Re: Hanggang Kailan
Chapter 1: Galaxy Tab at Usb [V1]
Nagmamadali na akong umalis ng bahay dahil siguradong mahuhuli na naman ako sa aking pupuntahan. Sumabay pa ang marahan ambon sa hapon. Sa mga oras na iyon, napapaisip ako sa aking sarili, "baka isipin niya ayaw ko sa kanya kung sasabihin ko sa kanya bibihira ako nagpapatulog ng babae sa bahay." "Baka kung ano isipin niya tungkol sakin" Lahat ng naiisip ko puro "baka".
Ang mahalaga sa akin ay ang cellphone ko at ang isang usb na may laman na pang flash ng Galaxy Tab, isama na din ang wallet ko. Sa totoo lang, wala akong ideya kung maganda o pangit ang makikilala ko, masungit o mabait. Basta ang mahalaga matulungan ko siya, si Ellie.
Hindi ko alintana ang ambon dahil may isang taong naghihintay sa akin, panigurado andun na siya sa tagpuan namin. Nang malapit na ako sa SM Sta Mesa, patakbo ako patungo sa Mall habang nakatingin sa relo ko. Nang makapasok na ako, kinuha ko ang aking cellphone.
"O Amil, saan ka na? andito na ako".
"Kakapasok ko lang ng entrance, saan ka?"
"Dito sa tapat ng Shakeys...Ayan nakikita na kita."
"Andaya mo, nakita mo na ako, pero di pa kita nakikita"
"Hahaha, sige lang diretso ka lang at makikita mo na ako sa tapat mismo ng Shakeys".
Wala akong ideya kung nasaan siya, kahit na sinabi niya na nasa harapan lang siya, mas pinili ko lumingon sa kaliwa't kanan para makasiguro. Masyadong madaming tao, hindi ko siya makikita, sa huli pinili ko na lang tumingin sa harapan. Hindi nga siya nagsisinungaling, nasa harapan lang siya ng Shakeys at nakaharap sa akin habang hawak ang kanyang cellphone. Ngumiti muna ako sa kanya habang sinabi ko na
"Pasensya na medyo late ako."
"Ok lang, kararating ko lang din, minuto lang ang pagitan natin"
Ngumiti siya sa akin at sinagot ko din siya ng ngiti ko.
"Nagugutom ka na ba? Tara kain muna tayo"
"Mamaya na, ikot muna tayo"
Hindi ko maalis ang mata ko sa kanyang maamong mukha, mapupulang labi at singkit na mata niya habang umiikot kami sa mall. Parang kilala na namin ang isa't isa habang kami ay nag-uusap. Sa bawat kwento niya, ngiti ang sinasagot ko. Pumasok kami sa isang bookstore dahil mahilig magbasa ng aklat si Ellie. Doon ko nalaman na hilig niya ang love and romance at sci-fi na taliwas sa genre na gusto ko, history books at suspense ang hilig ko basahin. Pero kahit papano, may iilang aklat kaming napagkasunduan, ang mga gawa ni "Dan Brown", "Stephen King" at "Nicholas Sparks". Gayundin din sa movie, ang "A moment to remember". Nakwento niya din sakin na napanood na niya ang "Hunger Games" sa sine. Sinabi ko na lang sa sarili ko, ida-download ko na lang sa isang forum site yan.
Parang ang lahat ay humihinto kapag kasama ko siya. Komportable ako sa kanya, masaya at walang bahid ng pag-aalingan o pagkabalisa. Marahil dahil sa labis na kasiyahan kaya nangyayari yun.
Simple babae lang si Ellie kung titingnan. Sa una, aakalain mo suplada dahil may suot na salamin. Mapula ang labi at singkit ang kanyang mga mata, ang kanyang buhok ay parang kay Angel Locsin. Palangiti at makwela. Hindi ko na napansin na nasa foodcourt na kami.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko sa kanya.
"Diet ako ngayon, gulay lang kakainin ko."
Nang makahanap na kami ng pagkain at mauupuan, nagpatuloy pa din kami sa kwentuhan. Naging malalim na ang aming usapan ng mga oras na iyon. Mas nakilala namin ang isa't isa. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya, marahil dahil sa mga kwento niya o dahil sa break-up namin ng ex-girlfriend ko. Pero sigurado ako, hindi infatuation ang nararamdaman ko kay Ellie...
Sa sobrang seryoso ng usapan namin, may mga oras na hindi siya nakangiti. Sinubukan ko siyang patawanin sa paraan na alam ko. Hindi ako nabigo, nakita ko ulit ang kanyang magandang ngiti. Sinabi ko sa aking sarili, hangga't kasama ko siya, papangitiin ko siya at pasasayahin.
Sa haba ng kwentuhan namin na walang katapusan, napagdesisyunan namin na umuwi sa amin. Iniisip ko na baka ma-offend siya sakin at kung ano ang iisipin niya sakin. Tinanong ko siya kung ok lang sa kanya. Walang problema sa kanya.
Pagdating sa aming bahay, agad ko siyang pinakilala sa aking mga magulang at aking kapatid.
"Pa, si Ellie….Ellie mga kapatid ko, si Michael,at Rose Ann."
"Si mama, at si Michelle"
"Magandang gabi po."
