Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Flamingo - Chapter 8

FLAMINGO
royalty-free-flamingo-clipart-illustration-49170.jpg


Posible bang magmahal ka ng isang taong, hindi mo pa nakikita o nakikilala?
Kung ang isasagot mo ay "oo" at sasabihin mong ang diyos, eh laos na yan!
Dahil uso na ang bagong henerasyon ng pag-ibig, na natatagpuan lamang sa mga chatrooms, at social medias.

At dahil walang kinalaman ang feysbuk, google plus, at twitter sa kwento, ay magtatanong nalang ulit ako.


Gaano ba ka-sagrado ang ritwal na ginagawa bago ang pulot gata?
Yun na ba talaga ang destinasyon ng long engagement, o delayed monthly period?
Ano nga ba ang sequel ng kasal?

divorce? pwede!
annulment? corny..

Death?!

***

Chapter 1

Ipinikit ko ang aking mga mata. Sinigurado ko kung kailangan ko na bang mag-take ng supplement, para maalala ko ang lahat. Sa isang iglap nagsulputan lahat ng detalye ng nakaraan. Mula sa kakaibang amoy ng hangin sa bayan ng Mojaeles, hanggang humantong sa mukha ng babaeng hinding hindi ko pwedeng makalimutan habang nabubuhay.

Dinilat ko ang aking mata nasa harapan ko na si Ingrid. May kakaibang ngiti sa kanyang labi habang hawak ang dalawang cup na naglalaman ng coffee. Tatayo sana ako para tulungan sya, ngunit naunahan nya ako. Inilapag nya ang umuusok na kape sa harap ko. Nakaka-alarma ang kanyang ngiti habang inaayos ang upuan. Isang table, dalawang upuan, dalawang taong magkaharap, at isang kwentong naghihintay na mailatag.

Inilapag nya ang voice recorder sa ibabaw ng magarbong table, na binabalutan ng asul na tela. Bahagyang ipinatong ang dalawang kamay, at tska ito itinikom.

"Pwede ka nang magsimula Marcus.." si Ingrid.

"Para saan ang recorder?" usisa ko.

"Just for fun!" natatawa nyang sagot.

Kumiliti sa ilong ko ang mabango at nakakagising na amoy ng dekalidad na kape. Uminom ng bahagya bago tuluyang magsalita.

"Ilang beses kong pinag-isipan ito, pero sumagi din sa utak ko na wala namang mawawala" pauna ko.

Tahimik lang sya at walang anumang salitang lumabas sa kanyang bibig. Napakunot ang noo ko sa kanyang nakakairitang ugali. Wala akong nagawa kundi tuluyan nang magsalita.

"Maniniwala kaba kung sasabihin kong ikinasal na ako?" tanong ko.

Sumilip ang kanyang ngiti. "Oo, pwede! Tao ka naman, at karapatan mo yun" pilisopo nyang sagot.

"Isang beses akong ikinasal, sa magkaibang babae.." dugtong ko.

Naputol ang kanyang ngiti, at mabilis na pinalitan ng pagdududa ang kanyang mukha. Nag-aagaw ang tawa, at kyuryosidad sa kanyang isip. Batid ko sa hindi maipaliwanag nyang paggalaw.

"Paano nangyari yun?!" tanging salitang nasabi nya.

-----

Doktora si Ingrid Mercillano. Hindi nang mga nanay na nagdadalang tao. Hindi ng mga aso, at lalong hindi ng mga pekeng diploma at resibo. Isa syang Psychiatrist, at isa ako sa mga pasyente nya. Nakilala ko sya noong panahon lubog ako sa depresyon. Hindi naman ako parokyano, but somehow nagkaroon sya ng interes sa buhay ko. Madaming beses kong pinaunlakan ang ideya nyang ganito, pero katumbas din noon ang hindi ko pagsulpot. Mahigit dalawang taon na kong nakikipag hide-and-seek sa kanya, pero hindi pa din sya huminto. May gusto syang malaman ang lagi nyang dahilan.

Nagsawa din ako kakatago. Napagod na din ang daliri ko kaka-cancel ng mga tawag nya. At ngayon ang araw na nag-iba ang ihip ng hangin sa isip ko. Pumayag ako sa kagustuhan nya, bakit? Trip lang.

"Lumalamig ang kape. Tumatakbo ang oras, hanggang kailan ka makikipag-usap sa sarili?" ang biglang pasulupot nyang tanong.

Tinanggal ko ang unang butones ng suot kong polo. Dinukot ko ang kwintas na merong pendant na yari sa abaka. Bakas sa itsura nito ang nagdaang panahon, at sa likod naman ang kakaibang kwentong nakapaloob dito. Isang kwentong nais kong ihayag. Kwento ng pag-ibig na gumawa ng malalim na ukit sa puso ko. Inilapag ko ito sa ibabaw ng mesa.

"Sabihin mo nga. Naniniwala ka ba kay Ramon Revilla?" natatawa nyang tanong.

"Hindi yan anting-anting!" irita kong sagot.

"Relax Marcus! Para saan ang wooden amulet na hugis ostrich?"

"Hindi yan ostrich. Malaki masyado ang ibong yun para isabit sa leeg ko" pilosopo kong sagot.

"Hindi bird? Hindi plane?" pang-aasar nya.

"Flamingo! A big pink bird, that symbolized love!" matikas kong sagot.

Muli, pumikit ako. Sinimulan kong alalahanin ang lahat ng detalyeng natatandaan ko.

------------

Ang mga ngiti ni Sarah, ang pinakamagandang ngiting bumusog sa aking mga mata. Bumaba sya sa langit, para punan ang kulang na parte ng pagkatao ko. Hindi ko sya hiniling, pero sa isang iglap nariyan sya. Nag-krus ang aming landas noong nasa kolehiyo pa kami. Galing syang probinsya, at mag-isang nanirahan sa maynila. Nagkaroon ako ng dahilan para magsipag sa buhay. Natuto ako ng mga bagay na hindi kakikitaan sakin noon. Sa madaling salita, malaki ang pinagbago ko.

Nakatapos kami ng kolehiyo. Bitbit ang mga pangarap na nagsisimula nang lumipad, napagdesisyon naming magsama sa iisang bubong. Hindi naging mahirap ang lahat. Nagkakasundo kami sa maraming bagay. Walang dapat problemahin. Kahit pa ang kakapusan sa pera, hindi naging balakit sa tinatahak naming daan.

Nakahanap ako ng trabaho noong sumunod na taon. Admin assistant sa isang kompanya, hindi na masama. May sahod na pwede nang bumuhay ng pamilya. Kahit kapos sa oras, nagkakaroon pa din kami ng panahon sa isa't isa. Naging makulay ang pagsasama namin, kaya noong naka-ipon na ng pera niyaya ko na syang tapusin na ang pagiging single namin. Nagpakasal kami nung sumunod na taon. Walang magandang venue, walang audience na malakas magtake-out ng handa. Isang simpleng kasal. Isang lihim na kasal.

