Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?

coolit217

Professional
Advanced Member
Messages
155
Reaction score
0
Points
26
ANONG katotohanan? Katotohanan tungkol sa ilan sa pinakamahahalagang tanong ng mga tao. Marahil ay naitanong mona rin ang mga ito:
Talaga bang nagmamalasakit sa atin ang Diyos?
Matatapos pa kaya ang digmaan at pagdurusa?
Ano ang nangyayari sa atin kapag tayo¡¯ynamatay?
May pag-asa ba ang mga patay?
Anong panalangin ang pinakikinggan ng Diyos?
Paano kaya magiging maligaya ang buhay ko?
Saan mo makikita ang sagot sa mga tanong na ito? Kung pupunta ka sa mga aklatan o tindahan ng mga aklat, makakakita ka roon ng libu-libong aklat na nagsasabing nasa kanila ang mga sagot. Pero kadalasan nang nagkakasalungatan ang mga aklat na ito. May mga aklat naman na praktikal sa ngayon pero hindi na praktikal sa paglipas ng panahon kung kaya dapat nang baguhin o palitan ang mga ito.
Pero may isang aklat na naglalaman ng maaasahang mga sagot. Ito ang aklat ng katotohanan. Ganito angsinabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang panalangin sa Diyos: ¡°Ang iyong salita ay katotohanan.¡± (Juan 17:17) Kilala natin ang Salitang iyon bilang ang Banal na Bibliya. Sa susunod na mga pahina, makikita mo ang maikli ngunit maliwanag at tapat na mga sagot ng Bibliya sa nabanggit na mga tanong.
Talaga Bang Nagmamalasakit sa Atin ang Diyos?
KUNG BAKIT ITO ITINATANONG: Nabubuhay tayo sa daigdig na pun�0‹0 ng kalupitan at kawalang-katarungan. Itinuturo ng maraming relihiyon na kalooban ng Diyos ang mga pagdurusang nararanasan natin.
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA: Hinding-hindi maaaring magmula sa Diyos ang kasamaan. ¡°Malayong gumawi nang may kabalakyutan ang tunay na Diyos, at na gumawi nang di-makatarungan ang Makapangyarihan-sa-lahat!¡± ang sabi sa Job34:10. May maibiging layunin ang Diyos para samga tao. Kaya naman tinuruan tayo ni Jesus na manalangin: ¡°Ama naminna nasa langit .�0„2.�0„2. dumating nawa ang iyong kaharian. Mangyarinawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayundin sa lupa.¡±(Mateo 6:9, 10) Gayon na lamang ang pagmamalasakit sa atin ng Diyos anupat napakalaki ng isinakripisyo niya para lamang matupad ang kaniyang layunin.¡ªJuan 3:16.
Tingnan din ang Genesis 1:26-28; Santiago 1:13; at 1�0„2Pedro 5:6,�0„27.

Matatapos Pa Kaya ang Digmaan at Pagdurusa?
KUNG BAKIT ITO ITINATANONG: Napakaraming namamatay dahil sa digmaan. Tayong lahat ay dumaranas ng pagdurusa.
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA: Inihula ng Diyos na darating ang panahon namagkakaroon ng kapayapaan sa buong lupa. Sa ilalim ng kaniyang Kaharian, isangpamahalaan sa langit, ang mga tao ay hindi na ¡®mag-aaral ng pakikipagdigma.¡¯ Sa halip, ¡°pupukpukin nila ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod.¡± (Isaias 2:4) Aalisin na ng Diyos ang lahat ng kawalang-katarungan at pagdurusa. Nangangako ang Bibliya: ¡°Papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan, ni ng pagdadalamhati o ng paghiyaw o ng kirot pa man. Ang mga dating bagay [pati na ang kawalang-katarungan at pagdurusa sa ngayon] ay lumipas na.¡±¡ªApocalipsis21:3,�0„24.
Tingnan din ang Awit 37:10, 11; 46:9; at Mikas 4:1-4

Ano ang Nangyayari sa Atin Kapag Tayo¡¯y Namatay?
KUNG BAKIT ITO ITINATANONG: Karamihan sa mga relihiyon sa daigdig ay nagtuturo na kapag namatay ang isang tao, may isang bagay sa kaniyang katawan na hindi namamatay. Naniniwala naman ang ilan na puwedeng manakit ang mga patay sa mga buh¨¢y o na pinarurusahan ng Diyos ang masasama sa pamamagitan ng walang-katapusang pagpapahirap sa maapoy na impiyerno.
KUNG ANO ANG ITINUTURO NG BIBLIYA: Kapag namatay ang isang tao, hindi na siya umiiral. Ang ¡°mga patay.�0„2.�0„2. ay walang anumang kabatiran,¡± ang sabi sa Eclesiastes 9:5. Yamang ang mga patay ay hindi na nakaaalam, nakakaramdam, o nakararanas ng anuman, hindi na sila makapananakit¡ªo makatutulong¡ªsa mga buh¨¢y.¡ªAwit 146:3,�0„24.
Tingnan din ang Genesis 3:19 at Eclesiastes 9:6,�0„210.
 
