Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

albert_m_francisco

Proficient
Advanced Member
Messages
225
Reaction score
1
Points
28
Philippine Stock Market: Learn a WISER and SAFER Way To GROW your MONEY!




1006040_3216320984464_2045208865_n.jpg


http://www.youtube.com/watch?v=o8xi6wlkazs

993014_668934483120258_1122948465_n.jpg


Join ka sa Facebook Group ko para mas maturuan ko ikaw: https://www.facebook.com/groups/asensofilipinostockmarket/


Frequently Asked Questions:

SCAM/PYRAMIDING ba yan?
»Kung sa tingin mo scam ang SM, Ayala, PLDT, Meralco, Jollibee, BDO, BPI, etc, malamang scam nga.. Pero HINDI po... MALAKING HINDI! Ang isang kumpanya, bago siya maging "publicly listed" company or bago pa man siya mapasama sa stock market, ito ay masusing sinusuri ng mga financial experts ng Philippine Stock Exchange, ang regulatory body sa Philippine Stock Market.

Paano mag-start?
»Bago ka magsimula, I HIGHLY SUGGEST panuorin mo muna at aralin ang 13 episodes ng Pesos and Sense: http://pesosandsense.com/the-tv-show/ para mas malinaw at mas detalyado ang paliwanagan about stock market. ARALIN muna para maintindihan at ma-manage mo ang expectations mo sa investments mo.
»Ang pesos and sense ay TV Show ng GMA aired last 2011 para i-educate ang pilipino sa stock market.

Napanuod ko na ang video paano na mag-start?
»Visit mo to: https://www.colfinancial.com/ape/Final2/home/open_an_account.asp
»Fill out ka online application form tapos print mo or download and print mo yung blank application form tapos sulatan mo. Send mo sa COL Financial thru LBC, wait for them to contact you and give your account number, fund your account w/ your P5,000 then wait for them to give your password, tapos OK na. Kung naguguluhan ka, PM mo ko, turuan kita.

Ano ang requirements?
»1 Valid ID, 1 Billing Statement

Paano kung walang billing statement na nakapangalan sa akin?
»Pwede yung bill na nakapangalan sa kapamilya mo (same surname, same address)

Paano kumita sa Philippine stock Market?
»(1) Thru Dividends - cut mo sa kita ng company. Parang commission ito mula sa company dahil stockholder ka nila.
»(2) Thru Price appreciation - over time tataas ang halaga ng stocks na binili mo. So kung nabili mo ng mura tapos over time nagmahal ang presyo at ibinenta mo ito, kita ka na.

Magkano ang kikitain ko dyan?
»Hindi ko alam dahil walang fixed na kita.
»Ang kita mo at kung gaano ka kabilis kumita ay nakadepende sa (1)performance ng company na binilhan mo ng stocks, (2)perfomance ng ekonomiya, (3)market prices.

Magkano ang kita pag may na-refer?
»WALA PO. Hindi po referral system ang Philippine Stock Market.

May possibility ba na malugi?
»Meron lalo na kung (1) sa mga hindi kilalang negosyo ka nag-invest, (2) nagbenta ka ng stocks at when the price are low
(example, crisis. Dapat pag bagsak presyo, wag ka mag-panic. Normal lang yan. Dapat nga mas bumili ka ng stocks kasi mura lang ang presyo. Eventually the market will recover naman and ang trend ng ekonomiya ay palaging pataas)

Normal lang ba na pabago-bago ang presyo ng stocks?
»Oo. Minsan mataas, minsan mababa. Hindi mo mahuhulaan kung kelan tataas or bababa. Pero ang trend naman nyan palagi ay pataas.

Pag bumaba ang presyo ng binili kong stocks, lugi na ba ako?
»Hindi.

Pag bumaba ang presyo ng binili kong stocks tapos binenta ko, lugi na ba ako?
»Oo. Kaya dapat wag kang magbebenta pag mababa ang presyo. Dapat nga mas bumili ka dahil pag nag-recover ang prices at marami kang nabiling stocks when the prices were low, malaki gains mo.

