Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Try uli natin gumawa ng banda dito sa symb!!!

psyknarph

Symbianize Shaman
Veteran Member
Messages
1,598
Reaction score
17
Points
128
Time Stone
Reality Stone
Power Stone
Soul Stone
Mind Stone
Since marami nang mga members dito sa symb ang me home studio, bakit hindi natin pagsama samahin ang mga nalalaman natin sa musika at gumawa tayo ng mga original songs para sa mahal nating forum. Ang maganda dito kahit saan tayo sa mundo eh makakapag collaborate tayo para makagawa ng mga kanta. Pero dahil malayo tayo sa isat isa, me mga special requirements tayong kelangan. (Syempre sa marurunong gumamit ng music composing software at Digital Audio Workstations alam nyo na ang mga tinutukoy ko :naughty:)

1. Marunong gumamit ng Digital Audio Workstation (DAW) o MIDI composing software - para me iisang tempo o BPM tayong susundan kada kanta. Hindi tayo mahihirapang mag edit. MIDI ang gagamitin nating guide (hindi tabs o music notation) para kahit hindi marunong gumamit ng instrument eh makakapag participate din.

Mga example ng DAW - Cubase, Ableton, FL Studio, Mixcraft, Reason, Reaper, ACID Pro, ProTools, Sonar, etc...

2. Dynamic o Condenser Mic para sa vocalist/interpreter - Dahil halos commmercial - grade ang magiging labas ng music natin gamit ang DAW, kelangan ding maging halos commercial grade ang vocals. Hindi nyo kelangan mag aral ng DAW pag vocalist. Kahit Audacity ayos na.

Common na ang dynamic mic sa mga videoke, simbahan, baka sa bahay nyo meron nakatagong dynamic mic. Ang problema nga lang ay kung paano mai connect sa PC nyo. Kung me component kayo at me line-in ang soundcard ng PC ninyo then walang problema. Otherwise kelangan nyo ng USB interface.

Pero meron nabibiling USB condenser mic (CD-R King ata meron din) at meron din DIY na condenser mic.

3. Para sa mga me recording interface o MIDI interface na marunong gumamit ng instruments Welcome din kayo. Me mga special tasks kayong gagawin :D

4. Wala tayong specific na genre - Pwedeng next song eh metal, next song eh dubstep, next song synthpop, next song acoustic, ambient, punk, progressive, house, disco, kundiman, jazz, rock, bossa nova, ballroom, experimental, etc... Depende sa lyrics at sa mood ng composer. Maganda to para ma enhance pa natin ang songwriting/arranging skills natin.

5. Composer at lyricists??? marami tayo nyan sa Arts And Lit!!. Marami ding mga composer dito na nagtatago. :lol:

Kung me duda ang iba kung pwede mangyari to.... Ginawa na po namin ito dati... http://www.symbianize.com/showthread.php?t=97902
Low quality pa ang gamit namin software dati pero na prove namin na pwede gumawa ng online band.

----------------------------------------

04/25/2015 *in clear ko uli ang members para sa mga bago at dati nang member na gustong makapag record uli*

2dennis2-
 
Last edited:
gudluck psy! :clap: :clap: :clap:
exciting to!! :beat:
 
apply ka bahista tol :naughty:
 
sasali sana ako kaso po wala pa pala akong gamit hahaha
saka na lang siguro ako :giggle:
 
sasali sana ako kaso po wala pa pala akong gamit hahaha
saka na lang siguro ako :giggle:

pag me component ka o kahit karaoke tsaka regular na mic try natin i hook up sa PC mo :naughty:
 
sige game. i'll try to go with guitars and some effects! basta wag complicated scales. simple lang ha! hahaah
 
sige game. i'll try to go with guitars and some effects! basta wag complicated scales. simple lang ha! hahaah

Ayos :alright: medyo general ang audience natin kaya hinay hinay lang tayo sa scales :giggle: more on rhythm and melody tayo :giggle:
 
tol syksyk, may mga gawa nadin ako..kaso guitar lang yung instruments.. di naman ako musikero, hahah! trip lang.. may ginagawa na rin akong RAP ngayon.. yung FL studio ha? :)
 
Kamusta mga kaMusikero... Certified Musician here.. :) :)
Nice Psyknarph ipagPatuloy lang natin to.. :thumbsup:
 
Pa BM baka sakaling may maitulong ako :boogie:

tambay lang marami kang matututunan dito :approve:

tol syksyk, may mga gawa nadin ako..kaso guitar lang yung instruments.. di naman ako musikero, hahah! trip lang.. may ginagawa na rin akong RAP ngayon.. yung FL studio ha? :)

pinaka imprtante lang naman yung marunong gumamit ng DAW at me alam sa MIDI sequencing.... :D lagay na kita member??

Kamusta mga kaMusikero... Certified Musician here.. :) :)
Nice Psyknarph ipagPatuloy lang natin to.. :thumbsup:

ayos.. me isang bokalista na tayo :naughty: lagay na rin kita... :D

sali ako marunong ako pc keyboard drums :thumbsup:

ayos... pwede na sigurong limang members na gagawa ng music :approve:

kelangan pa natin ng isang bokalistang lalake at bokalistang babae... :think: pero me banda na tayo :approve: tignan nyo lang yung inedit ko sa first post kung ok sa inyo ang posisyon nyo at makapag umpisa na tayo :rock:
 
Last edited:
pinaka imprtante lang naman yung marunong gumamit ng DAW at me alam sa MIDI sequencing.... :D lagay na kita member??

Jargon word yung DAW at MIDI pero matutunan ko rin yan..baka ma compromise ang team tol, wag muna ngayon..research nalang muna ako..hehhe


nilagay na pala ako sa instruments..basic lang po ha? lyricist kasi ako.. at kunting guitar lang
 
Last edited:
gusto ko ito :D

send na lang ng sample song at gagawin ko ng riffs :thumbsup:

pasali dito ts ha? hehehe

frustrated rockstar kasi ako nyahaha
 
pwede sana ako sa vocals :)
kaso walang gamit hehehe
last battle of the band na nasalihan ko nung 1st year college ako hehehe
looking forward sa banda na to :giggle:
 
Jargon word yung DAW at MIDI pero matutunan ko rin yan..baka ma compromise ang team tol, wag muna ngayon..research nalang muna ako..hehhe


nilagay na pala ako sa instruments..basic lang po ha? lyricist kasi ako.. at kunting guitar lang

Kelangan din natin ng composer kaya ilagaya nalang muna kita as lyricist/composer :D...

gusto ko ito :D

send na lang ng sample song at gagawin ko ng riffs :thumbsup:

pasali dito ts ha? hehehe

frustrated rockstar kasi ako nyahaha

Hindi lang rock/metal ang gagawin natin... Maraming genre ang gagawin natin from disco to metal to kundiman :eek:... Gawa nalang din siguro ako ng contributors.. :think:
 
kahit anong genre pa yan ts go ako jan

sa ngayon naghahanap ako ng software para sa guitar effects ko.
 
Back
Top Bottom