Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Flamingo - Chapter 8

FLAMINGO
royalty-free-flamingo-clipart-illustration-49170.jpg


Posible bang magmahal ka ng isang taong, hindi mo pa nakikita o nakikilala?
Kung ang isasagot mo ay "oo" at sasabihin mong ang diyos, eh laos na yan!
Dahil uso na ang bagong henerasyon ng pag-ibig, na natatagpuan lamang sa mga chatrooms, at social medias.

At dahil walang kinalaman ang feysbuk, google plus, at twitter sa kwento, ay magtatanong nalang ulit ako.


Gaano ba ka-sagrado ang ritwal na ginagawa bago ang pulot gata?
Yun na ba talaga ang destinasyon ng long engagement, o delayed monthly period?
Ano nga ba ang sequel ng kasal?

divorce? pwede!
annulment? corny..

Death?!

***

Chapter 1

Ipinikit ko ang aking mga mata. Sinigurado ko kung kailangan ko na bang mag-take ng supplement, para maalala ko ang lahat. Sa isang iglap nagsulputan lahat ng detalye ng nakaraan. Mula sa kakaibang amoy ng hangin sa bayan ng Mojaeles, hanggang humantong sa mukha ng babaeng hinding hindi ko pwedeng makalimutan habang nabubuhay.

Dinilat ko ang aking mata nasa harapan ko na si Ingrid. May kakaibang ngiti sa kanyang labi habang hawak ang dalawang cup na naglalaman ng coffee. Tatayo sana ako para tulungan sya, ngunit naunahan nya ako. Inilapag nya ang umuusok na kape sa harap ko. Nakaka-alarma ang kanyang ngiti habang inaayos ang upuan. Isang table, dalawang upuan, dalawang taong magkaharap, at isang kwentong naghihintay na mailatag.

Inilapag nya ang voice recorder sa ibabaw ng magarbong table, na binabalutan ng asul na tela. Bahagyang ipinatong ang dalawang kamay, at tska ito itinikom.

"Pwede ka nang magsimula Marcus.." si Ingrid.

"Para saan ang recorder?" usisa ko.

"Just for fun!" natatawa nyang sagot.

Kumiliti sa ilong ko ang mabango at nakakagising na amoy ng dekalidad na kape. Uminom ng bahagya bago tuluyang magsalita.

"Ilang beses kong pinag-isipan ito, pero sumagi din sa utak ko na wala namang mawawala" pauna ko.

Tahimik lang sya at walang anumang salitang lumabas sa kanyang bibig. Napakunot ang noo ko sa kanyang nakakairitang ugali. Wala akong nagawa kundi tuluyan nang magsalita.

"Maniniwala kaba kung sasabihin kong ikinasal na ako?" tanong ko.

Sumilip ang kanyang ngiti. "Oo, pwede! Tao ka naman, at karapatan mo yun" pilisopo nyang sagot.

"Isang beses akong ikinasal, sa magkaibang babae.." dugtong ko.

Naputol ang kanyang ngiti, at mabilis na pinalitan ng pagdududa ang kanyang mukha. Nag-aagaw ang tawa, at kyuryosidad sa kanyang isip. Batid ko sa hindi maipaliwanag nyang paggalaw.

"Paano nangyari yun?!" tanging salitang nasabi nya.

-----

Doktora si Ingrid Mercillano. Hindi nang mga nanay na nagdadalang tao. Hindi ng mga aso, at lalong hindi ng mga pekeng diploma at resibo. Isa syang Psychiatrist, at isa ako sa mga pasyente nya. Nakilala ko sya noong panahon lubog ako sa depresyon. Hindi naman ako parokyano, but somehow nagkaroon sya ng interes sa buhay ko. Madaming beses kong pinaunlakan ang ideya nyang ganito, pero katumbas din noon ang hindi ko pagsulpot. Mahigit dalawang taon na kong nakikipag hide-and-seek sa kanya, pero hindi pa din sya huminto. May gusto syang malaman ang lagi nyang dahilan.

Nagsawa din ako kakatago. Napagod na din ang daliri ko kaka-cancel ng mga tawag nya. At ngayon ang araw na nag-iba ang ihip ng hangin sa isip ko. Pumayag ako sa kagustuhan nya, bakit? Trip lang.

"Lumalamig ang kape. Tumatakbo ang oras, hanggang kailan ka makikipag-usap sa sarili?" ang biglang pasulupot nyang tanong.

Tinanggal ko ang unang butones ng suot kong polo. Dinukot ko ang kwintas na merong pendant na yari sa abaka. Bakas sa itsura nito ang nagdaang panahon, at sa likod naman ang kakaibang kwentong nakapaloob dito. Isang kwentong nais kong ihayag. Kwento ng pag-ibig na gumawa ng malalim na ukit sa puso ko. Inilapag ko ito sa ibabaw ng mesa.

"Sabihin mo nga. Naniniwala ka ba kay Ramon Revilla?" natatawa nyang tanong.

"Hindi yan anting-anting!" irita kong sagot.

"Relax Marcus! Para saan ang wooden amulet na hugis ostrich?"

"Hindi yan ostrich. Malaki masyado ang ibong yun para isabit sa leeg ko" pilosopo kong sagot.

"Hindi bird? Hindi plane?" pang-aasar nya.

"Flamingo! A big pink bird, that symbolized love!" matikas kong sagot.

Muli, pumikit ako. Sinimulan kong alalahanin ang lahat ng detalyeng natatandaan ko.

------------

Ang mga ngiti ni Sarah, ang pinakamagandang ngiting bumusog sa aking mga mata. Bumaba sya sa langit, para punan ang kulang na parte ng pagkatao ko. Hindi ko sya hiniling, pero sa isang iglap nariyan sya. Nag-krus ang aming landas noong nasa kolehiyo pa kami. Galing syang probinsya, at mag-isang nanirahan sa maynila. Nagkaroon ako ng dahilan para magsipag sa buhay. Natuto ako ng mga bagay na hindi kakikitaan sakin noon. Sa madaling salita, malaki ang pinagbago ko.

Nakatapos kami ng kolehiyo. Bitbit ang mga pangarap na nagsisimula nang lumipad, napagdesisyon naming magsama sa iisang bubong. Hindi naging mahirap ang lahat. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Walang dapat problemahin. Kahit pa ang kakapusan sa pera, hindi naging balakit sa tinatahak naming daan.

Nakahanap ako ng trabaho noong sumunod na taon. Admin assistant sa isang kompanya, hindi na masama. May sahod na pwede nang bumuhay ng pamilya. Kahit kapos sa oras, nagkakaroon pa din kami ng panahon sa isa't isa. Naging makulay ang pagsasama namin, kaya noong naka-ipon na ng pera niyaya ko na syang tapusin na ang pagiging single namin. Nagpakasal kami nung sumunod na taon. Walang magandang venue, walang audience na malakas magtake-out ng handa. Isang simpleng kasal. Isang lihim na kasal.

Pero tulad ng madalas na sinasabi ng lahat. Palaging karugtong ng kaligayahan ang kalungkutan. Iikot ang mundo, at dadaan ka sa parteng hindi nasisilayan ng araw. Hindi ko nakitang paparating ang bagyong namuo sa langit. Dalawang buwan nagkaroon sya ng karamdaman. Hindi din nagtagal.

Pumanaw si Sarah.

"Oh my!" gulat na wika ni Ingrid. Muntikan pang matabig ang iniinom na kape. Halata sa mukha ang pagkagulat ng doktora.

"As in namatay sya?!" tanong nya.

"Ay hindi! Natulog lang!" pabiro kong sagot.

"Sorry Marcus!" humugot sya ng malalim na hangin. "Gusto mo bang wag na nating ituloy ito?" tanong nya. Alam kong naapektuhan na sya sa kwento ko, at iniisip na makakasama pa sa akin kung magpatuloy.

"No, it's okay! Nasimulan ko na naman"

"Sigurado?"

"Oo."

Sa puntong yun nakitaan ko si Ingrid ng kakaibang interes. Ipinatong na nya ang siko sa limesa, at itinukod iyon sa kanyang baba. Bahagya nya pang nilapit ang kanyang ulo palapit sa akin, para marining nya ng husto ang lahat ng aking sasabihin.

"Akala ko noon ang pagkawala ni Sarah ang pinakamalaking problema ko sa buhay" pagpapatuloy ko.

"Akala ko din yun lang ang ibinigay ng diyos na pasanin sa akin, ngunit may malaki pa palang krus na naghihintay sa daan ko"

"Ano nangyari?" tanong nya.

