- Suggestion lang po. Mag toyota corolla ka nalang or Mazda 323 na 1.3 engine subok na matipid at matibay. unlike ng kia pride, Mas matipid nga kia pero sabi ng mechanic mahina and pyesa, Pasensya na po base lang sa mechanic yun about sa mahina pyesa pero yun toyota at mazda I tried and used it already and I guaranteed na ok. Konti lang naman difference ng price nila sa secondhand.
Hi, ako din sana magpapatulong. Balak ko bumili ng sasakyan anytime soon, mga july or august. budget ko is 70-100k. Tanong ko lang kung ano ang mas maganda overall, galant gti (1988 -1992) or corolla ae92 ae111?
- ano ang mas matipid sa gas? Yung corolla ba talaga? Yung galant kasi 2.0 yung makina, pero may mga ibang nagsasabi na worth it naman daw dahil mas maganda performance ng gti. mas maganda din makina, and may nakausap ako may corolla sya and gti surprisingly mas matipid daw yung gti nya sa gas. Yung corolla daw kasi pangit kapag carb yung makina, madami daw issue kahit matipid.
- ano mas maganda for city/long driving? Yung galant daw mas lamang dahil nga sa engine, much better performance. Pero kapag city driving daw, corolla?
- ano ang mas madaling imaintain at iparepair sa panahon ngayon? Yung corolla ba? pansin ko kasi mas madami parin yung corolla and yung parts nya mas common compared sa gti. And lahat ata ng mekaniko familiar sa corolla, unlike sa gti. Mas mura bang imaintain ang corolla kaysa sa gti?
Nung college kasi, 1994 corolla bigbody gamit ko kaya subok na (kahit na iba siya sa ae92/ae111). tipid naman siya sa gas. Medyo may kalumaan lang, dating company car kasi. araw araw siguo kapag pumapasok ako, 200 pinapagas ko. from cubao to new manila. Medyo ayaw ko lang madaming nasisira agad na basic na parts ng kotse, pero dahil nga company car sya dati kaya gamit na gamit. A/T siya. Pinakamalalang nasira dito transmission, nawalan ng reverse at yung brakes naging palyado, pero sakto lang sa budget nung pinaayos.
Nakapagtry narin ako ng lancer glx 2004. Hindi siya galant gti pero may similarity kaya sila? eto naman medyo matakaw sa gas pansin ko. from cubao to monumento 200 - 300 pinapagas ko lalo na kapag naka aircon. pero may sira din kasi nun yun, pinaoverhaul, pgktpos ipaoverhaul, gumanda naman performance naging mas matipid din sa gas. A/T din siya. Yung mas gusto ko lang dito compared sa corolla, mas comfortable yung ride nya kaya lang pagdating sa electronics, madalas palyado. Yung power windows madalas masira, yung audio system, nawalan din ng busina dahil sa airbag. medyo may kamahalan ipaayos.