Symbianize Forum

Most of our features and services are available only to members, so we encourage you to login or register a new account. Registration is free, fast and simple. You only need to provide a valid email. Being a member you'll gain access to all member forums and features, post a message to ask question or provide answer, and share or find resources related to mobile phones, tablets, computers, game consoles, and multimedia.

All that and more, so what are you waiting for, click the register button and join us now! Ito ang website na ginawa ng pinoy para sa pinoy!

3 Rules sa PagMove-on Para sa mga Sawi Sa Pag-Ibig

Status
Not open for further replies.

mitobe

Recruit
Basic Member
Messages
4
Reaction score
0
Points
16
http://mitobe.blogspot.com/2016/07/3-rules-sa-pagmove-on-para-sa-mga-sawi.html

3 Rules sa PagMove-on Para sa mga Sawi Sa Pag-Ibig

Na-InLove, Nagmahal, Naiwan, Nasaktan...

Mukang pamilyar ba sayo ang cycle na yan? Tulad mo, nasaktan na rin ako, naiwan, naloko, naging tanga, etc.. at alam ko na ang break up ay isa sa mga ayaw naten maranasan sa buhay. Sino ba naman ang gusto ng breakup, wala naman di ba? Gusto naten maging masaya sa relationship pero syempre, blessing din yan dahil tuturuan ka kung paano mo makikilala ang sarili mo, at paano maging matatag sa buhay.

Nagkaroon ako ng 5 year relationship sa ex ko. Marami nagsabi na "sayang naman". Oo sayang nga, 5 years ang sinayang. 5 years ang tinapon. Pero syempre ano ba magagawa ko? Imbes na puro galit ang nasa puso ko, baka magkasakit pa ko. Tinanggap ko na lang ng buong buo na wala na kaming dalawa. Pinagdasal ko na lang siya na sana maging masaya siya sa bagong bf niya kahit masakit, pinapasa Diyos ko na lang. AMEN!

Isshare ko sa inyo ang 3 rules sa pag move on. Eto ang mga ginawa ko nung baliw na baliw pa ko sa ex ko. Tuwing naaalala ko, natatawa na lang ako. Bago tayo magsimula, gusto ko lang sabihin na ang pag move on ay isang proseso. Hindi ito overnight lang, nakapag move on ka na. Kagaya ng sinabi ko, isa itong proseso. Pero syempre gawin mo dapat ang "TAMANG" proseso at yan ang ituturo ko.


1. Acceptance - Aminado ako na matagal ko natanggap na wala na kaming dalawa. Ilang linggo at buwan ko rin lagi iniisip kung baket kami nagbreak dalawa. First step, acceptance. Tanggapin mo na wala na kayong dalawa. Single ka, single din siya at anytime pwede siya magkaroon ng bagong bf/gf na ayaw naten malaman pa.

Wag ka na maghabol sa ex mo, kung nakipagbreak siya sayo, that's it. Naniniwala ako na it takes a lot of responsibility ang pakikipagbreak up. Kaya, kung nakipagbreak siya sayo. Desedido na yan. Napag isipan niya, kaya tanggapin mo na lang. The more na naghahabol ka, mas nasasayang ang panahon mo. Tandaan mo ito, wag ka mag aksaya ng oras sa taong hindi ka na pinapahalagahan. Napaka UNFAIR di ba?

Wonderful quotes na pwede mo basahin tungkol sa acceptance:
1. Moving on doesn't mean you forget about things. It just means you have to accept what happened and continue living
2. Don't try to understand everything, because sometimes it is not meant to be understood, but to be accepted.
3. Letting go doesn't mean giving up, but rather accepting that there are things that cannot be.
4. Moving on, it may not be an overnight process but it always starts with acceptance, time will heal you.
5. Sometimes you have to accept the fact that certain things will never go back to how they use to be.
6. Accept the situation for exactly what it is instead of trying to manipulate it into what you think it needs to be.
7. The best reveng is moving on and getting over it. Don't give someone the satisfaction of watching you suffer.

2. Do not talk to your Ex - isa sa mga pinakamahirap na challenge para sakin. Ang hindi pagkausap sa ex ko. Marami siguro disagree dito pero kung gusto mo talaga makapag move on. Tigilan mo na ang pakikipag usap sa kanya, in any form of communication, text, call, fb message, etc..

In my 1st week of no contact, mahirap talaga. Gustong gusto ko siya itext, or tawagan pero linalabanan ko ang sarili ko. Pero ano ba ang benefit ng no contact with ex? Well, magkakaroon ka ng peace of mind. Eto talaga ang kailangan mo eh "peace of mind" yung wala kang bagong iisipin although hirap ka pa rin sa pagtulog dahil sa pain pero wala ka ng bagong issue na iisipin sa kanya.

Kapag hindi mo kausap si ex, mas makakapag move on ka ng mabuti. Yung iba, mas pinipili pa rin na makausap ang ex para updated sila sa nangyayari pero ang hindi nila alam, they're just creating a huge pitfall, parang sinasaksak mo na din ang sarili mo. Yung relief na nararamdaman mo kasi kausap mo siya? Hindi totoo yan. Mas masasaktan ka lang.

Yung iba naghahanap pa ng excuse para makausap lang ang ex. Yung excuse na "closure". Tapos sasabihin nila na, "kelangan namen magkita para may closure"... Closure ba talaga ang kelangan mo? O gusto mo lang siya makita?

Hindi mo kailangan makipagkita sa ex mo kung gusto mo ng closure, nasa sarili mo yan. Accept the fact na wala na kayo, that's closure.

Yung iba naman mahilig mag post ng hugot o patama sa Facebook. Napaka immature na gawain. Pinapakita mo lang sa ibang tao at sa ex mo, kung gaano ka kahinang tao. Wag ganyan. Wag ka na rin magsesend ng fb message, likes, comments, or tag sa kanya.

Iunfollow mo na rin siya kung ayaw mo siya iunfriend para hindi mo makita ang mga updates tungkol sa kanya. Pero i strongly suggest na iunfriend siya. Teka, hindi pagiging bitter yan, you're just helping yourself to move on.

After 1 week of no contact, believe me, medyo magkakaroon ka ng gaan sa pakiramdam. Not talking to your ex is same with staying away from his/her radar. Parang hindi ka nag eexist. Ganern!

3. Focus on Yourself - Alam mo ba ang break up ay isa din blessing? Oo! Totoo yan! Dahil magkakaroon ka na ng time para sa sarili mo di ba? Kung gamer ka, wala ng magagalit sayo kung panay dota ang ginagawa mo or gimik with your friends! Eto na ang chance mo na makipagreconciliate sa sarili mo. Balikan mo ang mga kaibigan mo na once mo na iniignore. Mas masaya kasama ang mga kaibigan.

Change is better. Magkaroon ka ng bagong hobby na pwede gawin at maging busy ka. Tulad ng ginawa ko, I decided to lose weight, mag gym para mag work out. I keep myself busy, kasi kapag nasa bahay ako, malulungkot nanaman ako. I am also into online business, sumali din ako ng network marketing business, sumali din ako sa cycling group. Nagbibike kami every weekend. Keep yourself busy.

I temporarily close this thread para maiwasan ang mga cross posting. Kung may questions kayo related sa thread ko, wag po kayo mahihiya na mag send saken ng PM. Open po yan sa inyo. I will try my best na sagutin yan. You can also visit my blog http://mitobe.blogspot.com/2016/07/3-rules-sa-pagmove-on-para-sa-mga-sawi.html

Salamat po at sana nakatulong! :)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top Bottom