Hinding-hindi maaaring magmula sa Diyos ang kasamaan.

kuya, tanong lang... kung alam ng dyos ang lahat ng bagay, bakit pinayagan nya maghasik ng kasamaan ang devil? di ba nya kaya talunin si devil? kung mahal nya yung tao, dapat tinalo na nya sa simula pa lang yung devil...
 
Re: Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?

tol, everything has its set time.

tas

ang ating mga lohika ay limitado. umiikot lang tayo sa mga premise na alam natin
 
Ang panganay na Anakba ay kapantay ng Diyos, gaya ng paniniwala ng ilan? Hindi iyan ang itinuturo ng Bibliya. Gayang napansin natin sa naunang parapo, nilalangang Anak. Kung gayon, maliwanag na mayroon siyang pasimula, samantalang ang Diyos na Jehova ay walang pasimula o wakas. (Awit 90:2) Hindi man lamang inisip ng bugtong na Anak na maging kapantay ng kaniyang Ama. Maliwanag na itinuturo ng Bibliya na mas dakila ang Ama kaysa sa Anak. (Juan 14:28; 1?Corinto 11:3) Si Jehova lamang ang “Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat.” (Genesis 17:1) Samakatuwid, wala siyang kapantay.
 
Re: Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?

kuya, tanong lang... kung alam ng dyos ang lahat ng bagay, bakit pinayagan nya maghasik ng kasamaan ang devil? di ba nya kaya talunin si devil? kung mahal nya yung tao, dapat tinalo na nya sa simula pa lang yung devil...

Bro, ok po ang tanong mo :)
yep, tama ka, He knows everything. pero hindi nya kailangan gamitin lagi ang kakayahan nyang yan sa lahat ng pagkakataon. Example ganito: Isa kang malakas na tao,puro ka muscle, kaya mong buhatin ay 300 kilo ng walang kahirap hirap. tanong: kailangan mo ba gamitin lagi yung kakayahan mong "malakas ka" sa lahat ng pagkakataon? :noidea::)

dun po sa tanong mo sir:

kung alam ng dyos ang lahat ng bagay, bakit pinayagan nya maghasik ng kasamaan ang devil?

sir, di po ba may freewill na binigay satin ang Diyos? at lahat ng creation nya na may isip, merong freewill.. sa palagay mo sir, magiging totoo po kaya yung Freewill na yan, kung sa umpisa palang, meron ng itinakda ang Diyos na mangyayari sa kanila? example po ulit: meron ka pong anak, or kapatid, tapos sinabihan mo ng gagawin nya. sa pandinig ng anak mo na yun, napakaganda ng gagawin nya at mangyayari (e.g. pag nagawa nya ang isang task nyo, may candy sya) , tapos alam mo palang sa umpisa palang, hindi nya magagawa yung task na yun, sa palagay mo sir, makatuwiran po ba yun sa side mo? :)
Ganon din po sir ng lalangin ng Diyos ang lahat, Perfect po ang pagkakagawa nya (Deuteronomio 32:4). at gaya po ng example, mas lalo pong di magagawa yan ng Diyos sir (Mathew 7:11). Hindi INALAM ng Diyos ang mangyayari kina Adan at Eva, pati si Taning, dahil kung inalam nya, Useless ang Freewill. Example ulit nyan: meron kang dvd movie, pwede mo namang i play agad sa ending yung story ng movie eh para tapos na, pero di mo ginawa dahil gusto mo malaman yung mangyayari.
Simple explanation na po yan para lang ma gets ang point ko..

Isa lang po ang sigurado, hindi ang Diyos ang gumawa kay Satan, si Satan ang gumawa sa sarili nya. Gaya po ng sabi sa (Deute 32:4), perfect lahat ng ginawa ng Diyos. problema lang, ito ang ginawa ni Satan kaya sya naging Satan,(James 1:14-15). Pwede ba yun? yep pwede po :)
Example ulit ng ulit ng ulit: sa ngayon ang isang tao na dating disente at matapat ay maaaring maging isang magnanakaw. Paano nangyayari iyan? Maaaring hayaan ng isang tao na tumubo ang maling pagnanasa sa kaniyang puso. Kung patuloy niyang iisipin ito, titindi ang maling pagnanasang iyon. Pagkatapos, kapag nagkaroon ng pagkakataon, maaaring isagawa niya ang maling pagnanasang pinag-iisipan niya.

