Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot logo!

notevirus7

The Patriot
Advanced Member
Messages
606
Reaction score
0
Points
26
NOTE: Working lang po to sa mga Rockchip Devices like Polaroid or Touchmate. (RKXX)

Currently Tested and working for:

Polaroid MIDCF07PR001.112
Polaroid MIDCF07PR001.133

Sa naghahanap lang ng firmware at marunong na magflash, pili kayo dito --> Polaroid or Touchmate

Example of Polaroid stuck at boot logo":

1900083_738140282871266_1678591858_n.jpg

Warning: I am not responsible for your device if it gets bricked or unusable. Use this Tutorial with CAUTION

PROBLEM: Polaroid Logo or Android Logo stuck at boot. Eto yung kalimitan na problem ng mga china tablet users.

Kung nagstuck sa Boot Logo ang tablet mo, eto ang thread na para sayo.

READ FIRST!!!

Gamitin lang ang tutorial na to for last resort or last choice. Itry muna kung gagana yung "Recovery Mode" (Turn off tablet, hold power on + volume up or volume down button for 10 seconds, tapos may lalabas na android na nakahiga then press volume up key. Chose wipe data / factory reset then Yes. Pag nakahiga lang sya, wait nyo hanggang magboot). Kung ayaw pa rin, try nyo pindutin yung reset button then (usually butas na maliit) gamit kayo paperclip / aspile or karayom.

Kung naka on naman ang usb debugging ng tablet mo, wag mo muna iflash yan. Try mo muna tong dalawang alternatives:

Wipe Rom Easy

or

Android Multi Tool - Tutorial: http://www.youtube.com/watch?v=5JNupYR7x8A

------------------------------------------------------------------------------------------

Kung wala talaga, REFLASH na yan. So eto ang procedure sa flashing:

Mga gagamitin natin!

1. Rockchip Batch Tool (with drivers)
2. Compatible Rom or Firmware. Polaroid or Touchmate

ang gagamitin ko para sa Polaroid MIDCF07PR001.133 ay 20130640630001 to 20130640638585 dun sa TouchMate Link. Magkaiba yung tatak or company pero swerte ko dahil compatible yung tablet ko dun.

3. Winrar or Extracting Tools

Download at Extract nyo muna lahat ng files na gagamitin. Sa desktop or my documents nyo ilagay para mas mabilis makita or kung saan konti lang ang files or folders mo.

WARNING SA PAGPILI NG ROM / Custom ROM : Wag na wag kayo magrereflash ng tablet gamit ang ROM na hindi kayo 100% sure na compatible. Imake sure na same model yung ROM or Firmware na gagamitin nyo sa pagflash ng tablet. Chances ng pagflash ng hindi compatible ROM ay DEAD Tablet, wifi not working, camera not working at ang pinaka common ay touchscreen problems. Kung dumating kayo sa ganyan, don't worry hindi yung screen, camera or wifi nyo ang may sira. Kailangan nyo lang magreflash ulit ng ibang ROM hangga't masatisfy kayo sa kung ano yung gumagana.

NOW LETS START! FULL CHARGE DAPAT ANG TABLET OR YUNG HINDI PALOW BATTERY DAHIL PAG NAMATAY YAN WHILE REFLASHING, SIRA ANG TABLET MO!

1. Kailangan natin yung drivers ng tablet. Download nyo yung Rockchip Batch Tool andyan na rin yung drivers, then extract sa madaling makita like desktop or my documents. Sa desktop ko nilalagay gaya ng nasa picture:

1656287_738150286203599_1451632673_n.jpg

2. Turn off or i-off ang tablet then isaksak sa PC gamit ang usb cable. Need sya madetect ng pc then hahanapin natin yung drivers. Kung di sya mabasa ng pc, irecovery mode mo sya by pressing and holding Power on + Volume up, after 10 sec bitawan ang power on pero hold pa rin ang volume up. Para malaman kung successful, punta ka ng Device Manager. Sa windows 7 just right click my computer then properties < tapos device manager. Dapat ganito ang itsura ng device manager at yung sa taskbar:

1653631_738159436202684_1967252644_n.jpg

3. Right click Unknown Device, click Update Driver Software then click Browse my Computer for driver Software. Since sa desktop ko nilagay, browse natin sa desktop, Click browse, hanapin san naextract yung Rockchip batch Tool 1.7, then click Rock usbdriver v3.5. dalawa yung folder: x86(32bit) at x64(64bit) since 32 bit user ako, x86 folder ang pipiliin ko then select windows 7 since win 7 ang OS ko. Then click OK then click Next. Pag may lumabas, just allow it to Install.

