- Messages
- 300
- Reaction score
- 0
- Points
- 26
straight to the point ko na po. nag break kami ng ka live in ko 1 and half year na kami magkasama sa bahay, ang pinaka naging problema namin ay ang katamaran nya. nag working student ako tapos sya sobrang tamad sa bahay at laging absent sa work, lagi nalang may nasakit pag tinatamad pumasok. ngayon graduating nako, nakipag break ako sa kanya. hindi ko alam kung tama ba tong naging desisyon ko. nakipag break ako dahil WALA SYANG PANGARAP SA BUHAY. yan lang ang pinaka point ko. feeling ko ako lang mag isa ang nangangarap. ang gusto nya ay magmahalan lang kami. pinag tutuloy ko sya mag college kasi 2nd year na sya ayaw na daw nya. mahal na mahal ko yung tao kaya lang feeling ko mahihirapan ang magiging buhay ko sa kanya kung magkataong magka anak kami. ngayon naguguluhan ako, tama bang iniwan ko sya dahil wala syang pangarap at sobrang tamad nya? maliit na bagay ba yon? i mean mababaw ba ang dahilan ko?