Yung isang tanong mo pa sir:
di ba nya kaya talunin si devil?
Actually po kaya naman :clap:
eto oh, malapit ng mangyari (Psalm 37:9,10 ; John 12:31 ; Rev 12:12)

Yung last Question mo sir:
kung mahal nya yung tao, dapat tinalo na nya sa simula pa lang yung devil...
Medjo mahabang explanation yan eh.. :)
pag may nag reply muna, tsaka namin sabihin yung sagot jan :)
 
Re: Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?

tol, everything has its set time.

tas

ang ating mga lohika ay limitado. umiikot lang tayo sa mga premise na alam natin

pero sir, pwede naman natin malaman yung sagot sa mga tanong na yan..kaya nga nanjan ang Bible eh. ang problema lang po, hindi yan alam ng halos lahat ng Religion sa Mundo, dahil kahit hawak ng mga lider na yun ang Bible, hindi naman nila pinag-aaralan kung ano ba talaga yung sinasabi lang ng Bible. kinukuha lang nila yung verse na gusto nila, pero yung context ng verse na yun hindi naman sinabi kung ano. Ang gusto kasi nila, Bible ang mag a adjust sa kung ano ba yung gusto nilang ituro sa mga tao, hindi sila ang mag adjust sa sinasabi ng Bible para ituro sa mga tao. kaya po madami sa mga members nila, hindi nga po talaga masasagot yung example na tanong ni NakedSnake..

kaya nga po nanjan ang bible eh, ang kailangan lang, pag-aralan ng mabuti (2 Timothy 3:16,17 ; Proverbs 2:1-8 ; Act 17:11 ; 1 John 4:1)
Posible po sir na makita yung sagot sa mga ganyang tanong :thumbsup:
 
ang alam ko kase, the bible does not cater to all questions. pero completo ito in terms of salvation.
 
Re: Gusto Mo Bang Malaman ang Katotohanan?

ang alam ko kase, the bible does not cater to all questions. pero completo ito in terms of salvation.

yes sir, tama ka naman po, like "Ilang taon na ba yung exact age ng earth?", or iba pa po..:)
pero yung mga tanong gaya ng kay sir nakedsnake, at yung iba pa gaya ng mga tanong ni ts, pwede po natin makita yan sa bible :)

korek ka din jan sir, na complete ang bible kung gusto mo malaman ang tungkol sa salvation.. tanong po, ano nga po ba yung kailangan para maligtas? :)
see, may mga kasunod po na tanong di po ba? at kailangan po malaman yung sagot sa mga ganyan.. :)
 
why create freewill kung alam ng dyos ang nasa puso ng isang creation nya?
why test Job on a monstrous way when your god is all knowing?

healthy discussion lang to mga tol ha.
atheist po ako btw.
 
Maaaring mag-isip ang ilan, Hindi kaya nahadlangan sana ang lahat ng pagdurusang ito kung nilalang lamang ng Diyos sina Adan at Eva saparaang hindi sila makapagrerebelde? Paramasagot ang tanong na iyan, kailangan mong alalahanin ang isang mahalagang regalo na ibinigay sa iyo ni Jehova.

, nilalang ang mga tao na may kalayaang magpasiya. Batid mo ba kung gaano kahalagang regalo iyan? Gumawa ang Diyos ng napakaraming hayop, at ang mga ito ay pangunahin nang kumikilos dahil sa instinct o likas na paggawi. (Kawikaan 30:24) Gumagawa ang tao ng mga robot na puwedeng iprograma para sundin ang bawat utos. Matutuwa kaya tayo kung ganiyan ang pagkakagawa sa atin ng Diyos? Tiyak na hindi. Natutuwa tayo dahil maykalayaan tayong pumili kung anong uri ng pagkatao ang gusto natin, kung anong landasin sa buhay ang tatahakin natin, kung sino ang magiging mga kaibigan natin, at iba pa.Nalulugod tayong magkaroon ng antas ng kalayaan, at iyan ang gusto ng Diyos na tamasahin natin.
 