"Kakaibang balita ang dumating sa akin noong dumalaw ako sa ahensya ng gobyerno, para kunin ang papeles na nagpapatunay na sya'y pumanaw na. At para na din mag-file ng bagong estado"

"And then?" nasasabik nyang tanong.

"Natuklasan kong ikinasal ako kay Sarah" wika ko.

"Huh?"

"Ikinasal ako sa Sarah na nabubuhay pa, at hindi yung pumanaw na"


A story inspired by the movie 3 idiots. echos!
 
Last edited:
Re: Flamingo - Chapter 1

mag subscribe na muna ako amphietot :pacute:




mukhang makaka relate ako dito ah :lol:





pero pag ako umiyak dahil dito sa story mo lagot ka sakin :rofl:




just kidding :lol:
dugtungan mo na yung teenage cappuccino :whisper:
 
Re: Flamingo - Chapter 1

Jef, may bayad ang subscription :lmao: hindi ako marunong magpaiyak :lol:

paste ko pag-uwi yung teencap :salute:
 
Re: Flamingo - Chapter 1

nice one, ganda ah, isasali na kita sa list ng Praning na mga writers.ahaahaha. idol.
 
Re: Flamingo - Chapter 1

:think:Naguluhan ako sa last part di ko ma gets pik up.,:ashamed: kaya update na :lol:
 
Re: Flamingo - Chapter 1

Dito nalang ako mag-aabang. Masakit sa mata yung bg ng wanky eh. :jaja:
.
Dito na rin magcocomment para lumevel ang post count. :lmao:
 
Re: Flamingo - Chapter 1

nice one, ganda ah, isasali na kita sa list ng Praning na mga writers.ahaahaha. idol.

:thanks: po, kaw ba president nun? :lol:

:think:Naguluhan ako sa last part di ko ma gets pik up.,:ashamed: kaya update na :lol:

ako din aminadong naguluhan sa sariling gawa :slap: mamats sa pagdalaw :D

Dito nalang ako mag-aabang. Masakit sa mata yung bg ng wanky eh. :jaja:
.
Dito na rin magcocomment para lumevel ang post count. :lmao:

gagawin kong kamote at talong nightly theme din trops :lmao: apir :punish:
 
Re: Flamingo - Chapter 1

Chapter 2

"Ikinasal ako sa Sarah na hindi ko kilala!"


Sobrang weird. Sa ilang taong pagsasama namin, totoong wala akong ideya sa nakaraan nyang buhay. May mga bagay kaming pinaguusapan ukol dun, pero mababaw pa sa tubig na nasa baso ang mga detalye. Kaya halos pulutin ko isa isa yung mga ngipin ko, nung bumagsak ang panga ko sa gulat nung nalaman ko ang balita. May malaking question mark na biglang sumulpot sa ibabaw ng ulo ko, dahil sa biglaang paggulo ng mga pangyayari. Hinanap ko sa paligid kung merong prankster na may hidden cam, wala naman. Kung maipapalabas ako sa tv, sana lang naka-blurred ang mukha.

"Hindi ka pwedeng maging balo sir. Buhay pa ang asawa mo. Naka-address sya somewhere in the province of mojaeles, ayun sa sinumite nyang birth certificate sa kasal nyo"

"Miss alam ko yun. Pero imposible! Sarah Roman ang pangalan ng asawa ko, at mahimbing na ang tulog nya ngayon. Kung pwede ko lang syang hukayin at iharap sa inyo gagawin ko"

"I know sir. Pero kailangan muna naming i-verify kung talagang pumanaw na ang isang tao, bago namin i-process lahat ng papeles. Lumabas sa records naming buhay ang asawa nyo, at ayun sa census ngayong taon kaka-register lang ng pangalan nya. Tanong ko lang sir, sa asawa nyo ba talaga ang mga dokumentong ginamit nya noong ikinasal kayo?"

"Saan po ba ang mojaeles na yan?" may bahagyang pagtaas na sa aking boses.

...

"Hinanap mo sya?" wika ni Ingrid.

"Oo. Wala akong ibang choice" sagot ko.

"Hmm. Sounds interesting. The more you continue your story, lalo akong nahihiwagaan sa pagkatao mo, at ni Sarah."

"Sa akin wala. Kay Sarah meron" sambit ko.