529450_738163026202325_1830964076_n.jpg

Note pano malalaman kung 32 bit o 64 bit? Press Winkey (yung windows logo button sa keyboard) + R. type nyo dxdiag then enter or click ok. Yes nyo pag unang labas then tgnan nyo yung Operating System. Sakin Windows 7 Starter 32-bit.

4. Punta kayo sa folder kung san nyo inextract o nilagay yung Rockchip batch tool. then punta kayo sa batchtool folder then run RKBatchTool. (run as admin) then eto lalabas:

1619478_738166476201980_206464281_n.jpg

5. Kailangan mag green yung number 1. Pag hindi sya nakagreen, hindi na nakarecovery mode ang tablet mo. Irecovery mode ulit ang tablet: off mo ung tablet press and hold power button while holding volume up button. Usually pag recovery mode nakahiga ung android sa screen or nakablack screen lang yung tablet. Pero para malaman kung successful, dapat mag green yung number 1

1655876_738176036201024_151838089_n.jpg

6.Click the browse button (yung 3 dots bandang kanan sa taas) then browse natin yung compatible img. file na nadownload natin. Since ang tablet ko ay Polaroid MIDCF07PR001.133, ang compatible rom nya ay yung 20130640630001 to 20130640638585 na dinownload ko dito: http://www.touchmatepc.com/new/downloads.asp Ang file name nya para sa polaroid MIDCF07PR001.133 ko ay 720updateIMP4063

7. Click restore then hayaan nyo sya magrestore ng tablet. Wag tatanggalin ang cable or papatayin yung pc dahil mabbrick yung tablet pag nahinto sya while flashing. Ingat sa brownout or sensitive na saksakan sa pc or usb cable

Magbabago yung boot screen logo nya pag polaroid yung gamit mo. Magiging touchmate pero ayos na yan!
 
Last edited:
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

Pano po pag sa Polaroid MID0738?

Hindi ko po alam yung gagamitin kong Rom..

Ganyan po nangyari sa tab ko e..

pero pano po pag ayaw na pumunta sa recovery mode??

nasa picture nalang sya ng polaroid ,, hindi na sya napupunta sa recovery mode..

hindi na din po sya namamatay pag pinindot mo lang ang reset sa likod tyaka lang sya namamatay..
 
Last edited:
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

sir try kita ihanap ng rom

in the mean time try mo muna ung wipe rom easy or android multi tools kung sakaling naka usb debugging ka sir, nasa taas na yung links at tutorial nun.

sa recovery mode ioff mo ung android then press and hold power + volume up button for 10 seconds tapos bitawan na po ung power while still holding volume up

- - - Updated - - -

boss paki check kung ano serial number ng polaroid tablet mo, pacheck sa likod malapit yung model number mo dun sa touchmate roms na binigay kong link
 
Last edited:
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

eto yung sagot sa nakatoka kong tablet:thumbsup:
maraming salamas otor sa share 100% sa MIDCF07PR001.133 :praise: :praise: :praise:
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

eto yung sagot sa nakatoka kong tablet:thumbsup:
maraming salamas otor sa share 100% sa MIDCF07PR001.133 :praise: :praise: :praise:

hahaha sir pnpm kaya kita para masubukan mo pero d ka sumasagot :rofl:

working yan sirr tried and tested. magiging touch mate ung bootscreen mo pero working kahit polaroid sya kase compatible ung rom :salute:
 
Last edited:
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

sir try kita ihanap ng rom

in the mean time try mo muna ung wipe rom easy or android multi tools kung sakaling naka usb debugging ka sir, nasa taas na yung links at tutorial nun.

sa recovery mode ioff mo ung android then press and hold power + volume up button for 10 seconds tapos bitawan na po ung power while still holding volume up

- - - Updated - - -

boss paki check kung ano serial number ng polaroid tablet mo, pacheck sa likod malapit yung model number mo dun sa touchmate roms na binigay kong link

Polaroid MID0738PMP01.133

Tinesting ko na po yung mga Recovery Hold , Hold..Pero wala parin naka stuck parin sya dun..tapos hindi na sya namamatay bali sa reset nalang kaya namamatay..

Lumalabas po yung Debug sa Laptop ko pero hindi sya Root..
Hindi binabasa yung Root..

S/N : MID073860868 yan po ba yun??
sa likod ko po ng Polaroid nakita yan..

Thank's po..
 
Last edited:
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

Polaroid MID0738PMP01.133

Tinesting ko na po yung mga Recovery Hold , Hold..Pero wala parin naka stuck parin sya dun..tapos hindi na sya namamatay bali sa reset nalang kaya namamatay..

Lumalabas po yung Debug sa Laptop ko pero hindi sya Root..
Hindi binabasa yung Root..

S/N : MID073860868 yan po ba yun??
sa likod ko po ng Polaroid nakita yan..

Thank's po..

sir alin po ba dyan yung serial? bat dalawa po?

S/N : MID073860868 or Polaroid MID0738PMP01.133?

pero for sure MID0738 yan. tama po ba?
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

sir alin po ba dyan yung serial? bat dalawa po?

S/N : MID073860868 or Polaroid MID0738PMP01.133?

pero for sure MID0738 yan. tama po ba?

Yung Polaroid MID0738PMP01.133 (MID0738) yan po yung tatak ng tablet tapos yung S/N : MID073860868 yan po ata yung serial..
hindi ko po sure e.. pero yan po yung nakita ko sa likod ng tab ko..
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

hahaha sir pnpm kaya kita para masubukan mo pero d ka sumasagot :rofl:

working yan sirr tried and tested. magiging touch mate ung bootscreen mo pero working kahit polaroid sya kase compatible ung rom :salute:
Ay ganun ba? Sensya na paps hindi ko napansin wala naman kasing nagpopup eh :slap:
Salamas ulit wala kasing stock rom galing polaroid site :thumbsup:
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

Yung Polaroid MID0738PMP01.133 (MID0738) yan po yung tatak ng tablet tapos yung S/N : MID073860868 yan po ata yung serial..
hindi ko po sure e.. pero yan po yung nakita ko sa likod ng tab ko..

sir ang gawin mo dyan, punta ka dun sa link ng touch mate... then try mo yung mga roms dun kung ano yung gumagana....

then pag olats, dun ka naman sa polaroid firmwares magtry...

mangangapa ka dun sir... naka usb debugging on ba yan?
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

TS salamat d2 isang buwan na d nagamit tablet ng pamangkin ko ngaun ok na ulit ayun tuwang tuwa :)
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

sir ang gawin mo dyan, punta ka dun sa link ng touch mate... then try mo yung mga roms dun kung ano yung gumagana....

then pag olats, dun ka naman sa polaroid firmwares magtry...

mangangapa ka dun sir... naka usb debugging on ba yan?

Opo USB debug sya..Sige po testing ko po yung ilang Rom sa Touchmate,..
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

sir, pa help po kasi yung polariod tablet ko MID0748 FREEZE na po hanggang logo lang syan\ pls help ty
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

sir patulong po ako sa TAB ko stuck po ang logo sa screen..at naka pag flash po ako nang CYANOGENMOD na custom room pero pag on ko hanggang sa START lang po ung magpili nang language diko ma touch ung START meron probs ung TOUCHSCREEN nya..salamat po

e2 ang model nang TAB ko

MODEL: MIDC801PR003.133

8 inch po e2ng tab ko
 
eto sir oh.. hopefully gumana sau...http://southerntelecom.com/polaroidsupport/firmware/ptab8000/PTAB8000_Firmware_SD_OTAv2.zip

sir, pa help po kasi yung polariod tablet ko MID0748 FREEZE na po hanggang logo lang syan\ pls help ty

hingang malalim.

gawin mo to:

http://forum.gsmhosting.com/vbb/f90...pattern-problem-paswword-without-adb-1717216/

kung di mo alam yung step 1, eto yun:

off mo yung tablet then pili ka ng buttons dito hanggang sa may gumana:

1. Hold volume up tapos tsaka mo ihold din pati yung power button. mga 10sec or more.

or

2. Hold volume down tapos tsaka mo ihold din pati yung power button. mga 10sec or more.

pag d gumana at may back button yang tab mo or menu button, try mo magexperiment ng ibat ibang buttons hanggang ma boot mode
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

Rooted po ba ang firmware ng touchmate?
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

TS maraming salamat po sa reply bale yung sa gsm hosting muna po i try ko kasi yung second step di applicable wala kasing volume button yung polariod tablet ko
maraming salamat po ill keep you posted sa resulta .... mabuhay po kayo at maraming salamat
 
sige lang sir. kung wala syang volume button, pede naman kung may iba syang buttons like back or menu...

at sa ROM na binigay ko sir d ko rin sya sure kung gagana dahil magkaiba sila ng version PERO magkalapit. so it might work..

balitaan mo na lang ako sa tablet mo thanks.
 
Re: [TUT]Fix your Polaroid or Touchmate na stuck sa boot log

meron ka bang stock rom ng polaroid 97135?
 
Back
Top Bottom