Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Canned Thoughts..►UPDATED◄

Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

Minsan Pang Napahanga :thumbsup:

Sa aking pag iikot, di-sadyang mapadaan
Sa mga sinulid,na iyong sinimulan.
Napahanga muli sa iyong kakayahan,
Isang tatak na ikaw taga Symbian.

Sa mga tula, tingkol sa pag-ibig,
Pwedeng pambato, sa buong daigdig.
Sariling mga composition,di madada-ig,
Nakikita kong ito ang iyong hilig.

Natutuwa ako sa iyong naging gimik,
Ang iyong kagalingan, sa SB ipamanhik.
Mga ginawa mo, madaming naadik.
Tuloy molang iyan, kapatid na Mind Freak....

:clap:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

akala ko related siya sa banyo:lol: pagbabanyuhay:lmao:

:wow:magaling ka rin bonbabyac, keep writing bro:thumbsup:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

vintot

anu nanaman yang naalala mo?:naughty:

reccipot

natawa naman ako dun:lol: actually ung tula tungkol sa paru-paru.

bonbabyac

nakakataba ng puso
ang iyong tinuran sa kumento
salamat sa iyong pagtangkilik
nawa'y wag ka magsawang bumalik.
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

Grabeng mga salita yan. Di ko maarok. :lol: Apo ni Lope K. Santos, is that you? :D As always, you never fail to impress me with your poems, amigo.


Keep Writing!
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

dre salamas:hat: alam mo naman din na isa ka sa mga dahilan na itinuloy ko pag pag papaskil ng aking mga akda dito..

:thanks: sa patuloy na pagtangkilik.


hayaan mo't dadagdagan ko pa yung mga vocabulary words ng filipino:lol:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

naalala ko lang yung dating ako hmm lahat naman tayo mababago at mahuhubog ng panahon yun lang kung magpapatangay sa daloy ng buhay. :D

Sang baul mo ba hinahalukay yan malalim pa sa balon ni aling tasing eh. :lmao:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

pagbabanyuhay- metamorphosis.. Pagbabagong anyo..

:thanks: sa pagbasa mga kapanalig..

yun pala ang ibig sabihin :lol: dagdag kaalaman

jef, para sa iyo yung pagbbanyubay na tula..hehehehhe

nice poem....

keep writing

bakit para sakin? :lol: nakaka relate nga ako eh :lol:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

vintot

tama ka lahat ay dumaraan sa pagbabanyuhay..yun talaga ang tema ng tula na yan na inihalintulad sa pagbabanyuhay ng isang higad upang maging paru-paru.

yung word na yan matagal ko ng alam:lol: medyo umiiwas lang ako gumamit ng malalim masydo na filipino word pero naisip ko ok din naman basta paunti-unti lang..


ma'm jefi

dati ka bang higad na gusto maging paru-paru?:laugh:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

grabe naman to higad :sigh: di naman ako makati ah :sigh:

nakaka relate lang naman sa mga unang stanza :sigh:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

hindi naman makati yung higad..kung higad ka hindi ka naman mangangati ang mangangati yung madidikitan:lol:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

siguro sa paru paro pwede pa, I wanna soar up high after what happen, gusto ko kasi sa tula yung ist stanza :)
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

gusto ko kasi sumulat ng something positive..para good vibes..
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

makasulat nga din ng positive para makakuha ng good vibes :lol: kaya ko kaya :think:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

naantay ko nga jef eh :lol:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

syksyk pag di mo pinakanta yung nibigay mong pic di ako gagawa :lol:

i-rerelate ko sa poem nito ni mind yung gagawin ko :lol:
 
Re: [11/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Pagbabanyuhay ">

ang hirap makatula lately wew..gabi kasi ang aking malikhaing saglit eh nasa work naman ako:slap:

Huwag malikot ang isip:naughty:




† Sa Aking Musa †

Inantay kong kaytagal
Ang muling pagsapit ng maluwalhating saglit
Na ika'y muling dadalaw sa aking isip
Na nangungulila sa yakap mo't halik.

Hayaan mong igawad ko sa iyo
Ang mga haplos ng metapora
Upang magising ang mga talinhaga
Sa iyong dibdib.

Pikit matang maglalakbay ang aking labi
Sa bawat sulok ng iyong haraya
Upang manamnam ang tamis
Ng iyong hiwaga.

Sa pagtatapat ng mga kamay ng oras
Ang ating katauha'y maglalapat
Iindayot sa musika ng mga linya
Sasayaw sa ritmo ng mga kataga
Tatalikuran ang liwanag
Haharap sa dilim ng magkaakap
Iwawaksi ang mga agam-agam
At palalayain ang isipan.
Ang ating pag-iral ay magiging isa
Upang muling isilang ang tula.



















:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣






To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [11/21/11] Supling ng malikot na isip..<" sa aking musa ">

hahaha sun on the beach! Ang dumi talaga ng utak ko kapag mga ganyan. :lmao:

Ang ganda ng imahe ng obra mo kaibigan ngising askal nanaman ako.haha galing :clap:
 
Re: [11/21/11] Supling ng malikot na isip..<" sa aking musa ">

galing talaga maka inspire ng musa :lol:

gaganda talaga ng mga tula mo
kaka inspire :)
 
Re: [11/21/11] Supling ng malikot na isip..<" sa aking musa ">

vintot

ano pa nga bang iisipin mo:naughty:
pero salamat kaibigan mula noon consistent ka pa din talagang taga basa ng mga tula ko:lol:


ma'm jefi

salamat din sa palagiang pagbabasa dito:lol: mas nagiging makabuluhan sa akin ang pagtula kung may maiinspire na sumulat dahil dito.

yung ganda ng tula:think: pagalingan lang yan humimas ng musa:naughty:
 
Re: [11/21/11] Supling ng malikot na isip..<" sa aking musa ">

may challenge sa literati..sumulat daw ng akda tungkol sa isang kapanalig kaya eto yung aking nagawa:lol:



† Ang Aking Kaibigan †

Ako'y may kaibigan
Akala ko'y mataba
At ang buhok ay mahaba
Ngunit nung kami'y makita
Isang payat at semi-kalbong gigolo
Ang aking nakatagpo.

Sa mga panahong kami'y nag-uusap
Puro paghimas
At pag tsansing sa mga musa
Ang aming paksa.
Tunay na manunulat,
Ang kaalama'y wagas
Sa pera'y di salat.

Mapaforum man o telepono
O minsa'y sa harap ng pitsel at baso
Na may kasamang sisig at sundae cone ng mcdo,
Pakikipag-usap sa kanya'y nakakainggano
At pag binasa mo ang gawa nya, mapapawow kang lalo.

Isang dating probinsyano
Ngayo'y kagaya ko nang taguigenyo
Tunay na maginoo
Di halatang lasenggo.
Sa pagmomoderator ay siryoso
Pagsumusulat ay pilyo.
Ang utak ay di bilanggo
Galanteng totoo.
Kahit anung paksa ang iyong ibato
Magagawan nya yan ng tula o kwento
Yun lang may pagkatamad ito.
Yan si Padre Pio
Ang dakila naming pinuno.



















:thanks:
►for reading◄





126.gif

♣mind^^FREAK♣

●Literati House Challenge







To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Back
Top Bottom