Pero tulad ng madalas na sinasabi ng lahat. Palaging karugtong ng kaligayahan ang kalungkutan. Iikot ang mundo, at dadaan ka sa parteng hindi nasisilayan ng araw. Hindi ko nakitang paparating ang bagyong namuo sa langit. Dalawang buwan nagkaroon sya ng karamdaman. Hindi din nagtagal.

Pumanaw si Sarah.

"Oh my!" gulat na wika ni Ingrid. Muntikan pang matabig ang iniinom na kape. Halata sa mukha ang pagkagulat ng doktora.

"As in namatay sya?!" tanong nya.

"Ay hindi! Natulog lang!" pabiro kong sagot.

"Sorry Marcus!" humugot sya ng malalim na hangin. "Gusto mo bang wag na nating ituloy ito?" tanong nya. Alam kong naapektuhan na sya sa kwento ko, at iniisip na makakasama pa sa akin kung magpatuloy.

"No, it's okay! Nasimulan ko na naman"

"Sigurado?"

"Oo."

Sa puntong yun nakitaan ko si Ingrid ng kakaibang interes. Ipinatong na nya ang siko sa limesa, at itinukod iyon sa kanyang baba. Bahagya nya pang nilapit ang kanyang ulo palapit sa akin, para marining nya ng husto ang lahat ng aking sasabihin.

"Akala ko noon ang pagkawala ni Sarah ang pinakamalaking problema ko sa buhay" pagpapatuloy ko.

"Akala ko din yun lang ang ibinigay ng diyos na pasanin sa akin, ngunit may malaki pa palang krus na naghihintay sa daan ko"

"Ano nangyari?" tanong nya.

"Kakaibang balita ang dumating sa akin noong dumalaw ako sa ahensya ng gobyerno, para kunin ang papeles na nagpapatunay na sya'y pumanaw na. At para na din mag-file ng bagong estado"

"And then?" nasasabik nyang tanong.

"Natuklasan kong ikinasal ako kay Sarah" wika ko.

"Huh?"

"Ikinasal ako sa Sarah na nabubuhay pa, at hindi yung pumanaw na"


A story inspired by the movie 3 idiots. echos!
 
Last edited:
Re: Flamingo - Chapter 3

Chapter 4

Pilit kong iniiwasan ang matalim at nakakahiwang titig ni manang sa akin. May kakaibang bulong pang binabanggit ang katiwala, na sa anumang oras ay may sasaping ligaw na kaluluwa ng isang bading sa akin. Balisa ang kilos ko at kahit ang upuang plastik ay handang magreklamo anumang oras. Lagpas langit ang panalangin kong hindi bawian ng buhay si Mang Fred. Gusto ko lang ng maayos na divorce. Wala talaga akong ideyang may sakit pala sa puso si Mang Fred, kaya ganoon nalang ang gulat ko nang biglang bumagsak sya sa harapan ko, matapos kong sabihing ikinasal kami ni Rica.

"Stable na po siya sir.." wika ng doktor na sumalubong sa amin.

Kahit paano nakahinga ako ng maluwang sa sinabi ng doktor. Nabawasan din ang pagbato ng sumpa sakin ni manang, ngunit wala pa ding kibo. Sa gilid si Sarah na hindi magkasya ang tuwa sa mukha. Hindi ko maintindihan pero sa tuwing nakikita kong ngumingiti si Sarah, ay nakakaramdam ako ng kakaibang kapayapaan sa paligid.

"Pero kailangan nya munang mag-stay dito sa hospital. Kailan nyang makapagpahinga ng maayos. Two to three weeks is enough para makarecover, para makaiwas na din sa mga bad habit nya"

"Pwede ko pa bang makausap?" sabat ni Sarah.

"Pwede na po miss, pero mas maganda kung bukas nalang. Maigi nang makapagpahinga sya. Relatives nya po ba kayo? Paki fill-up nalang ng form" sabay abot ng ballpen at kapirasong papel kay Sarah. Mabilis ko itong inagaw bago pa man bumagsak sa mga kamay ng dalaga.

"Ako na dok! She's blind!" wika ko.

"Oh! Sorry!" mabilis na sagot ng doktor. bahagyang sinulyapan si Sarah, at marahang umiling.

"She's beautiful. Take care of your wife.." bulong ng doktor sa akin matapos kong sagutan ang papel na binigay nya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Gusto kong sabihing hindi ko sya asawa, pero walang saysay kung uungkatin ko pa ang buong istorya. Naiwan kaming tatlo sa labas ng mahabang hallway ng hospital. Isang matandang babae, isang dalagang walang paningin, at ako na hindi alam ang gagawin.

---

"Bakit ka huminto?" si Ingrid.

"Tumigil na ang ulan sa labas.." sagot ko.

Nilingon ni Ingrid ang labas ng cafeteria. May liwanag nang sumilip mula sa langit. Nagbabadya ng magandang panahon, matapos ang saglit na unos. Hindi pa nakakabalik sa akin ang paningin ni Ingrid, ay tumayo na ako at naglakad papalabas ng cafeteria.

"Saan ka pupunta?!" paghabol nya.

"Yosi.. Ikaw?"

"Hindi ako nagyoyosi, pero sige sasamahan kita" nakangiti nyang sagot. Ewan ko pero parang gumaan ang pakiramdam sa akin ni Ingrid. Kakaiba ang kinikilos nya matapos ang pagputol ko ng kwento. Dinampot ang kanyang gamit, kasama na din ang recorder na nakapatong sa ibabaw ng table at agad na sumunod sa akin.

May kaunting ambon pang nangungulit sa harap ng cafeteria, pero hindi naging balakit para tuluyan kong sindihan ang sigarilyo.

"Mas kumportable ka sigurong magkwento kung ganito, kaya okay lang din sa akin"

"Tapatin mo nga ako. Wala ka namang kikitaing pera sa ginagawa mo, pero bakit interesado ka pa din?" tanong ko habang pinaglalaruan ang natitirang usok na lumalabas sa bibig ko.

"Tulad nang sinabi ko. Sa lahat ng naging patient ko, sayo ako nagkaroon ng kakaibang interes. Masyado kang mailap, at malihim. Kapag ganoon ang kaharap kong tao, nahihiwagaan ako" paliwanag nya.

Ngiti lang ang sinagot ko.

---

Wala akong choice! Hindi pwedeng maiwan si Sarah para magbantay. Lalo naman ako. Ni hindi ko nga malalamang Fred ang pangalan nya kung hindi pa sya aatakihin sa puso. Si Manang ang naiwan. Mas okay na din para makaiwas ako sa mga kakaibang tingin nya na parang witch sa mga movies ng Disney.

Mula nang malaman kong ibang babae ang napakasalan ko, ay lagi nang nakabuntot ang isang palaisipan sa isip ko. Yun ay kung bakit ginawa iyon ni Rica, at anong dahilan. Bakit nya din inilihim sa akin na may sakit sya. Kung huhukayin ko ang naiiwang clue sa isip ko, ay tila hindi sapat para buoin ang isang malaking puzzle na iniwan ni Rica sa buhay ko.

"Hindi ka ba nagugutom?" biglaang sambit ni Sarah.

