Re: Gawa tayo nang Ubuntu based Distribution?! Yung proudly Pinoy made
Salamat po sa inyo.
Sana po makagawa tayo nang community to help each other.
At mapromote na rin ang free open source OS.
God bless po sa ating lahat.
- - - Updated - - -
wow ang bilis mo matapos sir yung project mo. thumbs up.
download ko na ito, medyo busy pa ako sa work kaya hindi ko pa matesting ito. pag may time na feedback agad ako sir.
sana may 32bit na mailabas kayo sir, para kaya sa old model na laptop ko.
thank you sir.
Currently im working on the 32 bit version po.
Kaso ang hina nang internet.
Ang desktop po at interface ay same sa 64bit.
Same applications installed po.
Sana po makafeedback kayo pra maimprove natin ang future releases
- - - Updated - - -
Tanong ko lang, bakit napili mo ang Ubuntu as your based distro? Why not Debian directly? Ubuntu is Debian based, right?
Tama po Debian-based po ang Ubuntu. The main reason bakit Ubuntu po ang base na napili ko kasi po mas "user-friendly" po ang Ubuntu.
Ubuntu rin po ay may LTS (Long Term Support). So supported po ang distribution for a longer period of time. Aside from that po, mas marami kasing help pages related to Ubuntu compared to Debian.
May mga Filipino Linux distros na at halos lahat ng status nila sa ngayon ay wala na. Maganda siguro kung bigyan mo yung distro mo ng unique look para Pinoy talaga ang dating, diba?
Tama po. Ang nirerelease ko po na ISO ay parang work in progress pa po. Para matest nang iba ang usage sa distro at makafeedback kung ano-ano pa ang kailangan or maidadagdag sa future releases. Sana nga po makasuggest kayo paano maging mas "Filipino" ang distribution.
Sana mai-categorize mo yung software para madali ma-include sa distro. At magbigay ka ng conditions o considerations. Pano kung gusto ko MS Office since eto ang common at most of the users ay resistant sa mga available na office suite sa Linux. Kahit may Window versions na ay ayaw pa rin. Pinipili pa rin magpirata.
Gagawin ko po ang categorization nang software kapag matapos ko po ang 32 bit edition. Noted po. Thank you po sa suggestion.
Yan po ang nakakalungkot, mas pinipili ang pinirata na software kaysa sa libre. Kaya po siguro hindi masyado napapansin ang Linux kasi libre. Siguro nasa isip nila na since libre hindi siguro maganda.
Sana mailatag mo ng maayos objectives mo sa iyong distro para magsilbing guide sa gustong mag-contribute.
I'll give you an example. Isa sa aim mo ay small iso para madaling i-download. Sa case ko, isang napakalaking problema na 'yan.
Ano batayan mo sa isang small iso? Is it 450MB, 700MB, 1GB...? (Like my own Linux distro, may aim is 100MB or less - not yet ready for distribution)
If your general objective is makagawa ng Filipino Ubuntu-based distribution, sana hindi lang gawang Filipino kundi may tatak Filipino rin. GoodLuck!
Yan po ang mali ko sa umpisa. Hindi ko po nailatag ang mga guidelines sa anong software ang pwede o hindi, kung anong audience ang target. At saka yung sa size nang iso. hehehe Pasensya na po medyo naexcite lang siguro. Pero iedit ko po ang first post sa thread para mas clear.
Oo nga po eh. Dyan ako nahihirapan, paano gawing mas Filipino ang distribution.
Sana po mayroong magsuggest.
PS:
To sir muthym, saludo po ako sa inyo na napababa niyo po ang iso sa 100MB lang.
Galing po! Sana mashare niyo rin po.
Salamat din po sa mga suggestions nyo po kung paano mas maging klaro ang organization nang distribution. Thank you po.