Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

[TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng walang credit card

Umorder ako ng segunda mano na itim na unlocked iPhone 5 2 weeks ago sa Amazon, kadarating lang kahapon. $442.69 nagastos lahat lahat, kasama na shipping saka taxes. Ginamit ko lang yung Globe GCASH AMEX ko. Ang maganda pa dito, di na dumaan sa customs saka sa post office, derecho sa bahay, tapos 2 weeks lang halos delivery. Di ako natakot na nanakawin, lapit pa naman na magpasko haha!

[url]http://s22.postimg.org/c5gam7x65/IMG_20130927_113112.jpg[/url]

Kung ganito lang pala kadali umorder online, eto na uli siguro gagamitin ko sa susunod na order ko. Pag bibili ako ng S4 Orochi! Kung gusto nyo din magavail o kaya pag may tanong kayo, post ka lang, try ko sagutin. :thumbsup:

EDIT: Nalaman ko lang sa friend ko pwede palang bumili ng genuine na iOS saka Android apps sa App Store saka sa Play Store gamit tong GCASH AMEX na to. Subukan ko tapos add ko update dito mga kasymb.

EDIT: Gumawa ng guide inadd ko na sa main post

[TUT] Paano bumili ng phone sa international sellers ng walang credit card



Sorry bossing ngayon ko lang nabasa post mo. Bale sige, eto try ko gawing detalyado.

1. Kung Globe postpaid/prepaid subscriber ka, sign up ka muna for GCASH. Libre lang yun basta may SIM ka, dial mo *143# may makikita ka dun na "8. GCASH" (magkaiba yung GCASH sa GCASH AMEX)

2. After mo magregister, may gagawin ka yung tinatawag nilang "Know Your Customer" (KYC). Papakita ka lang sa Globe Store tapos dala ka na ring ID para sigurado para maverify na ikaw yung user na account na yun. Bale pag na-KYC ka na, maaalis na yung limit mo ng sending saka receiving ng pesos sa GCASH (parang katulad nung sa Paypal)

3. Edi tapos nun after nila maconfirm sayo na verified ka na, punta ka dito https://mygcash.globe.com.ph/gcashamex tapos register ka na para sa GCASH AMEX. Eto na yung step na after mo matapos, bibigyan ka na ng sarili mong GCASH AMEX virtual card, US address, saka automatic enrolment sa My Shopping Box service.

- Yung GCASH AMEX virtual card numbers, yun yung ipapasok mong details sa mga online shop na bibilhan mo
- Yung US address mo, yun yung gagamitin mong mga billing address sa mga pagbibilhan mong shop
- Yung My Shopping Box, sila yung tatanggap ng mga deliveries mo galing US tapos ipapadala nila dito sa address mo sa pinas

4. After nun, punta ka sa http://www.my-shoppingbox.com tapos fill-upan mo yung mga required information. Kailangan mong ilagay yung address mo sa pinas dito kasi sila nga yung tatanggap ng item mo from halimbawa, sa Amazon, tapos ipapadala straight sa bahay mo.

- May free 1-month trial ka sa My Shopping Box, tapos pag nagustuhan mo yung serbisyo, pwede ka magparenew, P250 lang, isang taon na yun. Pwede rin ata P140 for 6 months.

5. Tapos nun, pag kumpleto mo na lahat, pwede ka na umorder sa Amazon o sa ebay.

Sa Amazon, punta ka sa Add a Credit or Debit Card:

- Sulat mo pangalan mo
- Sulat mo yung US address na galing sa My Shopping Box
- Sulat mo yung card number na galing sa My Shopping Box
- Sulat mo yung telephone number na galing sa My Shopping Box

6. Ngayon ready ka na umorder. Siguraduhin mo lang na may balance yung GCASH AMEX mo, kundi failed transaction yan. Halimbawa bibili ka ng headphones na worth $50.00, convert mo x P44 kailangan at least may balanse kang mga P2,200 or mahigit pa.

7. After mo maorder yung item mo sa Amazon (or kung saan ka bumili), papadala nila sa US address mo within 3-5 days. Pag dumating na sa US address mo yung item galing sa Amazon, magpapadala yung My Shopping Box ng email sayo.

8. Tatanungin ng My Shopping Box ka kung "Authorize shipment" na yung item mo. Eto yung papadala na nila sa Pilipinas sa address mo (or sa opisina mo kung gusto mo). May bayad to. $2.99 pag Sea Shipping, $5.99 pag Air Shipping. Pag by air, mas mabilis ang dating ng item mo dito. Pag sea, mga isang buwan. Ibabawas din yung bayad dito sa GCASH AMEX mo, kaya kailangan may extra ka parati kundi di madedeliver sayo. Ang maganda dito, di na dadaan sa Customs saka sa Post Office kaya wala ka nang babayarang iba, saka di ka kakabahan na nanakawin yung inorder mo.

9. After mo maauthorize, lalabas na dun sa My Shopping Box na yung item mo "Left the US", ibigsabihin pinadala na dito. After siguro mga 10 days, darating na yung item mo sa opisina nila sa Paranaque, tapos papadala na nila sayo.

Bale eto pala yung itsura ng packaging nya (di ko na nakuhanan yung sakin, credits to noypigeeks blog for the photo)

View attachment 844066

Ganun lang kadali! Medyo matrabaho lang yung pupunta ka pa sa Globe store para magpa-KYC pero okay na din. May inorder ako sa Amazon nito lang October 22, dumating sa My Shopping Box October 26, inauthorize payment ko mga October 30, tapos dumating dito sa bahay ko November 12. Di kasama weekends saka holidays sa bilang ng date of arrival, kaya pag umorder kayo ng maraming holidays, baka matagalan ng konti ang pagdating.

Haha! Haba pala nitong post ko. Sana sir makatulong. :)


thanks po sa info.. kaso po may tanong ako paano kung may defect yung unit na order galing kay amazon..

e di papano po yung warranty nun diba.. kasi naka US address gamit mo... Pano po pag ganun..
 
thanks po sa info.. kaso po may tanong ako paano kung may defect yung unit na order galing kay amazon..

e di papano po yung warranty nun diba.. kasi naka US address gamit mo... Pano po pag ganun..

kahit anong ATM na may Visa or Mastercard pwede mo po gamitin pang bili Sir
 
Okay parin po ba itong tutorial na to? I mean, may gumagamit padin ba nito today?
 
Back
Top Bottom