Totoo naman po, pero hindi naman po applicable yung ganyang katwiran sa nakararami. Ang pagtatapos po ng pag-aaral ay hindi po assurance ng magandang buhay pero sa ordinaryong pilipino po fighting chance po ito dahil isa po ito sa unang hahanapin ng employer kapag naghahanap ng trabaho.I think hindi naman lahat na nakapagtapos ay matalino at maganda ang takbo ng buhay nila, at hindi naman lahat ng di nakapag tapos ay bobo at mahirap.
Hindi ko po alam kung may pinapaaral kayo pero kapag binato po sa inyo yung ganung katwiran, anong isasagot nyo? Papahintuin nyo na po ang mga kabataan natin sa pag-aaral?
Sabihin na po nating tinuruan siya ng father nya, pero at the end of the day. Magkaibang tao pa rin po sila.I think kung sa experience lang ang basihan mas qualified si BBM kasi bata pa sya tinuturoan na sya ng Father niya..
Tiger of Asia ang Pinas noon sa panahon ng Marcos, ang $1 is 2 Peso ang value, so malakas ang ekonomiya ng Bansa noon.
Yung pag-iisip po na babalik ang "Tiger of Asia" days ng pilipinas dahil si BBM ang uupo is just wrong.
May mga nauna na pong anak ng presidente ang naupo, masasabi nyo po bang naging pareho ang takbo ng bansa sa panahon ni Gloria sa panahon ni Diosdado or ni Noynoy sa panahon ni Cory. Di ba hindi po? Dahil again magkaibang tao po sila, FEM Sr. will always be a different person to BBM.
At eto pong "Tiger of Asia" days, hindi po ito nakamit sa maikling panahon, tandaan po naten 20 years pong naupo si FEM compared sa mga naging presidente bago at after nya.
Hindi po ako pinanganak during po ng panahon ni Marcos, at kung ang lolo nyo po ang nagiging basehan nyo sa panahong ito, ang ibig sabihin po nun hindi pa kayo buhay or bata pa po kayo sa mga panahong ito. Pero ngayon po mas nakakaunawa na kayo sapat na po ba sa inyo ang katwiran na "sabi ng lolo ko".After 30 years bagsak na tayo at kulilat na tayo sa ibang bansa...
tsaka yang Ill gotten wealth hindi yan totoo kasi Lolo ko mismo ang nag kwento sa amin at Pamangkin niya si FEM, alam nya ang totoo
Eto po etong eto po yung isa sa dahilan kung bakit against ako kay BBM. Isipin nyo pong mabuti kung ganitong katwiran ang i aadapt ng mga kabataan natin, wala na pong mag-aaral, sa ganitong katwiran nababalewala po ang paghihirap ng mga guro at magulang na nag sasakripisyo upang mabigyan ng kaalaman at ng magandang kinabukasan ang mga kabataan.Lahat ng nababasa natin sa libro at sa internet ay isang FAKE, gusto nila agawin ang Power ni FEM noon para sila ang mag kontrol sa bansa at pahirapan ang mga Pilipino.. di ako naniniwala sa mga research, balita at sa libro, kasi yung Lolo ko mismo nagkasama sila ni FEM.
This statement is debatable pero hindi po siya yung topic.Kung wala si Duterte malamang talamak parin tayo sa corrupt at droga..
Hindi perfect si Digong pero at least na minimize niya..
Last edited: