Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

ANG IMPIYERNO AY TOTOO ?

armz71

 
 
The Eternal Symbianizer
Advanced Member
Messages
5,832
Reaction score
512
Points
228
Space Stone
Mind Stone
Power Stone
Reality Stone
Soul Stone
Time Stone
ANG IMPIYERNO AY TOTOO ?

I. Ilang Paniniwala ng Mga Tao Tungkol sa Impiyerno

  1. Ang impiyerno ay nararanasan na sa iyong pamumuhay dito sa lupa.
  2. Dahil ang Diyos ay mabait, di Niya kayang ilagay ang isang tao sa impiyerno.
  3. Wala talagang impiyerno, ito’y kathang-isip lamang.
II. Ang Sinasabi ng Bibliya Tungkol sa Impiyerno
  1. Ito ay lugar ng walang hanggang pagkahiwalay sa Diyos (2 Tesalonica 1:8,9)
  2. Ito ay lugar ng kapamakan at kamatayan. ( Juan 3:16; Pahayag 21:8)
  3. Ito ay lugar ng walang hanggang kaparusahan at kahirapan (Pahayag 21:8)
  4. Dito ay parurusahan magpakailanman ang diablo o si satanas at ang kanyang mga kampon at ang lahat ng hindi sumampalataya sa Panginoong Jesus. ( Pahayag 20:10; 21:8)
  5. Ang mapupunta sa impiyerno ay hindi na puwedeng ilipat pa ng kinalalagyan.
  6. Inilarawan ito ng Panginoong Jesus sa Lucas 16:19-31
  7. Hindi nais ng Diyos na ang sinumang tao ay mapahamak. (1Timoteo 2:3,4)
III. Nabigay ang Diyos ng Paraan Upang Tayo ay Hindi Mapunta sa Impiyerno
  1. And tanging dahilan kaya ang isang tao ay pupunta sa impiyerno ay ang kasalanan. (Roma 6:23a – ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan o pagkahiwalay sa Diyos magpakailanman)
  2. Ibinigay ng Diyos ang Kanyang bugtong na Anak upang tubusin tayo sa ating mga kasalanan.(1 Juan 4:10; Isaias 53:4-6)
  3. Kailan nating sumampalataya sa Panginoong Jesus at tanggapin na ang Kanyang sakripisyo ay para sa atin, upang tayo ay hindi mapahamak (mapunta sa impiyerno) at magkaroon ng buhay na walang hanggang. (Juan 3:16; Roma 6:23)
  4. Kailangan nating isuko ang ating sarili at tanggapin ang Panginoong Jesus bilang tanging Panginoon at Tagapaglitas ng ating buhay upang ma-enjoy ang libreng kaloob ng Diyos na buhay na walang hanggan sa piling Niya. (Roma 6:23;10:9-11)
Aplikasyon:
Ikaw ang magpapasya kung saan ka permanenteng mananatili ng panghabang panahon, sa langit ba o sa impiyerno. Ang desisyon ay dapat mong gawin ngayon pagkat di mo alam ang magyayari mamaya o bukas. Pag tayo ay namatay, ang ating haharapin ay ang hukuman ng Diyos.(Hebreo 9:27). Handa ka na ba?
 
Back
Top Bottom