Tumitig sya ng may halong pagtataka. Nawala ang space sa pagitan ng kanyang kilay. Ano mang oras alam kong may salitang lalabas sa kanyang bibig. Kaya bago nya pa masabi, inunahan ko na sya ng pagpapatuloy sa kwento.

...

"Sir, malapit na ba dito ang mojaeles?" tanong ko sa lalaking nagkakarga ng gasolina sa bitbit kong kotse.

"Medyo malayo pa bossing. Taga maynila kaba?"

"Oo, paano mo nalaman?"

"Hindi kasi pamilyar ang ganyang klase ng pananamit dito. Yung pabango na gamit mo din amoy siyudad" paliwanag nya.

Napakunot noo ako sa sinabi nya. Tumingin ako sa paligid. Wala na ngang natirang bakas ng kabihasnan saan man ako tumingin. Iba din ang simoy ng hangin. Naalala ko bigla ang amoy ng puno na nakatayo sa likod ng bahay namin noon. Amoy probinsya. Amoy librong bagong bili. Matapos magbayad, mabilis kong hinarurot ang sasakyan. Ayokong maabutan ng pagkagat ng dilim sa kalsada, lalo na sa ganitong lugar. Hindi ako sanay na hindi nakakakita ng street lights sa kalsada, pakiramdam ko'y nasa ibang parte ako ng pinas na hindi pa natutuklasan ng kahit sino.

Nawala ang pangamba ko nung dumaan sa ulonan ko ang malaking arko na yari sa bato. Nakaukit ang salitang "mojaeles", nakadugtong ang mga salitang "nandito kana tanga!"

"Purok kwatro, Purok kwatro"

Paulit ulit na bulong ko sa sarili habang nasa mabagal na takbo ang sasakyan. "Bakit ba walang numero?" naiinis ko pang wika.

"Ano hinahanap mo?" muntik ko nang madukot ang nakaipit na tubo sa gilid ng driver's seat nang biglang sumulpot ang lalaki sa bintana ng tsikot. Kung gutom ako sigurado nakahandusay na sya ngayon.

"Purok kwatro boss" wika ko sa lalaking mukhang pitong taon nang hindi nakakakain ng masustansyang pagkain.

"Halatang naliligaw ka! Purok kwatro na ito. Walang numero ang mga bahay dito, kasi maliit lang naman ang bayang ito. Kung alam mo ang pangalan ng hinahanap mo, madali lang iyong matunton" paliwang nya, habang panay ang iwas ko sa nagtatalsikang laway.

"Sarah! Sarah Roman. Kilala mo ba?" tanong ko.

"Ahh.. Diretso ka lang dyan sir" habang itinuturo ang daan na pilit nilalabanan ni Pnoy.

"Malaking bahay na kulay pula. Nag-iisa lang yun sa pinakadulo, madali mo yung makikita" dugtong nya.

Matapos magpasalamat at mag-abot ng konting barya, agaran kong tinungo ang sinasabi nang lalaking jeproks. Sinilip ko pa sya sa rear mirror baka kasi bigla syang mawala. Hindi naman ako nabigo, pero may kakaibang ngiti syang ibinigay sa akin. Kakaisip muntik ko pang mabanga ang gate ng pink na bahay na nasa harapan.

"Pink? Nasaan ang pula?" tanong ko sa sarili.

Lumingon lingon ako sa paligid. Malawak na palayan nalang ang kumaway sa akin. Wala nang ibang bahay. Bumaba ako ng auto, doon ko lang napansin na may kalakihan ang bahay. Halata sa itsura ang dumaang panahon, na kung susumahin mas matanda pa sa mga kwento ng lolo ko.

Huminga ako ng malalim bago pindutin ang door bell. Hindi ko alam pero biglaan nalang sumulpot ang imahe ni Sarah sa isip ko. Isang may edad na babae ang nagbukas ng gate. Napasimangot ako hindi dahil gutom na ako, dahil mukhang nahawa ako agad sa reaksyon nyang kahit si vice ganda ay hindi sya kayang mapatawa.

"Good afternoon! Pwede po kay Sarah? Sarah Roman" pauna ko.

