sa mga pinakamakapangyarihang pangalan sa showbiz ngayon. Ang daming nagtitiwala sa inyo. Ang dami-dami niyong puwedeng gawin. But this is the best you can come up with? ’Wag niyo sabihing “Pinaghirapan namin ito,” dahil maglolokohan lang tayo.

’Wag niyo ring sabihing, “Ano bang problema mo? Eh masaya naman sila.” Please naman.

Take note: hindi nanood ang mga tao ng My Little Bossings dahil tingin nila’y maganda ang plot at storyline—wala naman ito sa mga trailer eh, hindi pinakita. Pero hindi naman porke naka-bangko kayo sa ka-kyutan ni Ryzza Mae at patawa mo ay PNY na lang ang ibang aspekto ng pelikula.

Sa totoo lang, ang huling pelikula mong pinanood ko sa sinehan mismo habang film fest ay Iskul Bukol: The Reunion. Bilang miyembro ng henerasyon na lumaki sa Iskul Bukol, sabihin na lang natin na ako’y disappointed—dahil kalahati ng pelikula ay nauwi pa rin sa mala-Enteng Kabisote na habulan, barilan, at pakikipagdigma sa mga pantastikong nilalang (Ang saving grace lamang ng pelikula ay ang linya ni Joey de Leon na “I want to be an eskimo/ Es, es, / Ki-…”).

Bossing, heto lang talaga ang gusto kong sabihin. Ngayon ikaw ay nasa maimpluwensiyal at makapangyarihang posisyon. Kaya mong gumawa ng mga pelikulang makabuluhan, isang pelikulang maipagmamalaki ng lahat sa punto de bista ng kultura at estetiko. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng indie film na may mga tauhan na nakakatitig lang ng isang oras sa kawalan. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang tatlong tao lang ang nakakaintindi, yung tipong masusuka ka sa lalim. Hindi ko sinasabing gumawa ka ng pelikulang pang-Cannes. Pero wala namang masama dun, ’di ba? Buti pa nga si ER Ejercito eh, nagte-take ng risks sa mga pino-produce na proyekto (Ampangit lang ng mga poster; siya raw kasi mismo ang nagde-design porke’t VisCom grad daw ng UP Fine Arts).

Hindi ka na rin bumabata. Panahon nang gumawa ka ng pelikulang puwede mong ipagmalaki sa lahat—mula sa iyong mga magiging apo hanggang sa mga “supladong” kritiko. Minsan kasi may punto rin sila.

At least si Dolphy, merong Tatay Kong Nanay. Ang problema, bossing, mukhang wala sa filmography mo—mula sa Good Morning, Titser hanggang sa Enteng ng Ina Mo— ang puwedeng mapabilang sa tinatawag na “canon” ng Pinoy cinema. Kahit isa lang? And don’t even think about remaking Tatay Kong Nanay—that would be sacrilege. Please.

Tingin ko’y posible naman ito. Nasa posisyon ka na kumuha ng mahuhusay na manunulat at director na kayang magbalanse ng komersiyal na elemento at ng tinatawag na diskurso sa kondisyong mortal. Kunwari, sa bawat tatlo o apat na fantasy- o romance-comedy, ano ba naman ang lumikha ng isang komedya na tatalakay sa isang isyu ng lipunan, isang pelikulang kikiliti rin sa kanilang mga puso? Kikiliti na parang hindi “cheap” at parang hindi masyadong pinag-isipan.

You’ve always understood your strength as an actor: for the past several decades, mapa-Enteng man o partner ni Dolphy, you’ve always played the same character. At alam mong click ito—at mukhang ito ang nagugustuhan sa iyo ng Filipino audience, dahil honest ka lagi sa iyong karakter. Pero what if: kunin mo ang prototypical Vic Sotto role at ilagay sa isang sitwasyon na sumasalamin sa kondisyon ng mas nakakarami nating kababayan? Imbes na mga multo at lamanglupa ang humahabol sa iyo, bakit hindi mga abusadong pulis, mga mapang-aping panginoong may-lupa? O kaya’y mga pork barrel scammers. Puwede namang magpatawa pa rin habang nagtataas ng antas ng kalidad ng paggawa ng pelikula. At hindi na nito kailangan ng mga mamahaling special effects. Kayang kaya niyo ’yan—we only have to look at Eat Bulaga’s Lenten specials. May kurot talaga sa damdamin.

Bossing, kahit wala ka sa politika, ikaw ay kasama sa iilan sa industriya na may pagkakataong baguhin ang kamalayan at panlasa ng mga manonood—kahit pa-konti-konti lang.

Sana’y pag-isipan mo ang posterity. Tandaan: iba ang paghusga ng sining at kasaysayan. Twenty years from now, wala nang makakaalala ng My Little Bossings, kahit kumita ito ng lampas P50 million. Hindi ito pag-aaralan at hihimayin sa mga unibersidad bilang halimbawa ng isang mahusay na pelikula. Puwede kang makabola sa festival, pero, ika nga ni Andres Bonifacio, hindi mo puwedeng takasan ang hatol ng kasaysayan. Hindi rin naman kumita ang Kisapmata ni Mike de Leon, pero sino ang nakakaalala sa mga kasabay nito sa 1981 Metro Manila Film Fest: Tropang Bulilit ni Nino Mulach (Ito malamang ang My Little Bossings nung panahong yun), Babae sa Ulog (starring Jean Saburit), Init o Lamig (Dindo Fernando, Gina Alajar), Kamlon ni Ramon Revilla?

Bossing, ayaw mo bang maging Chaplin? Na hindi lang nagpatawa kundi tumalakay din sa human condition at nagkaroon ng komentaryo sa lipunan (The Dictator, Modern Times)?

Alam kong hindi madaling gumawa ng pelikula. At mas accurate: alam kong hindi madaling magproduce. At ikaw mismo bilang producer na nagpapatakbo ng isang kumpanya, isanlibo’t isa ang mga konsiderasyon. Naiintindihan ko na negosyo pa rin ’yan. At hindi lingid sa akin ang maraming hamon sa bawat proyekto (’Yan minsan ang hindi naiintindihan ng ilang kritiko—porke’t walang slum area at handheld camera at Joel Torre o Ronnie Lazaro sa pelikula, basura sa kanila).

Tingin ko naman ay puwedeng gumawa ng pelikulang nakakaaliw at pipilahan ng buong pamilya—na hindi sinasakripisyo ang kalidad ng kuwento. Ang tagal mo nang kumikita, bossing. Malaki-laki na rin ang naibigay sa iyo ng taumbayan. Oras na siguro para sila ay suklian. Magbalik ka naman. To whom much is given, much is required, ika nga ng Bibliya.

Marami kang batang pinasaya at patuloy na napasaya—at isa na ako doon. Tutal Pasko naman, di ba, Bossing? (Christmas season parin hanggang Three Kings.) If Christmas is for children, isip bata pa rin naman ako. Sige na.

Your fan,
Lourd de Veyra

- - - Updated - - -

up lng pra mabasa din ng mga ibang ka-symb, may npka laking punto si Lourd De Veyra.
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Spot on, Mr. Lourd De Veyra!!

Kaya nga di na ako nanonood ng mga MMFF films. Iba ang rekados, pero pare-pareho lang ang timpla. Worse, puro sequels ang susunod na pareho din ang timpla. Ang tumatak lang talaga na quality-films from MMFF para sa akin ay Muro Ami, Yamashita, at Blue Moon.

Eh ano kung sabihin nilang pampamilya kuno, kung para namang ginagago ang intelligence ng mga Pilipino? Ang masaklap, maraming pumapatol sa mga ganitong palabas. Sa huli, panalo pa rin ang mga producers kasi nakakabawi sila sa gastos nila. QUANTITY over QUALITY, ika nga.

In fairness to MMFF, di ko pa napapanood si Boy Golden na ang balita'y maganda daw.
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Sinabi lang ni lourd na wag gumaya kay nicholas cage dapat mala johhny depp

Hahaha tama din yung sinabi ni lourd na mga bata lang ang pumipila sa kanila

Pero nung pumunta ako ng mall para mag arcade mataas pilang pagpag haha
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

ano ba naman aasahan mo sa isang vic sotto, next movie nyan kasama na c pauleen luna! bagong chicks ni kabisote eh!
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Well may manonood.pa.rin nyan sana nga lang baguhin nila. Wala ng engkaengkanto lols
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

dati may mga specials ang eat bulaga kapag lenten seasons... at drama ang theme ng story... okay naman siya sa drama...
play safe lag siya siguro... tska sabay narin sa kasikatan ni raiza mae... easy money ehh.... :D
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Galing talaga ni idol Lourd!
A lot of sense!
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Naku si lourd de veyra ..... nalulungkot kasi d na pinapansin ang palabas nya. Idol pa rin bossing.
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Kaya ako bihira ako manuod ng mga Pinoy Movies e. Alam mo na mangyayare, paulet ulet nalang iba lang ang tema pero ganun parin ang storyline. Mas mainam pa talaga mga Korean Movies ang gegenius ng mga writer sa pagsusulat ng storya. Sabi ko lang:thumbsup:
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

may point po si lourd de veyra, magaling ang mga komento nya. but i think hindi naman siguro dapat mabawasan ang pagtingin natin kay bossing vic sotto. siguro hindi pa sa ngayon pero dadating yung time na gagawa at gagawa parin sya ng mga makabuluhang pelikula. the bottomline is tinatangkilik parin sya ng mga fans at nakakapagpasaya parin sya ng mga tao. ;)
 
Last edited:
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

mabigat talaga sa bulsa ang manuod ng sine ngayon... tapos ganyan lang ang storyline...