Last edited:
Halimbawa, sabihin natin na isang matalino at maibiging ama ang may malaki nang anak na nakapisan pa rin sa kaniyang mga magulang. Nang magrebelde ang anak at magpasiyang umalis na sa bahay, hindi siya pinigilan ng kaniyang ama. Masama ang naging pamumuhay ng anak at nasuong ito sa gulo. Ang ama ba ang sanhi ng mga problema ng kaniyang anak? Hindi.(Lucas 15:11-13) Sa katulad na paraan, hindi pinipigilan ng Diyos ang mga tao kapag pinili nilang tahakin ang isang masamang landasin, ngunit hindi siya ang sanhi ng mga problemang bunga nito. Kung gayon, tiyak na hindi makatuwirang sisihin ang Diyos sa lahat ng problema ng sangkatauhan.
 
Healthy discussion lang po hindi po ako nakikipag debate. At wala rin po akong masyadong alam sa bibliya kaya praktikal ang tanong ko.

1. Bakit noong ginawa ng diyos sina adan at eba ay naglagay din siya ng puno ng karungungan ng tama at mali at ang puno ng buhay ngunit hindi niya sila pinahintulotang kumain? Para po ba iyon sa mga hayop? O for display purposes lang?

2. Bakit binigyan daw ng free will ang tao ay may restriction naman? Ayaw ba ng diyos na maging matalino rin ang tao? Ayaw ba niya na matutunan ng tao kung ano ang tama o mali?

15 The LORD God took the man and put him in the Garden of Eden to work it and take care of it. 16 And the LORD God commanded the man, “You are free to eat from any tree in the garden; 17 but you must not eat from the tree of the knowledge of good and evil, for when you eat from it you will certainly die.”

Genesis 2:15-17 (New International Version, ©2011)

3. Bakit nagsinungaling ang diyos na mamamatay daw sina Adan at Eba kung kakain sila sa bunga ng anuman sa dalawa? Pero hindi po sila namatay di ba (literally, ewan ko lang spiritually)?

4. Bakit parang egotistical yata ang diyos nyo:

21 The LORD God made garments of skin for Adam and his wife and clothed them. 22 And the LORD God said, “The man has now become like one of us, knowing good and evil. He must not be allowed to reach out his hand and take also from the tree of life and eat, and live forever.” 23 So the LORD God banished him from the Garden of Eden to work the ground from which he had been taken. 24 After he drove the man out, he placed on the east side[a] of the Garden of Eden cherubim and a flaming sword flashing back and forth to guard the way to the tree of life.
Genesis 3:21-24 (New International Version, ©2011)

Marami pa po akong question na gusto ko ng totoong kasagutan at hindi debate.
 
Re: Gusto Mo Bang Malamanang Katotohanan?

Una sa lahat ayon sa iba ang Dios raw ay all knowing all powerful
etc. etc. Na nagbibigay ng sari saring problema.

Gaya ng kung alam ng Dios ang lahat lahat. Alam niya rin bang
darating ang panahon eh ang isang anghel na ginawa niya eh
magbibigay ng malaking kapahamakan sa darating?

Meaning kung alam niya ito kasi sabi alam lahat lahat eh
eh bakit ginawa pa niya?

Well meron nagsasabi na maaari raw kasi na hindi ginagamit
sa lahat ng pagkakataon. Ang tanong ko naman para sa ganung
ideya although wala naman siyang ginamit na batayan sa Biblia
para sa punto niyang iyon eh tatanungin parin natin para sukatin
ang ganung klaseng lohika.

Doon sa puntong iyon ng gawin niya si Lucifer ng una hindi ba
ginamit ng Dios ang kakayahang sinasabi nila na alamin ang
idudulot nitong si Lucifer na napakarami pala nitong
maipapahamak sa kaitaasan gayon rin sa sangkatauhan sa darating.

Sa puntong iyon na kung kailan mas kinakailangang gamitin
eh doon po ba hindi ginamit sa pagkakataong iyon?
Yon ba ang klase ng dios na tinutukoy nila na kung saan
tiyempong mas kinakailangan eh doon pa yata hindi ginamit.

Doon sa tiyempong hindi ginamit ng dios ang kakayahan niyang
sinasabi nila na "alam niya lahat lahat pwede niya lang hindi
gamitin
" doon sa tiyempong iyon alam ba niya?

Kung sasabihin naman na ginamit at alam niya na..
na magkakaganoon iyon. Eh bakit naman ginawa pagkatapos
parurusahan?

Tignan nga natin sa Biblia meron kasing ganitong mababasa...

Genesis 22:12
At sa kaniya'y sinabi, Huwag mong buhatin ang iyong kamay sa
bata, o gawan man siya ng anoman: sapagka't talastas ko
ngayon
, na ikaw ay natatakot sa Dios, sa paraang hindi mo
itinanggi sa akin ang iyong anak, ang iyong bugtong na anak.