Matino naman yata ang pagkabati ko kaya ganun nalang ang gulat ko noong binagsak nya ang gate. Weird! Sobrang weirdo ng mga tao sa Purok Kwatro, Mojaeles. Pakiramdam ko'y nababalot ng sumpa ang lugar na ito. Naghintay pa ako ng ilang minuto, kung walang magbubukas aakyat ako ng bakod. Pero syempre kunwari lang yun. Lalakad na sana ako paalis nang muling nagbukas ang gate.

"Marcus?"

Hindi matandang babae, kundi isang lalaki na sa tingin ko ay naglalaro ang edad na 40 pataas. Lalong tumayo ang balahibo ko nung banggitin nya ang pangalan ko.

"Opo sir. I was looking for a girl named Sarah Roman" wika ko. Hindi ko pinahalatang may katiting nang takot sa likod ng utak ko.

"Nasa loob sya, pasok ka muna.."

Namangha at nanglaki ang aking mata sa gulat. Malaki pala talaga ang bahay lalo na't nasa loob ka. Malaking espasyo para lamang sa sala. May magarbong spiral staircase na nagdudugtong sa naka-hang na terasa. Amoy na amoy ang kalumaan sa loob ng bahay. Mga antigong kagamitan. Mga santo, at iba't ibang imahe ng yari sa kahoy at bato.

"Ano? Nakita mo ba si Sarah?" wika ni Ingrid.

"Oo! Nakita ko sya, pero hindi nya ako nakita.." sagot ko.

"Sorry?" nagtatakang tanong nya.

Bumaba ang lalaking nagpapasok sakin kanina. Nawala ang antok ko nung napansin kong kakaiba na ang kinikilos nya. Pero imbes na magpakita ng takot, matapang ko syang sinalubong. Huminto ang kanyang hakbang bago pa makalapit sa kinatatayuan ko. Mula sa kanyang likod sumulpot ang babaeng hindi nagkakalayo sa itsura ni Sarah.

Nagsalo ang lungkot at saya sa emosyon ko. Tuwa dahil halos napabilis yata ang reincarnate ni Sarah, at lungkot dahil hinaplos nya ang kanyang kamay sa aking mukha.

"Daddy, anong hitsura nya?" wika ng babaeng kaharap ko, ngunit malayo ang tingin.



www.wankero.blogspot.com taralets! bagets! :rofl:
 
Re: Flamingo - Chapter 2

nabitin naman ako dito. sana may update na agad.:pray:
 
Re: Flamingo - Chapter 2

Chapter 3

Nasaksihan ko kung paano bumagsak ang ulan, mula sa kinauupuan ko. Tanaw na tanaw ito sa tagusang salamin na isang pulgada lang ang layo sa akin. 60's medley ang musikang umiikot sa loob ng coffee shop, kaya medyo nabawasan ang tensyon ko sa pagkukwento kay Ingrid. Wala nang bisa ang kape kapag malamig. Napatunayan ko yan noong mga panahon lunod ako sa depresyon, bunga ng pagkawala ni Sarah.

Ibinaling ko ulit ang atensyon kay Ingrid. Hinugot kong muli ang natitirang damdamin ko para sa namayapang asawa. Sa puntong ito kalmado na ang sarili ko. Nakatingin lang si Ingrid, nagtatanong ang mga mata. Halatang ang pagpapatuloy ng kwento ang pwede lang i-digest ng tenga nya sa mga oras na ito.

"Bulag ang babaeng sumalubong sa akin.." wika ko sa mababaw na tono.

"Bulag? As in literal na bulag?" namamangha nyang sagot.

"Oo.. Hindi malinaw ang tagpong yun sa akin, basta ang tanging natatandaan ko lang ay ang pakiramdam nung unang beses na dumapo ang palad nya sa mukha ko" pagpapatuloy ko.

"Maputol ko lang Marcus! Si Sarah ang asawa mo. Ikinasal ka sa kanya, pero natuklasan mong hindi sa kanya ang papeles na ginamit nya sa kasal nyo, tama ba?" pag-uusisa ni Ingrid.

Ngiti lang ang sinagot ko. Tinawag ko ang waiter na namataan kong nag-iikot sa paligid, tska umorder ulit ng dalawang kape.

----

"Bunsong kapatid sya ni Rica. Sya talaga si Sarah Roman" paliwanag ng lalaking nakausap ko kanina lang.