Last Movie watched: the twilight: Breaking dawn part 2 :D
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Up ko yan
Business na lang ang gusto nila napansin ko un ang daming endorsement nila. may nakatabi pako sabi sponsor ni vic at kris. buti treat ng anak ko hehe.
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Pagkatapos ko uling basahin yung mensahe ni Mr. Lourd De Veyra, palagay di lang si Bossing Vic ang target ng mensahe niya. Pati yung ibang producers na rin.

May entertainment value nga, pero ginagago naman ang manonood dahil nga walang kwenta ang quality.

Ewan ko, pero iba yung Bossing Vic na nakalakihan ko kesa yung Bossing Vic ngayon. Mas natatawa ako sa mga lumang palabas esp. TVJ na pinapakita ngayon sa Cinema One kesa yung mga current movies niya.
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Spot on, Mr. Lourd De Veyra!!

Kaya nga di na ako nanonood ng mga MMFF films. Iba ang rekados, pero pare-pareho lang ang timpla. Worse, puro sequels ang susunod na pareho din ang timpla. Ang tumatak lang talaga na quality-films from MMFF para sa akin ay Muro Ami, Yamashita, at Blue Moon.

Eh ano kung sabihin nilang pampamilya kuno, kung para namang ginagago ang intelligence ng mga Pilipino? Ang masaklap, maraming pumapatol sa mga ganitong palabas. Sa huli, panalo pa rin ang mga producers kasi nakakabawi sila sa gastos nila. QUANTITY over QUALITY, ika nga.

In fairness to MMFF, di ko pa napapanood si Boy Golden na ang balita'y maganda daw.

Tama ka jan kaibigan, prang nkaka insulto din sa ating mga manonood na naghahanap ng maayos at mgandang pelikula ang mga pelikulang pinoproduce nila. Bakit sa tingen ba nila eh hndi kayang i-grasp ng mga pilipino ang mga mind-boggling o thought-provoking na mga uri ng palabas? Sana nga may gawing hakbang si Bossing para khit papano naman eh gumanda ang kalidad ng ating mga pelikula.

- - - Updated - - -

Sinabi lang ni lourd na wag gumaya kay nicholas cage dapat mala johhny depp

Hahaha tama din yung sinabi ni lourd na mga bata lang ang pumipila sa kanila

Pero nung pumunta ako ng mall para mag arcade mataas pilang pagpag haha

Sinasamantala nila ang mga natanggap na mga aginaldo ng mga bata noong nkaraang pasko, pero ano ang ibinibigay nila? Basurang pelikula :upset:

- - - Updated - - -

dati may mga specials ang eat bulaga kapag lenten seasons... at drama ang theme ng story... okay naman siya sa drama...
play safe lag siya siguro... tska sabay narin sa kasikatan ni raiza mae... easy money ehh.... :D

Ngayon ko msasabi na hindi tunay na aktor ang mga yan kundi mga kapitalista na walang ibang nais kundi magpakapal ng laman ng pitaka.

- - - Updated - - -

Naku si lourd de veyra ..... nalulungkot kasi d na pinapansin ang palabas nya. Idol pa rin bossing.

Andun na tayo na idol padin si Bossing, pero tlga nga bang walang kwenta ang pinupunto ni Lourd kaibigan? Nagpapapansin lang ba siya? Mag isip ka kaibigan.

- - - Updated - - -

may point po si lourd de veyra, magaling ang mga komento nya. but i think hindi naman siguro dapat mabawasan ang pagtingin natin kay bossing vic sotto. siguro hindi pa sa ngayon pero dadating yung time na gagawa at gagawa parin sya ng mga makabuluhang pelikula. the bottomline is tinatangkilik parin sya ng mga fans at nakakapagpasaya parin sya ng mga tao. ;)

Sa tingen ko naman kaya ginawa ni Lourd ang sulat na ito eh para mamulat ang mga nagsilabuang mga mata ng mga movie maker dahil sa adhikaing magparami ng pera, kudos for Lourd.

- - - Updated - - -

Sorry naman po :)

- - - Updated - - -

Up ko yan
Business na lang ang gusto nila napansin ko un ang daming endorsement nila. may nakatabi pako sabi sponsor ni vic at kris. buti treat ng anak ko hehe.

Sa henerasyon ngayon na halos ipagduldulan na sa mga muka at kaisipan nten ang mga produktong ineendorso ng mga artista, kailangan may isang indibidwal na mag effort baguhin ang nkasanayan na mga bland movies. At sa tingin ni Lourd, si Bossing Vic ang magiging simbolo ng pagbabago ng Philippine Cinema tungo sa mga mas de kalidad na mga pelikula. Sana lang wag magkibit balikat si Bossing at i-take nya ito bilang challenge.

- - - Updated - - -

Up ko yan
Business na lang ang gusto nila napansin ko un ang daming endorsement nila. may nakatabi pako sabi sponsor ni vic at kris. buti treat ng anak ko hehe.

Sa henerasyon ngayon na halos ipagduldulan na sa mga muka at kaisipan nten ang mga produktong ineendorso ng mga artista, kailangan may isang indibidwal na mag effort baguhin ang nkasanayan na mga bland movies. At sa tingin ni Lourd, si Bossing Vic ang magiging simbolo ng pagbabago ng Philippine Cinema tungo sa mga mas de kalidad na mga pelikula. Sana lang wag magkibit balikat si Bossing at i-take nya ito bilang challenge.

- - - Updated - - -

Pagkatapos ko uling basahin yung mensahe ni Mr. Lourd De Veyra, palagay di lang si Bossing Vic ang target ng mensahe niya. Pati yung ibang producers na rin.

May entertainment value nga, pero ginagago naman ang manonood dahil nga walang kwenta ang quality.

Ewan ko, pero iba yung Bossing Vic na nakalakihan ko kesa yung Bossing Vic ngayon. Mas natatawa ako sa mga lumang palabas esp. TVJ na pinapakita ngayon sa Cinema One kesa yung mga current movies niya.

Nakakaloko ang karamihan sa mga palabas ngayon hndi lang sa mga sinehan kundi pati na din sa telebisyon, sana eh ayusin naman nila kahit papano ang mga estilo nilang matagal nang hndi bumebenta. Inuuto nila ang madla sa mga special effects at super publicity pra maengganyo ang mga manunuod na pumila. Pero pag nsa loob kna ng sinehan, huli na ang lhat pra umatras kasi nkabayad ka na, ano ang naging kapalit ng pagpila mo? Walang kwenta obra!
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Kakapanood ko lang din ng movie na'to with my family yesterday. What I notice is this:
Una, may point si lourd dahil parang kulang sa time ang production. Dahil last september nang naging guest ni ryzza sa ryzza mae show sila kris aquino eh hindi pa nag-start production ng movie. At parang naguluhan din ako sa storyline at script. sobrang haba din ng exposure ng mga advertisement. Malakas lang talaga ang hatak ni bossing sa mga tao dahil sa pagtulong sa mga tao. At nadagdagan pa ng nakakagigil na si ryzza.
Pero i hope makarating nga ang letter na ito kay bossing dahil gusto ko din makapanood ng quaility filipino movies sa mga susunod na panahon.

P.S. But at the end naaliw parin ako sa movie na'to. Nakakawala ng stress. hehe.:)
 
Sana nga eh mwala na yung PNY na mentalidad ng mga producer ng movie.
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

Tama si Pareng Lourd! Hindi pa huli ang lhat para mag-iwan si bossing ng legacy or should I say, isang pelikulang ipagmamalaki niya sa mga susunod na henerasyon.

Kasi kung tutuusin naman tlga bukod sa pagpapatawa at pang aaliw, wala nang maiiwang marka si Bossing sa industriya. Mganda nyan subukan nya tlga ang kaakyahan nya bilang aktor to its full potential. Sana lang tlga mabasa ni Bossing to.
 
Re: [TRENDING] Lourd De Veyra's Open Letter to Bossing Vic S

wala na talaga producer/writer ang gagawa ng magastos na pelikula ngaun sa Pinas or kahit di magastos basta nakaka entertain at ma kabuluhan, kaya mas maganda parin manood ng mga hollywood movies kahit paulit ulit na lng ung plot na "Assasinating President or mga FBI stories di parin sila nakakasawa kasi nakaka entertain talga ung action pack na ilalagay sa mga hollywood movies :D,

Ganyan na lang mga pelikula sa pinas basta nakakatawa, nakaka kilig, at mga napaka korning horror movies, gaya nag 'Pagpag' sabi ng friend ko mas kikiligin ka daw kesa matakot di daw na justify ung pagka horror ng movie :lol:
 
Last edited:
Back
Top Bottom