Kailan natalastas? Buhat ba ng una bago pa likhain ang
sanglibutan? Hindi. Ang sabi "talastas ko ngayon" ng matapos
na si Abraham ay masubok.

------------------------------------------------------------------------------------
@enzoy90

enzoy90 said:
1. Bakit noong ginawa ng diyos sina adan at eba ay naglagay din siya ng puno ng karungungan ng tama at mali at ang puno ng buhay ngunit hindi niya sila pinahintulotang kumain? Para po ba iyon sa mga hayop? O for display purposes lang?

May karunungan roon. Magaling ang tanong mo. It's something
strange na bakit naman doon pa inilagay?

Para ba iyon sa mga hayop? Walang sinabi na para sa hayop iyon.
Ang alam ko batay sa lohika para sa tao yon. Katunayan
hindi naman inilagay yon ng una pa kung para sa hayop lang.
Pero kung asan nandoon iyon doon rin nalalagay yong tao
within that area. Display purposes lang? Bahagi ng katotohanan
malamang magandang klase yon kahali halina pero yon ba
ba naman ang purpose display lang?

Maraming pupose bakit doon inilagay yon pero para pang
display lang tapos nakakain, magkakaroon ka pa ng kaalaman,
matitigok ka kakaiba na iyon maaari nagiging part na lang iyon
pero hindi iyon ang (main)purpose lang bakit inilagay roon iyon.

Basa tayo..
Genesis 2:9
At pinatubo ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat na punong
kahoy na nakalulugod sa paningin, at mabubuting kanin; gayon
din ang punong kahoy ng buhay sa gitna ng halamanan
, at ang
punong kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama.

Meron klase ng punong kahoy roon na nakalulugod sa paningin
meron naman mabubuting kanin, tapos nandoon rin yong punong
kahoy ng buhay, at gayon rin yong pagkakilala ng mabuti at masama.

Ang bawat ginawa ng Dios ay para sa ikabubuti ng tao.
ganito ang nasusulat..

At nalalaman natin na ang lahat ng mga bagay ay nagkakalakip
na gumagawa sa ikabubuti ng mga nagsisiibig sa Dios, sa
makatuwid baga'y niyaong mga tinawag alinsunod sa kaniyang
nasa. - Romans 8:28

At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan
ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. - Genesis 2:15

Inilagay roon iyon kasi may buting idudulot yon sa tao halimbawa
sabi mo display diba mabuti? Saan mabuti ang display? Sa mata.
Para kanino? Sa tao; lahat ng bagay na mabuti na meron yon papunta
yon sa tao.
Pero halimbawa mabuti man ang diplay lason naman subok mong
kainin mabuti rin kaya?

Yon inilagay roon iyon para sa tao sa naiintindihan ko batay sa
itinuturo ng Biblia may beneficial factor yon sa kanila. Punong
kahoy yon hindi inilagay yon sa gitna pa ng halamanan
pagkatapos nagbubuga ng lason at saka ilalagay yong tao.

Kaya lang may bawal patungkol roon huwag kakainin.
Halimbawa lotion mabuti sa balat. Pero di mabuting gawing ulam.
Ang maiintindihan mo roon kung mabuti kang nag iisip may
dahilan bakit doon inilagay iyon. At gayon din nasubok ang tao.

enzoy90 said:
2. Bakit binigyan daw ng free will ang tao ay may restriction naman? Ayaw ba ng diyos na maging matalino rin ang tao? Ayaw ba niya na matutunan ng tao kung ano ang tama o mali?

Bakit binigyan ng free will ang tao ay may restriction naman?
Actually wala namang restriction eh ang may restriction lang
o pinagbabawal eh yong paggawa ng kasamaan. Gusto mo ba
isama sa freewill mo eh yong paggawa ng kasamaan, ng kamalian?

Ang ibig ba eh walang bawal? Katangahan yon. Asan ang pag ibig?
Sa pag ibig may bawal. Dapat mong maintindihan iyan. Subok mong
mag mahal na walang bawal lahat pwedi maganda ba?
Pero hindi ba pwedeng magmahal na may kalayaan?
Pwede; pwera na lang kung bobo ang mag iisip di talaga pwede yon
bobo eh.

Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag
lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay
kadahilanan sa laman
, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay
mangaglingkuran kayo
. - Galatians 5:13

Ngayon may mga tao gusto isama sa freewill nila yong paggawa
ng masama. Ganito naman ang sabi ng Dios kung iyong
piliin ang paggawa ng kasamaan..

