Re: Please beware of MULTI-LEVEL NETWORKING / PYRAMIDING COMPANIES' modus operandi
mga tol para sa akin lang wag na kayo sumali dyan sa mga MLM na yan isa yang malaking KALOKOHAN!
Unang una sa lahat pag nag join ka sa MLM na yan hindi barya ang ilalabas mong pera para maging member nyan kagaya ng sa USANA 20k ata yung membership. Kayang kaya ko yang membership fee na yan pero syempre hindi ko ilalabas basta basta yung pera ko. Bakit? Ganito kasi yun maraming factor akong naiisip at naiisip din ng ibang tao ang pwedeng mangyari sa pagsali ko isang positive at lahat na halos negative eto ang positive thought ko pag sumali ako dyan.
- pwede ako maging successful maibebenta ko yung mga products magkakaroon ako ng maraming downline etc.
eto yung mga negative at alam ko mas mangyayari ito
1. hindi lahat ng iinvite ko may pera kung meron man di ko sila macoconvince basta basta. hindi lahat ng tao may talent/skill sa pakikipagusap para ma persuade ang isang tao lalo na sa mga bagay na involve na ang pera.
2. walang taong gusto magaksaya ng panahon para magbenta ng kung ano ano at maginvite at magsayang ng laway para sa isang taong hindi mo alam kung mapapasali mo o hindi. hindi ko pinangarap mag benta ng mga vitamins, pampataba, pampaganda, at kung ano ano.
3. you will lose your lifestyle with this kind of so called business DAW. bat di ka na lang mag work ng matino sa talagang profession mo at pagsikapan mong makaipon at saka ka magtayo ng gusto mong business kung sa tingin mong kaya mo. sa mga estudyante naman imbis na atupagin nyo itong MLM mag aral muna kayo wag kayo masilaw sa mga pangako na malaking kitaan dahil lahat yon ay hindi totoo.
Doon sa mga nakasali na ito ang masasabi ko
Kahit anong pagsisikap ang gawin nyo dyan sa mga MLM na yan talo pa din kayo.
May mga story ako na ganito sa mga officemates ko na sumali sa mga MLM na yan. Naging masalimuot lang ang buhay nila
Ang kwento ni Mr. Royale
Contractual pa lang sya sa office namin may chance ma regular kasi magaling hindi pasaway hanggang sa sumali sya sa isang MLM. Dito na nagsimula masira ang career nya.
Laging late ang mokong 10-20 mins.
Wala na hulog pag magtrabaho walang ka focus focus sa job puro na lang pagbebenta inaatupag
Laging absent daming palusot alam
Nag resign na lang sya sira na rin kasi sya samin eh nakakawalang gana na kung dun pa sya magttrabaho. Nag fulltime na lang sya mag MLM. Goodluck!
Sayang naawa ako sa kanya mareregular sana sya kung hindi sya nag aksya ng panahon sa MLM na yan.
Ang kwento ni ______
Laging late minsan half day na lang pano ba naman puyat kakahanap ng prospect sa Facebook at other social networking sites basta kung san may maiinvite dun nag gagala
Di na maka focus sa trabaho petiks palagi puro text habang nagttrabaho mali mali ang mga gawa nakakatamad checkan
Mahirap pakisamahan kasi tropa eh di naman nangungulit pero kasi nakakailang lang yung usapan kapag naisingit yung MLM
ayan tanginang mga kwento yan sana madala na kayo. hihintayin nyo pa ba mangyari sa inyo yang mga ganyang experience. mag isip isip kayo sayang lang pera nyo dyan sira pa career nyo maraming paraan para kumita at effective. kahit maliit basta hindi ka naman buwis career at hindi buwis buhay.
Nung ininvite yung tropa ko sumali dyan sinamahan ko sya kasama ko rin yung isa naming tropa na walang tiwala sa MLM. Yung isa naming tropa na dagit ng MLM kami hindi kasi ayaw namin talaga ni hindi kami pumasok sa loob ng office nila kasi baka mauto kami magaling sila mag persuade eh at ako madaling mauto lalo na kung babae mag didiscuss.
