Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Novel [Novel]Hanggang Kailan

Synopsis
Hindi alintana ni Ellie na darating siya s ganoong punto ng buhay niya. Nakausap niya lang si Amil sa isang forum site at hindi niya pa ito nakita o nakilala man lang ng lubos. Pinili niyang pagkatiwalaan si Amil ng ganoon kabilis lang. Si Amil man ay mabilis ding napalapit sa kanya. Hanggang saan nila kayang gampanan ang papel nila sa bawat isa? Mabilis din ba ang ang kanilang nararamdaman sa isa't isa? Mabilis din ba itong mawawala sa buhay nila? Tunay bang posible ang pagmamahal sa unang tagpo o sadyang pinaglalaruan lamang sila ng tadhana?

Paunawa:
Ang pangalan ng mga tauhan o hayop (kung meron man) ay sadyang binago ng may-akda. Ngunit ang pangyayari at damdaming nakapaloob dito ay hango sa totoong buhay ng dalawang tao ay totoo. Lahat ng ito ay totoo sa imahinasyon ng may-akda


Hanggang Kailan


Chapter 1: Galaxy Tab at Usb [V1] [V2]
 
Last edited:
Re: Hanggang Kailan

Chapter 1: Galaxy Tab at Usb [V1]


Nagmamadali na akong umalis ng bahay dahil siguradong mahuhuli na naman ako sa aking pupuntahan. Sumabay pa ang marahan ambon sa hapon. Sa mga oras na iyon, napapaisip ako sa aking sarili, "baka isipin niya ayaw ko sa kanya kung sasabihin ko sa kanya bibihira ako nagpapatulog ng babae sa bahay." "Baka kung ano isipin niya tungkol sakin" Lahat ng naiisip ko puro "baka".

Ang mahalaga sa akin ay ang cellphone ko at ang isang usb na may laman na pang flash ng Galaxy Tab, isama na din ang wallet ko. Sa totoo lang, wala akong ideya kung maganda o pangit ang makikilala ko, masungit o mabait. Basta ang mahalaga matulungan ko siya, si Ellie.

Hindi ko alintana ang ambon dahil may isang taong naghihintay sa akin, panigurado andun na siya sa tagpuan namin. Nang malapit na ako sa SM Sta Mesa, patakbo ako patungo sa Mall habang nakatingin sa relo ko. Nang makapasok na ako, kinuha ko ang aking cellphone.

"O Amil, saan ka na? andito na ako".

"Kakapasok ko lang ng entrance, saan ka?"

"Dito sa tapat ng Shakeys...Ayan nakikita na kita."

"Andaya mo, nakita mo na ako, pero di pa kita nakikita"

"Hahaha, sige lang diretso ka lang at makikita mo na ako sa tapat mismo ng Shakeys".

Wala akong ideya kung nasaan siya, kahit na sinabi niya na nasa harapan lang siya, mas pinili ko lumingon sa kaliwa't kanan para makasiguro. Masyadong madaming tao, hindi ko siya makikita, sa huli pinili ko na lang tumingin sa harapan. Hindi nga siya nagsisinungaling, nasa harapan lang siya ng Shakeys at nakaharap sa akin habang hawak ang kanyang cellphone. Ngumiti muna ako sa kanya habang sinabi ko na

"Pasensya na medyo late ako."

"Ok lang, kararating ko lang din, minuto lang ang pagitan natin"

Ngumiti siya sa akin at sinagot ko din siya ng ngiti ko.

"Nagugutom ka na ba? Tara kain muna tayo"

"Mamaya na, ikot muna tayo"

Hindi ko maalis ang mata ko sa kanyang maamong mukha, mapupulang labi at singkit na mata niya habang umiikot kami sa mall. Parang kilala na namin ang isa't isa habang kami ay nag-uusap. Sa bawat kwento niya, ngiti ang sinasagot ko. Pumasok kami sa isang bookstore dahil mahilig magbasa ng aklat si Ellie. Doon ko nalaman na hilig niya ang love and romance at sci-fi na taliwas sa genre na gusto ko, history books at suspense ang hilig ko basahin. Pero kahit papano, may iilang aklat kaming napagkasunduan, ang mga gawa ni "Dan Brown", "Stephen King" at "Nicholas Sparks". Gayundin din sa movie, ang "A moment to remember". Nakwento niya din sakin na napanood na niya ang "Hunger Games" sa sine. Sinabi ko na lang sa sarili ko, ida-download ko na lang sa isang forum site yan.

Parang ang lahat ay humihinto kapag kasama ko siya. Komportable ako sa kanya, masaya at walang bahid ng pag-aalingan o pagkabalisa. Marahil dahil sa labis na kasiyahan kaya nangyayari yun.

Simple babae lang si Ellie kung titingnan. Sa una, aakalain mo suplada dahil may suot na salamin. Mapula ang labi at singkit ang kanyang mga mata, ang kanyang buhok ay parang kay Angel Locsin. Palangiti at makwela. Hindi ko na napansin na nasa foodcourt na kami.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.

"Diet ako ngayon, gulay lang kakainin ko."

Nang makahanap na kami ng pagkain at mauupuan, nagpatuloy pa din kami sa kwentuhan. Naging malalim na ang aming usapan ng mga oras na iyon. Mas nakilala namin ang isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya, marahil dahil sa mga kwento niya o dahil sa break-up namin ng ex-girlfriend ko. Pero sigurado ako, hindi infatuation ang nararamdaman ko kay Ellie...

Sa sobrang seryoso ng usapan namin, may mga oras na hindi siya nakangiti. Sinubukan ko siyang patawanin sa paraan na alam ko. Hindi ako nabigo, nakita ko ulit ang kanyang magandang ngiti. Sinabi ko sa aking sarili, hangga't kasama ko siya, papangitiin ko siya at pasasayahin.

Sa haba ng kwentuhan namin na walang katapusan, napagdesisyunan namin na umuwi sa amin. Iniisip ko na baka ma-offend siya sakin at kung ano ang iisipin niya sakin. Tinanong ko siya kung ok lang sa kanya. Walang problema sa kanya.

Pagdating sa aming bahay, agad ko siyang pinakilala sa aking mga magulang at aking kapatid.

"Pa, si Ellie….Ellie mga kapatid ko, si Michael,at Rose Ann."

"Si mama, at si Michelle"

"Magandang gabi po."

Iyon na lamang ang sinabi niya kasabay ng isang matamis na ngiti. Iba si Ellie sa nakilala ko. Dama ng bawat tao sa bahay namin ang presensya niya... sa pamamagitan ng kanyang ngiti.

Iniwan namin ang kanyang gamit sa bahay at agad akong nagpaalam sa aking mama. Sasaglit lang kami sa kaibigan ko, at gayundin papakilala ko si Ellie sa kanya, si Kuya Manny. Gusto ko makilala ni Ellie ang mga taong nakapalibot sa akin para makilala niya kung sino talaga ako. Sinabi ko sa kanya na madami siyang matutunan dun kaysa sa akin, pabiro ko sa kanya,

"Anong gusto mo inumin?"

"Tanduay Ice lang sakin, hindi na kasi ako gaanong umiinom".

"Ok, maiwan muna kita dito, bibili lang ako ng iinumin natin"

Nang bumalik ulit ako dun, sinimulan na namin ang kwentuhan na kasama ang aking kaibigan. Hindi ko nakita sa mga mata ni Ellie na "out-of-place" siya. May mga pagkakataon hindi ako makasabay sa kanila dahil paminsan minsan nagsasalita sila ng wikang bisaya na hindi ko maintindihan. Halos lahat napag-usapan namin. Ganito ang set-up namin nina kuya Manny kapag nag-uunwind kami, syempre kasama dun na tinatamaan na kami sa iniinom namin alak. Kahit umiinom ako, inaalalayan ko si Ellie dahil hindi siya sanay uminom. May mga pagkakataong pinapatagay ni Kuya Manny si Ellie, pero ako na ang umiinom para sa kanya. Ayoko malasing siya...

"Idownload mo na ung kakailangangin natin sa pang-flash, Ellie. Lasing na si Kuya Manny at uuwi na tayo."