Deuteronomy 30:19
Aking tinatawag ang langit at ang lupa na pinakasaksi laban sa
inyo sa araw na ito, na aking ilagay sa harap mo ang buhay at
ang kamatayan, ang pagpapala at ang sumpa;
kaya't piliin mo
ang buhay, upang ikaw ay mabuhay, ikaw at ang iyong binhi;

Ano ba ang pinili mo? Kung iyong piliin ang kamatayan natural
kamatayan nga. At buhay kung buhay nga.
So yon dapat alam rin natin iyon baka kasi ang alam lang
natin freewill kalayaang pumili na basta parang ganun lang
tulog sa pansitan na ang alam lang eh basta pumili lang siya.

Naisip niyang iuntog ang ulo niya sa pader eh masakit pala
di niya kasi inisip kung ano ba ang idudulot noon.
Kaya dapat tayo ganun wag ta tanga tanga lalong lalo na
sa paggawa ng kabutihan wag tayong maging bobo.
Binigyan ka nga ng freewill di mo naman alam gamitin eh sayang
lang.
May kakayahan tayong piliin ang gusto natin pero dapat
alam rin natin kung mabuti ba ang idudulot noon sa atin
o sa ating mga kapwa.

Ayaw ba ng diyos na maging matalino rin ang tao? Ayaw ba niya na matutunan ng tao kung ano ang tama o mali?

May mga nilikha ang Dios nang una bago pa ang mga tao.
Gaya ng anghel, ang mga ito ay may kaalaman tungkol sa
kasamaan at kabutihan sa tama at mali.

Ngayon nilikha ang tao pagkatapos ginawa sa alabok pa
nagmula. Eh ang lupa larawan ng kababaan tungtungan ng
paa. Kung nag iisip tayo may kahulugan iyon eh ang anghel ginawa
mataas bakit ang tao ng gawin gawa sa alabok tapos wala pang
alam sa tama at mali.

Isang bagay nga na iniisip ng mga tao. Pwede naman palang
ganito ganoon eh bakit hindi ganon? Maraming nag iisip,
nagdududa pero bibihira lang ang nakasusumpong ng sagot.

May mga bagay na akala natin mabuti ayon sa sarili nating
paghatol. Subalit yong pag aakalang iyon eh isa lang palang
palpak.

Talaga bang ayaw ng Dios na ang tao eh matuto?
Kung totoo na ayaw ng Dios na ang tao eh matuto
sana tao na lang tayo na walang utak.

Pero kaya tayo binigyan ng utak na lalong magaling
kesa sa mga hayop kasi ano para.. maging bobo!?
Hindi. Kasi gagamitin yon para kapag dumating ang pagtuturo
meron kang utak na paglalagyan noong mabuting kaunawaan na dapat
mong matutunan. Na siya namang gagamitin mo sa araw araw
na itatawid mo naman sa iba.

Ngayon lahat ba ng kaalaman na nalalaman mo ngayon
nararapat ba na itawid lahat sa bata? Hindi.
Kung paanong ang pagkaing matigas ay hindi dapat
ipalamon sa isang sanggol gayon din sa pagtuturo
may bahagdan. Grade 1 2 3 4 ... Hindi agad agad
Doktor na.

Siyempre ibig rin ng Dios na matuto ang tao.
Sa umpisa pa lang ng utos nagtuturo na eh.
"Huwag mong kakainin".

Ipinapasok na ang hindi dapat at dapat.
Ito kapag kinain mo mamatay ka, so di dapat
kainin. Oh ito naman mabubuting kainin.

At sa bagay rin na iyon sinubok sila. At doon
nilagyan rin ng kamatayan bilang pag ibig ng Dios
sa tao.

enzoy90 said:
Bakit nagsinungaling ang diyos na mamamatay daw sina Adan at Eba kung kakain sila sa bunga ng anuman sa dalawa? Pero hindi po sila namatay di ba (literally, ewan ko lang spiritually)?

Basahin muna nga natin..

Datapuwa't sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay
huwag kang kakain; sapagka't sa araw na ikaw ay kumain
niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.
- Genesis 2:17

Anuman sa dalawa? anong dalawa?

Nagsinungaling? Hindi namatay?
Nasaan na sila ngayon? Wala na, patay na.
Sabi sa kanila ng Dios mamamatay sila namatay nga.

