Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Usapang METAL!!

immortal

Symbianize Spirit
Advanced Member
Messages
1,936
Reaction score
1
Points
28
Usap tayo tungkol sa mga paborito ninyong metal bands, death metal, black metal, thrash, metalcore, grindcore, brutal death, goth, progressive o kahit ano pa mang forms ng metal. And also mga album releases, band members etc. At totoo bang na dominate na ng Emo ang scene? Patay na ba ang Musikang METAL?

Some useful links:
Metal News
Metal Lyrics
Metal Mp3's And Albums
 
Last edited:
Paborito ko ang korn at rage.

>>sayang din tol na disband ang rage, bangis pa naman ng lyrics nila, gusto ko ung idealism nila about oppression and poverty, yung injustice na araw araw pinagdadaanan ng mababang uri ng tao, militant sila pagdating sa pang aapi ng kapwa eh, yan yung totoong musika, my laman at my gustong iparating sa tao, hindi yung ginagawa lang nila para pag usapan db. Yun nga lang sayang na disband sila. Nagustuhan mo ba yung audioslave with chris cornell? Parang nakakatawa kung iisipin nung nag umpisa yung banda na yun db? parang di mag ki click kasi magkaiba ng form eh, chris from grunge now defunct band soundgarden tapos ihahalo mo to the boys of rapcore rage parang anlabo db? Pero mukang bumenta naman.
 
Alam ko tol buo na ulit ang rage e. Ok lang yung audioslave dati.

Slipkn0t gusto ko din. Emo ayoko.
 
Alam ko tol buo na ulit ang rage e. Ok lang yung audioslave dati.

Slipkn0t gusto ko din. Emo ayoko.

>>buo nb ulit ang rage? ay0z ah bumaba na cguro ng bundok si zack,hehe.. yung slipknot ba buo pa din? para kasing naiiwan na yung ganung style ng music nila, nagtanggal na ba sila ng maskara? mudvayne nagtanggal na ata ng pintura sa muka kasi natatauhan na sila, dapat sumunod na din slipknot sa kanila
 
gandang hapon senyo,

in MY POV, wla nman genre na emo, eh kasi kahit anu pamang kanta yan kelangan na ingredient ung emotion dbuh kaya tawag ko dun "dramatic punk rock" kasi sbi nung ibang experts sub genre daw un ng punk, pewo wla nman ako galit sa mga so called EMO's dun lng sa mga posers :noidea:, dun nman sa tinatanong muh kung na tabunan na ung metal scene, ndi nman buhay padin metal scene dito sa pilipinas mas pinili lng nila na ndi mag mainstream, may adhikain nga sila ngaun eh, "NO TO TICKET SELLING PRODS". . . nga pla pakingan nyo nlng ung kanta ng tenacious D. na "the metal" andun ang sagot. . . :salute:

fave ko nga pla na metal bands:

deicide
the faceless
megadeth
ledzep
tenacious D. (astig lyrics ni jackblack) :thumbsup:

mabuhay tau lahat. . . :salute:
 
Ndi pa sure ang comeback ng RATM (rage against the machine) pero ang metallica mayroong reunion dahil makikipag jam ulit si jason newsted sa kanila. D ako sure kung kelan pero nabasa ko na. About naman sa paga-unmask ng slipknot at mudvayne, si corey taylor pa lang ang nakita kong unmasked sa mga member ng slipknot kc may banda pa siyang stone sour, mudvayne magaling talaga sila unmasked or hindi may sarili kasi silang style. Marami na din akong napakinggan na metal bands pero naging impluwensiya ko ang BLACK SABBATH AT RAGE AGAINST THE MACHINE pagdating sa tugtugan. About sa EMO, lumalaki na talaga ang EMO scene dahil sa mga kabataan ngaun at ung iba sinasabi nila na " POSERS " daw at di tunay na EMO. Favorite Metal bands ko of all time BLACK SABBATH :rock:
 
Pagkakaalam ko ang emo is sub genre ng hardcore pero mismong hardcore scene ang nagtataboy sa kanila. Naging masyadong melo dramatic na kasi yung scene eh parang ginawang gay fashion na ng mga bagong banda, dati kasi my touch pa ng punk yun eh ngaun parang pop nalang. I dont have anything against emo and i dont like emo at all. Buhay pa nga ang metal locally, dito sa pinas active pa mga extreme metal medyo madalang na nga lang ang gig, the last 1 i saw eh yung gig pa nila sa pasig, pa gig ni mike, puro black, death at thrash metal ang lineup my ilang hardcore din. About metallica naman masaya ko at buhay pa din sila khit andami ng nagbago sa kanila musically, medyo ok na yung death magnetic na album nila compared sa st.anger na take note wala ni isang guitar leads which is not their style dahil thrash sila. I remember back in 1996 when i first heard black sabbath, yun din yung year na unang nadinig ko ang metallica and thats the same year when i first bought their album master of puppets, hard earn money yun dahil 2nd year highschool palang ako at 10 pesos lang ang baon ko sa isang araw,hehe.. walking distance lang kasi ang bahay namin sa eskwelahan ko, imagine kung gano katagal bago ko nabili yung cassette tape nila na back then eh 100 pesos lang. Yung black sabbath naman nahiram ko yung tape nun sa tatay ng barkada ko, cassette tape yun na parang multiplex na my lyrics na nakasulat sa papel na nakaipit sa loob ng tape, galing saudi ata yung tape na yun kaya ganun. Astig talaga black sabbath and until now they're still one of the most influential metal band of all time. Yung Tenacious D prang nakita ko na yung video nun dati sa mtv, yung nasa booth siya at my demonyo na lumabas sa booth, di ko alam kung ano yung song pero natawa ko dun, aztig si jack black eh, school of rock!
 
New metal album releases:

Chimaira - "The Infection"
Dark Tranquillity - "Manifesto of Dark Tranquillity" (compilation)
The Haunted - "Warning Shots" (compilation)
Static-X - "Cult of Static"
Agathodaimon - "Phoenix"
Samael - "Above"
The Agonist - "Lullabies For A Dormant Mind
Blut Aus Nord - "Memoria Vetusta II- Dialogue With The Stars
Lamb Of God - "Wrath"
God Forbid - "Earthsblood"
Malevolent Creation - "Essentials"
Cannibal Corpse - "Evisceration"
Napalm Death - "Time Waits For No Slave"
Kreator - "Hordes Of Chaos"
Sirenia - "The 13th Floor"
Sepultura - "A-Lex"
 
I have nothing against EMO din dahil kinuha akong guitarist ng isang EMO band kahit METAL music ang paborito ko pero nahirapan ako dahil may pagkaka-iba din ang tugtugan ng EMO sa METAL. Hindi din kami nagtagal dahil ang hirap din pakisamahan ng mga kabanda kong EMO at iniwan ko na lang ang isang composition ko sa kanila na nagustuhan naman ng mga nakakakilala sa amin dati. Ang pananaw ko kasi pagdating sa music " RESPECT " other musicians at music listeners at kahit mas gusto ko ang metal scene ay open din ako to listening to any genre of music. :peace:
 
@niwrehscs
>> tama tol respeto lang talaga pagdating sa kung anong trip na musika, o kahit hindi lang about music kahit religion, beliefs at anumang pananaw meron tayo individually. Naging extreme din ako at some point of my life musically and at that point talagang kinasuklaman ko ang emo scene dahil tingin ko that time sinisira nya ang integrity ng rock scene, halos mukang mga boybands na pinahawak ng gitara at drums ang mga nakikita kong member ng banda, pero tinanggap ko na din na talagang nag eevolve ang music, my dadaan at mawawala, lets look back nung unang lumabas ang limp bizkit, after nun nagsulputan na ang napakadaming rapcore na banda, pati dito sa pinas ganun din ang nangyari, lumabas ang slapshock, greyhoundz, glitch, yung unang chico science (now chicosci) and many others, pero asan na limp bizkit ngayon db? Hindi na din ganun kalakas ang rapcore unlike nung unang labas nila, same goes to the nu-metal scene anlakas ng impact nila nung sumulpot yung eksena na yun, back then dinaanan ko din ang glam rock scene and grunge scene nawala din sila sa pagdaan ng panahon, kaya iniisip ko na lng na ganun din mangyayari sa emo scene, unlike metal scene na andyan lang palagi, may it be underground extreme o mainstream my makikita kang metal bands, anlaki na din ng metalcore scene ngayon, dati ang metalcore lang na pinapakingan ko eh machine head, vision of disorder, nothingface, skinlab, killing culture, will haven and some others pero ngayon andami na which is good for the scene kasi dun mo makikita na buhay ang eksena. Sa mga taong kagaya ko na passion ang metal at halos kalahati na ng buhay kong nakikinig ng ganitong musika overwhealming ang pakiramdam na nakikita mong matatag yung eksena na kinabibilangan mo, yun ang isang bagay na lamang natin sa emo scene, hilig lng nila ang emo dahil sa melo dramatic na approach nito, or sa fashion na kasama nun pero hindi sila passionate about it, like i said i dont have anything against emo ayoko lang talaga sa mga posero na nakikinig lang dahil yun ang uso at dahil tingin nila in sila. Sa mga totoong nagmamahal sa emo/punk scene saludo ako sa inyo, you have my respect, sa mga poserong dinidikit lang nila ang pangalan nila sa eksena kahit wala silang idea about it, no comment ako sa inyo,hehe.. Mabuhay ang ekseneng mulat.
 
@niw and immortal- very well said. . . :clap: :salute: kanya kanyang 3p nlng yan. . . :salute:
 
Ndi talaga mawawala ang metal scene dahil matatag ang foundation or roots nito. Back in my college days sikat na sikat ang metal lalu na ung mga underground bands. Andyan ang death after birth, bad omen, rumblebelly, at that time sa L.A. 105.9 pa ako nakikinig hanggang sa nagustuhan ko din ang foreign bands katulad ng sepultura, entombed, tool, stuck mojo, machine head, cradle of filth, hatebreed, at madami pa. Ung ibang bands they stick to their own type of music while some nageevolve. Bro immortal, ang glitch ba na banda originated from cebu? Nakapunta na ako ng cebu at maganda din ang music scene doon, nakita ko ang urbandub at fastpitch na magagaling tumugtog. Sa manila naman ang last ko na nagustuhan na underground band ay Valley of Chrome at Saydie.
Ndi na siguro mawawala ang mga posers pagdating sa music scene. Before mas bumibilib ako sa mga talagang pumoporma ng metal, emo at punk pero nang may nakausap akong isang rakista sabi niya na mas bilib pa daw siya sa akin dahil mas rakista pa daw ako kesa sa kanya kasi marunong akong tumugtog. As time passes by din ndi na din ako pumoporma ng metal na outfit parang napagdaanan ko na kasi lalo na ngayon na may pamilya na ako pero ang love ko for metal music ndi nawawala. :peace:
 
@niwrehscs
tama ka jan sa sinabi mo tol. Oo tol cebuano band ang glitch parang old deftones bagsakan nila ayos din my cassette tape pako nung album nila eh kaso mga hip hop pumorma. Ayoz yang valley of chrome parang shadows fall bagsakan kakatuwa vocalist nun ampayat eh antigas mag growl,hehe. Ako 28 years old na pero metal pa din pumorma, long hair pa din, swerte din kasi hindi bawal sa trabaho ko at tanggap naman ako ng girlfriend ko. Naalala ko bigla yang L.A 105, napaka aztig na station dati nadominate lang sila ng NU 107 dahil commercialize ang NU, madaming sponsor. Andami ng local bands from L.A ang nagkawalaan, tingnan mo naman, ni minsan naimagine mo ba na si jerome abalos ng death by stereo ay mag si shift sa ganung musika? larawang kupas? from metal naging ganun sya,tsk! tsk!.. tama ka nga tol khenyot kanya kanyang trip nalang yan.
 
:slap: si jerome abalos pala un?! Biruin mo kumanta siya ng ganun? dati nakakasabay pa namin ang death by stereo na magpraktis sa studio sa may mandaluyong. Ang NU 107 kasi halu halo na ang genre na pinapatugtog nila at sa tingin ko mainstream na ang NU 107.
 
oO tol si jerome abalos yun, nagulat talaga kami dun galit na galit pa siya sa wolfgang dati nung nasa death by stereo pa siya sapaw kasi sila yun pala eh may pangarap palang maging april boy,hehe.. mainstream na talaga NU tol, antagal ko ng hindi nakikinig dun parang pop nalang ata pinapatugtog nila eh.
 
Favorite ko naman yung bandang dream theater saka yung Dragonforce bangis nila!astig sa shreding,
:Rock:
 
Immortal..san ba ako pwedeng bumili ng mga guita magazine? katulad ng guitar world magazine, young guitar magazine, guitar one or decibel magazine..matagal na ako naghahanap sa mga mall pero wala kasi ako makita..:pray:
 
Immortal..san ba ako pwedeng bumili ng mga guita magazine? katulad ng guitar world magazine, young guitar magazine, guitar one or decibel magazine..matagal na ako naghahanap sa mga mall pero wala kasi ako makita..:pray:

>>veteran na talaga dream theater tol, one of the finest.. Dragonforce naman magaling talaga kaso hindi naman nila kayang tugtugin ng live yung mga riffs na yun, hanggang studio na lang yun,hehe.. san ba location mo tol? sa mga booksale ka tumingin madami ako nakikita nun sa recto dun ako bumibili ng metal maniacs, revolver, metal edge mags eh, may nakikita akong guitar world tska decibel dun, around 190php yung price pag naswertihan mo yung nasa booksale 100php lang.
 
Back
Top Bottom