Iyon na lamang ang sinabi niya kasabay ng isang matamis na ngiti. Iba si Ellie sa nakilala ko. Dama ng bawat tao sa bahay namin ang presensya niya... sa pamamagitan ng kanyang ngiti.
Iniwan namin ang kanyang gamit sa bahay at agad akong nagpaalam sa aking mama. Sasaglit lang kami sa kaibigan ko, at gayundin papakilala ko si Ellie sa kanya, si Kuya Manny. Gusto ko makilala ni Ellie ang mga taong nakapalibot sa akin para makilala niya kung sino talaga ako. Sinabi ko sa kanya na madami siyang matutunan dun kaysa sa akin, pabiro ko sa kanya,
"Anong gusto mo inumin?"
"Tanduay Ice lang sakin, hindi na kasi ako gaanong umiinom".
"Ok, maiwan muna kita dito, bibili lang ako ng iinumin natin"
Nang bumalik ulit ako dun, sinimulan na namin ang kwentuhan na kasama ang aking kaibigan. Hindi ko nakita sa mga mata ni Ellie na "out-of-place" siya. May mga pagkakataon hindi ako makasabay sa kanila dahil paminsan minsan nagsasalita sila ng wikang bisaya na hindi ko maintindihan. Halos lahat napag-usapan namin. Ganito ang set-up namin nina kuya Manny kapag nag-uunwind kami, syempre kasama dun na tinatamaan na kami sa iniinom namin alak. Kahit umiinom ako, inaalalayan ko si Ellie dahil hindi siya sanay uminom. May mga pagkakataong pinapatagay ni Kuya Manny si Ellie, pero ako na ang umiinom para sa kanya. Ayoko malasing siya...
"Idownload mo na ung kakailangangin natin sa pang-flash, Ellie. Lasing na si Kuya Manny at uuwi na tayo."
Ibinulong ko lang sa kanya iyon at sumunod naman siya. Habang naghahanap siya sa kompyuter, hinalikan ko siya sa kanya noo. Tumingin lamang siya sa akin at ngumiti. Nang matapos siya sa kanyang ginagawa, umupo ulit siya at nakipagkwentuhan sa amin. Hinawakan ko ang kanyang kamay habang kami ang nag-uusap, mahigpit ang pagkakahawak namin sa aming mga kamay tila na may gustong sabihin. Tumingin na lamang ako sa kanyang mga mata..
"Mahal Kita..."
sinabi ko kay Ellie iyon ng walang bahid ng pag-aalinlangan, siguro dahil sa epekto ng alak kaya naglakas loob ko sabihin ang tinatagong salita sa dibdib ko.
Tumingin lang siya sa kaibigan ko.
"hindi dapat ganun Amil, wag mong sabihin yan ngayong lasing ka".
Sa mga oras na yun, hindi pa ako lasing. Alam ko pa ang huling katagang binitawan ko at alam ko pa ang mga ginagawa ko.
Muling humigpit ang hawak ni Ellie sa kamay ko. Nagkatitigan kami at dahan dahan naglapat ang aming mga labi sa isa't isa. Matamis at malambot ang kanyang labi. Siguro nadala ako sa bugso ng aking damdamin kasabay pa ang ambience ng mga gabing iyon. Iniisip ko na baka maoffend ko si Ellie sa ginawa ko.
"Amil, gusto ko ikaw lang.."
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Nabigla lang ba siya dala ng alak o totoo? Siguro lasing lang siya kaya niya nasabi yun. Minabuti ko na magpaalam kay kuya Manny at umuwi kaysa makatulog dun.
Mula sa paglabas ng bahay ng aking kaibigan hanggang sa pagdating sa aming bahay, hindi bumitaw sa pagkakahawak si Ellie sa aking kamay. Umakyat kami sa aking kwarto at dahan dahan ko ulit siyang hinalikan, tulad ng paghalik sa isang sensitibong rosas, maingat at marahan. Gumaganti siya sa bawat paghalik ko na parang walang bukas. Dama ko ang init ng kanyang katawan, ang bango ng kanyang pawis, higpit ng kanyang yakap at indayog ng aming kamunduhan. Lahat iyon naramdaman ko sa kanya lamang, hindi ko naramdaman sa mga babaeng dati kong minahal.
"Mahal kita..." Paulit ulit ko sinabi sa kanya ang mga katagang yun.
Habang tumatagal, bumibilis ang aming galaw na halos sumasabay sa ritmo na aming katawan, naging isa ang aming katawan ng gabing iyon. Magkasama kami sa kaligayahan na kami mismo ang gumawa, hindi pinilit at hindi sinasadya. Niyakap niya lamang ako at sinabing
"Mahal Kita, Salamat"
Maging sa pagtulog, naging isa ang aming katawan, walang saplot at magkayakap. Sa kanyang mga mata nababasa ko na hindi siya nagsisisi.Tama ba ang ginawa ko na sinabi ko na mahal ko siya? Isa lang ang alam ko, mahal ko na siya bago pa nangyari ito.
Nakatulog ako sa pag-iisip, maya maya naalimpungatan ako ng may sinabi siya sa akin..
"Amil, kailangan ko ng umalis. Pasensya na at salamat aking Kaibigan".
Tinitigan ko lang siya at niyakap nang mahigpit...