Pero aantayin ko ang talagang tanong mo patungkol rito.

enzoy90 said:
4. Bakit parang egotistical yata ang diyos nyo:

Mali ka lang ng iniisip. Gusto ko sanang sagutin pa kaso
ang katotohanan nararapat lang ibigay sa tao na naghahanap
talaga ng totoo. Gusto mo nang totoo? Hindi basta basta yon
hindi iyon madaling makita.
Sa mga unang sagot namin halos nandoon narin ang paraan
para makita mo ang sagot sa huli mong tanong.

Kasi nabasa ko yong ilang mga post mo gaya ng mga nauna
kunwari naghahanap raw sila ng totoo pero kita naman na
sa labi lang ang mga salita at hindi katotohanan.

Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at
magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may
kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't
silang pantas ay mangakakaunawa.
- Daniel 12:10
 
Last edited:
^^Maraming salamat po,sir. For the record, sagot lang ang hanap ko. May punto ka naman sa mga sagot mo. Follow-up ko lang po.

For number 3, ang pagkain ba nila ng bunga ng tree of knowledge of good and evil ay directly na naka-affect para mamatay sila? Bakit nasabi ng diyos ang ganoon threat?

Pakisagot po yung number 4. Huwag kang mag-alala sagot at katotohanan LANG talaga ang hanap ko.
 
@enzoy,

did God purpose for free will to be without limits? Imagine a busy city without any traffic laws, where everybody could drive in any direction at any speed. Would you want to drive under those conditions? No, that would be traffic anarchy and would surelyresult in many accidents.
So too with God's gift of free will. Unlimited freedom would mean anarchy in society. There have to be laws to guide human activities. God's Word says: "Behave like free men, and never use your freedom as an excuse for wickedness." ( 1 Peter 2:16 , JB ) God wants free will to be regulated for the common good. He purposed for us to have, not total freedom, but relative freedom, subject to the rule of law. Whose laws were we designed to obey? Another part of the text at 1 Peter 2:16 ( JB ) states:"You are slaves of no oneexcept God." This does not mean an oppressive slavery, but, rather, it means that we were designed to be happiest when in subjection to God's laws. ( Matthew 22:35-40 ) His laws, more than any laws devised by humans, provide the bestguide. "I, Jehovah, am your God, the One teaching you to benefit yourself, the One causingyou to tread in the way in which you should walk."— Isaiah 48:17 .
At the same time, God's laws allow for great freedom of choice within their boundaries. This results in variety and makes the human family fascinating. Think of the different types of food, clothing, music, art, and homes throughout the world. We surely prefer to have our choice in such matters rather thanhave some other person decide for us. Thus we were created to be happiest when subjectto God's laws for human behavior. It is similar to being subject to God's physical laws. For instance, if we ignore thelaw of gravity and jump off a high place, we will be injured or killed. If we ignore the internal laws of our body and stop eating food, drinking water, or breathing air, we will die.
As surely as we were created with the need to submit to God's physical laws, we were created with the need to submit to God's moral and sociallaws. ( Matthew 4:4 ) Humans were not created to be independent of their Maker and be successful. The prophet Jeremiah says: "It does not belong to man who is walking even to direct his step. Correct me, O Jehovah." ( Jeremiah 10:23, 24 ) So in every way humans were created to live under God's rulership, not their own. Obedience to God's laws would not have been burdensome for our first parents. Instead, it wouldhave worked for their welfare and that of the entire human family. Hadthe first pair stayed within the limits of God's laws, all would have beenwell. In fact, we would now be living in a wonderful paradise of pleasure as a loving, united human family! There would not have been wickedness, suffering, and death.
 
Re: Gusto Mo Bang Malaman
ang Katotohanan?

Opo may malasakit ang Diyos sa atin Sya po ay namatay sa krus para tubusin tayo sa kasalanan. Dumaan ang tsunami at malalakas na lindol sa Japan at nadamay ang mga karatig na mga bansa pero look beyond sa ating bansa hindi sya naapektuhan at nanatiling safe geographically speaking Philippines is very near to Japan. Lastly, God is always been there for each and everyone of us here in Earth, tayo lang ang hinihintay Nya na lumapit sa Kanya. Make sure you have faith when you request something in our God, because God can do anything, once you request something to Him be faithful that it will happen and do not be hesitated. Know the real meaning of faith. Try to check for the Bible verse Hebrews 16:1-6 (All about faith in GOd).

Matatapos pa kaya ang digmaan at pagdurusa?
Wars and all the crises that's happening today are all Biblical, and they are done by Satan. Those things happen only for the one reason. Nakakalimot na po kase ang tao sa Diyos gusto lang ng Diyos na maaalala natin Sya kapag nahihirapan tayo. Dito po pumapasok kung sino po ang para kay Satan at para sa Diyos. Kase ang tao once na nahihirapan na Diyos ang sinisisi which is definitely wrong. Walang masamang gagawin sa atin ang Diyos all negative things are created by Satan. Dito po ulit pumapasok ang faith, we are tested by God kung hanggang saan tayo, kung hangang kelan tayo mananampalataya sa kanya at kung kelan tayo lalapit sa Kanya.

