Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpipintura ng car or motorcycle

Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

i-wet sand mo lang ng #400 pagkatapos ay spray mo yung desired color mo. after ma spray ang base color ay isunod na ang top coat clear. mga 3-4 layers lang pati sa top coat clear. acrylic paint ang bilhin mo.

eto mga need:

1 pint base color acrylic
1 or 2 quarts acrylic thinner
1pint top coat clear (kung gusto mong maging glossy)

maraming salamat sir sa info...God Bless po...;)
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir anu magandang spray pain in can na makapit sa bakal,,gusto ko kc pinturahan ung swing arm.body ng mc ko..saka ung makina tanngal na kasi pintura..
 
para kumapit sa bakal, dapat gumamit ng epoxy primer, yan muna i-paint saka isunod ang base color. sa makina naman ang magandang gamitin ay high heat na paint, designed taglaga siya para sa mainit na temperature.
 
Salamat boss
:clap: :clap:
 
boss baric patanong naman. newbie lang po sa pagpipinta.

nakalbo na kasi clear at top coat ng oto ko, silver vios, yung trunk nya kalbo na talaga. kaya ba to ng spray paint in can? ano mga steps gusto ko kasi i-DIY para matuto din ako. saka me kapareho ba na nabibiling spray paint ang silver ng toyota?

TIA.
 
mga sir tanong ko lang saan po ba pwedeng magpa repaint ng fairing ng motor ko? tandang sora area po Q.C
 
pwede po bang paki step by step ang processing sa car painting pag practisan ko tsikot ko sana eh.

1.tanggal na kalawang at sagad na sa lata..saka ko bugahan ng epoxy primer
2.masilya
3.primer.saka lihain pakinisin.
4. body color 3 coats.
5. kailangan paba lihahin ulit ng 1000 bago bugahan ng top coat.or diretso na top coat.

after wet sanding na saka buffing

tama po ba procedure ko...
 
eto baka makatulong sa atin c/o doitcompany.com

http://doitcompany.com/customer-support/touch-up-painting-techniques/
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

Salamat boss
:clap: :clap:

YOU'RE :welcome: TOL

boss baric patanong naman. newbie lang po sa pagpipinta.

nakalbo na kasi clear at top coat ng oto ko, silver vios, yung trunk nya kalbo na talaga. kaya ba to ng spray paint in can? ano mga steps gusto ko kasi i-DIY para matuto din ako. saka me kapareho ba na nabibiling spray paint ang silver ng toyota?

TIA.

sayang naman ang Vios mo kung spray paint lang gagamitin mo. saka kung spray paint, walang saktong color na mabibili para sa Vios mo. recommended dyan ay talagang typical car painting process. kailangang mag pa mix ka ng paint para sa trunk mo, magdala ka ng sample sa paint shop ng part ng vios mo like GAS CAP DOOR, pagkokopyahan ng color. kung trunk lang, 1 quart ay ok na.

lihain mo muna buong trunk ng #400 (wet sanding)
spray mo na yung base color 3-4 coat
then pwede mo na i-deretso i-spray ang top coat clear 4-5 coat
kapag natuyo na ay saka mo i-wet sand ng #1200
ready na yan para i-rub down para kumintab

mga sir tanong ko lang saan po ba pwedeng magpa repaint ng fairing ng motor ko? tandang sora area po Q.C

alam ko may mga car painting shop dyan, yung malapit na sa commonwealth.

pwede po bang paki step by step ang processing sa car painting pag practisan ko tsikot ko sana eh.

1.tanggal na kalawang at sagad na sa lata..saka ko bugahan ng epoxy primer
2.masilya
3.primer.saka lihain pakinisin.
4. body color 3 coats. mga 5 coats ang i-spray mo
5. kailangan paba lihahin ulit ng 1000 bago bugahan ng top coat.or diretso na top coat.
after ma-spray ng 5 coats, i-wet sand mo uli ng #400, tapos spray uli ng base color ng 3-4 coats saka isunod ang top coat clear 4-5 coats, kapag tuyo na saka mo lihain ng #1000 or #1200 saka i-buff

after wet sanding na saka buffing

tama po ba procedure ko...
tama kaya lang kulang
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir mga magkano kaya ang aabutin kung ipaparepaint ko po yung fairings ng wave 100r ko at nga pala may konting crack din yun sa harapan

tama lang po ba yung 2k?
 
salamat po sa reply at maliwanag napo sa akin..

tatanong ko lang po kung gaano po.kapag po ba naka pag pa timpla na ako sa paint center ng body color.let say mica blue.
gaano po ba ung i add kong thinner.at anong brand ng thinner.kapag po ba sa isang litrong body color eh isang litrong thinner din po ba ung ihahalo ko.

at pwede po bang gamitin pa ulit ung body color na natira .after 1 week,
sa clear coat po ganun din po ba ang halo ng thinner 50/50

bale po kasi iisa isahin ko. by panel ung mga dent at gasgas ng kotse ko..araw araw ko kasi siyang ginagamit at wala akong time
i focus lahat sa pag pipintura ng tsikot ko.balak ko kasi.every week isang panel titirahin ko..

kaya by panel ang gagawin ko sa kanya..medyo sanay naman na ako sa pag buga kaso ngalang spray paint lang gamit ko ung nasa can..

kung mag papa timpla na ako ng body color hindi kaya mag bago kulay nun,after a week.
 
Idol ask lng po gusto ko sana kulayan ng white ung magz ng ko po pde po ba parang pylox type lng ung gagamitin? anu anu po mga steps idol ?
magz ng suzuki R150 Stock magz po idol .

salamat in advance po
. :thumbsup:
 
hindi ka na talo sa 2k. tiyakin mo lang na maayos at hingi ka ng warranty. dapat kasama nang ayusin ang crack, palagyan mo ng adhesive bago i-paint

salamat po sa reply at maliwanag napo sa akin..

tatanong ko lang po kung gaano po.kapag po ba naka pag pa timpla na ako sa paint center ng body color.let say mica blue.
gaano po ba ung i add kong thinner.at anong brand ng thinner.kapag po ba sa isang litrong body color eh isang litrong thinner din po ba ung ihahalo ko.

tama, ratio ng paint sa thinner usually ay 50/50, kung medyo malapot pa ay dagdag lang ng konting thinner

at pwede po bang gamitin pa ulit ung body color na natira .after 1 week,
sa clear coat po ganun din po ba ang halo ng thinner 50/50

pwedeng gamitin ang natirang paint kahit kailan basta naingatan at hindi nalagyan ng tubig or dumi. kaya dapat ingatan ang natirang paint dahil magagamit pa siya for the future at iyon na rin ang paggagayahan kapag nagpatimpla ka uli ng paint. tama, 50/50 rin ang ratio ng top coat at thinner, dagdag din ng konting thinner kung malapot pa

bale po kasi iisa isahin ko. by panel ung mga dent at gasgas ng kotse ko..araw araw ko kasi siyang ginagamit at wala akong time
i focus lahat sa pag pipintura ng tsikot ko.balak ko kasi.every week isang panel titirahin ko..

pwede yan tol, basta tandaan mo lang kung gaano kapal ng paint mo sa bawat panel, dapat pare-pareho, kung tig 5 coat lahat dapat ganun. pati ratio dapat pare-pareho din lahat.

kaya by panel ang gagawin ko sa kanya..medyo sanay naman na ako sa pag buga kaso ngalang spray paint lang gamit ko ung nasa can..

kung mag papa timpla na ako ng body color hindi kaya mag bago kulay nun,after a week.

hindi kasi gaanong matibay ang in can, mas quality yung tipikal na paint na nabibili sa paint shop lalo na kung branded. hindi nagbabago kulay kapag nagpatimpla ka kahit magtagal pa siya, unless mahaluan mo ng ibang paint ang pina mix mo.

Idol ask lng po gusto ko sana kulayan ng white ung magz ng ko po pde po ba parang pylox type lng ung gagamitin? anu anu po mga steps idol ?
magz ng suzuki R150 Stock magz po idol .

salamat in advance po
. :thumbsup:

kung wala pang paint ang mags mo, need mong i-epoxy primer muna saka i-paint ang color
liha muna mags ng #220, saka spray ang epoxy primer, tapos patuyuin, lihain ang primer using #320, paint ang color na gusto mo, mga 4 layers, pwedeng isunod ang top coat kung gusto mo, pwede ring hindi na.
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

Sir may ilan katanungan sana ako relating sa pag pintura ng sasakyan:

1. Malaki bang capital para mag tayo ng isang automotive body/paint shop?

2. Maganda ba kita sa ganung negosyo?

3. Madali lang ba makakuha ng pintor at taga latero?

4. Arawan ba sahod ng pintor at taga latero? Mga magkano po usually per day?

Thanks for any info.
 
hindi naman gaano, kung simpleng shop o talyer lang.

2. Maganda ba kita sa ganung negosyo?

maganda lalo na kung tag-araw, kapag tag-ulan ay hindi gaano, kaya dapat ang shop ay pwedeng makapag-paint kahit umuulan.

3. Madali lang ba makakuha ng pintor at taga latero?

madali kung the price is right! ang mahusay at beteranong pintor kasi ay mataas din ang talent fee maging sa latero. dyan makikilala ang shop mo kapag magagaling ang latero at pintor. hindi sa gamit lang.

4. Arawan ba sahod ng pintor at taga latero? Mga magkano po usually per day?

mas ok kung kontrata para hindi ka talo. i-mean sa porsiyento kayo mag-usap.

Thanks for any info.

you're :welcome:
 
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

Sir when you say kontrata o porsiyento pag uusapan with pintor and latero ibig sabihin per car na natapos nila? Usually ilan porsiyento po? Also, bakit po mas maganda porsiyento ang usapan kesa sa arawan? Lastly, paano po usually makahanap ng pintor and taga latero, sa pamamagitan ba ng ads sa diyaryo o pagpapaskil ng "wanted pintor & latero"?

Thanks po.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

sir las t question nalang po..para masimulan ko napo ung project ko.

ano po ba pagkakaiba ng epoxy primer sa finishing primer or ung tinatawag na pang sara ng masilya.

ang epoxy primer po kasi na nabibili ko eh ung may kasamang liqiud na parang clear coat.na inihahalo dun sa kulay grey.

o iisang klase po sila kaso ngalang dun sa finishing primer.(pang takip ng masilya) eh tinner lang po ang dapat ihalo.

maraming salamat po talaga,,post ko nalang po result ng project ko.
 
Last edited:
Re: TIPS ON CAR PAINTING.. kahit anong tanong ukol sa pagpip

Sorry for the off-topic.

May mairerecommend ba kayo na shop that can do the repainting job for my car? Yung budget friendly lang sana pero good quality.

Thanks!
 
Back
Top Bottom