Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

arvs0z

Apprentice
Advanced Member
Messages
58
Reaction score
0
Points
26
Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

It has come to my attention na dumadami na ang posts dito not only sa Business and Employment section pero all over Symbianize, regarding bogus job openings / ways to earn.

Before making appointments with the person, please make sure na
Checklist: Dapat may
  • May Company Name
  • May Company Address

Kung ayaw nilang ibigay yung dalawang vital data sa taas, then BEWARE. Malamang isa itong KIDNAP FOR A NETWORKING COMPANY'S ORIENTATION.

May 3 Companies ngayon na sikat at active sa recruitment ng mga tao for direct selling. DXN, Unlimited Network of Opportunities, Legacy for Life. Although U.N.O. and L.F.L. mostly targets high school and college students.

MLM (Multi-Level Marketing) o Networking ang tawag dito. In short, this is Pyramiding. Pero hindi ito scam. Ang panget lang talaga dito is they trap their clients using incomplete job details (ie "Earn 50k/month", "Students, earn P5k/week, choose your own sched!") and keep on forcing their recruits na sumali sa company nila.

Panong trap? After asking for details kung san kayo pwede mag meet, papapuntahin nila kayo sa SM Megamall (for UNO) or other places tapos magcoconduct sila ng introduction doon. WHICH BASED ON MY EXPERIENCE, LASTED AT LEAST 7 hours! Pag di ka naconvince, magpapapasok lang sila ng magpapapasok ng taong sisigaw ng "MAY KOTSE NAKO DAHIL SA UNO", etc.)
Mageendorse pa sila ng methods para makapagbayad ka sakanila like USB (Utang, Sanla, Benta) and KKK, atbp.

Maayos naman SANA to because sa case ng U.N.O., yung P7,300 na ibabayad mo, may kapalit na products na pwede mong ibenta. At marami pang perks and privileges.

Pero take note: Mali yung sinasabi nilang YOU CAN EARN UP TO P50000 / month. Unless isa ka sa mga 10 hours kung magrecruit ng bagong victim. Kung may kikitain ka, 70% nito ay UNO gift certificates para lang makabili ka ulit ng products nila na hindi masyadong patok nowadays. (ako kumikita nalang ako ng maliit sa reloading sim na kasama sa fuckage ng UNO)

AT YUNG UPLINE KO BEFORE muntik kasuhan ng isa sa mga downlines nya dahil nagresearch eto at naipaverify sa authorities na ang PERMIT NG U.N.O. FROM THE SECURITIES AND EXCHANGE COMMISSION and DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY ay for DIRECT SELLING PURPOSES ONLY. Wag kayong maconvince kung pakitaan kayo ng mga permits, di ito valid sa MLM methods nila.

Pairing? Referrals? Di alam ng government na ginagawa iyan ng UNO. If ever na maisa-legal man to, against naman ako dun sa mga pagpilit sa nabiktima.

Message ko lang sa mga ka-UNO and other networking recruiters: PLEASE, we are one family here. Huwag natin i-advertise ang MLM Companies natin dito without giving out complete details kasi marami ang nadedeceive. Maawa kayo sa ibang nagdala pa ng mga papeles at nag-business attire pa tapos papauntahin nyo sa 7-HOUR LONG ORIENTATION nyo na puro pekeng sigaw ng "WOW ANG LAKI NG KITA!", "GRABE TALAGA!", et cetera.. Dun lang tayo sa mga may gusto talagang mag venture into this kind of business.

Please guys maawa kayo. Ako naaawa na sa mga nirecruit kong wala nang kinikita at eto nalang siguro ang magagawa ko para makabawi.

Di ako bitter sa U.N.O. kahit P2,000 + 1 bottle of Glutathione tablets lang bumalik sakin. Pero yun lang, ayokong may dinadamay pa silang ka-symbianize.

WATCHLIST
Unlimited Network of Opportunities (UNO) - Offices at Ortigas, Pasig and Cebu
Legacy for Life (LFL) - Main office at Ortigas, Pasig
Herbalife - Head office at Makati City
Frontrow - Head office at Tomas Morato, Quezon City
Royale Business Club - Head office at Quezon Ave., Quezon City
AOWA - In various shopping centers / branches nationwide
 
Last edited:
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Nice thread! :-)
Now i am aware about networking..
I have heard of this things before but this is the first time wherein it was really elaborated.
Thanks. :-D
 
Last edited:
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

I've been to megamall for just once sabi nila for part time job. Kailangan mo maginvest then magrecruit ka or invite ka para makinig sa orientation at kailangan active ka din ibig sabihin magdadala ka ng tao na sasali. Im talking about UNO as usual magaganda ang mga sinasabi nila na kikita ka ng 3-5k a week or 50,000 a month it depends pa din sa narecruit mo na sumali then recruit na walang katapusan. Actually, di pa ko sumasali at all. Hirap din ng papunta pabalik para makapaginvite ka lang kung walking distance pa eh di ok pa.
 
Thanks po for reading. Anyway mas marami pang info ang mabibigay sainyo ng U.N.O. or L.F.L. members kung willing nyo talaga mapagaralan. PERO dun lang po kayo sa trusted friends nyo (if ever may member) magtanong. Yung tipong di kayo irerecruit :D

I've been to megamall for just once sabi nila for part time job. Kailangan mo maginvest then magrecruit ka or invite ka para makinig sa orientation at kailangan active ka din ibig sabihin magdadala ka ng tao na sasali. Im talking about UNO as usual magaganda ang mga sinasabi nila na kikita ka ng 3-5k a week or 50,000 a month it depends pa din sa narecruit mo na sumali then recruit na walang katapusan. Actually, di pa ko sumasali at all. Hirap din ng papunta pabalik para makapaginvite ka lang kung walking distance pa eh di ok pa.

THIS IS WHY PEOPLE HATE THEM :ranting: umaasa yung tao na part-time job talaga ang papasukan mo. Alam nyo yun, yung decent work, may company, may building/office... Just to find out na yung pinuntahan mo eh para sa bagay na di ka naman talaga interesado. Yup, sobrang ganda nga ng pag-intro nila sa company nila. Like what you have said, 3-5k a week daw kikitain, etc. Pero upline ko na mismo nagsabi na kung makaabot ka ng 50 pairs, saka mo lang mararamdaman yan. I have no idea kung para lang ma-urge pa kaming mag recruit or that's the fact.

Saludo naman ako dun sa mga networking companies na nageendorse ng products (like gano excel, 1st quadrant, avon, fuller life, boardwalk, Marikina shoe exchange, etc.) kasi dun kikita ka talaga (uyy parang commercial lang ng avon:lmao:) kasi in demand at di nawawala sa uso products nila like sandals and shoes, Fissan (pulbo ng may bungang araw haha), cosmetics, etc. di ka man kumita sa referrals, nabawi mo naman capital mo sa nabenta mong products nila. AT hindi sila kumikidnap para marecruit. NOT LIKE THIS U.N.O. IDI*TS
 
Last edited:
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

na biktima na rin ako nito dati..may binibigay sila na leaflets sabi "want to earn 30-50 thousand a month part-time fulltime positions available" tapos sa baba nilagay nila ang address at time kung kelan ang orientation..ang formal ko pa nun kasi sabi work nga eh..nung pagpasok ko sa establishment, herbalife lng pala, ang formal ko pa nman..nung nakita ko yung ngorient sa amin parang gusto ko syang suntukin :hit:..ngexpect ako na trabaho yun pala mlm lng pala..sa mga ngrecruit jan na kelangan pang dalhin sa isang lugar, dapat inform nyu yung ni recruit nyu na mlm lng yan, may iba pa jan na dun lang sasabihin sa establishment yung invitation nya para siguro ma intriga yung ni recruit nila.
 
tsk, tama ka kuya. madami talagang nasasayang na oras yang mga MLM companies na yan. Tsaka for sure naman meron dyang interested sa networking business eh. Bakit ayaw nilang sabihin ng diretsahan kung ano yung inooffer nila? Need pa nila gumamit ng Part-time/Full-time terms? hay.

So ngayon, dagdag na sa watchlist natin ang HERBALIFE. Meron naman akong natanggap na PM about 2 other MLM companies. First, yung Frontrow. Di ko akalain na ganito din pala ang modus nito (kumikidnap) kaya akala ko safe tong company na to. Pero since gumamit nadin sila ng UNO style. WATCHLIST KAYO:ranting:

Second, Royale Business Club. Eto tumbok nito OFWs. Akala ko din safe to, hindi kumikidnap pero ayun. Watchlist nadin natin.

Watch out din sa AOWA and sa mga nasa gitna ng malls na nagtatanong ng "Sir, may credit card na po kayo?" MLM company din yan for sure
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Waaahh.....

muntik nako dun sa "royale business club",
yun kasing ka trabaho ko dati pinipilit ako mag member, buti nalang di ako pumayag.
Naisip ko kasi parang imposible yung mga sinasabi nila, saka ayaw kong makipagsapalaran sayang din kasi 12k ata membership fee dun.
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Actually sa MLM kikita ka talaga if you are willing to give-up your morals and ethics. ahahaha..

yung tipong wala kanang inisip kundi pano kumita.

@TS

ka-uno ka rin pala :D ako nung after ng mahal na araw, napag-isipan ko, HININTO ko na ung uno ko. ahahaha..dito ako sa pampanga (angeles).

habang tumatagal kasi, nawawala yung mga taong malalapit sakin, like friends, families, and even my girlfriend. DUGSH!

kumikita naman ako, mga 4-5k a week, kasama na dun yung referrals and Direct selling.kaso yun nga, mawawalan ka naman ng KAIBIGAN. ahahah yung tipong lalayuan ka,

nasa isip nila "AY! eto na si ganito ganyan, malamang kukumbinsihin nanaman tayo nyan sa UNO."ahahaha...

ayun..wala rin palang pinag-kaiba sa pagttrabaho sa call center. (i was a call center agent)

mas mabuti pa nga sa BPOs stable ang sahod, i mean 15/30 may sweldo ka, and nageenjoy kapa sa mga kausap mong americano ahaha..eh sa MLM??? dugsh!! POWER! ahahah

anyways, nitong nakaraang month eh nabalitaan ko na yung mga uplines ko sa UNO eh lumipat nanaman ng company!

isama mo na ang USANA sa watch list. XD hehehehe

at alam mo ba ang sabi sakin, "Kung nagawa nating mapalaki ang grupo sa UNO, bakit hindi dito sa USANA?"

i was like, "AH! OK!" hahahah

anyways, sensya sa sabog-sabog kong reply ah. XD

kayo na bahalang umintindi XD
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Yung ALIVE na gamot scam din po ba yun?
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

Yung ALIVE na gamot scam din po ba yun?

ahm...actually, wala namang SCAM talaga na MLM eh...pare-pareho naman sila.

nagkaiba lang sa pamamaraan ng pagpapadami ng members. yung iba, dahil desperado, napipilitang ipagkalulo ang sarili dahil lang sa pera. ahahah

as to what you are asking, ALIVE?, parang FOREVER LIVING ehehehe..
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

ahahaha..oo nga isama nyu na yung USANA.. nirecruit din ako nyan ng fren ko sabi nya punta daw ako dun at sa time na sinasabi nya ask ako kung anung business yon sabi nya dun ko na lang dw alamin sa lugar na sinasabi nya kaya ng investigate ako sa mga common frens nmin buti nlaman ko na USANA lng pla..
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

isa ako sa nakidnap sa orientation na yan.. Actually pumunta talaga ako dun kasi gusto ko alamin kung ano ba yung pinagkakaabalahan ng pamangkin ko na nag aaral maging piloto sa PATTS.. nadisappoint ako sa palakad nila dahil kaya target nila ang mga highschool at college students dahil ang mga edad na ganito ay mapupusok at madadaling mauto.. Sinisiraan pa nila na ang edukasyon ay hindi mahalaga, diskarte lang daw ang kailangan..
Sinisilaw nila ang mga studyante sa pera..
Kidnap talaga ang term nila dun sa orientation.. Magagaling silang magsalita, maeengganyo ka talaga..

hanggang ngayon nahihirapan pa rin kami patigilin yung pamangkin ko sa pagsali dun, nasilaw na sa mga pinagsasabi nila..

UNO rin yung company.. Megamol ang orientation.. Sa tapat ng podium yung office nila..
 
Last edited:
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

ang alam ko bago pa magkaron ng UNO eh CEO muna. kasi dati ung nagrecruit samin sa CEO un din nagrecruit samin sa UNO eh. lumipat na daw siya sa uno.ung bakla. nakalimutan ko na ung name nya basta naka ford expedition na black. pinakita pa talaga sa amin dati nung sa ceo pa siya yung resibo ng mazda 3 nya. ang angas ng bading na un. hahaha! buti di ako sumali.
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

ay naku! mga guys, kung PEKE pala yung SEC and DTI ng UNO, pwede kaya tayong magreport? i mean para matigil. ahahaha..

kasama ang USANA at iba pang mga MLM na nakakabusit! ahahah XD

medyo OT:

ano po ba ang mga magagandang pambara sa mga tao sa MLM? i mean, nag-iisip ako ng mga pambara kung sakaling kulitin pako ng mga pumipilit na magsali sakin sa USANA ahahah XD
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

I'm a Networker here ^^
Pero wala dun sa Watchlist =D

Mas maganda po kung pag-aaralan nyo pong mabuti ang "Marketing Strategy" ng isang Company
Bago nyo po pasukin..

Lalo na pag sinabing P500.00/5pairs? $*(*&%%!@ Lugi ka dyan!! yung hirap mo pa sa pag-invite at pagkausap..

Sa totoo lang po, ang isang Invite po namin...
Pinapaanttend po namin ng 5x para po mas maintindihan nya ng malalim ang Negosyo..

