Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Wonderful story: Lumapit ang isang babae sa Pastor...

Simpleforummer

Amateur
Advanced Member
Messages
138
Reaction score
0
Points
26
May isang babae na pumunta sa pastor at ang sabi...
"Pastor, hindi na ako babalik sa church niyo.

"Ngunit bakit naman?" tugon ng pastor.

"Eh! Kasi naman po Pastor may nakita ako sa loob ng church nagdadaldalan at sinisiraan ang kapwa kapatid, may taong magpagkunwari, mayabang, maging ang music team mali ang ginagawa. Maraming tao na tumitingin sa cellphone habang nasa service at ang daming mali na nakita ko sa church Pastor."

Sumagot ang Pastor, "Ok, pero bago ka umalis, pwede ba akong maka hingi ng pabor? Kumuha ka ng isang basong puno ng tubig at umikot ka sa loob ng Church ng tatlong beses na walang matatapon na kahit isang tulo ng tubig. At pagkatapos pwede kanang magpa alam."

Sa isip ng babae...
"Napakadali naman!!!"

At umikot nga ang babae ng tatlong beses sa church.
At nang siya'y matapos, "Pastor pwede na po ba akong umalis?"

Sinabi ng Pastor, "Bago po pala kayo umalis pwede po pa ba akong magtanong muli?"

Nung palakad-lakad ka at inikot mo nang tatlong beses ang church, may nakita ka bang nagdadaldalan, at sinisiraan ang kapwa kapatid?

"Wala po."

May nakita ka bang mapagkunwari at mayabang?

"Wala po."

May nakita ka bang music team na may maling ginagawa?

"Wala po."

May nakita ka bang gumagamit ng cellphone habang nasa service?

"Wala po."

Alam mo kung bakit?

"Hindi po."

Dahil naka focus ka sa baso na may laman na tubig, dahan-dahan ka para hindi ka matisod at para walang matapon. Tama!?

Katulad din sa buhay natin bilang isang Kristiyano. Kung nakatuon lang ang ating paningin sa Panginoon, hinding-hindi tayo matitisod at wala tayong oras para tingnan ang mali ng iba. :)

âś”"We will reach out a helping hand to them and concentrate on our own walk with the Lord."
TYPE "AMEN" IF YOU BELIEVE IN GOD. 🙏

#Jesus Saves!
#Share.

-Baptist...

#No To Corruption And Crimes.
 
At ganito naman ang tugon ni Jesus, "Ang sinumang nag-aararo at palingun-lingon ay hindi karapat-dapat sa kaharian ng Diyos." --Lucas 9:62
 
God understand human heart and weakness more than we know... Justification... Sanctification... By his grace and love.
 
Back
Top Bottom