Ibinaba ko ng bahagya ang bintana ng kotse, para pumasok ang malamig na hangin. Medyo bumabagsak na din kasi ang mata ko sa antok. Malinaw sa akin ang tanong ni Sarah, pero wala ako sa mood na sagutin. Kung sasang-ayon ako, hindi nya naman magagawang ipagluto ako. Sapat na siguro ang kalokohan ko at napadpad ng hospital si Mang Fred, kung hahayaan ko syang magluto baka wala nang madatnang bahay ang matanda.

"Marcus, hindi ka ba nagugutom?"

"Hindi.." tipid kong sagot.

Hindi ko akalaing hanggang sa makarating kami sa bahay nila, ay yun lang ang mga salitang lumabas sa aming bibig. Tahimik ang halos kalahating oras na byahe. Kung may contest lang ng tulad nun, siguro champion kami. Papanisan ng laway. At kahit ang pag-alalay ko sa kanya papasok ng bahay ay walang ingay ng ginawa. Pumutok ang pagod ko matapos kong maihatid sya sa kanyang kwarto. May pasulpot sulpot pang pagkahilo habang binabaybay ko ang hagdan.

Nung lumapat ang katawan ko sa malambot na sofa, hindi na nagpadaig ang antok at pagod. Tuluyan akong nakatulog.

---

"Good Morning.."

Isang mahinang bulong na gumising sa akin. May kaunting sakit na pilit sumisingit sa ulo ko. Kinusot ko ng bahagya ang aking mata. Tumambad sa harapan ko ang maamong mukha ni Sarah. Nakangiti sya kahit hindi naman sa akin diretsong nakatingin. Inilapat ko sa malamig na sahig ang aking paa. Sinuklay ang buhok gamit ang dalawang kamay.

"Kanina pa nakahanda ang almusal.." wika nya.

Naramdaman kong tumatawag ang kalikasan, dahilan para hindi ko sya pagtuonan ng pansin. Mabilis akong tumayo at naglakad papunta ng kusina na nagdudugtong sa banyo. Nakapako ang aking mata sa kanya, habang hinahakbang ang aking mga paa. Kita ko kung paano sya nadismaya sa ginawa kong hindi pagpansin sa kanya. Hindi naman ako suplado, tulad ng ibang tao wala din ako sa mood tuwing magigising.

Nandilat ang aking mata nang maabutan ko ang kusina. Nakalatag sa mahabang limesa ang almusal. Kumpleto at organisado. Kahit ang mga kutsara't tinidor ay nakahanay sa magandang pwesto. Sumabit pa sa ilong ko ang nakakaengganyong amoy ng kape. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, ay bigla akong napangiti. Matapos magdeposit agad kong binalikan si Sarah, na nakaupo pa din sa sala at walang kibo.

"Ah.. Hindi ako sanay kumain ng mag-isa.." wika ko.

"Parehas tayo. Kaya hinihintay din kita magising"

"Teka, ikaw ba ang nagluto?" tanong ko kahit alam kong hindi nya magagawa iyon.

"Oo, tinulungan ako ni manang. Umuwi sya ng maaga para kumuha ng ilang gamit ni Mang Fred" sagot nya.

"Bakit mo kailangang magluto? Paano kung napaso ka, o madisgrasya?" wika ko nang umupo ako sa tabi nya.

"Si Ate Rica. Sabi nya gusto mo daw ang ipinagluluto ka sa umaga" pabulong nyang sagot.

Kahit hindi ko pigilan kusang nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. Paano nabanggit ng ate nya ang ganung bagay? Wala akong natatandaang nagkaroon ng komunikasyon si Rica sa kanyang pamilya. Kung meron man, bakit kailangan nyang ilihim sa akin. Masyado na akong naguguluhan sa mga nangyayari. Kung ano mang naging partisipasyon ni Rica sa mga nangyayari, ay kailangan kong malaman.

"Tapatin mo nga ako Sarah. May sikreto bang dapat itago ang ate mo sa akin?" usisa ko.

"Wala.. Sadyang nakaplano lang ang lahat.." sagot nya.

"Nakaplano?" nagtataka kong tanong.

"Nakaplano nang ikaw ang maging asawa ko.."


www.wankero.blogspot.com :D
 
Re: Flamingo - Chapter 4

aiii mabuti naman at nag update ang tamad :rofl: na eexcite na ako sa takbo ng storya kaya bilisan mong mag update :rofl: galing mo talaga ampitets
 
Re: Flamingo - Chapter 4

.wooh salamat sa update otor. sa susunud ulit :lmao:
 
Re: Flamingo - Chapter 4

aiii mabuti naman at nag update ang tamad :rofl: na eexcite na ako sa takbo ng storya kaya bilisan mong mag update :rofl: galing mo talaga ampitets

nakabola naman agad jef, halatang minadali :lmao: pagdating sa kasipagan ang tamad ko :lol:

.wooh salamat sa update otor. sa susunud ulit :lmao:

salamat sa pagdaan sir wala na pong kasunod :lmao: joke lang :salute:
 
Re: Flamingo - Chapter 4

Chapter 5

Sa tingin ko'y kukulangin ang pagkakulot ng utak ko, kung susubukan kong himayin ang mga sinabi ni Sarah. Habang tumatagal ang paglagi ko sa Mojaeles, ay lalong lumalalim ang natutuklasan ko sa pagkatao ni Rica. Wala na kong maisip pang diskarte para tuluyang paaminin si Sarah. Aasa lang ako sa diretsong tanong, at mag-aabang ng diretsong sagot. Labing dalawa lang naman ang numero sa orasan, pero mukhang aabutin ng susunod na leap year kung mag-aabang ako ng pagbagsak ng bunga sa aking bibig.

Tinabihan ko sya. Halata sa mukha nya ang pagkagulat. Ngayon lang yata sya nakaramdam ng may lalaking nasa tabi nya. Hindi ko iyon tinapunan ng atensyon. Ang pag-uungkat ng kung anong mahahalungkat ang una kong balak.

"Sarah may dapat pa ba akong malaman?"

Ngumiti sya bago sumagot. "Marami kang hindi alam kay Ate, pero mas maganda kung mag-aalmusal ka muna bago magtanong. Madami dami din akong nais ikwento sayo" may pananabik sa kanyang boses.

Dala ng matinding pagod, hindi lang katawan ang sumuko sa akin kagabi. Kahit ang isip ko hanggang sa mga oras na ito, ay mukhang naapektuhan. Hindi ko nga namalayang makakatulog ako ng nakasuot pa ang sapatos. Kapag ganun ang nangyayari, si Rica ang kusang naghuhubad ng sapatos ko. May mga pagkakataong madalas ko syang naalala, sa mga ganitong sitwasyon. Isa na doon ang pagluluto nya ng agahan sa akin. Tumayo ako, at hinila ang kanyang kamay.

"Sabay na tayo! Hindi ako sanay kumain ng walang ka-kwentuhan"

"Sige!" nasasabik nyang sagot.