Ibinulong ko lang sa kanya iyon at sumunod naman siya. Habang naghahanap siya sa kompyuter, hinalikan ko siya sa kanya noo. Tumingin lamang siya sa akin at ngumiti. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa, umupo ulit siya at nakipagkwentuhan sa amin. Hinawakan ko ang kanyang kamay habang kami ang nag-uusap, mahigpit ang pagkakahawak namin sa aming mga kamay tila na may gustong sabihin. Tumingin na lamang ako sa kanyang mga mata..

"Mahal Kita..."

sinabi ko kay Ellie iyon ng walang bahid ng pag-aalinlangan, siguro dahil sa epekto ng alak kaya naglakas loob ko sabihin ang tinatagong salita sa dibdib ko.

Tumingin lang siya sa kaibigan ko.

"hindi dapat ganun Amil, wag mong sabihin yan ngayong lasing ka".

Sa mga oras na yun, hindi pa ako lasing. Alam ko pa ang huling katagang binitawan ko at alam ko pa ang mga ginagawa ko.

Muling humigpit ang hawak ni Ellie sa kamay ko. Nagkatitigan kami at dahan dahan naglapat ang aming mga labi sa isa't isa. Matamis at malambot ang kanyang labi. Siguro nadala ako sa bugso ng aking damdamin kasabay pa ang ambience ng mga gabing iyon. Iniisip ko na baka maoffend ko si Ellie sa ginawa ko.

"Amil, gusto ko ikaw lang.."

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Nabigla lang ba siya dala ng alak o totoo? Siguro lasing lang siya kaya niya nasabi yun. Minabuti ko na magpaalam kay kuya Manny at umuwi kaysa makatulog dun.

Mula sa paglabas ng bahay ng aking kaibigan hanggang sa pagdating sa aming bahay, hindi bumitaw sa pagkakahawak si Ellie sa aking kamay. Umakyat kami sa aking kwarto at dahan dahan ko ulit siyang hinalikan, tulad ng paghalik sa isang sensitibong rosas, maingat at marahan. Gumaganti siya sa bawat paghalik ko na parang walang bukas. Dama ko ang init ng kanyang katawan, ang bango ng kanyang pawis, higpit ng kanyang yakap at indayog ng aming kamunduhan. Lahat iyon naramdaman ko sa kanya lamang, hindi ko naramdaman sa mga babaeng dati kong minahal.

"Mahal kita..." Paulit ulit ko sinabi sa kanya ang mga katagang yun.

Habang tumatagal, bumibilis ang aming galaw na halos sumasabay sa ritmo na aming katawan, naging isa ang aming katawan ng gabing iyon. Magkasama kami sa kaligayahan na kami mismo ang gumawa, hindi pinilit at hindi sinasadya. Niyakap niya lamang ako at sinabing

"Mahal Kita, Salamat"

Maging sa pagtulog, naging isa ang aming katawan, walang saplot at magkayakap. Sa kanyang mga mata nababasa ko na hindi siya nagsisisi.Tama ba ang ginawa ko na sinabi ko na mahal ko siya? Isa lang ang alam ko, mahal ko na siya bago pa nangyari ito.

Nakatulog ako sa pag-iisip, maya maya naalimpungatan ako ng may sinabi siya sa akin..

"Amil, kailangan ko ng umalis. Pasensya na at salamat aking Kaibigan".

Tinitigan ko lang siya at niyakap nang mahigpit...
 
Last edited:
Re: Hanggang Kailan

Chapter 1: Galaxy Tab at Usb [V2]


Nakahanda na lahat ng gamit na dadalhin ko para sa "overnight". Di ko na naisip na kakakilala ko palang sa taong katagpo ko. Tanging tumatak sa isipan ko ay ang makaalis sa dorm, makalayo sa mga taong kilala ko, at ma-flash ang galaxy tablet ko. Hindi ko na naisip kung gaano akong nasaktan sa break-up namin nung huli kong boyfriend, sa ngayon mas pinili kong sumama sa taong hindi ko pa nakikita at nakikilala.

"Ano kaya itsura niya? Gentleman kaya siya? O baka naman mabaho hininga niya?"

