tama ka sir
![Smile :) :)](/images/smilies/smile.gif)
plano ko talaga bumalik sa pag-aaral ng BS Accountancy pagkatapos ko nitong BSBA.. Ito kasi pangarap ko, na maging CPA..
tsaka gusto ko ipamukha sa mga taong nagsabi na hindi ko kakayanin ang accountancy na NAGKAKAMALI sila.. kahit TAMA nga sila dahil lumagpak ako.. pero hindi pa naman huli ang lahat, bawi2 din next time
![Smile :) :)](/images/smilies/smile.gif)
haha
marami kasi tao dito sa amin nuon na hinusgahan agad ako, na hindi ko daw kakayanin ang accountancy kasi mahirap daw yun, ginusto kong patunayan na nagkakamali sila, pero parang tama nga pala sila.. pero, gagawin ko ang lahat para matapos ko ang Accountancy, napamahal na sa akin ang accounting kahit hanggang Partnership & Corporation lang ako..
Sabi ng Chairman ng Accountancy program ng University namin sa akin, hindi raw namin ma intindihan na ang ibig sabihin kapag hindi mo na abot ang cut-off grades para maka proceed ay isang patunay na MAS MAHIHIRAPAN kami sa mga higher accounting..
well, marahil tama nga sya.. pero ang masasabi ko naman ay,
walang mahirap sa taong determinado.. MADADAPA KA MUNA BAGO KA MATUTUTONG MAGLAKAD.. kahit mahirap ay kakayanin ko..
Kapag mabibigyan ako ng 2nd chance para mag aral ng BS Accountancy, pangako ko sa sarili ko na iiwasan ko na ang mga bagay na naging dahilan ng paglagpak ko ngayon.. HINDI KO HAHAYAAN NA ANG KATAMARAN KO ANG MAGIGING HADLANG SA MGA PANGARAP KO
kaya kayong mga hindi pa nasisipa sa program jan, LABAN LANG NG LABAN!