Inilapag ng matandang babae ang malamig na inumin sa isang maliit na table na nasa harap naming tatlo. Pakiramdam ko'y lalagnatin ako sa mga narinig, kaya halos itapon ko nalang ang inumin sa lalamunan ko. Hindi nakaligtas sa gilid ng aking mata ang hitsura ni Sarah. Pinagmasdan ko syang maigi. Para syang xerox copy ng Sarah na nakasama ko.

"Matagal tagal na din ng huli naming nakita si Rica. Umalis sya dito ng walang kahit anong iniwang bakas. Kahit ang pag-alis nya ay napakatahimik, palibhasay masikretong bata." pagpapatuloy ng lalaki.

Muntik ko nang malunok ang huling ice tube, na nasa bunganga na ng baso. Bigla kong naalala ang kasal namin ni Rica. Walang nakakaalam ng kasal na iyon. Kahit anino ng mga kamag-anak namin walang nakasilay kahit isa. Paano kapag nalaman ng Sarah na kaharap ko na ikinasal ako sa ate nya, at pagkakakilanlan nya ang ginamit? Naghahandang sumabog ang mga neurons sa utak ko sa kakaisip ng magandang panimula.

"Hindi ako ang ama nila." wika ng lalaki.

Nakapag-release ako ng konting sakit ng ulo sa sinabi ng lalaki. Si Sarah nalang ang problema ko. Kung makakausap ko sila sa maayos na paraan, maisasakatuparan ko ng maayos ang balak kong pakikipag-divorce.

"Matagal nang nasa piling ng diyos ang kanilang mga magulang. Ako at si Manang ang natitirang tagapag-alaga sa magkapatid. Daddy na ang tawag nila sa akin, nasanay na sila ng ganun"

Lalong nawala ang pressure ko. Nakawala ang nagma-marathon na daga sa loob ng dibdib ko. Tumindi ang adhikain kong tapusin na ang kalokohang kinasasangkutan ko ngayon. Nasa isip ko na ang mga dapat kong isiwalat sa kanila. Maiintindihan nila ako, dahil hindi ko naman kasalanan ang lahat.

"Pumanaw na po si Rica!" sambit ko.

Natigil ang pagbubuod ng talambuhay ni Rica ang lalaki. Halata sa mukha ang pagkagulat. Sa gilid ko ang original na Sarah na halos maubos ang daloy ng dugo sa mukha. Namutla ito, at bakas sa mga mata ang biglang pagkalungkot. Unti unti nang pumatak ang luha ng dalaga. Ni hindi ko na nagawa pang pigilan ang pag-agos. Gayun din ang lalaki. Hindi alam kung anong gagawing pagpapatahan kay Sarah.

---

"Fool! Hindi ka ba nag-iisip?!" galit na tono ni Ingrid.

"Wala akong magagawa, kailangan kong sabihin ang lahat. Kung isesekreto ko pa baka kainin na ako ng takot, na baka masaktan ko ang damdamin nila" paliwanag ko.

"Tsk! Hindi mo alam ang impact ng mga ganung bagay sa isang tao Marcus.."

"Naiintindihan kita sa gusto mong mangyari, pero ang pagsasabi ng ganyang balita ay dinadaan sa--" mabilis kong itinakip sa bibig nya ang aking kamay.

"Kung hindi ka pa titigil, iiwan kita dito." wika ko.

Nagsalubong ang kilay ni Ingrid. Parang gusto nya akong ilagay sa pagitan noon at tuluyang ipitin sa inis. Matapos ang ilang segundong pakikipagtitigan, ay dahan dahan kong tinanggal ang aking kamay.

"Okay.." mahinahong bulong nya.

...

"Marcus.. May tanong lang ako.." wika ng lalaki na may sarkastikong tingin.

"Paano mo nakilala si Rica? Magkaibigan ba kayo?" tanong nya.

"Nagkakilala kami noong kolehiyo. Naging kaibigan. Hindi nagtagal--"

"Puputulin ko na dyan Marcus. Matagal na naming alam na may karamdaman si Rica. Pinasasalamatan ka namin sa paghahatid ng balita, at sa pag-aalaga sa kanya. Now tell me, may iba ka pa bang kailangan?" diretsong tanong nya.

