Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Poem Canned Thoughts..►UPDATED◄

Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

Kalakal

Pinagmamasdan kita,
Ikaw na abala,
Pilit na humahanap ng kayamanan
Sa tambakan ng paglimot.
Hinahanap ang buhay
Sa mga bagay
Na inayawan ng karamihan.

Ang mga basurang alaala,
Mga baho ng nakaraan,
Mga kalat ng masalimuot nilang kahapon,
Ang botelya ng sandaling paglimot,
Ang pandugtong
Sa kinabukasan nais mong maabot.

Pinagmamasdan kita
Ikaw na pilit gumagawa
Kaysa lumuha.
Ikaw na naipit
Sa kapusukan ng mga saglit,
Supling na di raw ninais,
Aksidenteng sumapit.
Ikaw na nagbabayad
Nang utang na di mo batid.

Sa katawan mong nanlilimahid
Sa musmus mong pawis,
Kalupitan ng buhay ay nakadikit.
Pinagmamasdan kita,
Hindi ka nag-iisa.

:thanks:
for reading

Gusto mo pa magbasa? Click my other poems
My other Poems

126.gif

¤mind^^FREAK¤

To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

awts ang sad talaga sa part ng mga bata yun :(
silang mga walang muwang na bunga lang ng sandaling kaligayahan :(
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

madami na kasi akong nakikitang ganito lately so i was convicted to write something that would atleast be an eye opener..
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

wOw! IDOL na kita :salute:

ang gaganda po ng mga tula nyo sir :clap:

ngayon lang ako nakapunta dito sa thread mo.. :more: pa ts hehe!

thanks nakakainspire po yung mga tula nyo
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

Nakakapukaw ng damdamin ang obra mo kaibigan, mabuti kung nangangalakal lang yung ibang yagit kaso yung iba narecruit na ng mga dorobo na nagkakalat ng lagim. Hays sadyang kay lupit ng mundo.
 
Last edited:
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

May naalala tuloy ako dito, yung batang nanlilimos nameet namin sa Luneta na mukhang mayaman, hawak pala ng sindikato. Pinalibutan na kami that time eh gabing gabi na kasi yun muntik na kami dun. Hayyyy buhay talaga nakakaguilty din pag naaalala ko yun.

Ganda nito MF.
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

Galing ni T,S:clap:
 
:thanks: po sa pagbasa. Kung mahilig ka din sa love poems may isa pa akong thread click yung love sa signature ko:lol:

Nakakapukaw ng damdamin ang obra mo kaibigan, mabuti kung nangangalakal lang yung ibang yagit kaso yung iba narecruit na ng mga dorobo na nagkakalat ng lagim. Hays sadyang kay lupit ng mundo.

kamag-anak to nung poem ko na kandila kaibigan..mapait talaga ang realidad na nagaganap..:thanks: sa pagbasa

May naalala tuloy ako dito, yung batang nanlilimos nameet namin sa Luneta na mukhang mayaman, hawak pala ng sindikato. Pinalibutan na kami that time eh gabing gabi na kasi yun muntik na kami dun. Hayyyy buhay talaga nakakaguilty din pag naaalala ko yun.

Ganda nito MF.

madami talagang ganun ma'am kaya nga nakakalito sinu ang dapat tulvngan.
:thanks: sa pagbasa

Galing ni T,S:clap:

:thanks: sa pagappreciate sa tula.
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

wew..ang lalim ng pagkakabaon ng thread ko:lol:

? Pagtuklas ?

Nais kong maglunoy sa piling ng iyong hiwaga
At sisirin ang lalim ng iyong pag-iral.
Hubarin ang takot at iwaksi lahat ng agam-agam.

Ang tangi kong hangad ay mausisa
Ang bawat lihim na iyong taglay.
Nais kong maglunoy sa piling ng iyong hiwaga.

Walang takot na lulusong
Sa iyong lihim at misteryo
At sisirin ang lalim ng iyong pag-iral.

Kailangang lumabas ang katotohanan
Ang basal na anyo ng iyong kabuohan.
Hubarin ang takot at iwaksi lahat ng agam-agam.

Ipikit ang mata, buksan ang puso.
Iaalay ang buhay
Tutuklasin hiwaga mong taglay
At walang takot na magpakalunod.
Nais kong maglunoy sa piling ng iyong hiwaga
Hubarin ang takot at iwaksi lahat ng agam-agam.

:thanks:
►for reading◄

Gusto mo pa magbasa? Click my other poems

My other Poems

My love poems

126.gif

♣mind^^FREAK♣

To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

Sobrang aktibo na ng mga madlang peepz dito kaya mabilis bumaon sa kawalan. :lmao:

Matagal tagal ka din nawala dito kaibigan. Masarap talaga maging mapusok paminsan minsan ng may bagong matuklasan. :D
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

:wow: may update :lol: di ko maarok to dalawang beses ko ng binasa :rofl:
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

:thanks: sa walang sawang pagtitiyaga sa mga sinusulay ko mga kapanalig:pacute:
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

:wow: Wow karelate ako sa latest poem mo idol MF. :thanks: for sharing! :salute:
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

:thanks: sa pagbigay ng time na basahin ma'm ella.. Di nga ako masyado makasulat kasi pagnakikita ko ang kama naaakit ako mahiga at matulog:lol:
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

ang galing po, ang lalim ng words
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

:thanks: john sa pagbasa.
 
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

sa wakas nakapagupdate din:lol:

? Pangarap ?

Nais kong lumipad
Sa kalawakan ng aking mga pangarap
Mapagmasdan ang hinaharap
Sa nakaraa'y muling makasulyap.

Nais kong matanaw ng lubos
Ang pakataong aking nabuo
Mula sa aking pagkamusmos
Hanggang sa ako'y maging abo.

Kumampay sa bawat karanasan.
Mapagmasdan ang bawat kaganapan.
Muling sariwain ang nakaraan
Pag-aralan ang kasalukuyan
At asamin ang hinaharap.

Pangarap kong lumipad
Sa kalawakan ng aking mga pangarap
Nang lubusan kong maharap
Ang katauhang sa'kin ay naging ganap.

:thanks:
?for reading?

Gusto mo pa magbasa? Click my other poems

My other Poems

My love poems

126.gif

?mind^^FREAK?

To access the Index►Click me◄
 
Last edited:
Re: [12/13/11] Supling ng malikot na isip..<" Iisang Langit ">

wala paring kupas:salute:

:more:
 
Re: [4/23/12] Supling ng malikot na isip..►Pangarap◄

:thanks: sa pagbasa kapalig
 
Re: [4/23/12] Supling ng malikot na isip..►Pangarap◄

nais ko ding lumipad sa kalawakan ng aking pangarap :giggle:
 
Back
Top Bottom