Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Beware of job medical muna agad!!!

sa caloocan madaming ganyan lalo na sa monumento bibigyan kayo ng papel na maliit mga direct daw kuno ingat kayo puro medical agad yun wag mag papaloko mga sir/maam, salamat!
 
Company: Hartzell General Merchandise (HGM)
Address: RBMT Building Unit 302 Lot 11 5th Ave. Caloocan City

WAG KAYONG PAPAUTO DITO SCAMMER TONG MGA TO !!!

BILI DAW MUNA NG PRODUCT BAGO TRAINING, NAGUTOM LANG AKO SA PAG PUNTA DITO.

-----
Actually dapat mag papamedical na ko bukas jan buti nalang nabasa ko dito. Thanks guys! Nakakainit ng lamang loob!
"HARTZELL GENERAL MERCHANDISE"
RBMT Building Unit 302 Lot 11 5th Ave. Caloocan City
NAKO NAKO NAKO!
 
Ako nag-bayad ng around 800 sa med tapos kala mo hired na dahil submission na ng requirements pero ayun pala mag-eexam ulit then primary interview din pala sa company. Luckily natanggap nmn ako.

Ano po ba magandang gawin, puntahan ko nlng yang mga company na nireferred ng agency at mag-apply directly?
 
Ts mag apply ka na lang sa BPO industry here in TP siguradong pasok ka nyan.
 
Muntikan na rin ako niyan, Sa Stock Exchange Building at Sa may baclaran I forgot the agency pero wala na doon yung company sinara na yata :)
 
maganda tong thread na to TS..dpt merong thread ng mga listahan ng mga scam na company/direct hiring etc... share nyo lng po mga alam nyong company sa scam para maging aware ung mga naghahanap/maghahanap palang ng work..UP UP ko to..:clap::clap:
 
Sa jobstreet sila madalas makikita mag post. Buti di ako natuloy sa pro div sa shaw blvd.
 
nadali din ako sa mga kagagawan ng mga modus na ganyan dami sa manila yan tapos tatawagan nalang daw kunyari may mga kasabay kapa mag aapply mga kasabwat pala sila para magka pera lang
 
meron pa mga sir, dito sa novaliches sa tapat daw sila ng shop and ride sa general louise sa nova bayan pa-glory.. bago mag astrotel at sa itaas ng bigasan ang office nila. nakita ko sa net apply ako as factory checker, una exam tapos interview, tapos binigyan ako papel referal sa medical na accredited siguro nila, 750 ang bayad, nakaisap pa ako na baka pwde to follow binigyan ako cp no txt ko raw siya kung kelan ako pwde or may pera na.. naghagilap ako, may anak ako at need ng pang gatas pero dahil p need ko ng work nakahiram ako, ayun sumubo pa ako sa lakas ng ulan at baha dahil baka yung time na yin eh mawalan na ako ng slot. ayun medical, bayad 750 tapos bigay requirements. after may orientation dami pasakalye after nun need daw 500 para mai procces nila yung application para sa company na pagbabatohan samin, pero wala pa assurance na pasom na kami kasi pagdating dun para back to zero pa kami exam din at interview. biruin mo katarantaduhan nila. tsk tsk! ingat kayo
 
Hahaha dami na talagang mapagsamantala ngayon, magkapera lang... :rofl:
 
ako nga dito sa alabang muntik ng ma biktima ng agency bigay daw ako pam bayad sa medical any amount ???? mga manloloko sila. dapat silang ipalapa sa aso.
:ranting:
 
guys...yung MCKL Incorporation, Hartzell Gen. Merchandise na ngayon...nagapply ako at pinag memedical na nila ako sa affiliated na clinic nila worth 950 daw....ngsearch muna ako kasi confusing yung ginagawa nila, then nakita ko nga tong threads na to.....may umaksyon na dito?
 
sa alabang marami din una nag apply ako sa jobonlink wala nga sinisingil na kung ano ano may medical naman 550 bago ideploy.mag sign ng contract sa kanila may bayad pa atm..langya nag apply ako sa azz naku sangkatutak naman sinisingil exam pa lang 350 agad at medical nila 950 ..lumipat ako ng jd manpower direct company pero 500 sinisingil sa akin..nag direct ako sa company na hired ako binalik naman ako sa jobonlink dahil doon daw ako mag sign ng contract yun daw ang agency nila.mga brod advice naman igagrab ko ba yun???salamat​
 
pag ganito ang format ng email nila, baka scam.. [email protected] dami kasi akong nakita na ganyan emailat pareho ng mga details sa pag aapplyan, hawig sa mga bpo na may training, allowances etc.. sa Hart Global GenMerch ako nag apply pero di na ko pupunta
 
Late ko na nalaman ang tungkol sa site na to. Sa Novaliches bayan glori madaming scammer isa na dun ang Jinkz Manpower Services. First step nila is interview tapos bibigyan ka ng assurance na kapag nagmedical na ay sure na sure na ang trabaho. Magbabayad ka ng 100 para sa registration. Next step is medical worth 800 pesos and take note may commission pa sila sa medical dahil ang binibigay na receipt may deduction na 200. After nun iririfer ka na sa company. Pagdating mo sa company same process pa din exam and interview at dahil wala akong office experience hindi ako nakapasa. Bumalik ako sa agency dahil sabi nila kapag hindi daw nakapasa bumalik sa kanila para irefer sa ibang company. Guess what? Kailangan ko pa magbayad ng 300 pesos para irefer sa ibang company...

Sana mabasa nyo to and kung may balak man kayong pumunta sa kanila, wag nyo na ituloy!!!!
Nakakainisss!!!!
 
pasubscribed muna...thanks for making this thread
 
ngayon ko lang nakita itong thread na toh :( nakapirma na po ako ng training contract sa isa sa mga companies na nabanggit dito. pwede na kayang di ko na puntahan yung training? suggestion naman po. kasi meh mga consequences na nakalagay sa contract nila
 
Back
Top Bottom