Kung anu-anu nasa isip ko nun, hanggang sa namalayan ko na lang na papasok na ako sa entrance ng SM Sta. Mesa. Tiningnan ko ang aking cellphone. Mukhang wala pa siya sa lugar ng aming tagpuan, hindi pa tumatawag. Lumipas ang ilang sandali, tumunog ang aking cellphone.

"O Amil, saan ka na? andito na ako".

"Kakapasok ko lang ng entrance, saan ka?"

"Dito sa tapat ng Shakeys...Ayan nakikita na kita."

"Andaya mo, nakita mo na ako, pero di pa kita nakikita"

"Hahaha, sige lang diretso ka lang at makikita mo na ako sa tapat mismo ng Shakeys".

Hindi nagtagal, tanaw ko na si Amil. Pinagmasdan ko kung paano siya maglakad at kung paano niya dalhin ang kanyang sarili. Well....Not bad... Hindi artistahin pero hindi naman pangit.

Hmmmm...Pwede na!...

Iyon ang pumasok sa isip ko noong makita ko siya. Pagpa-flash nga pala ng tab sadya ko, hindi ang magkaboyfriend.

"Pasensya na medyo late ako."

"Ok lang, kararating ko lang din, minuto lang ang pagitan natin"

Ngumiti siya sa akin at sinagot ko din siya ng ngiti ko.

"Nagugutom ka na ba? Tara kain muna tayo"

"Mamaya na, ikot muna tayo"

Napagdesisyunan naming magikot-ikot muna bago kumain. Halos naikot na namin ang buong mall hanggang sa pumasok kami sa isang bookstore at tumingin tingin sa mga aklat. Mahilig kasi akong magbasa. Lalo na yung mga love and romance at sci-fi. Naikwento ko sa kanya ang mga gusto ko at mga nalalaman ko tungkol sa mga nababasa ko. Ang sarap kausap ni Amil, hindi ko naramdaman sa kanya na pagkabagot at parang antagal na naming magkakilala. Hindi ako nailang sa kanya, bagkus, binibiro ko pa siya para naman gumaan loob niya sakin. Naikwento ko sa kanya ang kapapanood ko lang na pelikula, ang "Hunger Games". Nakita kasi namin sa bookstore ang libro nun.

Naging masarap ang kwentuhan namin, hindi na namin alintana ang oras. Hanggang sa napunta narin kami sa foodcourt.

"Anong gusto mong kainin?" tanong niya sakin.

"Diet ako ngayon, gulay lang kakainin ko.".

Naghanap kami ng makakain at naupo sa pang animan na mesa.Tuloy ang kwentuhan at nalaman kong panganay siya tulad ko. Mas lalo pa kaming nagkalapit nang batid kong pareho kami ng sitwasyon sa buhay. Pareho kaming breadwinner sa pamilya. Hindi naging mahirap sa akin na pakisamahan siya. At una niya akong napatawa nung nag-make face siya na hanggang ngayon ay di ko pa rin nakakalimutan. Napapatingin na lang ako sa kanya. Masaya maging kaibigan si Amil...At masaya na ako bilang kaibigan niya...

Lumalalim na ang gabi nung napagdesisyunan namin umuwi sa kanila. Kasama niya sa bahay ang mga kanyang magulang at mga kapatid. Nahiya ako kahit papano kasi doon ako sa kanila makikitulog. Inisip ko na lang na andito na ako kaya wala ng atrasan.

"Pa, si Ellie. Ellie mga kapatid ko, si Michael,at Rose Ann."

"Si mama, at si Michelle"

"Magandang gabi po." Sabay ngiti ako at patay malisya kung anu iniisip nila kung bakit ako andun sa mga bahay nila.

Nagpaalam din agad si Amil sa mama niya para pumunta kami sa kaibigan niyang si Kuya Manny. Doon namin pinagpatuloy ang aming kwentuhan at kung paano ung proseso na gagawin namin sa aking tablet.

Wala sa plano namin ang mag-iinuman, pero pumayag narin ako. Tatlo kami sa bahay ng kanyang kaibigan. Naging masaya ang aming usapan kahit na mas nakakatanda siya sa amin. Marami akong natutunan; kalokohan man o mga bagay na maaapply natin sa aking buhay, puno kami ng tawanan at kasiyahan. Totoo ang sinabi ni Amil sa akin, madami ako matutunan sa kaibigan niya.

"Anong gusto mo inumin?"

"Tanduay Ice lang sakin, hindi na kasi ako gaanong umiinom".

"Ok, maiwan muna kita dito, bibili lang ako ng iinumin natin"

Maganda ang naging usapan namin ng makabalik siya at nagsimula na ang inuman, mula sa pulitika, siyensiya, OS ng mga unit namin at current events. Maging ang mga past relationships ay naisama sa topic.

Sa haba nang naging usapan, umeepekto na din ata sa kanila ang kanilang iniinom na alak. Nagiging makuwento na sila.

"Idownload mo na ung kakailangangin natin sa pang-flash, Ellie. Lasing na si Kuya Manny at uuwi na tayo."

Ibinulong niya iyon sa akin at tumayo ako. Naging malambing sa akin si Amil nung mga oras na iyon. Hinalikan niya ang aking noo sa unang pagkakataon. Doon ko naramdaman ang kakaibang pakiramdam. Noon lang ulit ako nakaramdam ng ganun, ambilis kong naattach sa kanya. Siguro marahil ay marami kaming pagkakatulad. Nagtiwala ako kay Amil, at alam ko hindi niya ako pagsasamantalahan.

Hinawakan niya ang aking kamay. At hindi narin ako pumalag. Masaya ako nung mga oras na iyon lalo na at katabi ko na siya.

"Mahal Kita...", bigla kong narinig sa kanya, galing sa mga labi ni Amil.

Tiningnan ko na lamang si kuya manny, at sinabi ko sa kanya ang narinig ko.

"hindi dapat ganun Amil, wag mong sabihin yan ngayong lasing ka".

Hindi ko alam kung totoo ang sinabi niya o epekto laman yun ng alak na iniinom namin.Doon ko lang napagtanto na nahihilo narin ako sa alak na dumadaloy sa aking katawan. Bumibagat na ang aking ulo at unti unti kong namalayan ang pag-init ng aking kalamnan.

Hanggang sa naramdaman ko na lang na naglapat ang aming mga labi. Napakabilis ng mga pangyayari ng mga oras na iyon. Tuluyan na akong nagpadala sa aking nararamdaman. Nilabas ni kuya manny ang isang light stand, binuksan niya ito na siya naman pagpatay ng ilaw sa sala para gumanda ung ambiance. Dahan-dahan niya din nilakasan ang music para maging romantiko ang gabing iyon at unti unti na akong nalunod sa aming halikan ni Amil.

"Amil, gusto ko ikaw lang.." namutawi iyon sa aking bibig na pabulong ko sinabi sa kanya. Tumayo siya at nagpaalam kay kuya Manny.

Nakarating kami sa kanilang bahay na magkahawak ang aming mga kamay. Agad kaming umakyat papunta sa kanyang kwarto. Pareho kaming sabik sa isat isa. Hinalikan niya ako at ginantihan ko din siya ng maalab na mga halik. Isa isa niyang tinanggal ang aking saplot, tinanggal ko din ang kanyang saplot at inihiga niya ako sa kama. Pumikit ako at kami'y naging isa. Niyakap ko siya at ako ang gumalaw. Bawat haplos, bawat halik, bawat yakap... pinakiramdaman ko at nadadama ko.

"Mahal kita...", paulit ulit kong narinig.

Pabilis ng pabilis ang aming mga galaw hanggang sa umabot kami sa rurok ng kaligayahan. Niyakap ko si Amil, "Mahal Kita, Salamat".

Nakatulog kami habang magkayakap. Naalimpungatan akong tumutunog ang aking cellphone. Tumatawag pala ang mama ko at hinahanap ako sapagkat hindi ako nakapagpaalam ng maayos. Hindi ko alam ano susundin ko, ang aking isip o puso. Ano ba ang mas matimbang? Tama ba ang mga nangyari? Magpapaubaya ba ako o itatama ko ang aking mga pagkakamali?

Napaisip ako at napatulala.Masaya ako sa nangyari. Pero hanggang kailan ko mararamdaman ito? Tiningnan ko si Amil sa mga mata, at ang tanging nasambit ko ay "Amil, kailangan ko ng umalis. Pasensya na at salamat aking Kaibigan".


 
Last edited:
Re: Hanggang Kailan

Maganda ang kwento pero nakakabitin..:p


Ayan na..hehehehe..:) Dapat ilagay mo ako sa acknowledgement..:p
 
Last edited:
Re: Hanggang Kailan

eto ba yung ginagawa mo dati bossing?:more:
 
Re: Hanggang Kailan

Nice story sir.ninku aabangan ko ito lagi.
 
Re: Hanggang Kailan

hmmm... napadaan lang ako.. at napabasa.. :D
simple pero may kiliti.. nice story kuya ninku.. first ever story mo na nabasa ko... looking forward for the next chapter.. :thumbsup:
 
Re: Hanggang Kailan

kaabang abang :D eto ba ung novel na pinaghahandaan mo? mukhang 100 % na totoo na galing sa imahinasyon mo?
 
Re: Hanggang Kailan

Maganda ang kwento pero nakakabitin..:p


Ayan na..hehehehe..:) Dapat ilagay mo ako sa acknowledgement..:p

kailangan pa ba ng acknowledgement? thanks to you.. di ko magagawa yan
eto ba yung ginagawa mo dati bossing?:more:

nice story bro :)

salamat sa pagbisita

Nice story sir.ninku aabangan ko ito lagi.
salamat spade.. mukhang matatagalan pa ang next release, gustuhin ko man puro hindi hindi makukumpleto hanggat wala ang "isa"
hmmm... napadaan lang ako.. at napabasa.. :D
simple pero may kiliti.. nice story kuya ninku.. first ever story mo na nabasa ko... looking forward for the next chapter.. :thumbsup:

Salamat sa pagbabasa dito, may mga iba din akong nasulat na magaganda din..
ito ang link

http://www.symbianize.com/showthread.php?t=679626

kaabang abang :D eto ba ung novel na pinaghahandaan mo? mukhang 100 % na totoo na galing sa imahinasyon mo?

uu eto yun, kaso mukhang matatagalan pa ang susunod na chapter dahil ang dahilang ng pagsusulat ko nito (isa din sa may-akda nito) ay umalis.. Nakakalungkot man na gusto ko ituloy pero hindi ko matatapos ito hanggat hindi siya bumabalik

100% imagination ko, pero alin ang totoo sa imaginasyon :D

salamat sa pagbisita at pagbabasa... Ipanalangin nio na sana bumalik siya sa akin para masimulan ang next chapter
 
Last edited:
Re: Hanggang Kailan

ah.. sige kuya ninku.. babasahin ko mga yan..:thumbsup: maya bago matulog... :)
 
Re: Hanggang Kailan

naway bumalik na si limlo este si Ellie sayo at ng maupdate na to hehe :D
 
Re: Hanggang Kailan

feeling ko po. true story to?? tama kaya aq?? mejo mtgal na 4months na?? ndi pb xa bumabalik?


awwwtttssss.. :)
 
Re: Hanggang Kailan

ah.. sige kuya ninku.. babasahin ko mga yan..:thumbsup: maya bago matulog... :)
salamat at nabasa mo to:salute:
naway bumalik na si limlo este si Ellie sayo at ng maupdate na to hehe :D
no comment:lol:
feeling ko po. true story to?? tama kaya aq?? mejo mtgal na 4months na?? ndi pb xa bumabalik?


awwwtttssss.. :)

may mga ibang detalye akong binago, maaaring hango sa totoong buhay, maaaring hindi. Ang mahalaga ay dahil sa obra, nagkakatugma ang mga magkakaibang tao sa kaisipan at emosyon:salute:

 
Re: Hanggang Kailan

After 2012 where's the continuation?:lol: sounds like a one night stand to me
 
@ifer, thanks for dropping by. malabo na magkaroon ng karugtong to, umalis na kasi yun co-author ko dito. Need ko maghanap ng panibagong co-author.
:D.

yap it looks like a one night stand, for a meantime :)
 
sana makahanap para madugtungan na :)
 
Back
Top Bottom