Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Tungkol po sa utang

marphy

Apprentice
Advanced Member
Messages
65
Reaction score
0
Points
26
Hello guys, ayon nga di ko na po papatagalin. May inutangan po kasi ang mama ko 4 or 5 yrs ago na. Ang pagkaka alam ko po nasa 20k yung nautang nya nakapag bgay naman po yung mama ko ng 7k pero dahil nga po marami kami bayarin di narin po nakapag bawas kasi ngagamit po yung pera sa pag papaaral sa amin. Ngayon taon po naka graduate na ako. Gusto ko po sana bayaran na yung inutang ng mama ko para makatulong po ako. Nakapag usap naman po sila nung inutangan nya last month at pumayag na mabayaran kahit 15k lang. Nung tumawag po ako para makapag bawas kahit 5k nagulat ako kasi di daw po sapat yung 15k lang kasi sa tagal na ng panahon. Sabi ko po kahit po 20k ibibigay ko ng buo para lang po matapos agad (ngayong month) pero di pa rin sya payag dahil madami sa sinasabi na ganito ganyan. Ang akin lang naman po mabayaran ko yung inutang ng mama ko pero sinasabi nya aabutin daw ng 200k yun.
Ano po ba pwede nyong ipayo sa akin? Willing naman po ako magbayad pero hanggang sa amount lang na nautang ng mama ko at di ko na kaya kung lalagpas pa dun. Sabi ng mama ko wala naman silang pinirmahan na papel o kahit akonh kontrata sa inutangan nya. Nasa saudi po kasi ngayon mama ko at wala din po sya masyado kinikita dun at pag tinatawagan nya yung inutangan nya ayaw naman sagutin. Ano po kaya pwede nyong maipayo sa akin? Pag nakaipon na ako ngayong week ng 20k tatawag po sana ako. Ngayon baka kasi taasan ng taasan yung presyo di ko naman po kaya yun. Need your help guys ano kaya pwede ko sabhin kung dumating sa point na masyado ng malaki hinihingi nya? -.- kaka start ko lang din kasi magtrabaho kaya wala pa ako naiipon. Sana meron paraan para di na lumaki yun :( Salamat po sa makakatulong.
 
kung wala nman pong papel na pinirmahan yung mama mo, na me tubo ung utang nyo, tingin ko set na un sa 20k..maigi sa baranggay nyo po yan pagusapan..like yung mama ko sinangla nya ung pension na 10years ago, pero since me pension xa, hndi na lumobo ung utang nya...tinubos ko ung pension ni mama at nung nagkwentahan na, umabot nang 23k....so ayun pikit mata ko inabot ung 23k na ipon ko..
 
hope walang agreement letters sa problem nyo nayan na umabot sa 20k up na utang kasi pwedi nyo pong ireklamo yan kumoha lang po kayo ng lawyer meron yan sa municipal area nyo po :)
 
Kung walang papel na nilagdaan ang mama mo.
Wala na ring papel ang inutangan niya sa buhay niyo. :lol:
Huwag kayo magdagdag ng bayad na hihigit sa nautang niyo.
Not unless, may naka-collateral na importante sa inyo. :lmao:
 
Maraming salamat po sa inyo �� bale po monday next week kakausapin ko po yung pinag utangan na mama ko. So bale kung magdagdag pa sya hanapin ko agad yung papel ? Pag wala sya maipakita pilitin ko na hanggang dun lang talaga sa amount na nautang ng mama ko ? Yun lang po iniisip ko yung baka manghingi ng sobra. Ang hirap kaya mag ipon xD. Salamaaaaaaat po talaga !
 
Maraming salamat po sa inyo �� bale po monday next week kakausapin ko po yung pinag utangan na mama ko. So bale kung magdagdag pa sya hanapin ko agad yung papel ? Pag wala sya maipakita pilitin ko na hanggang dun lang talaga sa amount na nautang ng mama ko ? Yun lang po iniisip ko yung baka manghingi ng sobra. Ang hirap kaya mag ipon xD. Salamaaaaaaat po talaga !

Hahaha Ganun nga. Huwag lang yung tatanongin mo ng direkta.
Paringgan mo nalang. Like...

"Hindi na po talaga namin kaya yung hinihingi niyong dagdag Maam.
Maliban nalang kung may nilagdaan dati yung Mama ko
na maipapakita niyo po na nagsasabing may interes o madadagdagan yung inutang niya."


Kung sabihin niyang meron ngang ganun,
sabihan mong gusto mong makita.
Kung meron ngang napakita,
basahin mong mainam mga detalye especially about dagdag o interes.
Pero syempre, check mo first kung may pirma nga ba ng mama mo.

Kung wala naman, kahit saang husgado kayo magharap,
mananalo kayo niyan. HAHAHA :lol:
 
Last edited:
Hahaha Ganun nga. Huwag lang yung tatanongin mo ng direkta.
Paringgan mo nalang. Like...

"Hindi na po talaga namin kaya yung hinihingi niyong dagdag Maam.
Maliban nalang kung may nilagdaan dati yung Mama ko
na maipapakita niyo po na nagsasabing may interes o madadagdagan yung inutang niya."


Kung sabihin niyang meron ngang ganun,
sabihan mong gusto mong makita.
Kung meron ngang napakita,
basahin mong mainam mga detalye especially about dagdag o interes.
Pero syempre, check mo first kung may pirma nga ba ng mama mo.

Kung wala naman, kahit saang husgado kayo magharap,
mananalo kayo niyan. HAHAHA :lol:

Hahaha salamaaaaat ! May update ako kinausap ko kasi mama ngayon ayun 10k lang pala nautang nya dun -.- hmmmm tingin nyo okay lang kaya khit 15k nalang ibigay ko kasi nakapag bgay na sila dati ng 7k eh. O parang sobra pa rin yun? Gusto ko kasi mabayaran na rin para wala ng problema xD
 
Wag ka muna magbayad, antayin mo magreklamo o kaya sa brgy kayo magbayaran
 
kung walang black n white na pinirmahan kahit wag mo na bayaran,
 
oo kahit wag mo na bayaran kung wala namn papel na kasunduan,,pero kung nakikiusap na at lumulohod na sa harapan nyo tsaka nyo na lng bayaran
 
THE 1987 CONSTITUTION OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES – ARTICLE III

Section 20. No person shall be imprisoned for debt or non-payment of a poll tax.

-In other words, no one could be compelled to pay a debt under pain of criminal sanctions (estafa is a different matter). No one could also substitute the payment of debt through imprisonment or other criminal penalties (subsidiary imprisonment is also another matter).

- - - Updated - - -

maganda yan mag usap nalang muna kayo sa barangay. kung may mabuo man na kasunduan. kung wala pwede pa rin yan maikaso. at kailangan nyo ng legal adviser para dyan, abogado. lalo na kung may napirmahan kayo na kontrata na ganun ang kailangan nyo bayaran.
 
walang nakukulong sa utang pre/ts, yan ang rule sa buong mundo kahit san kapa makarating, at ang mama mo ang may utang sa kanya pero gusto mong tumulong sa iyong ina sa abot ng iyong makakaya na limited lang. mabuti ngat kahit paano makakabayad kapa kamo, kung malaki na at 200k na yun utang ni mama mo, kamo antayin nyo nalang kung kelan makabayad yung mama ko ((habang nasa abroad di naman nila maihahabla ung may utang at nasa abroad)) :D
 
Hahaha salamaaaaat ! May update ako kinausap ko kasi mama ngayon ayun 10k lang pala nautang nya dun -.- hmmmm tingin nyo okay lang kaya khit 15k nalang ibigay ko kasi nakapag bgay na sila dati ng 7k eh. O parang sobra pa rin yun? Gusto ko kasi mabayaran na rin para wala ng problema xD

Hahaha Nice! :yes:

Kung ganun eh, yung exact amount nalang talaga bayaran mo.
Kung may sasabihin pa siyang tungkol sa interes or katagalan na ng utang,
ganun na nga dagdagan mo hanggang 15k.
Ang saya na niya nun oy. :lol:

Isipin mo nalang na reputasyon at dignidad niyo nalang ang binayaran mo sa dagdag.
Baka kasi pagkalat niya pa at kayo pa ang siraan.
Total may extra ka naman naipon di ba? :lmao:

Kung saken kasi nangyari yan, dadagdagan ko nalang talaga.
Pero di naman sobra.
Para matigil na.
Tapos :salute:

Good luck TS! :rock:
 
kahit may maipakita pang papeles ng utangan TS kung hindi notaryado ng abugado palagay ko may laban ka
 
Maraming salamat po sa inyo. Update ko po kayo kung ano mangyayari :) Salamaaaat po talaga. Marami akong natutunan dito :')
 
wala namang nakukulong sa utang.pro bayaran mo nalang ng tama sa inaakala mo.tutal nagamit nyo naman ang pera..wala pa kayong magiging samaan ng loob.
 
Back
Top Bottom