After nun nag research ako about sa company nila. At nabasa ko ang shocking truth na 3% lang sa members nila ang talagang kumikita. Nakakashock diba ang daming nagtatrabaho dun at nagpupursigi pero 3% lang talaga ang kumikita. Sino yung 3% na yun. How about the 97%? Ano yun? Kawawa diba?
Isang pangungusap na lang para matapos na ang post na ito.
Walang kwenta ang MLM na yan.
I love the bitterness.
But I hate the sense of this post.
-- Madalas naming sabihin sa Business and Employment Area na bago kayo pumasok sa isang MLM Company ay siguraduhin nyong napag-aralang ninyong maigi ang Company bago ka maglabas ng pera at pumasok.
-- Ang hirap sa inyo, sabihin lang na seminar o orientation, takot kayo. Dapat umattend kayo kasi yun ang paraan para malaman mo yung product at company at mapag-aralan mo kung maganda. Kapag pinilit kang sumali nang hindi mo pa napapag-aralang mabuti, FOUL na yun. Dun ka na mag-ingat. Peperahan ka lang talaga. Pero kung binibigyan ka nila ng time para mag-isip at walang pwersahan, tulong yun.. sincere yun.
-- Ngayon tulad nyan, sumali ka sa isang company na hindi naging maganda ang karanasan mo... tapos idadamay mo na ang lahat ng MLM sa buong pilipinas... hindi kaya unfair samin yun? Hindi kaya ma-discourage na rin yung mga Clients namin dito? hindi kaya masyado na tayong nagja-judge sa binibigay na tulong ng ibang tao samantalang kayo by "just using your words"... nadi-distract mo ang lahat?
-- Oo nga, matagal ng nagiging ISYU yung "GAMITIN ANG UTAK"... paano mo magagamit ang utak mo kung ikaw mismo, hindi ka marunong makinig?
-- Ayun lang
No offense sa iyo at sa ibang tao. As i've said to my previous post here, na-scam na rin ako dati... 2 times pa sa networking... pero hindi ako tumigil sa ganitong klase ng negosyo... Natuto ako, nag-aral... and i've found the one.
-- Networking is the noblest profession. Dahil dito, tinutulungan mong makuha ng mga tao ang kanilang mga pangarap. Kung maganda ang intensyon mo sa pera, ipapakita nya sayo ang kagandahan ng MLM. Pero kung hindi maganda ang intensyon mo sa pera, papapangitin nya ang itsura nito sayo. \m/
♥
At yung tungkol naman dyan sa kaibigan mo na halos nagpakamatay para lang kumita agad.
Mali siya... oo mali talaga siya.
Dapat kapag ganyang may trabaho siya at nag-networking siya... Part-Time lang dapat.
May Time Management sa kanyang Trabaho, may nakalaan na oras para sa Pahinga, may oras para sa networking.
24 hours ang binigay ng Diyos sa kanya.. Gamitin naman niya sa tama.
At ang Diyos nga, nagpahinga.. isang araw pa. Tapos siya, walang pahinga?
Naiintindihan ko kung gaano siya ka-eager na kumita kasi oo, dapat pag pumasok ka sa Negosyo..
Hangga't maari ay 100% Effort ka. pero sana, intindihin mo rin yung sarili mo.
Kasi yan ang haharap sa client eh.. Haharap ka sa prospect mo, mas puyat ka pa sa mga artista?
Haharap ka sa client mo, mas gutom ka pa sa mga palaboy?
Time Management... nasisi pa ang Networking, *^^$#^*%$ lang.
sa mga estudyante naman imbis na atupagin nyo itong MLM mag aral muna kayo wag kayo masilaw sa mga pangako na malaking kitaan dahil lahat yon ay hindi totoo.
Sa aming company, wala kaming sinasabi na "Wag ka ng Mag-Aral, mag-negosyo ka na lang"
Ang sinasabi lang namin, sa hirap ng buhay, dapat matuto na silang maging wais. Tumulong sa iba at tulungan ang sarili.
Wag umasa lagi sa iba. Dito namin ina-apply na "Sige, mag-aral ka, magtapos ka. Tapos mag-negosyo ka."
Malakas maka-chinese yan eh. haha at least, kahit hindi ka chinese, na-adopt mo yung kaugalian na yan kaya dadami ang aasenso.