Re: TUTORIAL pfSense Firewall & Router
Cisco Linksys router ginagamit ko ngayon dito sa office pwede po bang mag install ako ng PFsense di po ba yun magko-conflict yung dalawang Linksys at PFsense?
pfsense >> linksys >> linksys
i-cascade nyo po...base sa experienced ko sa network ko, di pwede multiple routers sa isang network.. kaya cascade ko, switch function na yung ibang routers under pfsense para si pfsense lang bigay ng ip and the security... ganyan lang sakin, okay naman, wait natin yung mga expert baka may masabi sila
- - - Updated - - -
Thanks. Practice practice pag may time
- - - Updated - - -
Additional question..
Kapag naka off ba ung logs ng DSL, may way ba para ma record yun ng pfsense? Connected ung dsl sa pfsense ah.
may sariling logs si pfsense
- - - Updated - - -
Ask ko lang po
Ito po ba yung ginagamit para di tumaas yung ping during online games?
yung sa internet cafe po namin is diskless na po ang problema pag may nag youtube tumataas yung ping.
1 lang po yung switch namin.
Do I need a dedicated machine para sa pfsense or just dedicated hdd?
Pasensya na po maraming tanong
Ito po ba yung ginagamit para di tumaas yung ping during online games? >>>> yes..it could help...
yung sa internet cafe po namin is diskless na po ang problema pag may nag youtube tumataas yung ping. >>. pwede ihiwalay ang gaming sa browsing dito
1 lang po yung switch namin. >>> not a problem
Do I need a dedicated machine para sa pfsense or just dedicated hdd? >>>> pwede mo i virtual using virtualbox if familiar ka... halimbawa may PC ka na ginagamit sa timer and personal use pwede mo dun narin install pfsense via virtual box but you need an above minimum specs
I suggest bumuo ka ng dedicated PC para kay pfsense... depende ang specs sa need mo or sa ganu karami mga PC na susuportahan nito.. usually a dualcore 2gram 160G HDD 2Giga NICs ay okay na
Pasensya na po maraming tanong >>> ayos lang, kahit ako din naman matanong sa mga di ko pa alam
- - - Updated - - -
I was about to install pfsense on my second server when upon reviewing it will reformat the whole HDD which I do not want to happen so I stopped.
Naghanap ako ng ibang sources re pfsense installation pero d ko lang talaga mahanap ang plan kong gawing setup. Sa mga masters jan, patulong naman kung posble ko itong gawin sa installation:
1. I-install sa 1 partition ko kasi 1TB naman ang HDD ko na pagkatapos ay wala namang changes sa current setup ko ng PC then continue na lang ako ng pfsense configuration using webGUI.
or,
2. Install pfsense sa hiwalay na HDD, let's say 80gb, then boot sa 1TB HDD na currently running.
Sa mga masters, paki-share na lang po ng wisdom nyo kung posible itong dalawang setup kasi madalas nagla-lag mga pc kaya walang halos nag-o-online games sa shop lalo ngayon na summer vacation na, ini-expect ko na mahina sales namin. On the flip side, I'm seeing this as an opportunity for maintenance and upgrade, at isa to sa gusto kung ma-accomplish with your help.
Matagal na po ako dito, just hanging around, downloading and reading helpful insights. If there is a better setup than what I suggested above, please let me know. Gusto ko lang siguraduhin, d mabubura itong ginagamit ko na HDD. TIA.....
Option 1.
Bumuo ng hiwalay na PC para installan ng pfsense. Lahat ng data ay mabubura at lahat ng space ay gagamitin ni pfsense sa HDD na ilalagay mo
Option 2.
i virtual install ang pfsense via vmware or virtualbox etc sa PC na ginagamit mo ngayon.... walang magagawala sa files and data mo... i think ito ang setup na gusto mo..
wala ng ibang option.
Di mo pwede i install si pfsense sa isang partition lang ng hard drive mo... dedicated sya na setup, di pwede dual boot, etc
sana po malinaw..