Hindi ko alam pero parang biglang nabaliktad ang sitwasyon. Ako ang dapat na may sikretong kailangang sabihin, ngunit sa isang iglap parang alam na nila ang nilalaman ng isip ko. Masyado na akong nahihiwagaan. Para akong inilagay sa isang game show na kahit short briefing ay walang nabanggit ang production. Sinalang ako sa hotseat para sagutin ang 1 million question, na may tanong na kahit si Chris Langan ay dudugo ang isip.

"Gusto ko ng divorce!"

Nakita ko kung paano umabot sa hairline sa taas ng noo ang kilay ng lalaki. Gulat na gulat at halos iluwa ang sariling mata. Gusto ko syang batukan sa pagka-corny nya.

"Haha! Hindi magandang biro yan Marcus.." may pilit na ngiti na namalagi sa kanang bahagi ng kanyang labi.

"It's not a joke! Ikinasal kami ni Rica! Naging asawa ko sya! But lately natuklasan kong hindi sa kanyang papeles ang ginamit nya. Walang iba kundi kay Sarah. Nakilala ko sya bilang Sarah.. Sarah Roman!" paliwanag ko.

Natahimik ang lahat sa sinabi ko. Tanging ang ikot ng kamay ng orasan ang syang namayaning ingay sa nagdaang segundo. Hindi na ako makakatagal sa lugar na ito. Mabilis kong dinukot ang mga papeles na syang magpapatunay sa lahat. Inihagis ko ito sa limesa. Halata ang mabilis na daloy ng dugo sa buong katawan ko, dahilan para tuluyang kumalat ang mga papel sa paligid.

"Si Ate.." garalgal na boses ni Sarah.

...

"Ginawa mo iyon?" muling pagputol ni Ingrid sa kwento.

"Nadala ako ng emosyon. Nakalimutan kong nandoon pala si Sarah. Bulag sya, pero nakakarinig" wika ko.

"Tapos?"

"Wala akong ideya na simula na pala iyon ng mas magulong pangyayari sa buhay ko.."


www.wankero.blogspot.com :D
 
Last edited:
Re: Flamingo - Chapter 3

ay buti naman at naisipan nyang mag update :no:
nakakapagod maghintay :rofl:
 
Re: Flamingo - Chapter 3

Gustong batukan sa pagkacorny. :laugh: di naman siguro OA yung ganung reaction, siyempre di nila alam na ikinasal si Rica. :punish:
.
Pumayat ka jefinezz? :o
 
Re: Flamingo - Chapter 3

ay buti naman at naisipan nyang mag update :no:
nakakapagod maghintay :rofl:

busy sa chiks work jef :lmao:

Gustong batukan sa pagkacorny. :laugh: di naman siguro OA yung ganung reaction, siyempre di nila alam na ikinasal si Rica. :punish:
.
Pumayat ka jefinezz? :o

kapag corny kasi sarap batukan :rofl:
 
Re: Flamingo - Chapter 2

may bago na naman akong bookmark. Mukhang kaabang abang ang susunod na kabanata :yipee: :thumbsup:


Pansin ko lang po may line kayo na sinabi,

Gayun din ang lalaki. Hindi alam kung anong gagawing pagpapatahan kay Rica.

Di ba po dapat si Sarah?

Newayz looking forward sa next update. :dance:
 
Re: Flamingo - Chapter 2

may bago na naman akong bookmark. Mukhang kaabang abang ang susunod na kabanata :yipee: :thumbsup:


Pansin ko lang po may line kayo na sinabi,



Di ba po dapat si Sarah?

Newayz looking forward sa next update. :dance:

haha oo nga :slap: na-edit ko na po. 4am na kasi ako noong matapos magtayp :rofl:

salamat sa pagbisita :salute:
 
Re: Flamingo - Chapter 3

iba talaga pag writer, kaht magdamagan basta gumagana utak go pa din

:salute: ako sa inyo, ako madami ding dumadaloy na ideas sa utak ko pero hindi ko malabas in writing.

Kaya hanga ako sa inyo.
 
Re: Flamingo - Chapter 3

kom :lol: hindi eyebag ko lang ang pumayat :lol: jowk :rofl:
amphietots :furious: mag update ka na :furious: ako na demanding :rofl:
 
Re: Flamingo - Chapter 3

Na mental block lang kaya inabot ng madaling araw :lmao: sayang ang idea kung hindi isusulat sir :salute:

Jef tawrsdey nalang medyo tamad busy pa :D
 
Back
Top Bottom