Kung ayaw pong sumali, "I SWEAR WALA PONG PILITAN" na nagaganap..
May mga dealer talaga na sadyang makukulit pag alam nila na makakatulong talaga ito sa tao.

Sa totoo lang din po, kakaunti lang din po ang kabataan sa amin dahil tulad ng sinabi nyo, "nasisilaw sa pera"
Pero at the same time, may mga dealer na din kami na 16 and above pero di po namin kinukunsinti na mag-Full'Time sa Trabaho..

Napagdaan ko po yun...

Although may kikitain din naman talaga sa Business namin..
Priority po ng Company namin ay Health ng Tao..

Anyway, [Para di magduda]

Company Name: First Vita Plus Manufacturing Corporation/First Vita Plus Company
Main Office: Suntree Tower, Meralco Avenue, Pasig City

Ang Pyramiding po..
Paghingi ng pera sa inyo at sinasabing "tutubo" daw ito..
Pero hindi mo naman alam kung saan nagagamit ang pera...

Salamat po sa paglinaw nito.

Dahil po kasi sa ibang mapagsamantala,
naapektuhan po kami na may magandang layunin sa mga tao..
 
Another networker here. Baet ganda ung vita plus pero alam mu na ba yung supplement na "ALIVE!"? Im with aim global. Newbie lang ako pero ang ganda talaga ng product nila. Pati marketing plan ang ganda 5ways to earn. On the spot demo yung flagship product..
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

^
^
Yes! ^__^

Yung boss ng Vita Plus.. dating taga-Alive at Forever Living ^^
Tapos nag-sarili na sila ^^

Okay noh?

Samin,
5 ways Benefits
5 Power Herbs
5 Ways to Earn

^^
 
Sa dami ng laman nung alive tinatamad na ko magsabi.. Hehe.. Anyway more power sau.. Hope magcontinue pag laki ng grupo mo. Wen you get the chance try mo pa din yung alive.. Godbless!
 
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

HAHAHAHA! Ka-Uno here.

ano ang "POWER"?

nasan ang mga "POWER""PAYAMAN" effects nila!?

hahahaha. baduy talaga MLM " I SWEAR "

Why don't you try creating yer own business. like

-

1.Clothing Line
2.Mini Cafeteria
3.Sari-Sari Store

3 OPTIONS , sa number 1 ako dyan.

kung ako sa inyo. wag niyo aksayahin pera niyo sa pag sasasali sali diyan.
- like what others said " kung wala kang tyaga , wala kang nilaga. "

pero sa UNO!!!! na bwisit na yan.

" kung wala kang pera , poor ka. " tapos eentrahan ng "POWER" napaka f**k face nila! hahahahaha.

hindi ako proud na UNO ako. badtrip ako sa mga uplines ko. then isa pa. napakawalang kwenta nila.

I SWEAR.

at kahit anong MLM pa yan , wala pa din kayong mapapala dahil pare-parehas lang MLM yan. kaya if ever " ITIGIL niyo na MGA kalokohan NIYO " wala kayong i-aasenso dyan.

:thanks:

ADDED: SPARTANS po ako ,, PERO I HATE THEM! under EJ TAN , and BADETTE! - losers. amp.
 
Last edited:
Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi

UNO-member here. 2 weeks pa lang akong member pero ok naman ang kitaan.

halos lahat ng products nabenta ko na which worth almost 2k+.

tapos may direct referral na rin ako.

alam niyo guys. hindi naman namin kayo pipilitin na sumali sa UNO.

bigay ako ng scenario.
paano mo nasabing safe ang isang employee (regular/contractual) earning 10k a month. 15/30 ang sahoran. uu sige may sinasahod ka buwan buwan. eh kung mabwisit sau boss mo. at iterminate ka. safe ka ba?

eto pa guys. kahit 50 years ka na diyan sa company niyo, hanggang VP ka lang.

im working right now and part-time ko lang ang UNO. wala naman pilitan dito guys. gusto lang namin tumulong.

ako mga ini invite ko is ung mga willing lang gawin ang business. never ako nagpapunta sa office namin na ganto ang sinasabi.
"tol, shot tau kita tau sa ganto"
"tol, samahan mo naman ako, may pupuntahan akong chicks"
"tol, reunion natin, sama ka. kita tayo sa ganto"

never ko pa ginamit yang mga yan. kasi ang sa akin, kung willing ka gawin ang business. magtulungan tayo. kung ayaw mo. ok lang.

Eto nga pala details namin.
Name of Company:UNO (Unlimited Networking of Opputunities)
Location:Olongapo City.
 
Back
Top Bottom