Ano ang nangyayari sa atin kapag tayo¡¯ynamatay?
Very simple if we passed the rules of our God we are going to heaven, if not hell.

May pag-asa ba ang mga patay?
Opo kase once na mamatay po tayo katawang lupa lang po natin ang namatay. Our soul is still alive, ang pag-asa natin eh depende po sa performance natin nung naa lupa pa po tayo. If we done good sa langit po ang punta ng ating soul, if we didn't passed, impeyerno po!

Anong panalangin ang pinakikinggan ng Diyos?
Once again FAITH po ulit. Ano nga po ba ang faith? Faith is pananampalataya, or paniniwala sa mga bagay na hindi nakikita, definitely madaling sabihin pero mahirap gawin. A prayer with faith in God will definitely be answered. Check Hebrews 16:1-6 for more anwser.

Paano kaya magiging maligaya ang buhay ko?
God never wanted us to suffer! Sya po ang Diyos ng Kaligayahan at Diyos ng Pag-ibig. He always loved us, tayo lang po minsan ang nakakalimot sa Kanya. Have a life centralized to our God, next family, friends and other people. we dont have to have it all,just sa simple life with God is enough to make a happy living.
 
Last edited:
Re: Gusto Mo Bang Malaman
ang Katotohanan?

Eto po sagot dian, download niyo nalang yung mp3 below. Thanks.
 
Attachments

  • la_E_07.mp3
    3.2 MB
Re: Gusto Mo Bang Malamanang Katotohanan?

Healthy discussion lang po hindi po ako nakikipag debate. At wala rin po akong masyadong alam sa bibliya kaya praktikal ang tanong ko.

1. Bakit noong ginawa ng diyos sina adan at eba ay naglagay din siya ng puno ng karungungan ng tama at mali at ang puno ng buhay ngunit hindi niya sila pinahintulotang kumain? Para po ba iyon sa mga hayop? O for display purposes lang?

2. Bakit binigyan daw ng free will ang tao ay may restriction naman? Ayaw ba ng diyos na maging matalino rin ang tao? Ayaw ba niya na matutunan ng tao kung ano ang tama o mali?

3. Bakit nagsinungaling ang diyos na mamamatay daw sina Adan at Eba kung kakain sila sa bunga ng anuman sa dalawa? Pero hindi po sila namatay di ba (literally, ewan ko lang spiritually)?

4. Bakit parang egotistical yata ang diyos nyo:

Marami pa po akong question na gusto ko ng totoong kasagutan at hindi debate.

makasingit nanga po:

una po wag sana natin isipin na ang dios ay gagawa ng isang bagay na walang kabuluhan hindi naman po kase nonsence ang dios at ang lahat ng bagay sa mundo ay iniukol yan lahat sa tao dahil sa tao kaya iyan ginawa .
huwag po tayo na mag duda na binigyan ng dios ng freewill ang tao kaya nga nagagawa mong itanong ang mga bagay na yan e, hindi ko alam kung ikaw ay ateyista o hindi lang naniniwala biblia
at hindi po nagsinungaling ang dios kay adan at eva, hindi mo lang naintindihan ang yung talata ng biblia, namatay po si adan at eva nung kumain sila ng ipinagbabawal na kainin, kaya lang hindi pisikal na kamatayan kundi espiritwal nakamatayan ung dinanas nila, yun kasing pag saway mo sa dios ay gaya yun ng pagiging malayaw at ganito ang sabi biblia sa mga malalayaw:
1Tim 5:6 Datapuwa't ang nangagpapakabuyo sa mga kalayawan, bagama't buhay ay patay.
bagaman buhay sila pisikal, patay naman sila espiritwal
at hindi po ilogical ang dios, lagi po siyang logical at napansin ko po sa mga tanong mo na ikaw ay faultfinder, at ang maipapayo ko lang sayo kung gustu mo, e huwag yung mga mali ang hanapin mo, actually hindi naman mali iyon mali lang yung pagkaunawa mo gaya ng nakasulat sa: Proverbs 8:8 Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran; walang bagay na liko o suwail sa kanila. 8:9 Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa, at matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman. 8:10 Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak; at ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto. 8:11 Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi; at lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya.
 
Back
Top Bottom