May mga sandaling ninanakawan ko sya ng tingin. Kahit pa alam kong hindi nya ito napapansin. Para bang nagkakaroon ako ng hiya sa tuwing titignan ko ang kanyang mukha. Simpleng babae lang si Sarah kung pagmamasdan syang maigi. Bilugan ang kanyang mata na bumagay sa ilong nyang masinop. May biloy din sa kaliwang pisngi na sumisilip, sa tuwing nagsasalita sya o ngumingiti. Mahaba ang kanyang buhok na laging nakatali ng maayos. Napapa-iling talaga ako sa panghihinayang, kapag iisipin kong hindi sya nagkaroon ng tyansang makita ang sariling kagandahan.

"Ano nga palang nangyari sa mga magulang nyo?" usisa ko.

"Nasa kabilang buhay na.." mabilis nyang sagot.

"Saan yun?!" biro ko, habang nagpipigil ng tawa.

"Bakit gusto mong puntahan?" seryoso nyang tanong.

"Tsaka nalang siguro. Alam kong pumanaw na sila. Anong nangyari?"

"Aksidenteng lumubog ang sinasakyan nilang barko noon papuntang maynila, kasama sila sa hindi pinalad."

Hindi ko alam kung normal sa isang bulag ang walang reaksyon, lalo na't pagkamatay ng mahal sa buhay ang pinag-uusapan. Siguro sana'y na din sya, at limot nya na ang trahedya. Nahihiwagaan lang ako dahil saan mang sulok ng bahay ay wala pa akong nakikitang larawan man lang ng kanilang magulang. Kahit isang litrato ni Rica ay wala din. Kung itatago naman ang mga iyon, ay ano naman ang magiging dahilan?

"Amulet?" tanong ko noong napansin kong sumilip ito sa kanyang leeg.

"Flamingo.."

"Flamingo? Akala ko Ostrich!" biro ko ulit, pero bigong makakuha ng tawa galing sa kanya.

"Flamingo! A big pink bird, that symbolized love!" matikas nyang sagot.

Bukod sa suot nyang bestida na kulay rosas, tanging ang mutya lamang na nakasabit sa kanyang leeg ang burloloy na suot nya. Bagay na hindi ko naman napansin sa kanya kagabi. Pakiramdam ko'y espesyal ang isang yun sa kanya, at tinerno nya pa sa magandang damit.

"Sigurado akong espesyal na tao ang nagbigay sa iyo nyan. Si Rica ba?" tanong ko.

"Si William" tipid nyang sagot.

"At sino naman si William?"

Wala akong natatandaang may nasabing masama, kaya ganoon nalang ang gulat ko nang tumayo sya sa kanyang kinauupuan. Kinapa sa gilid nya ang kanyang tungkod. Dahan dahan syang naglakad papunta sa ref, at tahimik na sumalok ng tubig. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw nya. Mula sa paghakbang hanggang sa kinalalagyan ng tubig, ay hindi sya nagkamali. Dalawang bagay lang ang tumakbo sa isip ko. Una ay kabisado nya na talaga ang bahay kahit napakalaki nito. Sa pangalawa ako nagkaroon ng kakaibang pakiramdam. Yun ay kung hindi sya dating bulag. Pwedeng kailan lang sya nabulag kaya alam nya na talaga ang pasikot sikot ng bahay. Halata iyon sa kilos nyang sobrang natural.

"Dati ko syang kaibigan.." si Sarah.

"Dati?" bulong ko sa sarili.

"Maiba lang ako. Paano nangyari yang kapansanan mo? Yung ano--"

"Yung mata ko? Natural na yan. Hindi na ako nakakita ng liwanag mula ng pinanganak" nakangiti nyang sagot.

"Pupuntahan pa natin sila Daddy diba?" mabilis nyang bawi.

"Daddy?"

"Si Mang Fred. Baka hinihintay nya tayong dumalaw."

---

Hinithit ko ang huling baga na syang sumusunog sa sigarilyong hawak ko. Binuga ko sa hangin ang huling usok, at bahagyang napalunok. Habang tumatagal ang oras na kasama ko si Ingrid, ay lalong lumilinaw ang mga ala-ala ng mga nakaraan. Ilang beses ko ding binalak na ikuwento ito sa iba, ngunit sa tuwing magsisimula ako ay parang may humahabol na eraser na agarang bumubura sa bawat simula ko. Kaya ganoon nalang ang tuwa ko nang nailalahad ko ito ng maayos sa harapan nya.

"Naisip ko lang na napaka-hiwaga ng relasyon nila bilang magkapatid." wika ni Ingrid.

"Oo.. Tinalo pa ang twist and turns sa buhay nila Mara at Clara." sagot ko.

"Hindi naman magkapatid sina Mara at Clara di ba?"

"Hindi nga.. Gusto mong maglakad lakad?" tanong ko kay Ingrid.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Kung saan tayo dadalhin ng ating paa."

"Bahala na?" may ngiti sa kanyang labi.

"Oo, kung saan tayo mapadpad. Tulad ng tadhana, hayaan natin ang mga paa natin ang magpasya ng lahat.

"Parang ding puso, hayaan natin kung kailan o kanino ito iibig?" si Ingrid.

"Exactly.. Tara.." sagot ko.

----

Katulad ng kagabing eksena sa auto, tahimik pa din sya at tila hindi kakikitaan ng interes sa pakikipagusap. Tahimik ko syang pinagmamasdan, habang naglalaro sa isip ko ang napakaraming bagay. Katanungan na sya lamang ang makakasagot. Aksidenteng naging asawa ko sya, pero misteryo pa din kung paano nangyari ang clerical error. Kung sino ang totoong gumawa? Kung anong motibo at nagawa? Kung may partisipasyon nga ba talaga si Sarah, o hindi nya din alam.

"Oh! bakit mo hininto?"

"May bigla kasing tumawid.." pagsisinungaling ko.

"Mag-iingat ka sa pagmamaneho, madalas ang disgrasya sa lugar na ito" payo nya.

"Maiba ako.. Sino pala si William?"

"Nasagot ko na yan sayo hindi ba? Dati ko syang kaibigan.."

"Kaibigan o kasintahan?"

Kung tama ang hinala ko. Dati nyang kasintahan si William. Ang mutya, ang clerical error, at ang buong pagkatao nilang magkatapid, ay magkakadugtong. Iisang misteryong dapat kong malaman.

"Mausisa ka din pala.." tanging sagot nya.

"May gumugulo lang kasi sa isip ko. May sikreto bang dapat itago?"

Hindi ko napansin ang bilis ng kanyang mga kamay. Sa isang saglit lamang ay nailapagnya na iyon sa aking pisngi. Kasunod ang isang halik sa aking labi. Tumigil ang aking utak sa pag-iisip, at ang mabilis na tibok ng aking puso ang tanging ingay na aking naririnig.
 
Re: Flamingo - Chapter 4

Cute ni Sarah trops may biloys. :lmao:
.
Maraming pwedeng mangyari sa kwento trops, duda akong paisa isa lang ang update mo nito. Baka may drafts ka na ng buo. Magulo eh baka nakahanda na maraming twists. :noidea:
 
Re: Flamingo - Chapter 4

Chapter 6

Nakakabingi ang tibok ng aking puso. Anumang oras pakiramdam ko'y sasabog na ito sa sobrang bilis ng pag-produce ng dugo. Pigil na pigil din ang aking paghinga, habang nakalapat ang labi nya sa aking labi. Nakakatukso pa ang pagkalambot nito. Lubha ding nakaka-akit ang kakaibang bango ng kanyang buhok, na parang kusa kang iaangat ang iyong mga paa. Doon ko lang napagtanto kung gaano kaganda ang kanyang mga mata. Maamo ang mga ito, na pininturahan ng matingkad na itim. Kaya halos habulin ko ang kanyang labi nang kusa nya nang ilayo ito.

Nakikipaghabulan ang mga daga sa dibdib ko, nang humugot ako ng hangin. Binalak kong tanungin kung bakit, ngunit kahit ang unang syllable ay kusang napigil ng ngumiti sya sa akin. Kahit ako sa sarili ko, ay hindi alam kung anong reaksyon ang gagawin ko.

"Marcus! Marcus!"

Kusang kumurap ang aking mga mata. Si Sarah prenteng nakaupo sa tabi ko, at maayos ang pagkakadugtong ng seatbelt. Normal ang lahat, kaya ganoon nalang ang pagtataka ko.

"Marcus, nandyan ka pa ba?!" wika nya. Wala sa hitsura nya ang nagbibiro habang sinisigaw ang pangalan ko, kaya alam kong guni-guni lamang ang lahat. "Sumagot ka please!"

"Akala ko may problema ang makina, kaya binaba ko. Ayaw kasi mag-start kanina" unang palusot na lumabas sa bibig ko, kahit pa alam kong kahit ang bata ay hindi paniniwalaan. Naubos yata lahat ng pityriasis capitis sa ulo ko, nang mapakamot ako sa sobrang pagtataka. Naroon din ang kaunting inis at panghihinayang.

Tulad ng pag-describe ko kay Sarah, ganoon din kaganda sana kung naging totoo lang ang guni-guning iyon. Panandalian pa akong huminto bago nilagareng muli ang kalsada, baka kasi maulit o magkatotoo, ngunit bigo.

---

Maayos ang lagay ni Mang Fred noong datnan namin sa hospital. Sa tingin ko pwede pa syang pumalit kay MC Hammer sa pagsayaw ng U can't touch this, kung makakabawi sya ng lakas. Siniguro kong labingdalawa ang bilog na prutas, na inilapag ko sa side table katabi ng kanyang kama. Nakipagchikahan ng konti sa nurse na cute, at nakipagpalitan ng masamang tingin kay manang, na para bang aagawan ng kendi.

Dalawang linggo pang mamamalagi si Mang Fred sa hospital, kaya may pagkakataon pa akong mag-usisa ng mabuti sa bahay. Hindi ko maisingit kay Sarah ang tunay na hangarin ko, bunga na din ng mga katanungang dapat ko munang tuklasin mag-isa. Matapos ang pagdalaw tumulak na kami pauwi.

"Salamat nga pala sa breakfast.." pauna ko habang inaalalayan syang sumakay sa auto, at nililigtas sa kalawang na nakikipag-agawan ng pogi points sa naunang pintura.

"Salamat din at nagustuhan mo. Nagustuhan mo nga ba talaga?" biro nya habang nagpipigil ng paglabas ng kanyang mga ngipin.

"Oo naman! Bihira lang ako makatikim ng luto ng isang--"

"Bulag?" mabilis nyang tugon.

"Hindi! Isang tulad mo.." palusot ko.

"Tulad ko? Ano bang special sa akin?"

Umasim ang aking mukha habang nag-iisip ng isasagot. Wala naman talagang special. Kung sya lang siguro ang pinagpalang mukha sa pinas, malamang pwedeng lumusot ang pangbobola ko. "Maaga pa naman! Gusto mo mag-ikot ikot muna tayo?"

...

Hindi yata magandang suhestiyon ang mamasyal sa Mojaeles. Maligaw kana kahit saang parte ng pinas wag lang sa lugar na iyon, dahil para ka lang nagbasa ng librong blangko. Pinaka-exciting na yata kapag makakasalubong ka ng mga batang nakikipagharutan sa nagliliparang salagubang. Kung balak mo ding maging reseller ng illegal connection ng internet, huwag mo nang subukan. Hahaba lang ang nguso mo, at magdudugtong ang kilay kakahanap ng signal. Kahit ang cellphone kong high end nakikipagpatintero pa kapag magsesent ng txt msg. In short, dinaig pa ang area 54.

Pero ang saya ay wala sa paglilibot, kundi nasa babaeng katabi ko. Ewan ko kung anong nangyari sa akin, pero tila nag-e-enjoy akong kasama sya. Kahit na tipid sya sa pagsasalita at hindi ganun ka-jolly, ay parang bata pa din akong aliw na aliw pagmasdan sya. Bawat ngiting binibitiwan ng kanyang labi, ay tumatatak sa aking isip. Kaya madalas ang joke ko sa byahe. Kahit pa mga korni, basta makita ko lang syang tumawa, ayos na!

"Pasensya na kung makulit ako.."

"Nakakaaliw ka nga kasama e. Hindi na ko magtataka kung bakit ka nya nagustuhan.." sagot nya.

"Sino?"

"Si Ate! May iba pa ba?"

"Wala! sabi ko naman sayo minsan palabiro ako" natatawa kong sagot.

"Bagay sayo ang kwintas na yan! Siguro matutuwa si Wiliam kung makikita nyang suot mo yan.." balak kong hulihin sya.

"Wala na sya.." sagot nya.

"Sorry.."

"Sorry? Nasa ibang bansa na sya. Hindi ko alam kung saan, basta ang sabi nya babalik daw sya para dalawin ulit ako. Kumupas na ang kulay ng mutya, ngunit wala pa din sya"

"Hinihintay mo pa din ba sya?" tanong ko.

"No.. Malaya syang magdesisyon para sa sarili nya, kung babalik pa sya hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako.." mahina nyang tugon.

"Bakit naman hindi! I'm sure gustong gusto mo pa din syang makita! Kung hindi e bakit dala mo pa din ang mutya?" nabigla ako sa mga sinabi ko, balak ko lang syang hulihin pero mukhang nahalata na nya ang plano ko.

"Tulad ng sabi ko, hindi na sya babalik. Ayokong umasa sa taong sumisira ng pangako."

"Pangako? Kung magkaibigan lang kayo, tama lang sigurong hindi ka magalit sa kanya. Unless.."

"Boyfriend ko sya? Surrender na ako! Tama ka! Kasintahan ko sya, at iniwan nya na ako." diretso nyang sagot.

Nalunok ko lahat ng dapat na sasabihin ko. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, pero nagkaroon ako ng nakaka-iritang kirot na hindi ko alam kung tama bang maramdaman. Nawala na sa isip ko ang balak kong pagtuklas sa katauhan nilang magkapatid. Ang labo. Sabaw na sabaw ang takbo ng isip ko, nalunod sa mga siniwalat nya.

---

"Huwag mong sabihing nagkakaroon ka na ng interes sa kanya?" mabilis na tugon ni Ingrid.

"Yun ang iniiwasan ko Ingrid. Magkapatid sila ni Rica, kahit pa nagkaroon ng kaunting problema.." sagot ko.

"Pero sa pagdedescribe mo sa kanya, hindi malabong nahulog ang loob mo."

Kusang tumigil ang mga paa ko sa paghakbang. Kumurot sa konsensya ko ang mga salitang binitiwan nya. Nakaramdam ako ng guilt, at panghihinayang. Psychiatrist si Ingrid kaya alam kong nahuhuli nya ang iniisip ko, pero duda akong mahuhulaan nya ang nilalaman ng puso ko. Walang makakapagsabi kung ano ang tunay kong nararamdaman kay Sarah. Kung kasing lalim man ito ng tinatawag na pag-ibig, ay hindi pa din ako sigurado.

"Know what?" si Ingrid. Tumingin lang ako sa kanya.

"Matagal nang issue ang pagtatalo ng isip at puso. Kaya matagal na ding nasolusyunan yan.."

"Solusyon.." bulong ko sa sarili.

"Kahit kailan hindi nanaig ang isip sa puso. Palaging talo ang utak pagdating sa pag-ibig. Hindi tumatanggap ng dikta ang puso, kapag nagsimula na itong magbigay ng mas mataas na bugso ng dugo hindi normal sa kinagisnan."

"Alam mo ang resulta?" dugtong nya pa.

"Ano?"

"Nalulunod ang utak.." patapos nya.

---

Hindi ko masabi kung nag-enjoy ba si Sarah, o naboring. Bawat madadaanan namin nilalarawan ko sa kanya, para naman hindi nya isiping nagti-trip lang ako. Kaya nang makatulog sya ay parang gusto ko syang itulak papalabas ng auto. Nag-aagawan na ang liwanag at dilim nang makarating kami ng bahay. Bakas sa mukha ng dalaga ang pagod. Dahan dahan kong nilapitan ang kanyang maamong mukha.

"Gising.." bulong ko sa kanya.

Nagdadalawang isip pa ako kung gigisingin ko ba talaga sya, o bubuhatin ko papasok sa bahay. Maginoo din ako, pero hindi sa ganitong paraan. Ayoko naman ding masira ang tulog nya, ngunit lumalamig na ang hangin na nanggagaling sa bukas na bintana ng kotse.

"Gising Sarah.." muli kong bulong.

Wala pa ding epekto. Sa puntong iyon, kahit hindi ko gawaing mang-istorbo ng taong tulog ay napilitan akong buhatin sya papasok ng bahay, at diretsong dinala sa kanyang kwarto. Medyo kay kabigatan sya, na di angkop sa payat nyang pangangatawan. Sa pagmamadali, nagkrus ang aking paa. Muntikan pang sa sahig ang landing nya, at hindi sa kama. Marahan ko syang inilapag na may pag-iingat. Inunat ang makapal na kumot, at dahan dahang inayos ang gusot na unan.

"Salamat.."

Kakaiba din ang isang ito. Trip nyang manggulat ng tao. Tumalikod ako, at diretsong naglakad papalayo. Walang tunog ang ginawa kong pagsara sa pinto.

"Damn.." bulong ko sa sarili.

Alam kong naramdaman ni San Pedro ang lakas ng tibok ng puso ko. Ang kakaibang guni-guni kanina, at ang sitwasyon ngayon ay nagpapahiwatig ng kakaibang pakiramdam sa akin. Dali dali akong tumakbo ng kusina para maghanap ng maiinom. Isang bote ng alak ang sumalubong sa akin pagbukas ko ng tokador, na pinaglalagyan ng mga baso. Pilit ko mang iwasan, tila nang-aakit ito at nagsasabing tunggain ko na sya. Mind over matter. Pero nakita ko nalang ang sariling may hawak na baso, habang sinasalok ang alkohol. Blangko na ang sumunod na eksena.

...

Ginising ako ng nangawit kong likod at balakang. Nagkaroon yata ng hindi pagkakaunawaan ang posisyon ko sa pagtulog, at limesang naging partner ko. Pinisil pisil ko ang sintido kong may namumuong sakit. Naamoy ko ang sarili ko, parang nilublob sa laman ng boteng naging kasiping ko kagabi. Nang maaninagan ko na ang paligid, gumulat sa harapan ko ang mga gamit kong nakaayos na.

"Ayos na ang gamit mo. Pinaayos ko kay manang" wika ni Sarah.

Sa limesa ang breakfast, katabi ang mga papeles na naging dahilan ng pagpunta ko dito. Lahat ng nakasaad ay naayon sa gusto ko.

Ngunit bakit parang hindi ko matanggap? May pag-aalinlangan pa akong pansinin iyon.

"Single ka na ulit, pwede ka nang bumalik ng maynila.." may tipid na ngiti sa kanyang labi.
 
Re: Flamingo - Chapter 4

Cute ni Sarah trops may biloys. :lmao:
.
Maraming pwedeng mangyari sa kwento trops, duda akong paisa isa lang ang update mo nito. Baka may drafts ka na ng buo. Magulo eh baka nakahanda na maraming twists. :noidea:

sa update nga hirap trops, sa buong kwento pa kaya :lmao: magulo kasi mahirap magtago ng kwento :D
 
Re: Flamingo - Chapter 6

post mo na yung kasunod :waiting:
tagal tagal ng update :waiting:
 
Re: Flamingo - Chapter 6

kakapost ko lang jef :rofl:
 
Re: Flamingo - Chapter 6

hahahaha basta mag update ka :waiting:
 
Re: Flamingo - Chapter 6

Chapter 7

Wala akong salitang mahugot kahit saang sulok ng isip ko. Pabor nga sa akin ang lahat, ngunit parang may tumutulak sa akin para tanggihan iyon. Malaya na ako. Malinis na ang pangalan ko, at kahit sinong babae ay pwede nang sumakay sa mga bola ko. Natupad ang pakay kong ayusin ang gusot na ginawa ni Rica. Tulad ng dahilan ng pagpunta ko dito, iyon din ang magiging dahilan ng pag-alis ko. Ngunit sa maikling panahon namalagi ako sa Mojaeles kasama si Sarah, ay nagkaroon ako ng kakaibang attachment sa kanya. Malaki ang hinala kong may gustong mangyari si Rica, kaya nya nagawa iyon. At ang pagtuklas nalang ang pwede kong gawing alibi.

Ang tanong ay para saan? Para malinawan ako sa lahat, o para makasama pa si Sarah? Ang gulo ng takbo ng isip ko. Kung free rides lang ang utak ko marami ang aayaw dahil sa dami ng loops.

"Naisip ko lang kung sino ang magbabantay sayo, habang nasa hospital pa sila" palusot ko, habang sumasayaw pa ang mga paa sa direksyong atras-abante.

"Wala ka namang dapat alalahanin. Kabisado ko ang bahay, at umuuwi din si manang tuwing umaga. Besides pwede din naman akong mag-stay sa hospital, para magbantay kay daddy" paliwanag nya.

"Oo.. Oo nga! Pwede din yun.."

