Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Trillanes, Utak Galunggong!!!

xDigoyx

The Devotee
Advanced Member
Messages
324
Reaction score
1
Points
28
Ako talaga ay galit sa gunggong na Trillanes na yan! Alam mo binuhay na naman nya yong CPE o Continuing Professional Education na ngayon ay tinawag na CPD at ginawang batas, Republic Act 10912 or the Continuing Professional Development (CPD) Act of 2016.

Ano ba ang CPE or CPD? Ang CPD ay tinatawag na Continuing Professional Development, na kinailangan ng isang professional o passer ng board o rehistrado ng PRC na mag accumulate ng CPD points bago siya makapag renew ng kanyang lisensya.

Ano ba ang mangyayari pag hindi ka nakaka comply sa CPD? Ang mangyayari pag hindi ka nakapag accumulate ng kinakailangang points base sa iyong propesyon, ikaw ngayon ay hindi na makakapag renew ng iyong lisensya at pag hindi mo na renew ang iyong lisensya within 5 years ay pede ka ng tanggalan ng lisensya at mawawala ang pangalan mo sa listahan ng mga propesyonal. Ibig sabihin ay ikaw na naman ay kukuha ng panibagong eksamin o Board Exam upang magka lisensya. Sunog kilay at review pa more na naman. LOL.

Nakakatulong ba talaga ang CPD? Sa ibang propesyon ay OO pero sa nakararaming ibang propesyon ay HINDI! Kung ikaw ay isang doktor, titser, pharmacist, seaman o civil engineer, malamang na kelangan mo ang CPD para ma enhance ang iyong skills, ma update mo ang iyong karunungan, at makapag compete sa ibang mga dayuhan. Ito naman ay kelangan kung nagagamit mo ang iyong lisensya sa pag pirma bilang konsultant o taga bigay ng preskripsyon gaya ng doktor.

Sa ibang propesyon ay hindi naman talaga kelangan ang CPD na yan. Dahil hindi naman nila nagagamit ang kanilang lisensya sa pag pirma ng mga kontrata, plano, dokumento o preskripsyon. Yong ibang mga propesyon ay di mo naman kailangan pang mag compete dahil hindi ka naman mag-aabroad, saan mo naman gagamitin yan? Kung ang 'nature' ng trabaho mo ay isang ordinaryong trabahante lang ng isang kumpanya at hindi isang manager o konsultant, wala namang gamit talaga ang iyong lisensya at dapat maging opsyonal lamang ang pagkuha ng CPD. Kung kelangan man ng bagong 'skills set' ang iyong kumpanya ay dapat sila ang magbigay at mag isponsor sa pagbibigay nito para hindi na nagiging pasanin pa sa mga propesyonal na ordinaryong trabahante lamang at tumatanggap lamang ng 'minimum wage'.

Ano pala ang ginagawa sa CPD at magkano ang gastos? Para makakuha ka ng CPD points, ni rerequire nila ang mga lisensyadong propesyonal na umattend ng mga seminar/training, socialization at civic drives, na karamihan ay kainan, sayawan, tsismisan at kantahan lang ang nagagawa. Sa pag sali mo sa mga ganoong aktibidad ay nakaka 'earn' ka ng mga 'points' na dapat mong ma kumpleto bago ang pag renew ng iyong lisensya. Ang pagbibigay ng 'points' kung malaki o maliit man yan, ito ay dumidepende sa nagbibigay na mga CPD providers. Usually, ang bayad sa mga seminars at social congress ay dumidepende sa laki ng points na kanilang binibigay. Talagang magastos! Hindi lang registration/training fees ang binabayaran mo, pati board and lodging mo at transportation fees na depende kung saan nila gagawin ang aktibidad.

Ano ang negatibo sa CPD? Ito ang nakikita kong mga negatibo sa CPD na yan:
1. Limitado ang exemptions, kung ikaw ay bago lang na nakapasa ng board exam, at kung wala kang trabaho, magiging pasanin o pabigat mo ang pag comply ng CPD. In short, gagastos ka na naman o hihingi ka ng pera sa mga magulang mo para maka attend ng trainings/seminars.

2. Ang CPD na yan ay nagiging 'source' ng korupsyon. Bakit ko nasabi ito, sapagkat sa pagbibigay ng accreditation sa mga providers ay depende lamang kung sino ang malakas sa mga accreditors. Papano ba naman makapagbibigay ng magandang training ang mga CPD providers na yan eh varied ang specialization ng bawat propesyon. Halimbawa, dalawa ka yong computer engineers yong specialization nung isa ay sa hardware design at yong isa naman ay sa software development, paano ngayon matutugunan ng Provider ang pangangailan ng bawat isa. In short, posibleng sasalihan mo na lang lahat trainings/seminars para lang maka 'earn' ka ng points at makapag 'comply', pero di naman directly nakakatulong sa 'profesional development' mo. Ang problema dito ay ang gastos at ang kumikita ay mga CPD providers, na nagbibigay naman ng mga tongpats sa mga accreditors.

3. Ito din ay nagpapakita ng 'partiality' o 'unfairness'. Bakit kaya? Kasi nga may mga kurso na wala namang lisensya o di kelangan ang board. Yong iba pa nga na graduate ng kurso na walang board exam eh nasa malalaking position pa mapa pribado man o gobyerno, gaya ng manager, director, department heads at CEO/Presidente/VP ng korporasyon, pulis, military, bombero, politiko, etc. Meron nga akong kilalang tao na graduate lang ng banking and finance (walang board) eh naging manager ng bangko at malaki pa ang sweldo, kesa sa isang lisensyadong inhenyero na kontrakwal ang trabaho at 'minimum wage' pa ang sweldo.

4. Paniniil at pagpapahirap. Dahil ito talaga ay pagpapahirap lamang sa mga ordinaryong propesyonal at dagdag gastusin nila. Yong mga kumpanya dito sa ating bansa, hindi naman sinusunod ang mga alituntunin ng PRC tungkol sa pag hire base sa propesyon. Marami nga ang nakakapasok sa mga kumpanya na ginagawa ang trabaho ng isang propesyonal pero wala naman silang mga lisensya. Gaya na lang ng pag hire ng electrical maintenance foreman, pede hindi nila i hire ang isang 'electrical engineer' at bagkus, isang 'electrician' na lamang. Kung ikaw naman ay magtatrabaho sa gobyerno, pede namang hindi mo kelangan ang PRC license na yan at Civil Service eligibility na lang. Ito talaga ay isang uri ng paniniil at pagpapahirap sa ating mga kababayan, upang magka pera lamang ang iilan.

5. Gagawing gatasan ang pribadong sektor at pagpapatuloy ng pagpapadala ng mga OFWs. Sa nakikita ko mga ka symbianize, ginagawang gatasan ata yong pribadong sektor. Malaki na naman kikitain ng gobyerno, dahil pag hindi ka nakapag renew ng iyong lisensya at napaso ito. Siguradong, magti take ka na naman ng board exam at dadaan sa magulong proseso ng pag susumite ng aplikasyon at pagbabayad para sa rehistro at dokumentasyon. Kahit ano na lang ang gagawin ng gobyerno para magka pera lang.

Dahil nga gustong i upgrade ang 'skillsets' ng mga propesyonal at maging 'at par' sa mga karatig bansa ay ibig sabihin lang na hindi matitigil ang pagpapadala ng mga professional OFWs sa ibang bansa para 'in return' sila ay makapagpapadala sa atin ng dolyar. Aba! Ba't nga naman kelangan pa ng gobyerno na mamuhunan sa pagpapalaganap ng industriya dito sa atin kung peso lang naman ang kinikita. Kaya, maganda para sa pananaw ng gobyerno natin, na magpadala ng mga OFWs para tumaas ang 'dollar reserves' natin at maging stable ang 'foreign exchange rate' dahil nga sa mga padala nila. Kaawa awang mga OFWs, ginagawang gatasan!

Ano pala ang isyu ng CPE dati, na nahinto? Naging isyu kasi noong una ang CPE dahil sa korupsyon. Nagpo provide kono ng mga trainings/seminars ang mga providers pero pera-pera lang pala ang intensyon. Ika nga, pormalidad lang yong mga seminars at trainings na yan. Naghain din ng petisyon sa korte ang isang grupo ng mga Arkiteks, na kinukwestyon ang legalidad ng nasabing batas, na sinasabing kelangin tanggalin ang isang propesyonal pag hindi siya nakakapag renew ng lisensya within 5 years. Mukhang natalo yata ang mga Arkiteks, kaya ngayon patuloy ang pagsasaya ng mga korup.

Paano naman pala kung 'underemployed' ka? Kung ang trabaho mo ay isang 'call center agent' pero isa kang 'nurse' o 'engineer' ay siguradong hindi mo magagamit ang CPD na yan pero required ka pa rin mangolekta ng 'points'. Kaya nga pera-pera talaga yan.

Bakit binuhay na naman ang CPE na tinawag na ngayon na CPD? Maganda kung babasahin mo ang intensyon ng CPE/CPD pero kung ilalapat mo ito sa realidad ay masasabi mong nagiging tulay lang ito ng korupsyon at pagpapahirap sa ating mga propesyonal.

Tama ba ang pagpapatupad ng CPD at naka base ba sa hustisya? Ang sagot ko ay hindi. Dahil kulang ang mga probisyon na nakalagay sa batas na mangangalaga sa kapakanan ng mga propesyonal. Klarong klaro na minadali ito upang magkapera agad ang nasa likod nito at pahirapan ang ating mga kababayang propesyonal.


Kayo mga kasymbianize, ano ang masasabi niyo dito? Gising kaibigan at ipaglaban ang iyong karapatan.

Siya nga pala ito pala yong link para mabasa niyo mga tol:
http://depedlps.blogspot.com/2016/1...nse-renewal-is-now-a-law-deped-k-12-2016.html

Please koment naman dyan.
:noidea:
 
Last edited:
Salamat talaga kaibigan at na ipost mo ito. Talaga namang walang magawa si Trillanes at pinakialaman pa yong mga Professionals na lisensyado. Kaya payo ko sa ating mga kabataan na gustong tumuntong sa kolehiyo e, pumili na lang dapat ng mga kursong hindi na nangangailangan ng Board Exam, gaya ng CompSci, Information Technology, Computer Engineering, Commerce na walang Board, HRM, Economics, at iba pa. Wag na lang yong may board, mahihirapan at gagastos ka lang tapos pag hindi ka naka renew aalisan ka ng lisensya at take ka na ulit ng exam. Kaka dismaya talaga!

Buti sana kung pagkatapos mong mag take at nagka lisensya e maganda ang sasahurin mo e wala naman ding katiyakan kaya wag na lang. Dapat sana pinagtuonan ni Trillanes ay yong pag Standardize ng Sweldo ng mga Lisensyado. Buti pa yong mga pulis at teacher dito sa amin, malalaki ang sweldo at dami pang mga allowances at bonuses ang natatanggap.

Wag na rin kayong pumili ng ibang sangay ng Engineering, piliin yong CompEng, Electronics or BioMedical Eng Eng na lang. Kasi kung Mechanical, Electrical, Chemical, ECE Eng Eng ay mahihirapan ka lang maghanap ng trabaho. Wala namang balak ang gobyerno natin na palawaigin pa ang mga Industriya natin maliban na lang sa Service, Food, Tourism at Retail/Shopping Mall Sectors. Yong manufacturing/assembly sector ay ayaw ng ipagpatuloy ng gobyerno yan dahil sa Carbon production na naging sanhi ng Climate Change. Tapos tayo din ay signatory ng Paris Climate Change Agreement, kaya malabo talaga na uunlad ang manufacturing/assembly sector. Yong mining sector naman may moratorium na. Kaya mahihirapan ka talaga maghanap ng trabaho nyan, buti na lang kung may kapit ka.

So, anong kurso ang madali makapasok? Dapat may kinalaman sa food-yong Chef ok yan, Ecotourism, at service sector. Yong accountancy di pa rin nawawala kelangan yan kahit anong business, kaya lang pag na CPA ka na, 120 points ang kelangan mo abutin na CPD.

Mag pulis or army na lang kayo, wala ng board na yan. Lateral entry pag pumasok ka. Yong sweldo nila doble na, basic ng pulis 14 multiply by 2, magiging P28,000 basic pay, hindi pa kasali yong mga allowances at bonuses dyan. So, kung entry level pulis officer ka, sigurado halos P40,000 ang matatanggap mo buwan buwan. Ok na yan, lalo na pag nasa probinsya ka pa na assign. Madali ang pag asenso mo nyan. Tapos pwede ka na rin maka loan sa AFPSLAI ng malaki.:lol::lol:
 
Kaya nga kaibigan talagang nakaka dismaya itong ginawa ni Trillanes, akala ko ba malalim mag-isip ang taong ito, yon pala nauuto din ng iilang tao. Sayang, maraming mga Professionals ang hindi na boboto sa kaniya sa susunod na kumandidato siya. At isa ako sa magsisiwalat sa kanyang mga kapalpakan.
 
wala talaga magawang matino yan trillanes na yan.kaya nagparenew nako last december ang dami namin sobra. Bwisit tlga yan!
 
Naka irita talaga si Trililing.... LOL.:lol:
 
Galunggung utak TRillianes!!! hahahaha up up
 
Back
Top Bottom