Alon
Malaya.
Gaya ng ritual
Ng pakikipagniig ng alon sa dalampasigan.
Walang nakakapigil
Pilit na babalik
Sa yakap na mahigpit.
Malaya?
Isang ritual ng pagtakas
Ngunit bigong makaalpas.
Walang makakapigil?
Pilit na lumalayo
Sa mahigpit na yakap
Ng larawang iginuhit ng mundo.
Last edited: