Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

Mga tanong regarding INC

Status
Not open for further replies.
hahahaahaha si watawat deleted na ung ginawa niyang thread pati ung ginawa mo rin, kalokohan lang daw un..:upset:
 
Baka gusto nila eh ung mga nag aaway at saka may mga pugot ulo at katawan hubot hubad na picture saka scandal
 
Kaya ako lagi naka on line para sa patawa ni watwat ha ha ha parang sayang panahon ko dito.
 
pambihira mag kano kinita mo sa mga bading ha ha ha
 
1.Bakit registered ang INC as a business? Ewan ko lang ha, pero eto unang relihiyon na nadinig ko na registered bilang isang corporation.

Sagot:
Hindi lahat ng samahang tinawag na CORPORATION ay nangangahulugan na na business. Una ay ano ba ang pinagmulan ng salitang CORPORATION?...
The word "corporation" derives from corpus, the Latin word for body, or a "body of people".
Eh ang Iglesia ni Cristo ay "Body of Christ" sapagkat ito ay binubuo ng mga taong sumasampalataya at sumusunod sa mga utos ng Diyos na ipinangaral ni cristo..........18 And he is the head of the BODY, the CHURCH; he is the beginning and the firstborn from among the dead, so that in everything he might have the supremacy.
 
2. Totoo bang kinasuhan si felix manalo ng rape ng kanyang mga alagad sa INC?

Sagot:
Totoo subalit ito ay nadismissed sapagkat hindi nila ito napatunayan dahil ito ay pawang kasinungalingan at paninira lamang. Kung kaya hanggang ngayon ay patuloy ang pagdami ng mga kaanib nito, at katunayan ito ay laganap na halos sa buong mundo.
 
3. Sabi ng INC ang mga tunay na propeta hindi nagkakasalungat ang mga pahayag. Eh ang dami ko nabasa na pahayag at turo ng INC na contradicting mga statement. Bkt ganun?

Sagot:

Anong mga turo ang binabanggit mo na salungatan? Pakibanggit para aming masagot.
 
4. Pati ba yung pag aasawa ng dapat eh INC member lang din nasusulat sa bibliya? O paraan lang ito para makapag recruit ng mga member.. (daig pa neto networking ah, dun walang pilitan mag join eh)

Sagot:

Doon pa lang sa salitang "ITITIWALAG" ay kabaliktaran na ng paratang na "PAGPAPARAMI". Isipin mo ito kung alin ang mas higit na nag paparami... Say 100 members, ang 10 nagasawa ng hindi kapanampalataya dahil bawal natiwalag ang sampu ilan ang natira? So 90, ngayon kung hindi bawal ilan ang natira? 100 pa rin at may posibilidad pa na ang mga asawa nito ay maanib pa, sa tingin mo alin ang mas higit na nagpaparami? Ang may pagtitiwalag or walang pagtitiwalag? At nais ko lang ituwid ang paratang na "PILITAN" hindi pilitan ang pagpasok sa loob ng INC, sa katunayan now a days it takes 6 mos before ka mabautismuhan at maging ganap na kaanib sa loob ng Iglesia. Ginawa ito ng pamamahala para maingatan at matiyak na ang aanib ay talagang sumasampalataya. Kabaliktaran ito sa paninira ng mga kaibayo namin sa pananampalataya.

Ito ba ay nasa bibliya?
2 COR 6/14-15............14Huwag kayong makipamatok sa hindi mananampalataya sapagkat anong pakikipag-isa mayroon nga ang katuwiran sa hindi pagkilala sa kautusan ng Diyos? Anong pakikisama mayroon ang liwanag at kadiliman? 15Paano magkakasundo si Cristo at si Belial? O anong bahagi mayroon ang mananampalataya sa hindi mananampalataya?................ Ang Salita ng Diyos (SND)

At maging noong unang mga lingkod ng Diyos ay bawal na ang mag-asawa ng hindi nila kapanampalataya....Deut:3-4
3Neither shalt thou make marriages with them. Thy daughter thou shalt not give unto his son, nor his daughter shalt thou take unto thy son;
4for they will turn away thy son from following Me, that they may serve other gods. So will the anger of the LORD be kindled against you and destroy thee suddenly................21st Century King James Version (KJ21)

Sapagkat ito ay.... Neh 13:26-27
26Did not Solomon king of Israel sin by these things? Yet among many nations was there no king like him, who was beloved of his God, and God made him king over all Israel: nevertheless even him did women from other lands cause to SIN.
27Shall we then hearken unto you to do all this great evil, to transgress against our God in marrying foreign wives
 
Last edited:
5. Bakit pag nagbabasa ng mga bible verses, minsan di nila tinatapos buong verse para lang suportahan yung point nila.

Sagot:
Ang salita ng Diyos ay iwinawangis ayon sa pananalitang espiritu. Sapagkat ang bibliya ay hindi naman ordinaryong aklat lamang na mauunawaan ng lahat ng mga bumabasa. Kung kaya ihinanay nila ito para madaling maunawaan ng mga makikinig. Katulad na lamang ng "AHAS" na binabanggit sa aklat ng GENESIS 3:1... 1Now the "SERPENT" was more subtle than any beast of the field which the LORD God had made. And he said unto the woman, "Yea, hath God said, `Ye shall not eat of every tree of the garden'?" Sino ang binabanggit na SERPENT? Basahin man ang buong Genesis hanggang sa aklat ni Judas ay hindi makikita kung sino ang SERPENT sapagkat ito ay makikita sa pinakahuling aklat ng bagong tipan sa Revelation 20:2..... 2And he laid hold on the dragon, that "SERPENT" of old, who is the DEVIL and SATAN, and bound him for a thousand years. Kaya ganito ang pagtuturo sa loob ng INC para direktang masagot ang mga tanong at para madaling maintindihan...
 
Last edited:
6. Kelan na baptismuhan si Felix Manalo bilang iglesia?

Sagot:
Dahil ba sa hindi siya nabautismuhan ay hindi na tunay? Si Juan Bautista sino nagbautismo sa kaniya? Dahil ba sa si Juan Bautista ay hindi nabautismuhan hindi na siya tunay? Ang unang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo noon ay natalikod at pinatay ang mga nanindigan kaya hindi na natin naabutan ang tunay na Iglesia kung kaya nagsugo ulit ang Diyos ng isang pastor para ipagpatuloy ang Iglesiang itinayo ng ating panginoong Jesus. Kaya papaanong mababautismuhan ang kapatid na Felix eh siya nga ang unang kaanib sa Iglesia ni Cristo sa panahon natin ngayon...
 
9. Porke ba pinangalanan na IGLESIA NI CRISTO ang kanilang samahan, ibig ba sabihin eh sila na ang TUNAY na Iglesia ni Cristo? Eh tao lang naman si Cristo ayun sa INC. Eh bakit yun pag ang ginawang pangalan? Bakit di na lang "Iglesia ng Diyos"?

Sagot:
Bagamat tao sa kalagayan ang aming pagkakilala sa panginoong Jesu Cristo, siya ay kinikilala namin bilang:
1. PANGINOON sapagkat siya ay ginawang panginoon ng Diyos...Gawa 2:36... 36Alamin ngang may katiyakan ng lahat ng sambahayan ni Israel na ginawa ng Diyos, itong si Jesus na inyong ipinako sa krus, na PANGINOON at Mesiyas.
2. TAGAPAGLIGTAS sapagkat ginawa rin siya ng Diyos na tagapagligtas... Gawa 5:31...31Siya ay itinaas ng Diyos sa kaniyang kanang bahagi upang maging Pinakapinuno at TAGAPAGLIGTAS. Ito ay upang ang Israel ay pagkalooban ng pagsisisi at kapatawaran ng kanilang mga kasalanan.
3. TAGAPAMAGITAN sapagkat siya lamang ang tanging tagapamagitan natin sa Diyos...1 Timoteo 2:5....5Ito ay sapagkat may iisang Diyos at iisang TAGAPAMAGITAN sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Siya ay ang taong si Cristo Jesus.
Dito ay malinaw ang pagkakaiba ng panginoong Jesus sa Diyos sapagkat siya ay nasa gitna ng mga tao at ng Diyos. Isipin ninyo ito "KUNG SIYA ANG DIYOS SINO PA YONG CRISTONG NASA PAGITAN NG MGA TAO AT NG DIYOS? At isa pa nasa langit na noon ang panginoong Jesus eh bakit tao pa rin ang sabi ng apostol Pablo?("TAONG SI CRISTO JESUS") Iyan ang isa sa mga talata na nagpapatunay na siya ay nananatiling tao kahit nasa langit na siya.
Sa mga naniniwalang naging Diyos na noong siya ay umakyat na sa langit saang talata ang batayan ninyo na siya ay Diyos na noong siya ay umakyat at hanggang ngayong nasa kanan siya ng DIYOS?

Paglalarawan:

Paniniwala ng Iglesia ni Cristo:

DIYOS

CRISTO(taong tagapamagitan)

MGA TAO
----------------------------------------------------
Paniniwala ng iba:

DIYOS( Ama, Anak~Cristo, Espiritu santo)

Tagapamagitan Sino????????

MGA TAO
 
Last edited:
i really hate INC's akala mo kung sinu sila na elite persons...

akala mo mabait pero lagi naman sila nag tatalo ng ADD's...

well sana kung ano belief nung isa wag nang pakialaman nung isa...

eh kaso nagsu-sungkitan ng mga members e...

nsa tao din kasi kung sino papaniwalaan... basta ako i love being ROMAN CATHOLIC...

the religion which is not ESTABLISHED by PERSONS who has doubts in other religions...

WALANG SAPILITAN DITO... at KUNG SINO MALILIGTAS sa JUDGMENT DAY we will

N E V E R K N O W ! ! ! ... no matter how rich you are when it's your time... it is your time!!!..

:gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma:

Magaling...Magaling...Magaling...
 
Well karapatan mo yan bilang isang malayang mamamayan, pero ito ang iiwan kong tanong sa iyo... Kung nakita mo ba ang mukha ng kaibigan mo na may dumi, di mo ba ito pupunahin?
 
Tanong ko lang bakit hangang ngaun ay hindi humaharap ng Debate sa TV ang kahit isang Manalo kay Ginoong Eli Soriano ng itoy hamunin ng ng isang maginoong Debate sa Television?

At ng mapanood ko sa TV ang sagot ng mga ministro ng INC ay labanan muna ni Ginoong Eli Soriano ang Papa sa Roma at saka lalabanan ng Debate kay Manalo eh sa mga oras na iyon ay naghihingalo na Papa sa Roma ng mga panahon na iyon, anu un "scape goat"?

The INC should face the Debate with ADD on LIVE TV Broadcast to finish it once in for all.

PAra malaman na ng boung mundo kung anong kalsing aral ang ipinaglalaban ng bawat isa.

Saka bakit wala kayong programa sa TV LIVE para makapagtanong ang mga tao?
 
i really hate INC's akala mo kung sinu sila na elite persons...

akala mo mabait pero lagi naman sila nag tatalo ng ADD's...

well sana kung ano belief nung isa wag nang pakialaman nung isa...

eh kaso nagsu-sungkitan ng mga members e...

nsa tao din kasi kung sino papaniwalaan... basta ako i love being ROMAN CATHOLIC...

the religion which is not ESTABLISHED by PERSONS who has doubts in other religions...

WALANG SAPILITAN DITO... at KUNG SINO MALILIGTAS sa JUDGMENT DAY we will

N E V E R K N O W ! ! ! ... no matter how rich you are when it's your time... it is your time!!!..

:gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma::gma:

Magaling...Magaling...Magaling...



HEHEHEHE Dre,.,.,.,Nasa tao na ang pamimili kung saan siya sasama. Di na kailangang magsungkit pah :rofl::rofl:

May kalayaan tau para pumili ng mabuti at masama.
 
6. Kelan na baptismuhan si Felix Manalo bilang iglesia?

Sagot:
Dahil ba sa hindi siya nabautismuhan ay hindi na tunay? Si Juan Bautista sino nagbautismo sa kaniya? Dahil ba sa si Juan Bautista ay hindi nabautismuhan hindi na siya tunay? Ang unang mga kaanib sa Iglesia ni Cristo noon ay natalikod at pinatay ang mga nanindigan kaya hindi na natin naabutan ang tunay na Iglesia kung kaya nagsugo ulit ang Diyos ng isang pastor para ipagpatuloy ang Iglesiang itinayo ng ating panginoong Jesus. Kaya papaanong mababautismuhan ang kapatid na Felix eh siya nga ang unang kaanib sa Iglesia ni Cristo sa panahon natin ngayon...


brother si juan bautista hindi sakop ng panahon ng cristianismo..
kaya hindi talaga siya mababautismuhan.

paano naanib si ginoong felix manalo? yan ang malaking tanong.
ang hindi kaanib sa iglesia ni cristo sintensyado sa apoy, ayon yan kay eranio manalo. sinentensyahan nya yung tatay nya.. :lol:


wala ka mababasa na nawala yung tunay na iglesia sa biblia.
ibig mo ba sabihin eh nagkaron ng panahon natalo ang Dios sa masama?
 
lost boy malamang sa apoy nga kasi pag hinid kaanib sa kanila ay sentisyado na sa apoy hahahahahahaha kasali du si Felix Manalo lost boy,.,.:slap:
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom