Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Wala na akong tiwala sa mga Registry Cleaners

ExcL

The Loyalist
Advanced Member
Messages
533
Reaction score
0
Points
26
So this week lang binitawan ko na lahat ng utility programs na gamit ko sa PC ko. Nakakainis kasi na kaya pala marami akong errors sa PC ko in the past few years ay dahil sa pag-depend ko sa mga registry cleaners. May konting boost nga sa performance pero unti-unti namang sinisira ang system. Like dahan dahan kang mawawalan ng valid registry entry.

Laging nagyayari sakin yung biglang nawawala yung icon ng isang file type napapalitan s'ya nung default icon (yung blank na papel).

Tapos isang beses nawala yung Network Connections folder ko. Akala ko dati virus. Invalid registry entry pala yung cause.
Madami pa kong ibang shortcuts na nawawala dahil namamali yung registry entry n'ya.
Habang tumatagal, isa-isa ring nawawala yung Windows features like ipconfig na napapagana ko dati, eventually nung tinype ko sa cmd biglang not recognized na yung command... Marami pa yan.

At saka hindi n'ya nede-delete lahat ng naiiwang traces sa registry ng uninstalled programs.. Kaya parang bale-wala din yung ginawa mong clean up. Ilang registry cleaners na rin ang nasubukan ko, and over the years, ngayon ko lang narealize na sila pala ang mas malakas sumira sa system ko kaya ako napapa-reformat.

Anybody here na may same experience?

Nga pala, marami na rin akong nabasa sa internet na sa kaka-registry clean-up nila, sa katagalan ay bigla nang hindi nagbo-boot yung PC nila dahil pati registry entries para dun ay nalihis din.

Parang solvent or alcohol lang yan eh. Nakakalinis nga, ang tapang naman. Kaya pag pinanglinis mo ng PC components... WASAK! :lol:


UPDATE:
Eto ang pinaka-huling registry problem na natanggap ko bago ako bumitaw sa cleaners.

Nawala yung notepad sa start menu ko. But I can still open it using the run command.
I'm 100% sure na registry edit ang nakapagpawala d'yan. Wala nang papalag. Hindi infected ang system ko, ok? At wala akong ibang ginalaw sa system ko. Wala pa akong ini-install na bagong softwares, and such. Lahat ng ginagawa ko sa PC ko, I'm still on track. :rofl:

29cuc5y.jpg
 
Last edited:
ts an0ng utility pr0grams ba gamit m0? Gamit ko kasi tuneup utility. Na alarma lang ako baka maya mangyari sa system ng pc ko t0h...
 
Isa na rin yang TuneUp Utilities sa mga ginamit ko... I suggest na tuwing magko-conduct ka ng cleanup, siguraduhin mong laging may back-up. Para may bawi ka pa pag may nagluko sa system mo. Check mo rin sa Rescue Center nun kung ilan ang limit sa backups at kung gaano nya katagal ii-store. Change mo yung duration if necessary.
 
parehas tau tu2011 yun gnamit ko nagkroon ng error pero solid pa rin ako sa ngyn yun CCLEANER
 
salamat sa info ts. maganda siguro hanggat maaga uninstalle ko na lang tuneup utilities na t0h para iwas sa aberya. n0 sa pa£lagay mo ts? sensya na wala pa kasi ko ganun alam sa ganyan...
 
malamang corrupted na OS mo or may virus n yan
kayaganyan madami na error

try Ccleaner at ASC optimizer yan ang gamit matagal.
 
sa palagay mo ung advance system care ganun din kaya.. napapansin ko din yan pag nag unistall ako ng progran at ng clean registry hindi naman nabubura ung folder na pinangalingan ng program....:)
 
ccleaner ako. hehe... and manual cleaning hehehehe.... medyo may alam kasi ako sa registry so marunong ako magclean ng registry kahit walang cleaner.. hehehehe....
 
Dapat po pinagaaralan din nating yung program na ginagamit sa computer. Ako kasi di ako gumagamit ng kahit anong cleaner or optimizer, nagttry ako pero I have my own protection sa PC kahit anong gawin ko at iinstall i can always back to its normal state kung nagustuhan ko yung program at tingin ko walang magiging bad effect sa system then yun ang iniiwan ko. Delikado talaga ang pagedit ng registry since konting pagkakamali lang makakaexperience ka na agad ng error or kung hindi man agad darating din yung time na kapag kinailangan mo yung isang registry di mo na makita.
 
Registry mechanic pa naman ang gamit ko. Wala pa namang aberya. Thanks sa info!
 
boss gamit ka ccleaner boss depende kasi yan..kung eh check mo yung dekstop shorcut niya..ma delet yung mga shorcut sa dekstop mo na invalid..
Ccleaner and Defragler lang boss..yan lang ok na system mo.wag kana gumamit nang advance system care or tune up ..yan lang gamitin mo ok na ok na system mo yan boss..
 
salamat sa info ts. maganda siguro hanggat maaga uninstalle ko na lang tuneup utilities na t0h para iwas sa aberya. n0 sa pa£lagay mo ts? sensya na wala pa kasi ko ganun alam sa ganyan...
Pwede mo parin naman mapakinabangan yung ibang features ng tuneup. Yung registry cleanup lang talaga hindi ko gusto sa kahit anong programs.


malamang corrupted na OS mo or may virus n yan
kayaganyan madami na error

try Ccleaner at ASC optimizer yan ang gamit matagal.
No sir... Matagal na rin akong sanay sa pasikot-sikot ng Windows ME to Windows 7. Puro Genuine pa yun. (ngayon lang ako gumamit ng modded). Ngayon ko na rin nabuo ang conclusion ko. Kasi sinubukan ko na hindi mag clean up ng registry pagkatapos nitong huling reformat ko.

Dapat po pinagaaralan din nating yung program na ginagamit sa computer. Ako kasi di ako gumagamit ng kahit anong cleaner or optimizer, nagttry ako pero I have my own protection sa PC kahit anong gawin ko at iinstall i can always back to its normal state kung nagustuhan ko yung program at tingin ko walang magiging bad effect sa system then yun ang iniiwan ko. Delikado talaga ang pagedit ng registry since konting pagkakamali lang makakaexperience ka na agad ng error or kung hindi man agad darating din yung time na kapag kinailangan mo yung isang registry di mo na makita.

Tama ka d'yan, sir. The best parin ang manual cleaning basta marunong ka. Dapat talaga lagi tayong may back up tuwing mage-edit ng critical files at structures gaya nalang ng registry.
 
Ok naman sakin ung ccleaner.. wala pang tino-topak sa pc ko

best combo siguro is ccleaner at manual cleaning tlga :)
 
Matagal na rin nung huling gamit ko n'yang Crap Cleaner (3 years na din). Masubukan nga ulit.
 
haaha pareho kami ni sir black, mas ok pa din kasi manual cleaning.
 
ccleaner :) weekly maintenance lang ginagawa :) baka inaaraw-aram mo TS :)
 
matagal na akong di gumagamit ng registry cleaner. 2 na kasing sikat na PC magazine ung nagdocument at gumawa ng experiment ng kawalang kwenta ng mgar registry programs.

naprove nila na halos walang improvement sa bilis yung paglinis ng registry. worse, lalo pang masisira pc mo kapag nagkamali ng tanggal yung software.

kung gusto mo raw bumilis ang pc m, maguninstall ka ng programs(esp ung mga kumakain ng startup at RAM) or reformat..or obviously.....upgrade.

Pamahiin na lang yang mga registry software na yan. sabi nga nung isa sa editor, parang ang sarap kasi ng feeling pag nakita m ung mga sangkatutak na "errors" na "nafix" nung registry software. Pero kung tutuusin wala nmang epektong ginawa.
 
ccleaner :) weekly maintenance lang ginagawa :) baka inaaraw-aram mo TS :)
Twice a month lang ako nagre-registry cleaning dati, sir.

matagal na akong di gumagamit ng registry cleaner. 2 na kasing sikat na PC magazine ung nagdocument at gumawa ng experiment ng kawalang kwenta ng mgar registry programs.

naprove nila na halos walang improvement sa bilis yung paglinis ng registry. worse, lalo pang masisira pc mo kapag nagkamali ng tanggal yung software.

kung gusto mo raw bumilis ang pc m, maguninstall ka ng programs(esp ung mga kumakain ng startup at RAM) or reformat..or obviously.....upgrade.

Pamahiin na lang yang mga registry software na yan. sabi nga nung isa sa editor, parang ang sarap kasi ng feeling pag nakita m ung mga sangkatutak na "errors" na "nafix" nung registry software. Pero kung tutuusin wala nmang epektong ginawa.

Nakabasa na rin ako ng tungkol d'yan. Feeling ko nga yung pag clean ng registry ay halos parehas lang nung ginagawa ng karamihan na pagrefresh ng desktop. Feeling mo bumilis pero in relity, wala naman talaga s'yang naitulong.

Ang talagang nakakapagpabilis ay ang Disk defragmentation. Pero registry cleaning? Umm.. :disapprove:
 
para sa skin di ang mga registry cleaner ang problem ,kundi ang OS mo, marami factor kaya nag kakaerror ng pc mo andyan ang virus ang no .1, may spyware , trojan atbp iba pa,

maybe kailangan higpitan mo yun security ng pc mo ,

recommended ko sa iyo shadow defender yan di na ako nag kakaproblem sa pc one restart ala na virus ,any kakaiba na nangyari sa pc restart mo lang yun back to normal na.
 
thnx po sa info....kinabahan nman ako...unting2 nwwala ung mga logo sa files q nagging papel nlng cla pero ok parin pag i.run....jejeje..newbie ksi about sa computer..nirestore ko nlng lahat ng registry na natangal..

Question lng po....ano po advantage ng registry cleaners...kong hindi nman xa nag papabilis ng pc?
 
Back
Top Bottom