"Baka gabihin ka sa daan. Malayo pa ang siyudad"

"Meron naman sigurong lugar na pwedeng hintuan. May mga nakita akong hotel sa bayan"

Humakbang sya ng ilang beses papunta sa akin. Inaninag ng kanyang kamay kung nasaan ang aking mukha. Sa balikat ko iyon dumapo. May kakaiba sa ngiting binitiwan nya. Sa tingin ko'y malalim ang kahulugan ng isang iyon.

"You have to go.." bulong nya.

Mula ng talikuran nya ako hanggang sa mga oras na ito, ay wala talaga akong masilip na dahilan para ipagtabuyan nya ng ganun. Iniisip ko pa madalas kung bunga lang ng stress o naghahanap lang ako ng presence ni Rica, kaya ganun nalang ang saya ko ng magkita kami ni Sarah. Gulong gulo na ako. Sa mga ganitong bagay kailangan ko ng makakausap. Wala ako sa sarili. Hininto ko ang pagmamaneho ng nakarating ako ng bayan. Alas kwatro palang ng hapon, pero nagpasya na akong maghanap ng matutuluyan. Bunga na din ng sakit ng ulo dahil sa alak na matiyagang nakipag usap sa akin kagabi.

"Kahit anong kwarto basta nasa mababang palapag.." wika ko sa babaeng receptionist.

Mabagal pa yata sa usad ng pinas ang hakbang ng aking paa, habang tinatahak ang daan patungo sa kwartong ibinigay sa akin. Lipad ang aking isip, at tila hindi ko alam kung paano iyon hahatakin pabalik. Malaki ang kwarto dahil sa kaunting kagamitang nakapaloob dito. Ang mabababaw na buntong hininga na nanggagaling sa akin ang syang ingay na naghahari sa apat na sulok ng silid. Sinubukan kong aliwin ang sarili sa mga palabas sa telebisyon, pero kahit ang patok na jokes ni oprah ay mukhang hindi nakikisama. Kung sumpa lang ang lungkot sa bawat tao, natatakot akong baka wala nang lunas ito.

Inilapat ko na ang aking katawan sa kama. Sa tabi ko ang mga papeles na kanina pa umaagaw ng atensyon ko. Malinis, at detalyado ang lahat. Sumagi sa isip ko na kahit pala sagrado ang isang kasal at may basbas ito ng nasa itaas, sa huli ang tao pa din ang pwedeng sumira nito. Ang preperasyon, gastos, at pag-ibig na pinuhunan noon, ay isang pirma lang ng magkabilang panig ang katapat. Ganoon lang kabilis ang isang bagay pagdating sa batas ng tao.

---

"Hindi ka masaya sa nangyari, kasi pakiramdam mo'y parang wala kang uuwian sa maynila. Walang taong nakangiti na sasalubong sa iyo. Naghahanap ka ng presensya ng namayapa mong asawa. Wag mong sabihing nakita mo iyon sa kapatid nya?"

"Hindi ko alam.. Wasted ako nang mga panahong iyon. Kahit ang pakikipag-usap sa ibang tao ay iniiwasan ko. Madalas na akong mapag-isa nang nawala si Rica. Minsan nga naisip ko na isang gag show lang ang pagkamatay nya, at ang gusot sa kasal ang makaka-ayos nun. Nag-suffer ako sa matinding depression. Nililigaw ko ang sarili, pero sa huli bumabalik pa din ako sa simula."

"Tapatin mo nga ako Marcus.. Nagkaroon ka ba ng relasyon kay Sarah?"

"Hindi ko matatawag na relasyon ang isang iyon. Paghahanap ng kalinga pwede pa." sagot ko.

---

Ginising ako ng sunod-sunod na door bell at katok. Bumalikwas ako na salubong ang dalawang kilay. Sa lahat naman ng pwedeng ika-badtrip, ang pinakaayaw ko ay masisira ang tulog ko. Pakiramdam ko'y magigising si bruce banner kapag ganun. Mabilis kong tinungo ang pintuan, pero bago buksan sinilip ko muna ang peephole. Isang tauhan ng hotel na sa tingin ko ay may importanteng pakay sa akin.

"Sir, pasensya na sa abala. Sa inyo po ba ang kotseng nasa harapan?" magalang nyang tugon.

"Kung yung nasa harapan nga na nag-iisa. Sa akin nga! May oras ba ang pag-parking?"

"Bawal po doon sir. Kailangan nyo lang pong ilipat sa parking mismo sa likod, bawal po kasi ang mag-park sa harapan." paliwanag nya.

At kahit nag-aagaw pa ang antok ay mabilis kong tinungo ang sasakyan. Medyo malabo pa din ang paningin ko at galing sa dilim kaya inaaninagan ko pa kung sino ang makakasalubong. Nasa 1st floor lang ang kwarto kaya ilang hakbang lang iyon para matunton ang lobby. Sa huling kanto paliko, medyo blind spot.

"Sorry sir!" wika ng babaeng nakabangga ko. Inamoy ko pa ang sarili para siguruhing wala na ang ispirito ng alak kagabi.

"Sorry miss! Hindi lang kita napansin" wika ko habang pinupulot ang mga gamit nyang nalaglag.

"Marcus?"

"Elaine? Ikaw na ba yan?"

"Ano? Syempre ako to'!" pabiro nyang sagot.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Ako yata dapat magtanong nyan, kasi dito ako nagtatrabaho. Ikaw, anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?"

"Galing ako sa Mojaeles. May binisita lang. Teka, babalikan kita! Iaayos ko lang ang parking ng kotse sa labas" paalam ko.

Classmate namin ni Rica si Elaine noong kolehiyo. Nabanggit nyang dito sya talaga nakatira, at nag-aral lamang sa maynila. Magkasundo kami dahil magkaklase kami sa maraming subject, at sya din ang nagpakilala sa akin kay Rica. Nagkaroon kami ng magandang samahan, barkada, tropa. Pero nang matapos ang graduation, para nalang syang pulitikong matapos makadiskarte ng kung anong madidiskarte ay agad nalang nawala.

"Bakit mo naisipang dito magtrabaho?" tanong ko habang sinasabayan sya sa paglalakad pabalik sa aking kwarto.

"Malapit kasi sa pamilya ko. May edad na ang mga magulang ko, alam mo naman ang tumatanda. Kumukulit."

"Ikaw, sinong binisita mo?" naipit ang dila ko sa tanong nya. hindi ko masabi sa kanyang pumanaw na si Rica o kilala nya bilang Sarah. "May masama ba sa sinabi ko? Namumutla ka kasi"

"Ah, e break time tama? Gusto mong magkape? Medyo mahaba kasi ang kwento" anyaya ko.

"Sige!" magiliw nyang sagot.

Sapat na siguro ang isang matapang na ground coffee, para magising ang diwa ko at makapag isip ng tama. Hindi sya mahilig sa kape, kaya juice ang inorder nya. Sa isang sulok ng veranda ng hotel, na kadalasang tambayan ng mga empleyado tuwing break ay doon kami naupo. Nakaka-relax ang lamig ng hangin, kahit pa nasa summer na klima ang bansa. Sumakto lang sa timpla ng mainit na kape.