Kailangan ba P5,000 every month?
»Hindi. Pwede ka mag open ng account w/ P5,000 tapos ANY AMOUNT pwede mo i-add sa funds mo ANY BANKING DAY you want.

May maintaining balance ba?
»Wala.

Paano pag nakalimutan mo mag-deposit o kung wala kang pera for a particular month?
»Ok lang, walang kaso yun. Walang fees or charges at wala rin account closure. Depende kasi sayo kung kelan at kung magkano mo gusto mag-deposit or withdraw.

Anong stocks ang magandang bilihin?
»May mga recommended stocks for investment sa Easy Investment Program ng COL Financial. pero para mas ma-maximize ang earning potential ng pera ninyo, I suggest mag-member kayo sa Truly Rich Club (TRC) to receive exclusive Stocks Updates every month.

Ano yung Truly Rich Club?

»Ang Truly Rich Club ay isang group na binuo ni Bro. Bo Sanchez (siya yung nasa episode 1 ng Pesos and Sense). OPTIONAL lang naman ito, pwede ka mag invest sa stock market w/o TRC.
May membership fee dito P495/month. Pero sulit naman dahil sa TRC, may Stocks Update na ginagawa ang mga stock analysts nila para i-guide ka which stocks to buy or sell and at what particular time.

Ano ang advantage pag TRC member ka?

»Pag TRC member ka, mas guided ang pag-i-invest mo sa stock market. And dito gumagamit ng Strategic Averaging Method (SAM). Ito yung combination ng Peso-Cost Averaging at Trading. So kung combined ang Peso-Cost averaging, mas mataas ang magiging kita mo compared to EIP only, and mas safe ang pag-iinvest mo compared to Stock Trading only.

Paano mag-member sa Truly Rich Club para mas ma-maximize ko ang kikitain ng pera ko?
»Click here: http://asensofilipino.trulyrichclub.com/
»Scroll down, click "Philippine Residents"
»Enter nickname and email and click "JOIN NOW"
»Choose "No, I'll pass up this great offer." (But if you're willing to pay for SuperGold membership, you may click "Yes...")
»Fill out the form. (Do not choose credit card if you don't have any. But if you have one, do not select it unless you are "READY" to start investing in the stock market.)
»Just click continue.
»Copy the details. You may use this as a reference if you want to pay later when you are "READY" for the stock market.

Paano pag nagsara ang broker ko, lugi na ba ako?

»Hindi. Regulated ang participants sa stock market ng Philippine Stock Exchange, Inc. (PSE). In case magsara ang broker pwede mo makuha ang stocks certificate mo sa PSE at pwede mo ito ilipat sa ibang broker.

Ano ang advantage ng Stock Market?
»Sa stock market, sure yan na hindi scam, basta sa brokers ka lang na naka-list sa www.pse.com.ph mag-o-open ng account.
»Mas kikita ang pera mo kumpara sa kung pinatulog mo lang ito sa bangko.
»Mas nakakasigurado na lalago ang pera mo at hindi maglalaho kumpara sa mga networking sa tabi-tabi.

Ano ang disadvantage ng Stock Market?
»Volatile - o mabilis mag fluctuate ang presyo ng stocks.
»Kailangan ng PASENSYA dito dahil pang LONG TERM ito, kaya bawal sa ito mga taong nagmamadaling kumita. Tandaan ang stock market ay para sa pera mo na pang "Savings". Wag mo i-invest dito yung pera mo for your "cost of living".

Paano pag na-dedo ka?
»Yung stocks mo ay magiging parte ng real-estate mo na pwede manahin ng asawa mo or ng mga anak mo. Pwede mo rin maging ka-joint account ang asawa mo sa account mo kung gusto mo.

Kailangan ba tutok ka sa pag mo-monitor ng stocks mo?
»Hindi naman. Pwede mo i-check ang stocks mo anytime you want. Kahit nga once a month lang ok lang or kung kelan ka lang bibili ng stocks.

Ano ang kaibahan ng MUTUAL FUNDS at STOCK MARKET?
»Sa Mutual Fund, may FUND MANAGER na humahawak ng pondo mo. May mga rules siya na dapat mo sundin at siya ang nagdedesisyon kung saan iinvest ang pera mo. Siyempre, dahil expert sila at sila nagma-manage sa pagpapalago ng pera mo, less risk pero mas malaki ang charges. Kung ihahalintulad sa biyahe, nagko-commute ka lang at nagbabayad sa driver para makarating sa pupuntahan mo. Kahit ZERO knowledge ka sa stocks/mutual funds, ok lang dahil may fund manager ka.
»Sa Stock Market, ikaw ang bahala sa lahat. You make your own rules. Ikaw bahala sa kung magkano ipopondo mo at kung saan mo ito iinvest. Kung ihahalintulad sa biyahe, you drive your own car and you plan your own route para makarating sa pupuntahan mo. Risky ito KUNG HINDI KA PROPERLY EDUCATED sa stock market kasi baka magpadala ka lang sa takot mo ibenta mo lahat ang stocks mo pag nagcrash ang market. Pero kung nauunawaan mo naman ang behavior ng stocks, less risk rin ito. Investor education plays an important role.

Ano ang mas maganda MUTUAL FUNDS o STOCK MARKET?
»Ikaw lang ang makakasagot niyan kung ano ang mas maganda sa palagay mo.

May seminar ba para dito?

»Meron. pwede kayo magpa-register sa: https://www.colfinancial.com/ape/Final2/home/investor_education.asp
»Mas detalyado ang paliwanag sa mga episodes ng Pesos and Sense kumpara sa 2-hour seminar ng COL Financial. Pero maganda rin kung aattend ka ng seminar sakaling may mga tanong ka pa.
»Pwede rin kayo mag-apply ng account on the spot after the seminar.

Saang stock broker maganda mag-open ng investment account?
»#1 Online Stock Broker ang COL Financial as ranked by PSE. Performance wise, lamang siya sa ibang online stock brokers like BPI Trade and others.

Paano bumili/magbenta ng stocks, magdagdag/withdraw ng funds?
»Pag nakaopen ka na ng account, turuan kita.

Gusto ko pa matuto about stock market?
»PM mo lang ako sa facebook ko, turuan kita, marami rin ako downloadables na makakatulong sayo.

»Join ka sa group namin: https://www.facebook.com/groups/asensofilipinostockmarket/ at Check mo lang sa group files, marami downloadables dun.. Thanks
 
Last edited:
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

salamat sa info nakakatulong din ito sa mga curious na tulad ko. Basa mode muna.
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

thanks, sir
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

Ayon nakuha ko kahit papano yung idea.... About MUTUAL FUNDS or STOCK MARKET? Dun ako sa Stock market kahit risky atleast natututo.....thanks for the info ts
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

thank you sir! :clap:
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

maka dali nga dine.
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

bm muna,,pagaralan ko to pgmy time.
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

bm po
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

pasubscribe po. just in case in may tanong ako alam ko na kung sino/ anong thread ang pupuntahan :yes:
basa basa muna ako. salamat ng marami :)
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

Bookmark.... Plan ko din sumali dito....

Very informative topic..
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

thanks for the info
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

maraming salamat sir.. basa basa muna ko pero matagal ko na gusto try to eh. thanks thanks :salute:
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

maraming salamat sir
very helpful po ito
paaccept din po sa group
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

Salamat sir... mukang exciting ang pag invest sa stock market ah... daily po ba ang pagbabago ng price ng stocks??
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

ayos ito... salamat TS :D
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

Tanong pa pala... madali ba ibenta ang stocks if ever need mo ng cash agad???
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

Tanong pa pala... madali ba ibenta ang stocks if ever need mo ng cash agad???

Yes madali lang naman bumili at magbenta ng stocks.. One click lang tapos ang transaction mo.. For withdrawals naman ng fund, it will take 2-3 days before ma-credit sa bank account na nilagay mo sa withdrawal form...
 
Re: Philippine Stock Market Tutorials! Dito PINAKAMAGANDA MAG-INVEST NG PERA!!!

Salamat sir... mukang exciting ang pag invest sa stock market ah... daily po ba ang pagbabago ng price ng stocks??

Yes, every second nagpa-fluctuate ang prices..
 
Back
Top Bottom