"Okay, ano bang na-missed ko sa Marcus na kilala ko?" pauna nya.

"Wala namang nagbago sakin. Kilala mo naman siguro si Sarah?" wala na akong balak na illigaw pa ang usapan, kailangan ko ng mapagsasabihan. "Pumanaw na sya.."

"Kailan pa?!" maagap nyang sagot.

"Isang buwan na sa susunod na linggo.. leukemia. ang masakit pa itinago nya iyon sa akin." kahit pa pigilin ko, kusang nagbagsakan ang luha ko. "Hindi ko matanggap ang pagkawala nya Elaine, mahal ko sya.. sobra"

"I'm sorry Marcus.. Pero kailangan mong tatagan.."

"Pero may isa pa akong problema Elaine. After the grad, nagpakasal kami ni Sarah. But huli ko nang nalaman na hindi talaga Sarah ang pangalan nya, kundi Rica.. And that's the reason kung bakit ako nandito. Hinanap ko kung sino ang Sarah na pinakasalan ko. And I found out na sa kapatid nya palang identity ang ginamit nya."

"What?! Si Sarah ay hindi si Sarah? Si Sarah na kilala natin, ay Rica ang pangalan?! Paano nangyari yun?!"

"Feeling ko nga cast ako sa isang teleserye. Okay na naman ang lahat, ipinaliwanag ko sa pamilya nya ang lahat. Naunawan naman nila, saka si Sarah. I mean yung totoong Sarah"

"Nahihiwagaan lang ako Marcus. Si Sarah.. No! Si Rica ay walang totoong pamilya. Adopted sya Marcus. Sorry.. Hindi nya ba nasabi sayo?"

"Ano? Pakihimay mo pa nga" wika ko.

Lalong nagulo ang magulong utak ko sa sinabi nya. Hindi ko na alam kung ano ang totoo, at kung sino ang paniniwalaan ko. Ni hindi pumasok sa isip ko na adopted lang si Rica. Pinatunayan iyon ni Sarah na kapatid nya. Kung may sakit lang siguro ako sa puso, ay sinugod na ako sa hospital. Binunot ko ang cellphone ko, at hinanap ang picture ni Sarah na kapatid ni Rica. Tanda kong may kuha sya dito. Ninakawan ko sya ng kuha, dahil kahit isang imahe ay wala sa kanilang bahay. Naisip ko na pwede kong magamit ang pic kung sakaling may kwentuhang kagaya nito. Alam ko kasing walang maniniwala sa ganitong klaseng kwento.

"Walang kapatid, magulang, o kamag-anak si Rica. Kung tama ang pagkakatanda ko nagpunta sya ng maynila para maghanap. Nabanggit nya sa akin yan noong isang beses na nagkita kami sa isang school seminar" paliwanag nya.

"Hindi ako sigurado sa sinasabi mo Elaine, heto tignan mo. She is Sarah, kapatid ni Rica.." Inabot ko sa kanya ang aking cellphone. sumingkit pa ang kanyang mata, habang pinagmamasdan ang picture sa phone.

"Marcus, are you sure?!"

"Oo! Magkahawig sila. Konti lang ang deperensya. Mas cute nga lang si Rica" pabiro ko, habang kinukuskos ang braso dahil sa lamig.

"Halika!" mabilis nya akong hinila. hindi ko alam kung anong sumapi sa kanya. ang kape ang unang pumasok sa isip ko, hindi ko pa natikman dinampot na agad nang isang waiter nang umalis kami.

Dinala nya ako sa isang fire exit, kung saan walang tao na pwedeng makarinig sa amin. Kung may sasabihin sya, alam kong isa iyong sikreto. Kung isang sikreto iyon tungkol sa dalawa, kailangan ko yun malaman.

"Hindi pwede ang sinasabi mo. Yang nasa cellphone mo ay ang anak ng may-ari ng hotel na ito.." pabulong nyang sinabi ang bawat salita. Hindi ko na maunawaan ang nangyayari. Habang tumatagal ang takbo ng orasan, mas marami akong natutuklasan.

"Sigurado ka Elaine? Anong pangalan nya?"

"Hindi ko alam ang pangalan nya. Hindi naman ako interesado sa company profile. Pero madalas syang pumupunta dito, kasama ng kanyang ama.." mabilis nyang sagot.

"Baka kahawig lang.. Sino ba ang ama nya?"

"Si Sir Fred! Frederick Roman!"

"Syet!"

Mula sa fire exit tinakbo ko ang aking kwarto. Hindi ko na nagawang magpaalam kay Elaine. Mabilis kong binitbit ang aking mga gamit, at tumulak sa parking area. Pakiramdam ko'y may mas malaki pang misteryong nakatago sa pagitan ni Sarah at ni Rica. Hindi na ako nagdalawang isip pa, at agad na bumalik ng Mojaeles.




modernong pluna :D
 
Re: Flamingo - Chapter 7

bilisan mo na ulit mag update ang tagal tagal :waiting: ang daming twist and turn ng storya ah galing :clap: ano ung modernong pluna :unsure:
 
Re: Flamingo - Chapter 7

I really like how Amphie does his stories. I admire the flow of ideas. Galing mo idol! thanks much for your wonderful stories that kills my boredom while at work (call center agent po ako). nabasa ko na yung buong "teenage cappuccino" and i love it! nashare ko narin sa co-workers (of course credits to you po) and they say ITS GREAT! :praise: ang galing mong writter! :thumbsup:
sana maupdate niyo napo ito, ganda na kasi ng kwento hehehe keep it up, "i know you dont do RocK but i salute you!" :salute:
 
Re: Flamingo - Chapter 7

I really like how Amphie does his stories. I admire the flow of ideas. Galing mo idol! thanks much for your wonderful stories that kills my boredom while at work (call center agent po ako). nabasa ko na yung buong "teenage cappuccino" and i love it! nashare ko narin sa co-workers (of course credits to you po) and they say ITS GREAT! :praise: ang galing mong writter! :thumbsup:
sana maupdate niyo napo ito, ganda na kasi ng kwento hehehe keep it up, "i know you dont do RocK but i salute you!" :salute:

wow. may nagbabasa pa pala nito bukod kay jef :lol:

salamat sa pagbasa sir, at sa pag-share ng teencap :salute: wag po sanang magkaroon ng expectation sa mga susunod na akda. tuwing thursday or friday ang update ng series, pero try ko sundan this sunday :D

macarthur po tayo :salute:
 
Re: Flamingo - Chapter 7

yehey thursday going friday na po sir amphie hehehe... nakabantay nako sa update, i really love your works! pag may tym ako magmuni muni at di busy sa pagtambay sa mundo ng Rune Midgard (ragnarok) gagawa rin ako ng kwento hehehe.. thursday goin friday napo huh! :)
 
Re: Flamingo - Chapter 7

update na! update! update!
asan na ang ts nito..
abang mode na here!:)
 
Re: Flamingo - Chapter 7

Tomorrow night for sure! :salute:
 
Re: Flamingo - Chapter 7

Shit! Kapanapanabik ang storya sir! Hintay ulit ng new update. :salute:
 
Back
Top Bottom